Tuesday, April 14, 2009

Youngstar

Nagsulputan ngayon na parang kabute ang mga bagong aktor at aktres sa mundo ng showbiz. Mga youngstar ika nga. Dahil na rin sa tulong ng ibat-ibang reality show sa kabi-kabilang istasyon. Mga bagong kakikiligan ng bayan, mga bagong heartthrobs at patweetums, mga bagong love teams. At ang mga bagong ito? Maluluma din. Malalaos din. 'Yun ang totoo.

Nuong dekada-90, kabataan ko. Ilan sa mga youngstar na natatandaan ko noon na hangga ngayon ay nasa showbiz pa ay sina Claudine, Jolina, Paolo Contis blah blah blah...

Naalala ko bigla 'yung Ang TV. Owws? Naalala mo rin.

"4:30 na! Ang TV na!
doowadee beedeedeedumbeedeedoo..."


Esmyusskee...
-Your esmyuss.

Ah lola san ho ba papunta itong daan na 'to?
- Eh hindi ko alam apo sa tagal ko na dito di ko pa nakitang umandar yan.
Ngek!!!


Goin' bulilit ngayon. Ang TV noon. Swerti tayo naabutan natin 'yun. Isa sa mga pinagkaka-abalahan at inaabangan natin dati. Hindi tulad ng mga kabataan ngayon (hindi ko naman po nilalahat) dota ang inaatupag. Laging lagpak ang grado sa eskwelahan. Alak. Gimik. Magti-teenager pa nga lang marunong ng manigarilyo. Minsan tirador ng de-lata sa may tindahan. Ang iba naman may hawak hawak...

Teka. Teka lang. Nalilihis ata ako...

Saan na ba kasi tayo? Ay ayun. Onga pla... ang gusto lang sana malaman, saan na yung mga dating youngstar na naging part din ng Ang TV? Ilan kasi sa kanila 'di ko na nakikita.
Tulad nila...

Marc Solis - 'yung kulot na lubog ang mata.
Kristopher Peralta - may langaw sa pisngi. Sidekick ni Patrick Garcia.
Luigi Alvarez - parang labanos. Utol ni Gio Alvarez.
Alfred - matabang batang malaki ang tiyan.
Stefano Morri - may maliit siyang dimple na medyo mahaba ang baba.

Tsaka ibang mga bebot tulad nina Paula Peralejo, Anna Larucea, Erika Fife at marami pang iba. Ilan lang sila sa mga hindi na nagpatuloy sa career.

Maaring isa ka pala sa mga fans nila. Malay natin bumalik sila bigla. Ang saya mo di ba?!


11 Sumablay:

PABLONG PABLING said...

parekoy

napag hahalata ang edad mo sa post mo na ito ha

lols wala akong matandaan ni isa sa mga hinahanap mong artista jan. hahaha. pero masasabi kong panatiko din ako nang ang tv dati

iba talaga pag kapamilya..
ahahaha

HARI NG SABLAY said...

haha d naman tayo gnun ktanda paps

kox said...

hahaha.. oo nga, sang ayon aq kay Pa-Pa, napapaghalataan. wahahaha (tawang demonyo.) napapag halataan ang mga edad! wahaha... :) di q kilala ung mga nabanggit sa taas, huhuhu..

HARI NG SABLAY said...

haha deny pa kayo dyan...

Nash said...

naabutan ko naman sila :) cheers

PABLONG PABLING said...

hahaha

ikaw lang talaga nakakatanda hahaha

kox said...

bata pa ko,, hahaha...

PoPoY said...

ang tv fan ako. the group ha. napadaan lang. nakibasa sa mga latest at previous post mo. goodluck sa blogging career mo :)

byter said...

Naka-relate ako sayo bebe boy next door, i-remember ng medyo bata pa ang mundo parang hinahabol ako ng mumo tuwing hapon kasi kailangang umabot ng Ang TV. Na miss ko na si Papa Victor Neri at si Kristoffer Peralta...

EǝʞsuǝJ said...

pakoment..hehe..honga hindi ko na nakikita yang mga batang iyan sa tv ngayon.. Eh may nabalitaan pa nga ako nung kelan, si Steffano Mori daw eh namatay na..ayun naman pla eh sismis lang..hehe..

HARI NG SABLAY said...

@Pa-pa, kox npilitan akong mgpost ng pics pra ptunayang hndi pko tnders.hahaha dumepensa.

@Popoy slamat slamat

@byter haha fan ka pla ni Kristofer. iba tlga pag bata eh noh?

@Jenskee hrap bsahin ng pangalan. ows?nmatay n ba un?wag nman sana akong dlawin. nyayy...

Post a Comment