Sunday, May 31, 2009

Batuta

Magpapasukan na lang wala kapa rin mapiling kurso. Dapat piliin mo yung hilig o yung gusto mo talaga para hindi ka absent ng absent. At hindi puro bote ng alak, tisa, o keyboard ng computer yang hawak-hawak mo. Pero kung hangga ngayon naguguluhan ka pa rin, advice ko sa'yo mag-CRIMINOLOGY ka na lang. Tiba-tiba ka dito kung sakali. Hindi lang yun. Pwedi kapa maging senador pagdating ng araw.

Bilib ako sa mga estudyanteng kumukuha ng ganitong kurso. Totoo, walang biro. Alam ko nasa isip nila baguhin ang imahe ng mga kapulisan dito sa bansa. Dahil marami sa ating mga pinoy walang bilib sa mga pulis natin. Pero meron pa rin namang matitinong pulis... *ssshhhh* sa pelikula lang. Lalo na kung ang gaganap ay si FPJ, Daboy, Bong Revilla, at Mikey Arroyo.

Seryoso na. Meron pa din naman talagang tapat sa kanilang tungkulin, mga tumutupad sa kanilang sinumpaang responsibilidad. Kaya sa inyo, dalawang kamay ang aking pagsaludo. Heto pa, 5 thumbs up!
 
PNP. Buhay man ay iaalay... kung kinakailangan. Naks! Hanep sa posing! San kapa? Palakpakan naman dyan...

Teka sino ba kalaban niyo dito? Asan sila? Sila ba?

Anak ng tokwa! Eh mga PULIS PANGKALAWAKAN tong mga to eh! Umaabot rin pala kayo sa universe. Galing talaga mga Pilipino. Whoooo! Kala ko hanggang Mendiola lang kayo.

Saturday, May 30, 2009

Medyo Mahalay

BABALA: 18 years old pababa. Bahala ka.
Kahit naman sabihin kong wag basahin itutuloy mo pa rin. *Lol*


Gusto mo bang hawakan ang bay*g ng bf mo kahit nasa pampublikong lugar kayo?
I-straight mo ang kanyang kamay at kapain ang kanyang siko.

Ang texture DAW ng siko at bay*g ay magkapareho. Tip lang, magmasid sa kapaligiran kung gagawin ito. Pag may nakita kang ngingisi-ngisi alam niya ang ginagawa mo dahil ginagawa niya din yun.
Ano magaspang ba sa'yo pre? Sakin medyo. *Lol*

Heto pa.
Kung gaano kalapad ang noo ng babae, ganun din DAW kalapad si kiki. Kung ako sa'yo patubo ka ng bangs. Iwas asar.

Ang size ng talampakan ng lalaki divided by 2 plus 2, ganun DAW kahaba si totoy. Kaya ako mahilig ako bumili ng sapatos na maluwang sakin.

Kung gaano kahaba ang tenga ng babae, ganun din DAW kahaba ang guhit ni kiki. Kung malaki tenga mo na parang engkantada. Magkadugtong siguro ang puwit at si kiki.

Kung ano ang kulay ng talampakan ng babae, ganun din DAW ang kulay ni kiki. Kung medyo pinkish yang talampakan mo, AYOS! Pero kung medyo brownish, wag mo na ipagmalaki. Mag-medyas ka lagi.

Ang hinlalaki (thumb) na daliri sa kamay ng lalaki times three (x3), ganun din DAW kahaba si totoy. Sinukat mo ba?

Ang hinlalaki ulit (thumb again) na daliri sa kamay ng babae kapag pinagdikit, ganun DAW kaluwang ang butas ni kiki. O bakit ka nakatingin sa hinlalaki mo?

 
DAW = wag ako sisihin mo. ;)

Thursday, May 28, 2009

Tik-tak-tik-tak

"It is better to be late than never."

Sa paaralan, kapag late ka lampas ng 15 mins. automatic absent ka na o hindi ka na papasukin. Dependi sa rules ng eskwelahan o kung gaano kahigpit ang professor mo. Sa opisina, late ka lang ng 5 mins. napakalaking bagay na lalo na kapag may miting. Sa paligsahan, kapag hindi ka dumating sa tinakdang oras sigurado talo kana/kayo. Sa magkasintahan kaya? Gaano ka-importante ang salitang late? Ilang minutes kaya ang pwede?

Madalang na nga lang kami magkita, pero di pa dumating yung pagkakataong nauna akong nandun sa napag-usapan naming lugar. Kaya malayo pa lang nakikita ko ng umuusok ang ilong at nanlilisik niyang mga mata.

Kanina ka pa?
Huh? Hindi naman masyado. Medyo nangawit lang naman yung paa at namanhid ang puwit ko sa kakatayo at kakaupo.

Hehe. Sensya na. Kasi yung...
Nagpapatawa ba ko? HA?! Ang lapit-lapit lang ng bahay... blah blah blah...

Sa katunayan, malapit nga lang ang bahay namin sa kung saan kami madalas magkita. Gasgas na kasi ang mga palusot kong...
...eh ang trapik kaya. May nagbanggaan ata o dumating na artista.
...walang dyip. Strike ata. O laban ba ni pacquiao ngayon?
...si manong driver kasi, kung makapag drive para kaming nakasakay sa kalesa.
...si manong driver kasi, ang takaw sa pasahero. Kulang na lang gawin niyang tatluhang tao ang tabi niya.

Lagi na lang si manong si manong si manong... si manong na walang malay, si manong na walang kamuwang-muwang, si manong na... nakalimutan ko next line. Basta si manong lagi kong dahilan. At walang kamatayang trapik.

Ganun lang naman lagi. Konting sermon. Konting tampo. Pagkatapos nun, HHWWPSSP. Nasasapawan pa rin kasi ang anumang tampuhan sa pananabik naming pagkikita.

Pero natatakot ako. Baka dumating yung araw bigla na lang siya magsawa. At bigla na lang di sumipot sa napag-usapang tagpuan.

"It is better to be never late."

Monday, May 25, 2009

Pangalawang bagsakan

Oisssttt... Psssttt... Ikaw. Oo ikaw mismo. Halika dito. Anong bakit bakit. Wag ka ng magtanong pa. Lapit na dali. Hehe. Lapit pa ng onti. Nakikita mo ba yung mga tinatambayan ko? Yung sa aking sidebar. Hoy! Hindi yun si Johnlloyd, AKO MISMO yun! At hindi yun ang sinasabi ko. Yung nasa BLOGROLL ko, nakikita mo ba tambayan mo dun? Yung site mo mismo. Ayos. Kunin mo to para sayo mga ito mismo. Pati pala nasa FOLLOWER ko. Itago mo para sa pagkakaibigan natin sa mundong ito. Naks! Salamat sa pagtanggap. SA'YO LAHAT YAN, bigay ko mismo.



Ako mismo ay nagpapa-salamat sa mga nagbigay nito sa akin. Alam niyo kung sino kayo. Salamat kaibigan. Di ba nakakagana magsulat pag may mga ganitong taong nakakaapreciate sa mga gawa mo, at nagbibigay ng ganito. Oh ano pang ginagawa mo? Tara na inuman na. Patak-patak. Asan na tig-bebeinte niyo.

Maraming salamat kina Rhodey ng Kape at Yosi, Gello Kun ng Barakong Cup Eh, at Tonio ng Acongtatsulok para sa mainit-init na award na mga ito. Lahat ng nakikita mo dito, SA'YO LAHAT YAN. Tanggapin mo sana kaibigan.


Teka. Kilala mo ba si Brando? Yung sikat na boksingero nung nalaos si Pakyaw? Hindi ba. Magulo ba ko? Ah basta sige kukwento ko na lang sa'yo pag hindi na busy-busyhan. Hehe.

Sunday, May 24, 2009

Busy-busyhan

Nabalitaan ko namatay daw si Michael Scofield sa Prison break season finale. Di ako naniwala. Kinulit ko si google. Ayun namatay daw. Apat na season ko rin siyang inidolo. Ginaya-gaya. Inabangan. Kaya ngayon di pa rin ako makaget-over. Pasensya kung medyo nanahimik ako ngayon, pero babalik din ako dadalawin kayo. Nakikipaglamay lang kasi. Naks! Parang totoo. Pero totoo nalungkot talaga ako kahit di ko pa napapanood. Uuwwaaahhhh... Huhuhuhu... uuwaaaahhh... iiuuusssshhhh (singot sipon).

Hoy nananaginip kana nanaman! Sana nga panaginip pero hindi. Uuwwaaahhh... huhuhu... awoooohhhh... awooohhhh... hala naging si Victor na. Buti na lang nandito si Logan. Schhikk! Shhhiing! Shhhiing! Nabitin ako sa effects nito, saka fight scene. Angels and Demons? Para sakin, WALANG KWENTA!!! Nasayang lang yung tick... hindi pala nasayang. Ahihihi (ngiting demons).

Nga pala bat hindi tinutubuan ng pimples si HK? Sabi kasi sakin nung bata ako... Hoy! wag kang kain ng kain ng mani ah, magkakapimples ka! Ay onga pala may VB siya. Pero nakakapagpatalino daw yun. Yung peanut. Kaya siguro naging doktor siya noh.

Paalala: Ang pikon ay laging talo. ;)

Friday, May 22, 2009

Tong

Pung!!! (sabay bagsak sa mahjong) All up! All chow! Iskalera! Before the fifth! Paningit!

Nasanay na ako sa maingay na pagbalasa sa mahjong at kalaksing ng mga barya. Pero may pagkakataon bigla na lang ako magigising at mapapa- Pung tangNa! Kala ko ano na nangyari! Tumodas lang pala siya. Hay... Balik sa tulog.

Teka muna, para sa hindi nakakaalam. Ang mahjong pala ay may hawig sa larong cuajo pero cards ang gamit sa cuajo. Kung hindi alam ang cuajo, ito ay may pagkakatulad sa larong tong-its. Kung hindi pa rin alam ang tong-its, pag may nakita kang may hawak na baraha habang pinapadede ang bitbit na bata, yun tong-its ang nilalaro nun. Tanong mo sa kanya panu maglaro ng ganun. Okaya naman pag may nakita kang mamang walang damit na malaki ang tiyan na mukhang singit, tong-its din ang nilalaro nun. Pag pag may nakita ka ring matandang may bitbit ng plastik ng yelo na puno ng barya, yun tong-its ang lalaruin nun. Ano ang basehan ko? Punta ka dito sa baryo namin. Maraming ganito. Hahaha.

Musmos pa lang ito na napapanuod ko sa mismong likod ng bahay namin. Mahjong, cuajo, tong-its. Araw-araw hangga ngayon. Libangan? Ewan. Basta yun ang sabi sakin. Bonding na rin sa kanyang mga amigas. Sila-sila lang naman eh. Siguro pag nawala ito, e telebabad na lang sa mga kumare ang pampalipas oras ni ermats. Gustuhin ko man na bigyan siya ng negosyo, eh pambili man ng sigarilyo nahihirapan ako.

Wala naman akong reklamo, kahit inuutos-utusan pa ko at binubulabog para bumili ng kanilang merienda. Ok na din ang ganito, nakakakupit kasi ako sa tong. At hindi lang yun, pag nanalo may balato. Pero pag natalo, uhmmm... may bukas pa naman.

Pangit man tignan ang ganito sa aming pang-araw-araw na pamumuhay, ang importante wala kaming natatapakan na tao. At nalilibang si ermats.

Kaya kung tatanungin mo anung sugal ang hindi ko alam. Wala ang isasagot ko. Sugarol na kung sugarol.

Wednesday, May 20, 2009

Iskrats

Ano man ang kanilang dahilan bakit nila inagaw pansamantala ang aking mga libangan hindi ko alam. Huhuhu. At wala akong pakelam. Hahaha. Ang alam ko lang nakakabaliw ang ganito. Waaahhhhh!!!

Ginising ako ng bentilador kong hindi ko nararamdaman ang binabatong hangin. Napakainit. Tagaktak ang pawis. Tumayo. Kumain. Pagkatapos nun, tumunganga iniisip anong magandang gawin. Walang TV, kahit radyo man lang. Walang baterya ang laptop, tinitipid naman ang sa cellphone. Uy ipod hindi ginagamit. Nice. Teka asan yung earphone? Makapagsolitaire na nga lang. Kinuha ang baraha. Binilang. Ay bat kulang? Naghanap ng magazine. Hmp! Ano ba to puro malalaswa. Kumuha ng dyaryo, maghahanap ng trabaho. Date ng dyaryo: April 2007.

Makatambay na nga lang sa may tindahan. Wow ang lamig. Para kang piniprito. Bumalik sa kwarto sumayaw ng walang tugtog. Waaahhhhh!!! Pambihira naman oh. Ano ba tong ginagawa ko. *TING* Ah mabuti pa makapgsulat na lang sa aking iskrats.

Teka bakit pag walang kuryente, brownout ang tawag? May scientific explanation ba ito? O mathematical equation? Grammatical error? Philosophical study kaya? Ang iba naman sinasabi walang power. Marahil tama sila, dahil *EHEM* based sa napag-aralan ko sa subject naming circuits. Power is... uhmmm... power is equals to... uhmmm... Ay sakto may kuryente na! Ayos!!!

Monday, May 18, 2009

Selos

Natural lang ba ang magselos? O isang kabobohan sa iilan?
Mahal mo nga ba talaga ang isang tao pag nagseselos ka? O mahal mo ang sarili mo?
Ayaw mo lang ba talaga siyang mawala? O wala ka lang tiwala sa kanya?
Gusto mo lang ba ipakita sa kanya na mahalaga siya? O naghihigpit ka?
Sigurado ka bang selos yan? O baka naman insecure ka lang? O di kaya naiinggit?
Emosyonal ka lang ba talaga? O masyado lang kung magdrama? OA ika nga.
Ayaw mo matawag na manhid? O ayaw mo lang na makahanap siya ng yong kapalit?
Kinikilig ka ba pag nagseselos siya? O nang-iinsulto ka?

Selos. Maaari ba nating maramdaman lahat ito? O para sa may mga karapatan lamang?  

Saktong selos. Pwedi pa. Sobrang selos. Tama na.
Pero paano mo malalaman kung sakto o sobra? Diba pag marami na ang sakto, nagiging sobra na.

Para sakin, pag nagseselos ka hindi ka nagmamahal. Dahil ang taos na pagmamahal ay hindi nagseselos. Ito'y handang umunawa.

Selos. Walang gamot sa ganyang sakit.

Sunday, May 17, 2009

Closed-door meeting

Corny muna tayo...
Kasalukuyan akong nagty-type ng bagong entry (habang may hawak-hawak na yosi at pa alt-tab alt-tab sa isang porn site) ng ipinatawag ako ni gentleman. Closed-door meeting daw kasama ang mga hurado ng naturang site.

Naisip ko na agad para saan ito. Para sa isang mainit na laban sa botohan namin ni foolishsociety. Inglesh ang usapan kaya patango-tango na lang ako. Dahil hindi ko maintindihan yes or no, ok-alright lang ang aking mga sagot. Pag nagtatawanan sila, nakikitawa na din ako. Minsan ako pa nga ang malakas kung humalakhak, pero hindi nila alam wala ako maintindihan sa kanila.

Natapos ang meeting sa paghahayag kung sino nanalo. Drum roll. Tsadan... mytalambuhay! Nabigla ako. Palakpakan. Nawala ang antok. Pumunta sa harap para sa isang konting speech. Tumatawa-tawa lang na parang gago, kunwaring patingin tingin sa badge (naks!), at puro... Ahhmmm...Thank you! Yes! Ok-alright lang ang aking mga nabitawang salita. Pagkatapos nun, tumakbo ako ng mabilis papunta dito sa kwarto ko para isulat ito.

Seryoso na tayo...
Alam kong katuwaan lang ang ganito. Pero kahit na hindi ganun kaseryoso iba pa rin ang feeling pag nanalo. Ibig sabihin nagiging angat ka sa iba sa ganung mga pagkakataon. Malaki o malit man ang ganito pinahahalagaan ko po ang mga ito, dahil alam kong pinahahalagaan niyo din ako.

Maraming salamat kay Composed Gentleman. Sa mga hurado. At siyempre SA'YO!
Maraming salamat...
- Sa mga sumusuporta. Sinusoportahin din kita. Astig ang site mo.
- Sa mga naniniwala sa kacornihan ko. Corny ka din aminin mo.
- Sa mga nakasimangot habang bumoboto. Hahaha. Pasensya na po kayo.
- Sa mga nakukulitan. Pwedi pa pong isa? Hahaha.
- Sa mga kaibigang dumadalaw. Basta nag-iwan kayo ng bakas sigurado dadalawin ko din kayo.
- Sa mga kapwa nominado. Iniidolo ko kayo. Ganda ng mga site niyo.

Panalo tayo. Pwedi bang i-share yung badge? Kunin niyo, ako bahala kay gentleman. Hehe Biro lang. Baka bawiin sakin. Muli maraming salamat sa inyong lahat. Pasensya na ayokong magbitaw ng pangalan baka may makalimutan ako magtampo pa sakin.

Kahit gaano pa kagara ang badge o prize, wala pa rin hihigit sa kagaya mong patuloy na nagsasayang ng oras, tumatambay at nakiki-pagchikahan sa mumunti kong buhay at karanasan. Mabuhay ka kaibigan!

PS. Tutal malapit na rin ang bday ko, akong bahala sa iyo. Pitong buwan na lang... :)

Friday, May 15, 2009

Trapo

batang babae: kuya...(sumakay sa pedicab)
mar roxas: oh... ilang taon ka na?

batang lalaki: si Lali po anim, ako po trese.
mar roxas: anung pangarap nyo?
batang lalaki: seaman sana.
batang babae: ako po artista!
batang lalaki: pero hindi ko na iniisip, kanya kanyang kayod po dito, walang maayos na trabaho, walang pambili ng gamot.
mar roxas: (iiling-iling) anak itabi mo, dyan lang ako sa kanto, sukli sa beinte!

This is a true story
neneng: pumunta ako sa Riyadh para buhayin ang pamilya ko, pero inalipin ako dun. Sa hirap dinugo, lumuha-luha ako.
roger (asawa): lumapit ako kay Manny Villar para makauwi ang asawa ko.
manny villar: kapag may nangangailangan... lalo na mag eeleksiyon, magpapakitang gilas ako. Dahil hindi ko matiis na lamangan ako ni Mar Roxas.
 
Nakakatuwa kayo. Trapo. Nakakaloko. Ginagago na naman tayo.

Kabibili ko lang ng gamot sa pinakamalapit na botika dito sa amin. Nadaan ako sa eskwelahan ko nung elementarya. Imbes na bumalik ako sa nakaraan. Magreminisce ika nga. Pumasok sa isip ko, eleksiyon na naman pala. Ambilis ng panahon parang kelan lang pinalayas si pareng Erap sa malacanang. At ngayon di tayo makapaghintay gusto na din nating tapusin ang termino ni GMA.

Isang taon na lang, gaguhan na naman. Isang pangulo nanaman ang pipiliin natin at pilit na palalayasin din pagdating ng araw. Madali bang magsawa ang mga pinoy o sadyang mahilig lang tayong makipag-lokohan. Maraming kakandidato. Maraming mang-uuto. Kung meron sa kanila ang kayang lumunok ng isang buong manok, yun ang iboboto ko. Pare-pareho lang naman kasi sila. Mukhang... wala.

Minsan naiisip kong hindi na lang bumoto. Nanghihinayang kasi akong ibigay ang isa kong boto sa taong darating ang panahon magiging din demonyo. Pero kung 1M pinoy ang kagaya kong nag-iisip ng ganito. Hindi talaga tayo aasenso. Mahirap mang aminin pero hindi na ata talaga darating ang taong makapag-aahon sa mga pilipino.


Teka lang ha. Magkaliwanagan muna tayo. Sino ba ako? At sino ka din na parang sumasang-ayon sa mga sinasabi ko? Bat andami kong dada eh isa din naman akong salot ng lipunan. Tambay. Walang pakinabang. Na parang isang timba kung makapaghugas ng kamay. Ang gusto ko lang naman iparating dito kung naghahanap tayo ng pagbabago makikita natin. Eh kung simulan kaya natin sa ating mga sarili. Unfair nga naman sa ating namumuno kung iaasa natin sa kanya lahat. Sa madaling salita, nasa ating mga kamay ang asenso ng ating kapwa pilipino.

Wednesday, May 13, 2009

Mahiwagang kabinet

Kanina. Para naman maging productive ang araw ko at hindi puro tambay-tulog-kain lang, naisipan kong maglinis ng inaagiw kong kabinet. Ang aking kabinet ay may tinatagong hiwaga. Dahil sa mismong loob nito ay may de-susing maliit na lalagyan na nababalot ng misteryo.

Heto ang mga mahiwagang laman nito. Hindi ko na isisikreto. Sa atin-atin lang.
Lumang letrato ng dating kasintahan. Hindi ako mahilig magsunog ng pictures kahit gaano pa ako ka-bitter.
Baduy na mga love letter. Yung tipong may mga linyang hanggang sa dulo ng walang hanggan. Notebook. Naging tahanan sa aming mga emosyon at naglalagablab na damdamin ng aking dating kasintahan.
Resibo ng tuition fee. Mga hindi pinakita sa aking mama nung ako'y marunong pang mangupit.
Tag. Kahit galing pa sa ukay-ukay basta may tag ang damit na iniregalo sakin itatago ko.
Bracelet/anklet. Simbolo DAW ng pagkakaibigan.
Pregnancy test. Dala ito ng pagaalinlangan at di mapakaling sitwasyon. For the record, negative lahat. Humahaba ilong ko. Hahaha.
Panty. Inarbor pagkatapos ng mainit na eksena. Nakarolyo pa. Salamat at nawalan na ang mga amoy dahil sa matagal na pagkakatago.
Bote ng mga pabango. Pampaneutralize sa amoy ng mga panty.
Lighter. Mga ubos na ang laman. Napitik sa aking mga katagayan.



At kung anu-ano pang mga ka-ekleran at ka-chorvahan ang mga nakatago dito. Ito'y mga mumunting alaala lang na pinahahalagaan ko. Meron pa palang isa pero akin na lang yun. Nakakahiya. Ahihihi.

Monday, May 11, 2009

Modus Operandi

Dahil mother's day kahapon nagsimba ako. Occasionally lang kasi ako nagsisimba, biro lang yun siyempre. Madami tao. Pinoy nga naman relihiyoso.

May the good Lord bless... Amen.

Diretso agad sa mall kasama ang isang kaibigan (kaibigan daw oh). Madami din tao. Hindi ako sanay sa maraming tao (hindi lang dahil pinagkakaguluhan ako) dahil nahihilo talaga ako. Hindi naman ako tingin ng tingin sa mga bebot (owwwssss?), ewan ko bakit parang nahihilo ako pag ganun.

CR lang ako, sabi niya.
Ok upo muna ako 'dun, sabi ko. Sabay turo sa upuan.

Sa isang upuan kasya ang tatlong tao o apat pa nga kaso kalahati na lang ng puwit ang maiiupo ng pang-apat. Sakto umalis ang magsyotang nagsusubuan. Naiwan ang isang matandang babaeng nasa 40 ang edad. Kasamang nakaupo ang kanyang bag at mga shinopping.

Pwedi pong tumabi? Sabay ngiti.
Tango lang ang sinagot.
Umupo ako. Nilabas ang cellphone.

Panay ang pasimpleng tingin ng aking katabi. Iniisip ko na lang nacucute-tan siguro ito sa akin. Pero parang hindi, dahil napapansin ko din ang panay usog niya sa kanyang mga pinamili papalayo sakin. At ang napakahigpit na kapit sa bag. Ang nakakatuwa pa nito, napatingin ako sa kanya at seryoso ang pagtitig sakin. Nangungusap ang itsura na parang gusto ako palayasin sa kanyang tabi. Di siya nakatiis at siya ang lumayas.
 

Pagnilay-nilayan...
Hindi ko masisisi ang matandang babae kung iniisip niyang may masama akong balak. Alam kong nag-iingat lang siya. Sino ba naman ang hindi matatakot sa itsura kong parang ermitanyong mahabang buhok at balbas. Magkaganun man, hindi ba niya napapansin ang bagong repair at kumukutitap ko pang halo sa bumbunan. Ang gusto ko lang sabihin, bakit ganun na lamang ang tingin niya sa akin.

Hindi ko rin siguro masisisi ang aking sarili na sumakit ng onti ang aking loob. Ganito na ba talaga kung humusga ang tao? Susukatin ka base sa 'yong panlabas na anyo. Kung sabagay kahit sampung beses kapa magsimba sa isang araw hindi naman makikita sa itsura mo yun.

Friday, May 8, 2009

Mama's boy


Tok! tok! tok! (pasuntok ang pagkatok)

Pagbukas ng pinto. Si ermats. Naku.

Hari ng sablay tanghali na! Tumayo kana dyan! Maghapon ka ng tulog! Ano ba naman to?! Linisin mo nga kwarto mo! Ang tamad tamad mo! Wala ka ng ginawa kundi bigyan ako ng sakit ng ulo! Anong plano mo sa buhay mo?! Bbbrrrraaatatatataatatattataaaa...

Paglabas.

Hoy kayo naman (tingin sa dalawa kong kapatid) pare-pareho kayo! Pinapatay niyo ko sa kunsimisyon! Bbbrrrraaatatatataatatattataaaa...

Parang musikang ansarap sa tenga. Parang rap ni Francis Magalona. Kulang na lang ng beatbox para mas hiyang pakinggan. Parang ikaw ay nasa kalangitan.

Aminin mo one point in your life sinermunan kana din ng paulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit ng iyong magulang. SINIGAW-SIGAWAN para magising ang natutulog mong kukote. Pinalo para magtanda. Hinagisan ng telebisyo... hehe sobra naman 'yun.


Bumalik tayo ng mahigit dalawang dekada. Time space warp. Ngayon din!

Ipinanganak na talaga ata akong matigas ang ulo. Dahil sa madalas kong pagsuway sa magulang napeperwisyo ako. Dalawang beses na ko nakagat ng aso dahil sa kalikutan at kakulitan. Nasemento ang kaliwang kamay dahil sa pilay. Nakaapak ng nakausling kakalawing pako. Nasunugan na ng balat. Natamaan ng buhay na bato sa bumbunan. Naputukan ng bote sa kaliwang binti. At napakarami pang iba. Kung isa-isahin natin magtatagal tayo. Ang mahalaga buhay pa ako. May himala. Hahaha.

Sa mga pagkakataong nangyayari sa akin ang ganito, isa lang ang aking sinusumbungan, si mama. Dahil kapag kay erpats ako lalapit, dadagdagan pa niya ng latay ang nararamdaman ko, sasabihin niya... 'Yan sige tignan ko kung 'di ka pa magtanda dyan, tigas kasi ng ulo mo.

Hindi ko kinakahiya mama's boy ako. Laging nakakapit sa palda ng ina. Hindi makakilos mag-isa pag hindi siya kasama. High school na nga ako gustong-gusto ko pa din tumabi sa kanyang pagtulog. Magsasampung taon pa lang ako, siya na tumayong ina't ama sa aming tatlong magkakapatid. Nangibang bayan kasi si erpats. Hanggang sa kasalukuyan ganito kabigat ang kanyang resposibilidad. Sakripisyo, tiis, hirap, pagod, lahat na, name it. Lahat 'yun hindi matutumbasan ng kahit ano pa man.

Isa lang naman ang ibig sabihin ng mga sermon sa itaas. Mahal niya kami. Kaya napakasarap kung pakinggan. Para ka talagang nasa kalangitan.

Hindi man niya naririnig sa 'kin pero sana maramdaman niya ang lubos-lubos kong pasasalamat at paghingi ng tawad sa mga kasalanan ko. Sana maramdaman niya hangang-hanga ako sa kanya. Sana maramdaman niya, siya ang aking prioridad. Sana maramdaman niya, lagi ako nag-aalala sa kanyang kalusugan. Sana maramdaman niya, siya pinakamamahal kong babae sa buhay ko.

Mahal na mahal ko siya, ang problema lang, ni minsan hindi ko pa nasasabi sa kanya mula sa aking bibig ang mga katagang 'yan. Ang hirap bigkasin. Ang hirap bitawan. Parang nagkakahiyaan. Parang nagkakailangan. Lalo na ngayong malalaki na sungay namin. Darating ang araw makakahanap din ako...

Alam ko masarap sa isang ina ang sabihan ng mahal na mahal kita ma. Hindi ko masabi yun, dahil naghahanap pa 'ko ng salitang mas hihigit pa sa salitang mahal na mahal kita ma.



PS. Inadvance ko na... Happy Mother's Day to all mothers. Salamat po sa inyo. @>------ *rose*

Wednesday, May 6, 2009

Partee

Chill. Relax. Enjoy the night.

Konting pagalaw-galaw ng ulo. Pataas-tass ng kamay. Papitik-pitik ng daliri. Bahagyang padyak ng paa. Igewang ng onti ang balakang. Pasmile-smile. Papungay-pungay ng mata. Hawak-hawakan ang ilong. Kagat ng konti sa labi.


Pag may natipuan. Lapitan.
-Hi can i buy you a drink. By the way I'm...

Biglang darating ang bf.
Pre may problema ba?

-Huh? Wala makikiraan lang. Excuse me po.


Umexit. Konting pagalaw-galaw ng ulo. Pataas-tass ng kamay. Papitik-pitik ng daliri. Bahagyang padyak ng paa. Igewang ng onti ang balakang. Pasmile-smile. Papungay-pungay ng mata. Hawak-hawakan ang ilong. Kagat ng konti sa labi.

Tawanan ang sarili. Buti na lang madilim, di halata ang pamumula. Manahimik na lang. Lunurin ang sarili sa alak. Shot till you drop. Loser.

Tuesday, May 5, 2009

Ambag

Ayoko sanang gawin 'to pero nauuso at sigurado isang buwan na naman pag-uusapan. Kaya makikiuso na din ako. Isisingit ko lang naman habang mainit-init pa. Saka contribution na rin para sa pagiging proud pinoy ko.

Una sa lahat congratulations Manny for Congresman, ay I mean for killing Hatton. Naawa ako dun absolutely. Parang batang nahulog sa puno. Tsk. Tsk. Kaya Hatton now you kno!

Dati akala ko english ang makapagpapadugo sa ilong ni pacman. Pero ngayon, parang call center agent kung sumagot sa mga interview. Hanep talaga. Whooo! Lalu tuloy ako nagiging proud maging pinoy.

Salamat. Congrats sa atin.

.

"If in each of my fight the FILIPINO people are united, then I will fight everyday."
-Manny Pacquiao

Mike Tyson vs. Manny Pacquiao

.

PS. Teka mali ata 'tong nakuha kong picture ah. 'Di bale yan daw ata next fight ng ating pambansang kamao.

Saturday, May 2, 2009

Eroplano

Last year...

Marami akong naririnig tungkol sa'yo. Natutupad mo na daw mga pangarap mo. 'Di malayo mangyari 'yun. Naalala ko pa nga nung minsang nagawi ka dito sa amin. Sinisilipan ko ang puwit mo, dahil sa bakat na bakat mong panty. Pero 'di mo ko nakita nun, dahil nagtatago ako sa'yo. Nahihiya. Hindi kayang iharap ang mukha.

Noong nakaraang pitong buwan (October 2008). Wala akong magawa, nagfrifriendster lang. Naisipan kong isearch ang iyong pangalan. Napangiti ako. Nakita ko ang iyong account. Dali-dali kitang inadd. Nagulat ako ambilis din ng pagkaka-accept. Isa lang ibig sabihin nito. Tutok ka din sa iyong monitor.

Minessage kita. Nangamusta. Nagta-type akong parang gagong may ngiti sa mukha, nanginginig-nginig pa. Nagreply ka... "Hari ng sablay who are you? I'm sorry i'm not good in names, please help me to remember you." Matagal ang titig ko sa monitor. 'Di makakurap. Umaasang magbabago bigla ang iyong mensahe. Pambihira naman buhay 'to. Ambilis mo makalimot. Hindi mo 'ko nakilala sa pinagmamalaki kong primary photo. Nawalan ako ng gana. Hinayaan na lang kita. Maglolog-out na sana ako, pero may mensahe pa pala. Binuksan ko. Ikaw na naman... "Hari ng sablay ikaw ba yung chorva na taga chorva, anak ni chorva, pamangkin ni chorva?" Nagreply akong nanlalambot, "Oo ako nga." Nagmessage ka ulit..."Hahaha Kumusta ka na? Langya ka. Ano na balita sa'yo? Heto ym ko chat tayo ngayon dali. chorva@yahoo.com..." Bumalik ang aking ngiti.

Kumustahan. Kwento dito. Kwento doon. 'Dun ko nalaman bigatin ka na pala. Isa ka ng pina-sosing katulong sabi mo nga. International flight attendant. Humigit-kumulang walongpung libong piso kada lipad ang kapalit. Wow. Hindi na talaga kita maabot, kahit gumamit pa ko ng tungkod. At sinabi mo ding nalalagi kana sa Tita mong nasa US. Madalang na lang umuwi dito sa pinas.

Sinabi mo din may kasintahan ka, matagal na kayo at ngayon ay medyo nakakalabuan. Binigyan kita ng mga advice kuno, at sinabing... "magkakabalikan din kayo nun, konting tampuhan lang yan." Pero sa likod ng mga binitawang kong salita, ay ang puso kong naghihintay pa rin sa'yo hangga ngayon. Natapos ang ating kwentuhan sa pagpapalitan ng numero sa telepono.


Ngayon...

Lagi akong nagte-text sa'yo pag nababalitaan kong nandito ka sa pinas. Wala akong natatanggap ni isang reply. Para akong tangang sinusurprise at inaaliw ang sarili pag may natatanggap na mensahe. Lagi kong tambayan ang friendster account mo, gusto ko kasing makita anu na iyong mga napuntahan. At kung ano itsura mo sa iba't ibang anggulo. Makita ko lang ang mukha mo, wala na kong hihingin pa sa maghapon. Sabi nga ng shoutout mo, "i love the new me". No doubt. Kitang-kita naman sa iyong mga mata.

Pero nung minsang tatambay ako, nahilo ako sa kakahanap ng iyong account. Hindi kita nakita. Burado na pala. At sa tuwing maglolog-in ako sa ym, sasalubong sa kin ang iyong paglog-out.

Nagiging makulit ba ko sa'yo? O sadyang filingero lang talaga ako, kaya naiisip ang ganito. Iniisip mo siguro, pinaplano kong ibalik ang dating tayo. Nagkakamali ka. Maligaya ka na sa buhay mo, kasama ang half-pinoy half-unggo... i min half-canadian na boypren mo. Masaya ako para sa'yo.


Kasalukuyan...

Nasa pinas ka, noong nakaraang linggo pa. Ikasasal bukas ang kapatid mo. Bridesmaid ka daw, nasa invitation nabasa ko. Nakita ka na rin ng aking pinsan at pinakukumusta mo daw ako. Aaminin ko nagdulot ng konting ngiti yun sa aking pisngi.

May posibilidad na mapadpad ka dito sa amin, hindi para saken, kundi para bisitahin ang Tita at mama ko. Kaya ngayon, nakiusap muna ako sa paborito kong short na wag muna gamitin, salawal ko na minsang mapagkamalang basahan ng mama ko. Araw-araw akong bihis ngayon na parang gagong magsisimba ang walangya. Parang gagong may hawak-hawak na suklay bibili lang ng bawang sa may tindahan. Parang gagong nagpapanic pag may kumakatok sa pintuan. Parang gagong nangingisay pag naririnig ang iyong pangalan.


Parang gagong umaasa pa rin sa'yo hangga ngayon.

Friday, May 1, 2009

Born with blonde

Noon...

Matalik na magkaibigan ang pareho nating Tita. Grade school pa lang, magkakilala na tayong dalawa. Kababata kung ituring. Dati pa naman maganda kana. Hindi kita masyadong type. Naks! Hahaha. Kapal. Masyado ka kasing maganda para sa akin saka wala pa kong malisya nun. 'Yun naman pala. Pero crush kita onti lang. Tinutukso-tukso tayo sa isa't isa. Nananahimik lang ako. Nanghihiram kapa nga nun ng mga gown gown sa mama ko, para sa mga pageant chorva na iyong sinasalihan. Nanumbat. Hahaha.

Medyo matagal kitang hindi nakita nun. Nauso ang cellfone. Tinext mo ko hindi ka nagpakilala kung sino ka talaga. Dinescribe mo sarili mo na chinita, matangkad, maputi. Pinatulan kita. Naging mag-textmate tayo. Araw-araw. Gabi-gabi. Kinikilig-kilig. Hindi pa tayo nagkikita naging tayo na, lingid sa kaalaman kong ikaw pala yan. Lumipas ang ilang araw namatay lolo ko. Sa burol binulungan ako ng aking tita, ikaw pala ang kasintahan ko sa cellphone. Isang linggo kitang hindi nirereplayan. Ilan pang mga text at di na rin kita natiis. Humingi ka ng tawad at sinabing magsimula tayo ulit. Naks. This time sinabi mong seryosohan na. 17 yirs old ako, 16 kapa lang may nalalaman ka ng seryosohan chorva.

Nagkita tayo. Nahihiya akong lapitan ka. Mahiyain ako, kabaliktaran mong malakas ang loob. Tinititigan kita. This time may malisya na. Hehehe onti lang. Walang nagbago sa'yo. Nandun pa rin ang inborn-blonde sa buhok mo.

Naging normal na ang lahat. Tuwing nakakapuslit ako ng gabi dito sa bahay, diretso ako mall para sunduin ka sa pinagtatrabuhan mong fastfood chain. Lalu mo kong napapabilib pag nagkukwentuhan tayo, lalu na sa iyong kasipagan. Napagsasabay mo ang pag-aaral sa pagtatrabaho. Baliktad talaga tayo, masipag at madiskarte ka, tamad ako. Kaya kahit puro kalyo ang kamay mo, mahigpit kong hawak-hawak.


Hindi nagtagal ang ating love story. Sa 'di malamang kadahilanan, bigla tayong nagkalabuan. Nagkahiwalay tayo.


Ngayon...