Monday, May 18, 2009

Selos

Natural lang ba ang magselos? O isang kabobohan sa iilan?
Mahal mo nga ba talaga ang isang tao pag nagseselos ka? O mahal mo ang sarili mo?
Ayaw mo lang ba talaga siyang mawala? O wala ka lang tiwala sa kanya?
Gusto mo lang ba ipakita sa kanya na mahalaga siya? O naghihigpit ka?
Sigurado ka bang selos yan? O baka naman insecure ka lang? O di kaya naiinggit?
Emosyonal ka lang ba talaga? O masyado lang kung magdrama? OA ika nga.
Ayaw mo matawag na manhid? O ayaw mo lang na makahanap siya ng yong kapalit?
Kinikilig ka ba pag nagseselos siya? O nang-iinsulto ka?

Selos. Maaari ba nating maramdaman lahat ito? O para sa may mga karapatan lamang?  

Saktong selos. Pwedi pa. Sobrang selos. Tama na.
Pero paano mo malalaman kung sakto o sobra? Diba pag marami na ang sakto, nagiging sobra na.

Para sakin, pag nagseselos ka hindi ka nagmamahal. Dahil ang taos na pagmamahal ay hindi nagseselos. Ito'y handang umunawa.

Selos. Walang gamot sa ganyang sakit.

56 Sumablay:

tonio said...

based!

ako magseselos? no way! pogi yata ako...

(lord sori nagsinungaling na naman ako)...

yaikz!!

kox said...

naguguluhan din aq eh, haha.. pero naniniwala aq sau.. lang kwenta yung selos! haha.. pero depende! :)

Cayy Cayy said...

Depende kasi minsan yan eh.
Minsan naiinis ako pag hindi manlang nagseselos, ang feeling ko wapakels . -_-

EǝʞsuǝJ said...

Depende yan sa tao pare..

ako selosa ko..
pero nasa lugar naman..
nagseselos lang ako ng bongga kapag sobra na yung pakikipagharutan ng boylet ko sa iba...tsktsk...

ayus lang magselos..
pag nasa lugar..hehe

Yza said...

Para sakin, pag nagseselos ka hindi ka nagmamahal. Dahil ang taos na pagmamahal ay hindi nagseselos. Ito'y handang umunawa.


anu ka fortune cookie>:)
hahahah

HARI NG SABLAY said...

@tonio haha *lord* -wag ka magsinungaling anak hahaba ilong mo.lols

@kox uu nga ang gulo,haha wag ka maniwala sakin, maniwala ka sa sarili mo,hehe

@Cayy Cayy msarap din kasi mnsan ang filing pg pingseselosan ka,o my ngseselos sayo.

HARI NG SABLAY said...

@Jenskee ok lng nman magselos wag lang sobra saka wag OA,imaturity na kc pg gnun.

@Yza hndi ako fortune cookie,akoy fortune teller,nyayysss corny,

sabi ksi sa bible love is not jealous.

Yza said...

sabi ng bible lang yon, naniwala ka naman. toinks. haha
anyway, yer all good. :)

abe mulong caracas said...

haaay

ililigaw ka nyan...ng sinungaling mong puso!

SuperGulaman said...

selos? mhhhhh...para sa akin... selos is a form of pagmamahal....

...maraming paraan din kasi kung papaano ipakita ang pagmamahal... minsan hindi lang ito naipapakita sa mga yakap at halik... maaari rin itong ipakita sa pamamagitan ng mga hindi magagandang gawi tulad ng sermon, pang-aaway at selos...

^_^

Rhodey said...

depende sa selos, kapag selos na nagpapacute lang yung mahal mo okey lang pero yung selos na may kasamang duda tapos alam mo namang wala kang ginagawang masama? naku magmasid ka na, front lang yang selos para di mo siya pagdudahan pero ang totoo siya ang may ginagawang masama. hehehehe

hindi pa ako nagselos kasi secured kami sa isat isa, ganun din siya, kapag nagseselos man siya alam ko namang nagpapacute lang siya at napaguusapan namin nang matino na may kasamang kurut, tapos pitik bulag....hehhehehe

PABLONG PABLING said...

hala.

eh pag nag seselos ka nga ibig sabihin sobrang mahal na mahal mo ang taong iyon at natatakot kang mawala siya sa iyo, natatakot kang iwan ka niya dahil sa bago niyang nakikilala at nakakasama.

Nakakasakal nga ang selos pero dapat ilagay lang sa lugar. dapat may TIWALA.

- hoy! tama na selos!

PABLONG PABLING said...

likewise pag di ka nag seselos, baka hindi mo nga siya mahal.

stupidient said...

saan naman galing yun?

nagselos na ba kayo? yung parang nilalamutak ang puso nyo tapos hindi kayo makahinga dahil parang may nakadagan sa dibdib. Hindi kayo makatulog sa gabi pag-iisip at lagi nyong iniisip na hindi ka na nya iniisip?

ako hindi pa.

ahmmm.. konti lang. sa nagseselos siguro pagmamahal, sa pinagseselosan baka hindi. depende siguro.

tama na ang selosan. nakapagdudulot ito ng global warming.

Lord CM said...

Selos?Bakit ka magseselos kung nakakandong lang naman ung mahal mo sa iba? Bakit ka magseselos kung may kahalikan lang naman ung syota mo at labas pa dila...

Selos? Normal lang yan sa nagmamahal...

MarcoPaolo said...

EHEM... maraming namamatay dahil sa selos...

DETH said...

honestly hindi ako selosa...pero...

kapag nagmamahalan kayo, nakakakilig ang selos (tama-yung pacute selos lang)...nakakakilig kapag napapaselos ko yung guy, nyahahaha (umaarte lang para magpa-amo! raaaarrr)

pero syempre panget naman yung sobra...

Kablogie said...

Ang selos parang saranggola..dapat alam ko kung kelan mo lalargahan at alam mo kung kelan kakabigin..inshort, ilagay mo sa tamang lugar ang pag seselos..mahirap man gawin pero ito ay isang hamon sa buhay ng tao. =)

atribidang mayora said...

selos? hay... mejo komplicado nga iyan. pero dapt nsa lugar at tamang timpla lng.. mahirap man intindihin pero sa takdang panahon mapapagtanto mo... pero kuya kim ha, in ferness, ngustuhan ko ang huling linya... hahaha....

kox said...

wow.. ang galing ng comment ni super gulaman! hahaha :))

chikletz said...

natural lang naman sa isang tao ang mag-selos. pero meron ngang nasosobrahan.

ako aminado selosera minsan. adikkkk..

Love said...

I agree!!! tama walang gamot sa selos!!

wala nun sa mercury drugs!! hahaha
pero minsan di talaga maiwasan magselos di ba??

sa akin yun ung indication na mahal mo ang isang tao pero kapag sobra sa selos, insecurity na un..

(^^,)

Anonymous said...

ahaha...at sinu naman pina riringan mu pops? madami naba nagseselos? ma chix ka yata ah

Reyna ng Sablay said...

jeling jeling....hihihi, i love you so much hari ng buhay ko...mis ya ;)

wanderingcommuter said...

tingin ko walang kasagutan para sa mga tanong na ito... nasa sa atin yan kung papaano natin ihahandle dahil kung merong sagot sa bawat katanungan... siguro wala ng relasyong nasisira at lahat ng tao ay bored na sobrang kaligayahan ng relasyon

HARI NG SABLAY said...

@Yza eh un sabi sa bible,relihiyoso kasi ako,naks. biro lang,hehe

@abe mulong caracas papaikot-ikotin ka,dadalhin ka sa hindi maganda,

@SuperGulaman totoo. kung sakto lang,hehe pero pag sobra na kasi hindi na healthy sa isang relationship,minsan isang rason bkit naghihiwalay ang magkasintahan dahil sa selos. ayun.

Salamat sa inyong opinyon... :)

HARI NG SABLAY said...

@Rhodey nakakakilig pag tama lang,mnsan sasadyain mo pang magselos siya.hehe
front?aha!meron plang ganun na parang tuko,tinatawag ang sariling pangalan?hehe ayos ah kunwari nagbabawal, siya lang pala ganun.

@Pablong Pabling sabi kasi sa bible love is not jealous.dapat pg nagmamahal ka walang pgaalinlangan,walang takot. tama na nga ang selos.hehe mahilig lang talaga akong kumampi sa iilan,haha

@stupidient dpendi nga siguro,msyado kasi malawak.hehe on d first place bakit ka magseselos kung hndi ka pinagseselos dba,mbigat nga sa dibdib yan.

Salamat sa inyong opinyon... :)

HARI NG SABLAY said...

@LordCM hindi na siguro selos mararamdaman ko dyan, makakapatay nako ng tao dyan.haha biro lang. pero bakit ka namn magseselos kung hndi siya gagawa ng ikakaselos mo dba.

@MarcoPaolo sabi nila ang selos ay kapatid ng inggit,ang inggit ay nasa 7deadly sins. un lang,hehe

@Deth tama dapat sakto lang,wag naman ung lagi mo siyang pinapagselos baka magsawa sa kakaselos,haha

Salamat sa inyong opinyon... :)

HARI NG SABLAY said...

@Kablogie uu nga naman. dapat wag maging OA.hehe lawakan ang pang-unawa.

@atribidang mayora kumplikado nga,msyadong malalim kung pguusapan. dapat nga nsa lugar.
haha kuya kim. matanglawin!

@kox nakakatuwa ngang basahin ang inyong mga komento lumalabas ang kanya knyang paniniwala, hehe lahat naman ay tama. :)

Salamat sa inyong opinyon... :)

HARI NG SABLAY said...

@chikletz ganun naman ata karamihan sa mga babae selosa,basta ako hindi ako seloso. hehe may term pala na selosera sayo ko lang nalaman un,hehe

@Love may alam akong gamot dyan kay mang kepweng (albularyo),nyaayys corny. yun! hndi na pagmamahal pag sobra na ang selos.

Salamat sa inyong opinyon... :)

Marlon said...

Tama naman na ang saktong selos eh katanggap-tanggap. pero kapag sobra, aba..aba hindi na tama yan..

Tanong ko lang bakit mga pinagseselos mo hindi nagseselos pero mga hindi mo pinapansin mga selosa? hahaha ibang isyu na ata iyon

jeLai said...

"Para sakin, pag nagseselos ka hindi ka nagmamahal."

hindi nman cguro sa lahat ng panahon.. selosa akong tao pero nilalagay ko sa lugar.. hndi ko rin nman msasabing insecure ako sa kanya kasi alam kong lamang ako sa kanya.. hndi din nman ako sobrang mahigpit, ako nga ang hnihigpitan nya ng sobra..

kung plano mo mang pagselosin ang syota mo wag nman sa puntong mawawalan na sya ng gana sayo..
normal lng ang selos lalo na pag nagmamahal.. basta't nasa tamang lugar at sitwasyon..

YanaH said...

pag nagselos ang isang tao, ibig sabihin... hindi siya manhid.. hindi sya bato.. nakakaramdam at nasasaktan sya... pero yun eh kugn tamang selos.. dahil may mga selos na nakakasira ng pagkatao as well as relasyon...

just my thoughts....

A-Z-E-L said...

gusto ko yang post mo...

at tama ka..."ang taos na pagmamahal ay hindi nagseselos. Ito'y handang umunawa..... Walang gamot sa ganyang sakit...."

sarili lng ang makakagamot sa selosang/selosong tao. dahil walang paliwanag na TAMA para sa kanila. kaya kapag nagseselos na.. manahimik ka na lng! kumain ka ng FITA at uminom ng RC Cola! lolz!

Reyna ng Sablay said...

mahal, bakit sakin walang reply comment ko? hmp! tampo naku nyan ah

Ako si Ghelai said...

dati sobrang selosera din ako (chikz pahiram) pero kapag mahal na mahal mo na ung isang tao tas buo na din ung tiwala mo mawawala din pla ang selos..isang mahabang proseso din bago mo maialis sa sistema ng katawan ang selos...

- A n g e l - said...

There's the good kind, there's the bad kind. Basta nasa lugar, ayos lang.
And sometimes, whether we admit it or not, it feels good to know that someone is scared to lose you that they give in to their jealousy.

HARI NG SABLAY said...

@Anonymous haha wala akong pinariringgan papas,at lalu ng wala akong chix,shot na lng tayo,hntayin moko dyan,haha

@Reyna ng sablay haha sino ka?ikaw ba rin ito paps?haha

@wanderingcommuter sguro nga dapat bgyan ng knting spice ang isang relasyon,ung tama lang saktong timpla,dahil pag nasobrahan baka wala ng maglalakas loob tumikim.

salamat sa inyong opinyon... :)

Lollii-Pii said...

heheh..normal lang naman ang magselos paminsan-minsan..pero kung wala naman sa lugar..ai naku..wag na! lol. nice post^^

HARI NG SABLAY said...

@Marlon sagot ko hindi selosa mga yun papansin lang mga yun,haha nkakaawa naman yung gngamit mong tao para pagselosan yung iba dba.

@jeLai un po naman ay akin lamang opinyon.agree nman ako dun sa tamang lugar wag lang sana mdalas kahit nasa tamang lugar pa dhil iba ng issue yun may problema na kayo ng ksntahan mo hgit pa sa selos.

@Yanah may mga selos kasi na OA.minsan simpleng selosan lang ngkakahiwalay ang magkasintahan,dahil una sa lahat hindi ka nman siguro magseselos kung wala kang pinagseselosan.ang gulo ko po ata,hehe

salamat po sa inyong opinyon... :)

HARI NG SABLAY said...

@AZEL walang fita dito.marie nalang po.haha tama dahil pag sumagot kapa sampal sa tenga aabutin mo,haha ganito lang kasimple yan eh,masama ba o mabuti ang selos?para sa akin masama.walang depende.haha madami mgrereact pg nabasa to.

@Reyna ng sablay sino kaba tlga?selos kana ba?haha

@Ako si Ghelai yun!tiwala lang wid a capital T. ang iba kasi simpleng bagay lng pinagseselosan na,unfair naman ata yung ganun dba.

salamat sa inyong opinyon... :)

HARI NG SABLAY said...

@-Angel- masarap sa pkiramdam pag ang tao alam mong ngseselos pro kung lahat nalang pinagseselosan hindi na ata tama yung ganun.

@Lollii-pii kakasawa diba,sa palagay mo,ano masama ba o mabuti ang magselos?walang depende.haha

salamat sa inyong opinyon... :)

Yza said...

speaking of selos, aww love team of the year nakakatuwa naman. may reyna na pala ng sablay hahaha.. toinks ^^

Dhianz said...

minsan naman kc... nde maiwasang mag-jealous... kaso ang tanong minsan... may karapatan ka bang magselos... 'un nga eh... walah... tsk! ... lolz... ingatz lagi... Godbless! -di

vanvan said...

hmmmm...oks lang cguro kung magselos ng konti..
kasi parang wala naman care kung di naman magseselos ng konti..

basta ba konti lang..

nakakasama talaga pag somobra..hindi na pagmamahal yun..selfishness na yun..

HARI NG SABLAY said...

@Yza sino yung reyna ng sablay na yun?ang alam ko binata pa ang hari,haha

@Dhianz hehe akala mo lang wala pero meron meron meron!haha yun po ang linya ni carlo aquino. hay hirap nga nman pa wala kang karapatan,dapat maghanap ka muna ng ikakaselos bago ka magselos,hehe gulo.

@vanvan onti lang,sbi nga ng iba ung tipong pacute lang,hehe pg sora nakakasira na ng relationship.

salamat sa inyong opinyon... :)

Ang buhay ay parang sine said...

Wala talagang gamot sa selos. Kasi human nature talaga yan. Ewan, minsan hindi natin maiiwasan talaga yun.

[ k r y k ] said...

selos, wahh'!

natural lang po yan hihii.

mas walang gamot sa insecurity Ü

HARI NG SABLAY said...

@kryk hehe normal lang kasi filings din yun.meron gamot sa insecurity... security guard,lols ang corny,hmp.

chikletz said...

selosera... napg rinig-rinig ko lang. haha! gawa gawang term. :P

Shunhenglou said...

actuali normal lng naman talagang mag selos eh.. eh ikaw hari tatanungin kita kung wala kabang gusto sa isang tao or kung hnd mo ba sia mahal magseselos kba? siempre hnd... parang sa wala lang.. parang ok lang kung ano mang panglalaki or pambabae gagawin nia.. pero pag mahal mo ang isang tao at importante sia sau.. siempre selos ka rin kahit papano.... ganun un.... ahahah... ano ba un napaka simpleng explanation ko pinahaba ko pa

HARI NG SABLAY said...

@chikletz ah hehe ngayon ko lng din nalamn yun eh,hehe

@Shunlenglou tama po kayo,pro kung mahal niya din talaga ako hindi siya gagawa ng ikakaselos ko.dahil pag nanlalaki siya ibang issue na yun,tiwala na pinaguusapan dun hindi na selos.un lang,hehe ako din npahaba xplanation ko,hehe

salamat sa inyong opinyon... :)

Anonymous said...

panu pag sa bestfriend nia siya nagselos..???

Anonymous said...

selos ba? o gumagawa ka lang ng dahilan para magka hiwalay kayo?

Anonymous said...

oo nga. pati kaibigan pinagseselosan. :(

Anonymous said...

PAANO NA NAMAN KC PALAGI NIA PINAG UUSAPAN YUNG BESTFRIEND NIA NA EX NIA SINO BANG DO MAGSESLOS PERO ALAM KO NAMAN MAHAL NIA AKO KAYA LNG FEEL PARANG MAY KULANG EHHH :) TAMA NGA BKA NA IINSECURE LNG AKO KAYA CGURO GANUN HAHAI ADVICE PLS :)

Post a Comment