Wednesday, May 13, 2009

Mahiwagang kabinet

Kanina. Para naman maging productive ang araw ko at hindi puro tambay-tulog-kain lang, naisipan kong maglinis ng inaagiw kong kabinet. Ang aking kabinet ay may tinatagong hiwaga. Dahil sa mismong loob nito ay may de-susing maliit na lalagyan na nababalot ng misteryo.

Heto ang mga mahiwagang laman nito. Hindi ko na isisikreto. Sa atin-atin lang.
Lumang letrato ng dating kasintahan. Hindi ako mahilig magsunog ng pictures kahit gaano pa ako ka-bitter.
Baduy na mga love letter. Yung tipong may mga linyang hanggang sa dulo ng walang hanggan. Notebook. Naging tahanan sa aming mga emosyon at naglalagablab na damdamin ng aking dating kasintahan.
Resibo ng tuition fee. Mga hindi pinakita sa aking mama nung ako'y marunong pang mangupit.
Tag. Kahit galing pa sa ukay-ukay basta may tag ang damit na iniregalo sakin itatago ko.
Bracelet/anklet. Simbolo DAW ng pagkakaibigan.
Pregnancy test. Dala ito ng pagaalinlangan at di mapakaling sitwasyon. For the record, negative lahat. Humahaba ilong ko. Hahaha.
Panty. Inarbor pagkatapos ng mainit na eksena. Nakarolyo pa. Salamat at nawalan na ang mga amoy dahil sa matagal na pagkakatago.
Bote ng mga pabango. Pampaneutralize sa amoy ng mga panty.
Lighter. Mga ubos na ang laman. Napitik sa aking mga katagayan.



At kung anu-ano pang mga ka-ekleran at ka-chorvahan ang mga nakatago dito. Ito'y mga mumunting alaala lang na pinahahalagaan ko. Meron pa palang isa pero akin na lang yun. Nakakahiya. Ahihihi.

59 Sumablay:

MarcoPaolo said...

AYOS! naaliw ako... dapat kinumpleto mo na... lolz!

HARI NG SABLAY said...

@MarcoPaolo ung iba kasi nahihiya ako,hehe saka mga walang kwenta lang.

Lord CM said...

Hehehe :D Nasan na ung panty parekoy?patingin naman lolzz

EǝʞsuǝJ said...

anu yung isang sinikreto mo? nyahahah...dun ako nacurious ehh..hehe...

HARI NG SABLAY said...

@Lord CM pakatitigan mo makikita mo mga panty,hehe

@Jenskee wala naman po.niloloko ko lang kayo,lols

MarcoPaolo said...

@ HARI, ako rin nacurious doon sa secret...lolz

HARI NG SABLAY said...

@MarcoPaolo wala naman po yun,biro lang yun,pampaexcite,haha

JEE said...

waaaaa!! natawa naman ako dun sa panty! lolzzzz!! talagang tinago mo pa yun. remembrance ba?! hahaha!!

pero ano yung isa mo pang sikreto? hmmm... hahaha!

stupidient said...

sana may picture din yung panty,,hehe

HARI NG SABLAY said...

@JEE haha sekretong malupit po un. uu rmembrance inaamoy amoy bago matulog,haha biro lang...

@stupidient pakatitigan mong mabuti may makikita kang dalwa,haha

SuperGulaman said...

me ganun?...aheks...may chorva-chorva pa...ahahaha...:D

Love said...

hahaha nag-enjoy ako sa pagbasa kung ano talaga laman ng kabinet..

hahaha

curious ako dun sa last thing na ndi binanggit..

hmmm???

(^^,)

Joyo said...

hehe... ano kaya yung nakakahiya na hindi mo sianbi...

;)

Dhianz said...

kakatuwa naman yan. mahilig akoh sa junks... actually more likely mahilig akong mangalikot nang junks... isa sa past time koh yan... aliw ahh... sarap kalikutin nang junks moh... kaso puro naman sa ex moh eh... hwag na nga... lolz... maghilig den akoh mag-organize nang things.. tara organize koh... lolz... ingatz... Godbless! -di

tonio said...

pare, nagtatago ka rin pala ng pregnancy test!!! walangya ka, naisipan ko rin tuloy silipin yung pregnancy test ng misis ko noong di pa kami kasal... ngayon mag-si-six year old na yung positive na result na yun..ahahaha

kheed said...

ano kaya ang hindi nabanggit sa mga gamit na nasa kabinet mo at kinahihiya mo, teka lang..

-Picture ni Jolina Magdangal noong nasa ANG TV pa sya..

jeLai said...

yayks! di ka na nahiya! hahaha!

HARI NG SABLAY said...

@SuperGulaman hehe meron nga mga chokva eklavu...

@Love wag na yun nkakahiya lang,haha marami pang kung anu anong laman nian.

@Joyo hehe wala po yun biro lang,haha

HARI NG SABLAY said...

@Dhianz haha hindi naman po lahat sa ex, nakalkal ko lang po kanina mga to natuwa nga ako habang inaayos,hehe mga kabaduyan dati...

@tonio hahaha tagal na nun ah,nabura na siguro ang mga linya dyan,mag kokolek sana ako ng ganun kaso konti pa lang,lols

@kheed haha hindi nman po,wala un biro lang yun,haha

@jeLai nahihiya nga po eh,ahihi

Rhodey said...

hehehe nagiipon din ako nang mga memorabilla pero hindi naman ganito ka "Tooott.. Toooot" hahahaha .....

pero nakakaaliw na malamang hindi pala ako nagiisa aheheheks....

baka mamaya may mga gamit na ano... yung para sa ano.. na inaano.. sa aanuhin... aheheks...

hahahahahah.....

- A n g e l - said...

Wow. May guys palang gumagawa nyan, kala ko girls lang ang sentimental. :D

Ang buhay ay parang sine said...

Ayos Hari ng Sablay! Yung mga laman ng box na ito ay hindi naman sumablay! Ayos! Ayos!

Naaliw ako dun sa lahat. Natawa ako na naaliw. Haha. Hindi na talaga isinikreto eh, no? Hehe.

© Gello - kun` said...

haha. nagpapanty ka pala :))

dapat hindi lang sya kahon e. kaha de yero dapat. hehe

HARI NG SABLAY said...

@Rhodey ganito ka-ano?haha anung gamit sa ano?o inaano?haha wala po akong ganun,lols

@-Angel- uu naman. ansarap kasing balikbalikan ang mga ito pag nakalkal

@Angbuhayayparangsine haha bahala na sino makakita sa mga ito,bhala na kung may mga tamaan,lols

@Gello-kun sikreto lang po natin un,lols

EyMi said...

Pregnancy Test? =)) Hahahaha! Tinago mo dahil iyun sana ang panganay mo? =))

Panty? haha! So ibig sabihin nun umuwi cya ng walang panty? haha!

HARI NG SABLAY said...

@EyMi haha hndi po negatib mga un,lols uu gnun na nga umuwi syang walang panty,or pwd rin umuwi siyang nkabrief,hahaha

The Pope said...

Hmmm, ano kaya iyong isang bagay na iyong pinakalilihim pa mula sa amin, nakaka-intriga, haber ano?

Natawa ako sa message mo sa cbox, hindi kita pinatatawag, di ka naman parent's needed hahaha, parang eswela.

Naaliw ulit ako sa post mo.

HARI NG SABLAY said...

@The Pope secret,hehe wala po un biro lang un,haha ay kala ko pinapatawag niyo po ako,may ngsabi kasi saken nkalimutan ko sino,lols salamat...

Bart Tolina said...

anu ba yung blind item mo?
siguro:
Dahil may
Pregnancy test+panty = blind item

parang related ano?

hehehe

Eymi said...

positive? =)) huwaaa.

so asa cabinet din pa kaya nya ang brief mo? =))

carcass said...

hmmm baka vibrator ung secret item mo hahahah

Hari ng sablay said...

@Bart Tolina haha talagang may mga cmputation pang ganun,ewan ko hindi ko po alam,

@EyMi hndi pasitib,i min negative lahat,brief niya?huh?!nakakapangilabot naman un,haha

@carcass haha kilala kita, shot tana mu,nanan tapa...haha

saul krisna said...

waaaah adik ka talaga... teka pregnancy test? mukhang nid ko nyan within this week... haaay...,. sana negative joke... wahahahahahaha

HARI NG SABLAY said...

@saul krisna congrats pre tatay ka na,haha pwd ako mging ninong,lols

Lionheart : Richard the Adventurer said...

Hello :)

Nice naman ng kwento mo sa mga bagay-bagay....

Ako kasi hindi nagtatago ng mga ganyan e...

Ewan ko lang... Ayaw kong maging Emo.

HARI NG SABLAY said...

@Lionheart hindi naman po pagiging emo ung ganun,hehe masarap lang balikan ang nakaraan,nkakatuwa,hehe

madz said...

Grabeeeeeeeeeeeeeeeeee... mas masentimental value ka pa ata kesa sa akin.. why don't you try scrapbooking? hehehehe.. masya un :P

HARI NG SABLAY said...

@madz scrapbook?msyado na po ako mtanda para sa ganun,hehe saka onti lang talaga ang aking mga tinatago,

macky said...

buti hindi ka sumablay dun ah... magaling ka tlga..lolz...

atribidang mayora said...

asteeg naman ng laman ng mahiwagang kabinet mo! kakaiba at kakaaliw... ano pkya ang sekretong laman na ayaw ibunyag!?! hmmm...

HARI NG SABLAY said...

@macky haha mas magaling ka macky pulido, hanap na tayo trabaho,hehe

@atribidangmayora anu po sa palagay nio?la yun biro lang yun,haha

netaholic21 said...

wahhhhh, grabe ah pati panty, ugh! :))

Hanson said...

I can relate sa mga "nadiscover" mo..lol. Found my own casette tape player and ngayon ko lang narealize na napa-behind ko na pagdating sa gadgets so I hope this Ipod contest gives me the Ipod para mapalitan ko naman yung casette tape player ko na may nakapasok pa na tape ng Asin courtesy of my tatay.

Hari ng sablay said...

@netaholic21 haha marami pong gumagawa ng gnyan,lols

@Hanson waaahhh casete tape?asin?masdan mo ang kapaligiran,ang bayan kong sinilangan,itanong mo sa mga bata,anu pa ba?haha pborito dn kasi ng erpats ko yang asin.

joyzkelmer said...

hahaha, natuwa naman akong magbasa ng blog mo :D

naaliw lang,kaya naisipan ko na din magcomment

joycee said...

Hmmm anu kaya yung isang yun?? Sabihin mu na bilisss!

denzmeister said...

Haha.. haba ng thread. Pag kasikretohan naman talaga oo.. hehe..

HARI NG SABLAY said...

@joyzkelmer hehe salamat po, nkakaaliw din blog mo

@joycee wala po un biro lang yun,haha

@denzmeister hehe dapat puro secret nalang ipost,hehe

kcatwoman said...

haha bakit may pregnancy test at talagang nilagay na for therecord ay negative

HARI NG SABLAY said...

@kcatwowan para maliwanag ang lahat,haha nagmamalinis.

© Gello - kun` said...

si hari ng sablay ay nagpapanty. kaya may panty dun sa kahon. hehe

HARI NG SABLAY said...

@Gello haha wa kang maingay,sekreto un

saul krisna said...

hmmmm naku nag dilang angel ka ahhh.... peste positibo nga.... waaaahhhhhhhh!!!!!! im not kidding

HARI NG SABLAY said...

@saul krisna totoo pre?walang biro?haha congrats. lam mo nararamdaman ko na yang gnyan sa mga posts mo eh,hehe

saul krisna said...

adik ka talaga.... baka may topak yung PT na binili ng jowa ko.. huhuhuhu.... waaahhhh natutuliro na ako.... bangungot lang ba ito.... GISINGIN MO AKO PAREKOY!!!!!!!!!

Hari ng sablay said...

@saul krisna ayaw mo un may napatunayan ka?lalaki ka at hindi ka baog,wahaha ayus lang yan pre,pagdadasal kita wag ka magalala,hehe

saul krisna said...

waaaah!!! noh ka ba!!!! pero kahapon bigla nag bleed si jowa... ipapa check up ko nga siya next week eh... napuruhan ata si gf... tsk tsk tsk....

Waterbased said...

Hahaha..
Nice idea.. mabalikan nga muli ang closet ko.. para maging productive din.. :)

HARI NG SABLAY said...

@SAULKRISNA ay oo dpat mo nga ipcheckup doctors knows best,hehe. yan kasi di dahan-dahan.hehe

@WATERBASED hehe sige sige tapos ikwento mo din samin... :)

Post a Comment