Sunday, May 17, 2009

Closed-door meeting

Corny muna tayo...
Kasalukuyan akong nagty-type ng bagong entry (habang may hawak-hawak na yosi at pa alt-tab alt-tab sa isang porn site) ng ipinatawag ako ni gentleman. Closed-door meeting daw kasama ang mga hurado ng naturang site.

Naisip ko na agad para saan ito. Para sa isang mainit na laban sa botohan namin ni foolishsociety. Inglesh ang usapan kaya patango-tango na lang ako. Dahil hindi ko maintindihan yes or no, ok-alright lang ang aking mga sagot. Pag nagtatawanan sila, nakikitawa na din ako. Minsan ako pa nga ang malakas kung humalakhak, pero hindi nila alam wala ako maintindihan sa kanila.

Natapos ang meeting sa paghahayag kung sino nanalo. Drum roll. Tsadan... mytalambuhay! Nabigla ako. Palakpakan. Nawala ang antok. Pumunta sa harap para sa isang konting speech. Tumatawa-tawa lang na parang gago, kunwaring patingin tingin sa badge (naks!), at puro... Ahhmmm...Thank you! Yes! Ok-alright lang ang aking mga nabitawang salita. Pagkatapos nun, tumakbo ako ng mabilis papunta dito sa kwarto ko para isulat ito.

Seryoso na tayo...
Alam kong katuwaan lang ang ganito. Pero kahit na hindi ganun kaseryoso iba pa rin ang feeling pag nanalo. Ibig sabihin nagiging angat ka sa iba sa ganung mga pagkakataon. Malaki o malit man ang ganito pinahahalagaan ko po ang mga ito, dahil alam kong pinahahalagaan niyo din ako.

Maraming salamat kay Composed Gentleman. Sa mga hurado. At siyempre SA'YO!
Maraming salamat...
- Sa mga sumusuporta. Sinusoportahin din kita. Astig ang site mo.
- Sa mga naniniwala sa kacornihan ko. Corny ka din aminin mo.
- Sa mga nakasimangot habang bumoboto. Hahaha. Pasensya na po kayo.
- Sa mga nakukulitan. Pwedi pa pong isa? Hahaha.
- Sa mga kaibigang dumadalaw. Basta nag-iwan kayo ng bakas sigurado dadalawin ko din kayo.
- Sa mga kapwa nominado. Iniidolo ko kayo. Ganda ng mga site niyo.

Panalo tayo. Pwedi bang i-share yung badge? Kunin niyo, ako bahala kay gentleman. Hehe Biro lang. Baka bawiin sakin. Muli maraming salamat sa inyong lahat. Pasensya na ayokong magbitaw ng pangalan baka may makalimutan ako magtampo pa sakin.

Kahit gaano pa kagara ang badge o prize, wala pa rin hihigit sa kagaya mong patuloy na nagsasayang ng oras, tumatambay at nakiki-pagchikahan sa mumunti kong buhay at karanasan. Mabuhay ka kaibigan!

PS. Tutal malapit na rin ang bday ko, akong bahala sa iyo. Pitong buwan na lang... :)

50 Sumablay:

Bart Tolina said...

congrats pare? may painum ba? videoke naman jan!

may bagong akong post.pakitingnan na rin hehe

tonio said...

putsa ang lagay salamat lang?!!

punta ka sa site ko, wala akong lumang post,lolz

congrats uli pare!!!

EǝʞsuǝJ said...

asteeg..hehe...

berger berger berger..

teka sawa na ko sa berger..

alak alak alak...joke...

congrats pre..
sana eh dumami pa ang mga corny na katulad mo...
:)..all ryt!!!:)

HARI NG SABLAY said...

@BartTolina hehe dadalawin ko yan sgrado.vdeoke?oo ba...

@tonio haha lagi nga bago post mo sipag ah,likot ng isip,daming ideya...

@Jenskee mas astig ka pre,hehe itatagay na ba?tara habang maaga..

salamat sa inyong lahat... :)

chikletz said...

yesss naman! congrats!!

rich said...

aww... congrats! ^^

sorry medyo now lang ako nagcheck ng blog kaya di ako nakavote... pero nanalo ka naman so I hope ok lang yun... XD

congrats ulit!

HARI NG SABLAY said...

@chikletz salamat,naiinggit kasi ako sa inyo,hehe

@rich ok lang po yun, walang problema... :) salamat...

A-Z-E-L said...

congrats!!!

kala ko talagang malapit na ung bday mo!!! tsk! tsk!

burger!!! burger!!! lolz!

HARI NG SABLAY said...

@AZEL salamat... lapit na lang, mabilis ang panahon,sa bday ko hindi lang burger,hehe

choknat said...

haha. patangu tango lang ba.

congrats! galing, putek.. tatlo kayong binoboto ko. ahaha

EyMi said...

sa wakas! =))

congratch!

meh pinatunguhan din ang pangangampanya mo. hehehe=)

Rhodey said...

wow... mahaba habang inuman ito, at madami daming burger ang katapat nito... hehehehe

pa LBC mo nalang eheheheks... ay hindi WESTERN UNION pala hahaha....

jeLai said...

congratz!

PABLONG PABLING said...

HOY! taena. nanalo ka rin sa wakas. nag bunga ang pa boto boto ko pa minsan minsa lols.

pero araw araw po talaga ako naboto.

kala ko nga talo ka na naman dahil sa lamang nung foolishsociety na yun. pero 55% lang naman ang voting eh malaki pa chance. .

hay nung napasali ako jan. 3rd place lang ako, tapos ayun di ko na inulit pang sumali , nakaka stress. hahahaha..

CONGRATS PAREKOY@

miss guided said...

nyc one! congrats! so san mo kmi lilibre?haha

soberfruitcake said...

wow..congratz parekoi.hehe
at long last nanalo ka rin..tadannnnnnnnn!!!!!!hehehe

ok na saken beer..haha

HARI NG SABLAY said...

@choknat walang maintndihan eh,haha tatlo pala kami ha,hehe

@EyMi hay...onga sa wakas nadale ko. :)

@Rhodey tingin ko nga mhaba-haba dahil npakarami ng inutangan ko,hehe bawi ako sige...

salamat sa inyong lahat... :)

rey said...

Yey! Congrats cyo!

HARI NG SABLAY said...

@jelai congrats sin sayo, :)

@Pablong pabling sali ka ulit malay mo mkatyamba tulad ko, araw-araw ba?effort ha,hehe salamat paps

@miss guided sana pwd pang nice two!haha san nio ba gusto?

@soberfruitcake beer?anung flavor?nyayyysss...onga whew...sa wakas.

salamat sa inyong lahat... :)

batang narS said...

huwaaaaaaaw naman!!!*masigabong palakpakan..yohooooooooo...hahaha
btw po, i have a tag for u "mga walong bagay".
hahaha.tnx

foolishsociety said...

Congratulations mula sa 2nd placer mo!

May special sauce kasi tong blog mo na wala ako. At hindi ko pa rin mahanap yung sauce na yun. Anyway, mabuhay ka at congratulations ulit!

HARI NG SABLAY said...

@rey yehey, salmat po,hehe

@batang nars haha salamat salamat,magsi-upo napo tayo,naks parang totoo.tag?sige ttgnan ko. :)

@foolishsociety congrats dn sayo,kung tutuusin mas mrami boto mo kesa skin,ibg sabihin mas mdami sumusporta sayo,ituloy mo lng ang gnagawa mo astig ang site,cheers! :)

salamat sa inyong lahat... :)

The Pope said...

Sa wakas nagbunga ang iyong paghihirap, hehehehe, deserving ka namang manalo bro, sa dami naming tumatangkilik sa iyo.

Congratulations.

Ako naman ang may kahilingan sa iyo, baka puede mong suportahan ang KABLOGS, and we would appreciate if you could grab the KABLOG SUPPORT badge, it will be a great honor for us.

A blessed day to you.

HARI NG SABLAY said...

@The Pope hehe salamat po sa pagsuporta. Walang problema susuportahan ko din kayo. Godbless din po! :)

HOMER said...

Salamat Nanalo kahit di kita binoto!! joke! haha!!
Pasalamat ka din sa SMART, sa paggamit mo ng tagline nila pag nangangampanya "AKO MISMO"
haha!!

Congrats parekoy!

[ k r y k ] said...

hahaha :D

congrats Ü

haha panalo ka Ü

HARI NG SABLAY said...

@Homer ah tlaga smart ba yun?dko lam eh,hehe kakahiya. salamat po sa SMART... :)

@kryk panalo ako dahil sa inyo... :)

salmat sa inyo...

carcass said...

congrats paps galing galing. pa shot kna man ^^

Lord CM said...

Aba!!!Nagbunga rin pala ang paghihirap mo parekoy :) ...CONGRATS!!!

HARI NG SABLAY said...

@carcass next week tayo kasama sina tawit,ittxt ko lahat...

@LordCM onga pre hay sa wakas...

Salamat sa inyo... :)

Clarissa said...

Congrats pare!!

kox said...

haha.. congrats! :)

Umi said...

Congrats! :D

Ang buhay ay parang sine said...

Congrats, Hari ng sablay! Gusto ko ang bawat artikulong ginagawa mo at asahan mo isa ako sa mga susuporta sa'yo. :)

Galing! Galing ng mga gawa mo. Natatawa ako pag may sinasabi kang nakakatawa at hindi ka naman corny. :)

Love said...

huwaaww!!!!

congratsumalationszzz!!!

hahahah
patuloy akong magbabasa ng mga post mo kuya!!!

wohoohh!! way to go!!!

crazyandcreamy said...

huwaw congrats may maipagmamayabang ka na :)

reyjr said...

COngrats sa iyo!
Tandaan mo lang lagi na ung boto ko ang nagpanalo sayo.

hahaha!

HARI NG SABLAY said...

@Clarissa salamat mare... :)

@kox hehe, salamat sayo.

@Umi kot?hi?big?hehe corny ko.

@Chase hindi ba corny?medyo lang?hehe salamat nman at natutuwa ka,tatlo lang ata kayo,hahaha

salamat sa inyong lahat... :)

HARI NG SABLAY said...

@Love congratsumisyon?anu daw?haha salamat sa pagbasa,nagbabasa din ako ng iyo... :)

@crazyandcreamy onga pinaprint ko nga ung badge dinikit ko sa damit ko, paglumalabas ako ng bahay taas noo ako,haha

@reyjr uu hindi ko mkakalimutan yun kaw nga nagbreak ng tie,haha

salamat sainyo... :)

Ako si Ghelai said...

congrats po....deserving ka talaga manalo...

^_edSie_^ said...

Whoo hoo!!! Congrats dude! =)

HARI NG SABLAY said...

@Akosi Ghelai sabi mo eh,hehe pro ung iba mganda din site and mga sinulat, :)

@edSie nabigla naman ako sa whoo hoo! mo. nagulat ako dun ah,hehe

salamat sa inyo... :)

docgelo said...

Congratz! umpisa pa lang ng katuwaan-laban last week angat na ang boto sa blog mo! mahusay!!!
applause, applause!
astig, ang husay!

HARI NG SABLAY said...

@docgelo hehe salamat kala ko laban-bawi,nyaysss corny.

Fe said...

wow!! congrats... happy ako sayo na ikaw ang nanalo sa butohan, syempre, sa dami nang mga tagahango mo dito and dont mention it, isa na ako dun, he he...

HARI NG SABLAY said...

@Fe hehe salamat dahil sa inyo nanalo ako, happy din ako dahil maeron pala akong tagahango,ako din ay iyong tagahango,salamat ulit... :)

Fe said...

haaa...uy,error type yan,...i mean, tagahanga pala...he he he

HARI NG SABLAY said...

@Fe ah tagahanga pala yun kala ko anu tagahango,haha pwd ka po magpatawa.hehe

Waterbased said...

Asteeg!
Kongrats!!
Isa kang kahanga-hangang Tambay!! :)

HARI NG SABLAY said...

@WATERBASED haha wag mo hangaan mga tambay na kagya ko wala kang mtutunan sakin,haha salamat astig ka din... :)

Post a Comment