Friday, August 28, 2009

Ending

Hindi ko alam kung uso pa ito, wala na kasi akong nakikitang nagpapataya nito sa amin. Yung "ending". Yung sa basketbol. Yung kombinasyon nung dalawang huling numero ng final score ng dalawang team sa PBA. Oo, yun!

Nung ako'y gusgusing bata pa, na laging may tuyong sipon sa butas ng ilong at maitim na kwintas sa leeg, yung mga kalaro ko laging nagpapataya at lagi akong tumataya ng ganun. At ako din naman ay nasubukan ko ng magpataya ng "ending", pero madalas nag-aabono ako. Dependi sa nagpapataya kung magkano itataya. Kung natyambahan mo yun at tumaya ka ng piso mananalo ka ng 80 pesos. At kung ang tayaan naman ay...

2 piso = 160 pesos
3 piso = 240 pesos
5 piso = 400 pesos
and so on and so forth... Meron pa nga mga grocery items, appliances, o isang sakong bigas ang papremyo pag malakihan na ang taya.

Kung nagpapataya ka at natayaan lahat ng numero, automatic sayo yung beinti kung tig-pipiso taya. Pero kung hindi napuno yung lahat ng kombinasyong-numero ng mga pirma o initial (kadalasan ganyan ang inilalagay ng mga tumataya), naku isa ka sa mga walang ka-sales-talk sales-talk na katulad kong laging nalulugi. Mag-aabonu ka panigurado at hindi pera mo, kundi pera ng erpats mo na kinupit mo sa kanyang nakasabit na pantalon sa likod ng pintuan.

Panahon ng rivalry ng San Miguel-Alaska, championship nun, siyempre maraming tayaan ng ending. San Miguel paborito ni erpats, kaya ako din San Miguel na rin. Maaga akong naliligo nun sa poso ng kapit-bahay namin, tapos nun tututok na kami ni erpats sa dekwerdas namin telebisyon na nilagyan ng di-pangkaraniwang plastik para magkakulay naman ang black-en-white-TV namin kahit papaano. Sa tuwing namumuro ako sa ending, nagdadasal ako kay Bro na kahit matalo ang San Miguel basta manalo lang ako sa ending. Pag last two-minutes na, naku po dito na magsisimula ang pinaka-aabangan ko, dito nako mapapatayo mula sa pagkakakandung ko kay erpats, dito na rin ako bulong ng bulong na sana 5-6 5-6 5-6 5-6 5-6...

At yown! 5-6 nga ending! Natawa ako ng malakas at nagpagulong-gulong sa kawayan naming sahig habang nakatitig sa akin si erpats na tila ba nagtataka. Nanalo kasi ang Alaska, akala siguro niya iniinis ko siya. Hindi niya kasi alam na tumataya ako ng ganun. Binabawal niya.

Kinabukasan, langya lahat ng mga kalaro ko kasama yung nagpataya nung ending papunta sa bahay namin. Nasilip ko sila sa bakod namin, umaalikabok ang dinadaanan nila. Para silang maghahamon ng away. Tignan mo nga naman ang kahalagahan ng pera noon, halagang 80 pesos nakapagpapalusob ng isang batalyon.

Buti wala si erpats nang iabot sa akin ang 80 pesos na mababahong tig-lilimang pisong papel. Pagkakuha ko nun, nagpalakpakan ang mga kutong lupa. At ayaw umalis ng mga mokong halatang naghihintay ng balato. Pangingiti pa sa akin ang mga gago. Patapik-tapik pa sa balikat ko.

50 Sumablay:

DRAKE said...

Naku Congratulation sa pagkakapanalo mo ng bata ka pa! Dapat naipambili mo na yun ng bahay at lupa, syang naman kung sa champola,choki-choki, at mikmik mapupunta ang nakapalaking halaga na yan!hehehhe

Balato ko pre kahit piso lang bibili lang ako ng DIP SEA

Ingat

♥superjaid♥ said...

so ang tanong kuya eh san mo ginamit ang pera?Ü hahaha may tira pa ba gang ngayon?penge naman..haha

MarcoPaolo said...

uso pa rin yan...

ELAY said...

HAHAHAHA may kwintas sa leeg. hmm, ewan hindi ko na experience ung mga ganito kasi never ako naging mahilig sa basketbol. Barbidolls pwede pa haha joke.

Dhianz said...

naks naman... nanalo palah sya nang ending non... ayos... parang napagkuwentuhan lang namen nang nanay koh yan nung isang araw... she won daw one time dyan.. pero ayaw ibigay ang premyo kc tumaya daw syah eh nag-start na ata 'ung game or minutes before d' game started.. somethin' like dat.. inaway nya raw nang bonggang bongga.. kaya 'unz she got d' prize.. wehe.. 'un lang... laterz mare koh... Godbless! -di

khuletz316 said...

na-imagine ko kwento mo..hehhe..SMB din ako saka mga friends ko nun highschool...pero nun bata pa ako naalala ko papa ko purefoods cia..tapos, pag malapit na magstart yung school year tataya yun sa ending pag nanalo cia bibili kami new shoes..kaya pray kami ng sister ko na manalo sa ending si papa...uso parin yta yung ending ngayon..may nakikita pa ako dito sa'min.

Kablogie said...

Wala na siguro Brad! Lotto na uso eh tapos milyon milyon pa ang tatamaan! lols..siguro pauso na ulit ng bago..try naman natin ang "beginning" hahaha..

Ruel said...

nanalo na rin ako sa ending..hehe akala ko ako lang ang tumataya nito..pero hindi ako nagpapataya..maganda pag nanalo ka..kung hindi ubos din ang nakatago mong barya..

Arvin U. de la Peña said...

dito sa amin ay mayroon din last 2 o ending..na sa PBA din kinukuha ang resulta.. ang 10 pesos ang panalo ay 700 pesos..isa ring malakas dito ay ang tinatawag na pick 3..tataya ka ng tatlo na numero at kapag lumabas ang pinili mong tatlo sa lotto result na anim na numero ay panalo ka..in any order po iyan..basta masali ang tatlo mong numero na pinili sa anim na numerong lumabas sa lotto ay panalo na..ang isang piso ang panalo ay 300 pesos..kapag 100 pesos ang itinaya mo ay panalo ka ng 30,000..mayroon ding sa suwertres na nagpapataya.. ang sa suwertres ang isang piso ang panalo ay 400 pesos..pero dapat ay straight ang numero mo..puwede rin na mag rambol ka.. kapag tumaya ka ng 100 pesos sa suwertres at lumabas iyon ng straight ay panalo ka ng 40,000.. madalas ngang lumabas iyang numero na napanalunan mo..

jei said...

Kapag sinwerte ka nga naman! Ako, malas ako sa tayaan. Ni isang beses, hindi ko pa natikman ang manalo. Kaya nga, tumigil na ako. Ayoko ring magpataya at baka sa preso na ako pupulutin. Magastos ako eh, kahit hindi ko sariling pera, hehehe.

kox said...

hahaha.. nananalo ako ng ending dati sa mga kalaro ko, halos ako lang kasi tumataya lahat eh. lols.. =))

tsenn` said...

pano ba yan,
balato kuya! hahaha :)

meron din nian dito samen,
nung unang panahon..
bakit nga kea nawala..

JETTRO said...

parekoy nauna ako at ako ang una mong balatuhan
pang yosi,
kahit sa amin hangang ngayon yan din ang uso
ending.

jessa said...

ending. may sosyal na version niyan sa UAAP dati. mas malalaki taya kasi mga coño naglalaro. :) Pero mas masaya ang 'pag sa PBA, madaming tumataya eh.

Walongbote said...

Haha.. Akala ko kung an0ng ending. Di na uso yan, pero mer0n pdn nyan d2 samen.. Di aq tUmataya..Di naman talaga aq tUmataya..

Jepoy said...

Tumataya din ako ng ending dati. Nanalo pa nga ako ng plastic baloon e anim. Tapos binigay ko sa Kras ko yung kulas red :-D

Rhodey said...

ewan ko lang kung meron pa niyan ngayon pero talamak yan noong nasa kalege pa ako, lalo na sa bording, pandagdag alawans din kapag nadali mo aheheheks...

mahilig mga barkada ko dati, mahilig naman akong manghingi nang balato hehehehe...

I am Xprosaic said...

Nyahahaha pano kaya yun tig piso sila?! jijijijjii

rich said...

HAHAHA! XD natuwa naman ako sa kwento mo. Okay din mga kalaro mo noh? haha! Siguro kung nandun ako didiretsuhin ko sila na 'naghihingi kayo ng balato noh?? wahahaha!'. Bad ako nun eh. XD

Baliktad tayo, ako Alaska fan ako nun. Lagi ako nagwwatch basketball dati. Yun nga lang di ako pumupusta sa ganyan kasi bawal. :D

Madame K said...

malaki na ang 80pesos nun dba? hahaha d tulad ngayon 1grande lang ng redhorse mabibili mo.. wahahaha tyaka may sukli pa pambiling pulutan.. ahihihi

Pinoytvshows said...

pops eto ang link watch ka ha

http://pinoyshowbiss.blogspot.com/

ACRYLIQUE said...

Haha! Uso ito sa amin nung high school ako, NEVER PA AKO NANALO! DAMN!

Anthony said...

lols! ending pa samen meron pa
minsan tumaya ako ng P2
hehe
kaso talo


ang mga sugal na yan...
pakana n naman ni satanas :D

JoiceyTwentyPTRP said...

bat wala pang comments?

[ k r y k ] said...

haha may ending pa ba? lol!
tumaya ka pala sa ganan dati hehe.Ü
nakikita ko nga lang yan dati. :D
naririnig na rin hehe.
kasi may nasigaw "ending" daw! hehe. xD

JETTRO said...

PAREKOY UNA AKO KAYA AKO UNA MONG BALATUHAN HAHA

kaylan ba kasalan parekoy balita ko ikakasal ka na.

sa amin uso pa hangang ngayon yang ending adik din ako diyan.

OHMYGUMS said...

Isa rin akong regular na tumataya sa ending noon (maximum taya ko ay piso) talo lagi!..pero masaya pag nanalo ang paborito kong PBA team.Di ko sasabihin dito kung anong team kasi baka hate mo at deadmahin mo 'ko... :)

dhyoy said...

naku natry ko din yan...kaso lagi ako talo hehehehe... san miguel din pala ako hihi ;)

Baklang Maton in the Suburbs said...

me award ka sa blog ko... come and get it...

Led said...

pinagtripan ko dati yan eh XD haha...dun sa skul namin. buti di ako nahuli haha..lols

Goryo said...

naririnig ko na yan nuon pero di talaga ako mahilig tumaya pati sa jueteng..

na-intriga lang ako.. magkano ang balato ng mga tropapits mo.. baka meron ka pa dyan.. balato naman.. hihihi

batang'henyo said...

uso din pala sa inyo ang ending na ganito..

lagi din ako tumataya nung bata pa ako... pero never pa ako manalo.. lolz!

manik_reigun said...

astigin! maka alaska ako nung panahon nila johnny a. at jolas.
pero sayang di ko natry tumaya sa ending. yung mga kuya ko kasi, di nananalo eh, kala ko hokuspokus lang na may nananalo.
kaw pala yung nanalo. hehe

Karen said...

lagi ako malas sa mga ganyan kaya d nalang ako tumataya. Akin nalang ung pera sayang din ahahahah. lagi kasi ako talo awts.

abe mulong caracas said...

suki ako ng ganyan sa amin at regular din ang taya ko...hindi pwedeng tayaan ng iba. kaya kahit wala ako, kapag lumabas ang numerong iyun eh naka headline sa buong looban na ako ang tumama

pero kung sigurado ang figure mo parekoy, mataas pa ang mapapanalunan sa inyo kasi ngayon, matic na ang pagbawas ng balato.

halimbawa...ang P5 tamang 350 na lang
at ang tayang P10, eh P700 na lang ang ibibigay!

pinkdiaries said...

congrats! =)

Hari ng sablay said...

@DRAKE haha pare siguro kung bagong lipat kayo nun sa baryo namin makakasundo mo kami ng mga kalaro ko, eh yan mga trip namin dati eh,yung mikmik ginagawa naming yosi,haha

@SUPERJAID yung pera?teka hmmm... naubos na sa mga jolens tsaka text, magandang pamato sa text yung medyo mabaho,lols

@MARCOPAOLO dito samin di na ata

Hari ng sablay said...

@ELAY haha barbiedoll talaga, siguro hinahalik halikan mo pa si ken nun noh?

@DHIANZ basta di pa nagsstart pwedi pa,ano yung prize ng mama mo?dito pang small-time lang,hehe kaw din taya ka malay mo,hehe

@KHULETZ fave rin ng erpats ko purefoods idol niya kasi si patrimonio,naks ang tindi naman ng balato niyo bagong sapatos,hehe

Hari ng sablay said...

@KABLOGIE yun pare natumbok mo lotto,yun naging inspirasyon ko kaya ko nasulat ko to dahil ngayon ang premyo sa lotto umabot na naman sa mahigit 100M,

@RUEL hehe maganda talaga nanalo,tsaka masarap mambalato,ikaw ang boss nun,

@ARVIN di ako familiar sa ibang tayaan na sinasabi mo pare,pero mukhang ayos yung pick 3,tsaka suwetres,hehe ngayon ko lang narinig ang mga yan,nanalo kana ba sa mga ganyan?balato naman,hehe

Hari ng sablay said...

@JEI naku pareho tayo,basta may hawak akong pera gagastahin ko kahit di sakin,hehe

@KOX haha lahat siguro ng kombinasyon ng numero pinakyaw mo kaya di na sila makataya,

@TSENN hindi na rin kasi ganun kasikat ang PBA eh di tulad dati,kaya siguro ganun

Hari ng sablay said...

@JETTRO haha anong nauna pare?sige pag nanalo ulit hindi lang pangyosi balato ko sasamahan ko pa ng isang case ng redhorse maglalasing tayo,hehe

@JESSA ah ganun ba kunsabagay conyo nga mga nasa uaap tsaka ncaa,onga iba parin sa pba

@WALONGBOTE kala mo siguro katapusan talaga eh noh,taya kaya malay mo,hehe

Hari ng sablay said...

@JEPOY plastic balloon?ganun ba mga prize sa inyo?ibang klasi,haha

@RHODEY hehe di nga mawawala yun eh, yung balato,pag nanalo talaga instant pang-gimik eh noh

@XPROSIAC uu pwedi ng pamalato yung piso,hehe

Hari ng sablay said...

@RICH siguro paborito mo si jolas noh?o flying A,hehe uu naghihingi nga ng balato di pako diretsuhin,hehe andami pa naman nila,

@MADAMEK uu marami ka ng mabibili nun pero ngayon yun lang tas hindi kapa malalasing,hehe

@MRP tnx paps,

Hari ng sablay said...

@ACRYLIQUE kulang ka sa swerti,tsk!

@ANTHONY ako si satanas kaya sinasabi ko sayo tumaya ka ulit,hehe

@JOICE ayan meron na,hehe

Hari ng sablay said...

@KRYK uu parang jueteng lang to mga tipong silent gambling(nice term!)hehe dito wala ng ending

@JETTRO parekoy ending yung usapan tas napunta sa kasalan,haha teka san mo naman nabalitaan yan?malayo pa yun pare

@OHMYGUMS haha bat dimo pa sinabi, hulaan ko nalang,mobiline phonepals?shell?hehe apat pag tataya ka maramihan,hehe

Hari ng sablay said...

@DHYOY yown san miguel tayo :) allan caidic,hehe pansin ko nga lagi kayong talo,hehe

@BAKLANGMATON thanks sa awards cge kukunin ko yan

@LED sa skul?delikado nga yun pare,buti nalang nga hehe

Hari ng sablay said...

@GORYO wala na lolo naubos na sa texas at caramel tsaka cherry ball, tsaka pompoms at pritos ring,hehe

@BATANGHENYO ang dami niyo naman palang talunan,hehe tswertihan lang kasi

@MANIKREIGUN di naman hokuspokus,hehe yung jueteng ata hokuspokus, tsaka si bong hawkins noh idol mo tsaka cariaso,hehe

Hari ng sablay said...

@KAREN naku isa ka rin sa mga talunan,hehe andami niyo na,ako once lang nanalo

@ABEMULONG may inaalagaan ka palang numero pare parang jueteng lang,hehe ayos yun ah kunsabagay babalatuhin mo rin naman ang nagpapataya, yung iba nga matic na,mataas nga dati premyo,hehe

@PINKDIARIES hehe salamat parang ang laki ng pinalanunan,

Traveliztera said...

awww ang cute pala ng mga batang lalake noong panahon natin (magkapanahon ba tayo? hehehhee!) gusto mo malaman ano naman sa mga babae? d ko lam kasi puro lalake na bata mga kapitbahay ko. haahahhaa. pero d nla ginagawa yan. natatandaan ko lang na tayaan e dun sa parang billiards pero imbis na bola, flat na kahoy. lam mo twag dun? alam mo un. tapos may pustahan. gusto ko sumali pero pinupush away nila ako.boooooo... sumbong ko sila gabriela hahahhaa.bawal babae. aynako pwede ba. pero one of the boys ako dati kaya fan din ako ng pba hahahahha. pero d ako nakikipagpustahan. lagot ka sumbong kita tatay mo :P

Hari ng sablay said...

@TRAVELIZTERA haha pool ata sinasabi mo,lagi akong tambay sa mga ganyan dati,matanda kapa ata sa akin,haha biro lang,teka ano ba laro sa mga babae?piko lang ata alam ko tsaka jackstone,hehe

Post a Comment