Wednesday, August 19, 2009

Funny Blog

Ayeee... Award na naman. Nahihiya ako. Ahihi. Hindi ko talaga inaasahan tong award na to na bigay ni LordCM at lahat ng bumubuo ng KaBlogs. Funny daw blog ko. Hindi naman eh, ang korni nga eh. Oo nga buti alam ko. Hahaha! Hindi ko talaga ineexpect to, lalo na yung gwapo mo award tsaka cutest award buti hindi ako nanalo dun, hindi naman masyadong sumakit ang loob ko. Hahaha! Bakit ba? Eh feelingero talaga ako. Dalawang patong nga ng encyclopedia mukha ko.



Maraming salamat sa Kablogs Team! Sa mga taong nasa likod nito at sa mga taong patuloy na sumusuporta dito, maraming salamat! Please support Kablogs (ayun nasa sidebar ko). Ang sarap sa pakiramdam pag pinaparangalan. Nakakataba ng puso. Thanks thanks! ;)

Siyanga pala, sa mga may gustong itanong, i-suggest, ikomento, ireklamo o kahit ano pa man, sa barangay hall ka pumunta. Korni talaga noh. Hahaha! Heto na nga, i-email niyo ko dito haringsablay_haringsablay@yahoo.com. Wala lang, KSP lang talaga ako. Tsaka naiinggit din ako sa may mga email sa blog. Hahaha! Basta wag lang kayong mangungutang o magtatanong tungkol sa chemistry o biology, lalung lalo na wag kayong magkukwento tungkol sa mga multo sa akin. Ayun lang. Hanggang sa muli. Salamat ulit. Mabuhay tayo! Apir! ;)

60 Sumablay:

Joyo said...

wow naman...

chikletz said...

uy congratulations!! :D wag kang bitter na hindi mo nakuha ang "ang gwapo mo award" tulad ng hindi ko pagka-bitter na hindi ko nakuha ang "ang ganda mo award" hahaha!

congrats ulit!

HARI NG SABLAY said...

@JOYO hehe nahihiya ako,ahihi

@CHIKLETZ haha hindi naman ako bitter, hindi naman masyado sumakit ang loob ko dun at hindi na ako nageexpect na SANA sa susunod ay gwapo award naman ang sakin,haha salamat congrats din sayo ms.congeniality!naks!

Jepoy said...

Ako sumakit ang loob ko dahil wala akong award. LoL hindi daw karapat dapat kasi walang logo :-D Kayo na ang magagaling na blogger! fine!

Nasan na ang cbox wala parin

abe mulong caracas said...

karangalan ko lang batiin ka sa panibagong karangalang iyong natamo...

abutin mo ang aking masigabong palakpakan!

PeterPan said...

Congrats...
whats next??

Dhon said...

WOW! congrats!!! :)

♥superjaid♥ said...

congratz!ang dami nyong may award, naiengganyo tuloy akong suportahan ang kablogs gusto ko ring magbigay ng award eh, hahaha Ü nweiz, congratz ulit!Ü palakpakan!Ü

Lord CM said...

Nasa akin na pre ung Ang Gwapo mo Award lolzzz

Congrats pre...

ACRYLIQUE said...

HUWAW! Malaking HUWAW yan! Congrashuleyshens! :)

DETH said...

woohooo..congrats parekoy!!! hayaaan mo sa susunod inonominate kita ng ang gwapo mo award...ang lagay eh...
nyahahahaha:D

© Gello - kun` said...

congrats sayo kaibigan :)

Madame K said...

ui congratz! ahihi

- A n g e l - said...

Hey, congratulations. : )

patola said...

wui kuya congratz po.. hehehehe... dapat nga sayo yung gwapo mo award eh.. hahahaha.. (pahingi pambili ng burger..hahahaha)

funny po 2ng blog mo.. di ko nga maintindihan kung bakit minsan emo yung topic pero funny parin kinakalabasan.. wahahahaha...


congratz po ulit sayo and sa iba pang nanalo.. :)

Arvin U. de la Peña said...

nakakatawa naman talaga ang mga sinulat mo kaya dapat lang na iyon ang award mo..may new post ako..hayaan mo gagawa ako ng kuwento na ang tauhan ay JEPOY at SABLAY..

EǝʞsuǝJ said...

parekoy...
you deserve this award...
trulalu, walang halong eklavu
^^,
salamat sa pagsuporta sa KABLOGS
keep on blogging pare...

we rock \m/

Dyi said...

congrats HNS! :)

u deserve it kase kahit ako e natatawa tlga sa mga post mo...seryoso sa una tas biglang napapatawa ako sa huling part ng post mo. hehehe...

gesmunds said...

naks! congrats hari ng sablay!!
astig!
keep it up! :)

A-Z-E-L said...

Congrats!

patuloy mo kaming patawanin HNS.
para kahit kaming malalayo sa sariling pamilya eh makangiti man lang sa kabila ng homesickness...

salamat po sa suporta...

Yanie's Ka-blags!!! said...

Uyyyy, pa-join naman ng Ka-Blogs... Baka sakaling makuha ko din yung "Ang Gwapo Mo" award... type ko yun hohoho!

Hari ng sablay said...

@JEPOY haha bakit ba gustong gusto mo makita cbox ko?i-email mo nlang ako,hehe uu suportahana mo kablogs mamimigay daw sila ng pera,lols

@ABEMULONG salamat parekoy sa bati at sa masigabong palakpakan,hehe

@PETERPAN salamat, next? ahmm... basta,hehe

Hari ng sablay said...

@DHON wow thanks thanks! :)

@SUPERJAID salamat, sige support lang ang kablogs next awarding kasama kana tsaka maraming sorpresa ang kablogs

@LORDCM salamat ulit pare, ah nasa sayo na ba?tsk! ok lang yun diko naman talaga ineexpect,haha

Hari ng sablay said...

@ACRYLIQUE ang laki nga ng HUWAW salamat, :)

@DETH ang lagay inonominate din kita ng ang ganda mo award,salamat parekoy, congrats din sayo!

@GELLO salamat kaibigan, congrats din sayo.

Hari ng sablay said...

@MADAMEK ui salamat, ahihi

@ANGEL hey, thanks thanks. :)

@PATOLA uu nga noh dapat nga talaga sakin yun noh,sayang tsk!haha, emo talaga ako minsan pag napagtripan lang, pinagtatawanan mo pala ako pag nag-eemo ako ah,haha,salamat :)

Hari ng sablay said...

@ARVIN salamat pare, sige babasahin ko new post mo, sige gawin mo na ngayon tsaka mo na ipost pero wag mo lalagay yung pics ko yung kay jepoy nalang,haha aabangan ko yan salamat :)

@JENSKEE salamat pare, sayo pala napunta yung cutest award,deserve mo din yun trulalu walang halong eklavu,congrats din... \m/

@DYI salamat manang Dyi kahit korni mga post ko at sa inyong mga bumubuo ng kablogs, congrats din sa award mo,u deserve it, naks ang danda,hehe

Hari ng sablay said...

@GESMUNDS naks! salamat,hehe astig tayo :)

@AZEL salamat ulit sa inyo,sige sige kahit korni magkukwento ako,haha congrats din sa mga awards mo,naks! :)

@YANIE sige sige join ka, ivisit mo si LordCM,teka bakit ng gwapo mo award ang tinatarget mo?haha

DRAKE said...

Sinong nagsasabing korni ka at babatukan ko. Pre hindi ka naman KORNI eh, nagpapatawa ka lang..........eh hindi ka naman kalbo.Hahhahahahah

PinkNote said...

congrats sablay!^^

Hari ng sablay said...

@DRAKE haha uu nga naman tama ka pare kalbo lang pala nagpapatawa,haha

@PINKNOTE salamat po :)

livingstain said...

agree ako karapat dapat kang awardan for being funny kasi madalas napapatawa ako pag nagbabasa dito...

burn078 said...

Wow! Congrats! mabuti ka pa ang dami mo ng awards. hhehee. eh ako, miski isa wla. huhuhu!Sana may nakikinig.. bigyan din ako... heheehe

http://buhatsatambay.com/

Anthony said...

bawal mangutang?? yun pa naman ang tanging layunin ko ngayon sa yo tsk!

tsenn` said...

wala na talo talo na
para sayo lang talaga ang award na yan kuya miron! :D
mabuhay ka woot woow! :D

I am Xprosaic said...

Naks! Saya kasi dito kaya ganun... tapos dadrama ka pa na ayaw mo na... naku konting hithit lang yan wala na agad yan... jejejejejjeje... Congrats parekoy!

The Pope said...

Ang haba ng pila dito, akala ko my prayer rally... my funny blog pala hahahahaha.

You deserve it bro.

khuletz316 said...

you deserve it naman kaya wag na tanggihan...heheh...congrats! thumbs up!!!

Yj said...

nyahahahaha congrats.... at magsesend ako ng mga horror stories sa e-mail mo... pag hindi mo binasa, dadalawin ka nila sa panaginip mo hahahahahaha

jowk jowk jowk.....:)

vonfire said...

congratz! u deserve it naman e!...paparty naman jan!!! :}

poging (ilo)CANO said...

inuman naaaaa!

shie said...

congrats :) swak talaga para sayo ang award na yan!!!

Meryl (proud pinay) said...

wow! congrats! ^_^ you deserve that award. kapag binibisita ko tong blog mo....title pa nga lang ng post mo nakikita ko ang ngiti ko hanggang puwit hehe ^_^
funny ang blog mo promise ^_^ galing galing naman! ^_^

OHMYGUMS said...

*clap *clap *clap

you're the man!

karagdagang papuri-- dig na dig ko 'yung mga musika dito sa espasyo mo.

enJAYneer said...

ahoy! nanung balita kabalen?

-enJAYneer-
JAYtography: An Online Travelogue

I am Xprosaic said...

O ha! kaya di kailangang magdrama at isara ang blog na ito... Kaunting hithit lang at mawawala na yang problema mo... jejejejejjeje... Congrats parekoy!

manilenya said...

congrats! funny ka naman talaga e :)

←KiaN→ said...

Hekhek!....

okay lang repa...
Deserve mo naman yang award na yan eh..

Congrats! Congrats! COngrats!
Ano??? magpapakain ka ba???
hekhek!

Rocky said...

congratulations dun sa award..:)
tagal pa cguro magka award blog ko,hehe..
gudluck..ingat

Joni Rei said...

wow! congrats kuya. yun naman e. ^_^

Summer said...

Weeee...Di ka nmn maxado makapal wuahahaha Joke! =D Ayun congrats tol, and i think you deserve it nmn, o baka la lang sila mapagbigyan. Joke ulit, naku nahwa nako sa kakornihan moh. =D Congrats ulit!

Summer
Writers Den
Brown Mestizo

Hari ng sablay said...

@LIVINGSTAIN weh?naku maraming salamat,pero minsan emo din ako,hehe

@BURN hehe wag ka magalala pag nagbuhos ulit ng award bibigyan kita,tsaka hintay ka lang maraming magbibigay ng award niyan sayo, salamat :)

@ANTHONY pwedi naman mangutang kaso wala akong ipapautang,kailangan ng rumaket,hay...

Hari ng sablay said...

@TSENN uu mabuhay tayo,hehe marami pang mas nakakatawa ang blog kesa sa mga pinopost ko,minsan ng emo ako eh,haha

@XPROSIAC haha salamat parekoy, uu nga noh nagddrama pa di naman bagay,salamat nalang at nakahithit ako hehe

@POPE salamat po, prayer rally?haha pinagppray ang kaluluwa ko,

Hari ng sablay said...

@KHULETZ uu nga eh ginarab ko agad, agad kong dinakma,hehe salamat :)

@YJ haha hindi ko talaga babasahin yung mga yun,nanakot kapa ah.sige ka wag kang uuwi ng gabi lilingon sa likod mo baka makakita ka ng babaeng sobrang puti, si wilma doesnt,lols

@VONFIRE hehe salamat, pahiram muna ng pera paparty tayo,

Hari ng sablay said...

@POGING(ILO)CANO inuman na nga, patak patak,tig bebeinte,

@SHIE naku salamat,pero marami din namang mas nakakatuwa ang blog :)

@MERYL haha ang haba naman ng ngiting yun,hanggang puwit talaga, salamat po at natutuwa kayo sa mga kakornihan ko,haha

Hari ng sablay said...

@OHMYGUMS salamat po :) paborito ko kasing banda to dito sa pinas, urbandub... \m/

@ENJAYNEER oi musta? ala oyni tambay pa din,haha

@MANILENYA nyayss hehe hindi naman masyado, salamat :)

Hari ng sablay said...

@KIAN gusto ko sanang magpakain repa kaso kapos tayo ngayon,kapos palad, pautangin mo m una ako,haha salamat repa

@ROCKY hindi tsong magkakaaward kana rin niyan,hintayin mo lang, salamat :) dadalaw nalang ako sa blog mo

@JONIREI salamat :) maraming natuwa sa kakornihan ko,hehe

@SUMMER haha dalawang encyclopedia nga mukha ko eh,onga napilitan lang sila at walang mapiling iba,haha teka puro ka joke ah,ako ata nahawa sayo,haha salamat tol :)

Camille Anne F. Tajon said...

Congrats idoool! :D

pickleminded said...

Congrats congrats kuya, nyahahhaha nakikikuya lang din :)

pickleminded said...

baket wala ng cbox?? hmmmm...

Hari ng sablay said...

@CAMILLE hehe thanks thanks idol!

@PICKLEMINDED haha salamat kuya, yung cbox binalik ko na :)

Post a Comment