Thursday, August 20, 2009

Deal

May pamahiin o kasabihan ang matatanda na... kapag nanaginip ka daw na natanggal ang isa mong ngipin, may miyembro ng pamilya mo o malapit sa'yo ang mawawala na sa mundong ito. Mamamatay. Marami na akong beses nanaginip ng ganito, ang huli ay nung Martes. Wala naman nangyayari, kasabihan nga lang. Di naman nagkakatotoo, dahil na rin siguro sa kinokontra ko. Tama. May pangontra sa kasabihang ito. Kagatin mo daw ang kahit na anong kahoy ng ilang segundo pagkagising mo. Yan ang aking ginagawa, kinakagat ko ang computer table o kaya kabinet ko. Wala naman mawawala kung susubukan. Mabuti at nilolock ko ang aking pinto, baka kasi may biglang pumasok habang kagat-kagat ko ang aking kabinet. Ano kaya ang magiging reaksiyon nila pag nakita nila akong ganun? Itatali siguro ang kamay at ididiretso agad ako sa loob ng Mandaluyong.

Kanina naman ang panaginip ko... ginigising daw ako at hinalikan sa pisngi ni ermats. Isang pangyayaring hindi pangkaraniwan saming mag-ina. May mga sinasabi daw siyang mga habilin, na tila ba nagpapaalam na. Iyak daw ako ng iyak sa aking panaginip.

Parang hindi ko yata gusto ang mga napapanaginipan ko lately ah. Parang may hindi tama. Ayokong isipin na senyales ito ng isang bangungot sa totoong buhay. Ayokoyokoyokoyoko.

High-blood si ermats. Ngayon lagi siyang nahihilo at tumataas ang presyon. Isa na rin siguro ang puyat at siyempre hindi mawawala ang kunsimisyon sa aming magkakapatid.

Nakipagkasundo ako kay Bro, magkikita kami sa darating na linggo. Ang gusto ko lang mangyari... aayusin ko na buhay ko, iwas bisyo, tutuparin ko na mga pangarap ko, magsisipag na ako, magiging mabuting tao at lahat ng gusto niya gagawin ko... basta wag niya lang muna kukunin ang aming ina.

Hindi pa tapos ang obligasyon ko bilang anak. Wala pa nga akong naibibigay na kapalit sa kanyang mga sakripisyo, na alam naman nating hindi matutumbasan ng kahit na ano. Hindi naman maluho si ermats, hindi na siya naghahangad ng isa pang bahay at lupa, o mga sasakyan. Ang gusto lang niya makapunta sa iba't ibang bansa. Makapamasyal. Sa ngayon dalawang bansa palang napupuntahan niya, Hongkong at ang Pinas. Kaya pag ako yumaman pucha, bibili ko siya ng sariling eroplano.

Sana. Sana. Sana senyales ito ng magandang paggising. Sana binubuhusan lang ako ng malamig na tubig ni Bro para bumangon.

Kailangan ng tumayo. Magpagpag ng unan. Magtupi ng kumot. Magligpit ng higaan. Minsan kailangan mo talagang managinip para gumising.

59 Sumablay:

tsenn` said...

haay
bakit ganun..
..
wululung..
..
kaya mo yan kuya..
alam mo kung anong senyales yan??
di ba malapit na kong grumaduate,
at sabi ko sau dati
pag ako grumaduate,
may trabaho ka na nun!
hahaha! un un kuya miron!
:D

ps
get well soon mommy ni kuya miron

Lord CM said...

Tama ka jan brod, minsan nga inuuntog ka pa para magising lolzz buti na lang di ka inuntog :D

Pero tama bang hintayin pa natin ang mga senyales na ganyan bago natin gawin ang tama?

MsDianeG said...

I dreamt when I was 7 na I lost a tooth. The next day, I found out that my grandfather passed away. Siguro nga kasabihan lang pero what a coincidence naman di ba?! It's weird..I didn't know na may pangontra pala sa ganon?
Anyway,like what they say dreams are just dreams. Kabaligtaran daw sa mangyayari sa tunay na buhay. :)

docgelo said...

nakaka-relate ako ng sobra sa post mong ito.
una - hindi bago sa akin iyong kasabihang iyon. nadining ko na din yan noon sa lolo't lola ko. maniwala ka man o hindi, pareho tayo ng ginagawa, kagat sa kahoy! hehehe...
pareho kami ng gusto ng nanay mo. gusto kong magpa-picture sa mga sikat na monumento at tourist spots sa europe, US, Asia at Australia, lol. simple lang iyon di ba? kung may sapat na budget. sa lahat ng tinuran mo, saktong sakto ka sa linyang "Ang gusto ko lang mangyari... aayusin ko na buhay ko, iwas bisyo, tutuparin ko na mga pangarap ko, magsisipag na ako, magiging mabuting tao at lahat ng gusto niya gagawin ko... " lahat gagawin natin para sa ating mader dear! ---> di ka sablay ngayon, lol. :D

ACRYLIQUE said...

Naku, pamahiin lang yun. Dont worry too much.
Everything will be okay in the end,
if aint ok, it aint the end. :)

DETH said...

hindi ko rin gusto ang mga napapanaginipan ko lately...si ex...dati malabo yung image niya pero alam kong siya base dun sa takbo ng mga nangyayari...pero lately shet ang linaw-linaw at super vivid yung mukha niya...

Minsan kailangan mo talagang managinip para gumising.

Tama...ako rin kelangan ko na magpagpag ng unan...i love this post Sablay, lavet:D

♥superjaid♥ said...

wag ka pong magalala things may do happen for a reason pero baka ang reason kung bakit mo napanaginipan yun ay para lang magising ka, hindi para bigyan ka ng senyales, Ü

bea trisha said...

oh..how sad ng dream..
pero sweet naman po ng wishes nyo...
sana nga magkatotoo..

go lang!

A-Z-E-L said...

pray and have the faith... walang mangyayari sa kahit anong bangungot mo.

bangon sablay...

yan lang siguro ang ibig sabihin nun.

teka, masarap ba ang computer table? di ko pa natry... lolz!

PinkNote said...

Hindi pa huli ang lahat para sa bagong simula..^^

manik_reigun said...

kasabihan lang yan tsong! maraming beses na akong nabungal sa panaginip ko. at di bagay sa kin!hehe.

anyhu, mukhang may gusto lang iparating senyo si Bro, para mas malakas pa bond at reltnshp nyo ng family.

tama, wake up call nga yan.

kaya, bilang nars,minsan lang ako magpapayo: iwasan na ang mga bisyo!simulang mag ehersisyo!

xD

RaYe said...

dreams can wake you up to face your reality.. :)

goodluck sa plans mo. :)

patola said...

ang sweet naman.. ^^

hindi ko alam yung mga senyales kuya eh pero sabi ng psychology teacher ko dati,nasa subconcious natin yung dreams. napapanaginipan da natin yung mga things na sa whole day hindi natin alam na iniisip natin and yung mga bagay na wish natin mangyari... :)

Yanie's Ka-blags!!! said...

ang sabi naman ng iba... usually daw ang mga panaginip at kabaligtaran sa totoong buhay...

just hold on to that and go on being a good boy, because that's what the dream is all about!

Camille Anne F. Tajon said...

Aww. Go hari! Kaya yan. Di pa huli ang lahaaaat! :D

I am Xprosaic said...

O ha! Sige lang gawin mo lang ang deal niyo ni bro... Mangyari man o hindi ang panaginip mo iisa lang masisigurado ko... ikaw ang panalo pag ginawa mo ang deal mo sa kanya! O game!

Arvin U. de la Peña said...

muli pinahanga mo ako sa sinulat mong ito..idol talaga kita..naniniwala din ako sa mga panaginip na iyan na sinulat mo..naalala ko tuloy ang nanay ko..huhuhuhuhuhu..wala na kasi siya dito sa mundo na bago siya nawala ay 2 weeks before siguro ay nanaginip ako na natanggalan ng ngipin..kinontra ko naman iyon ng mga pangonta na sinasabi o ginagawa ng dito sa amin na nabalitaan ko pero wala pa ring nangyari..siguro oras na niya iyon para mamaalam sa mundo..di kasi natin alam hanggang kailan ang buhay..may sinulat nga akong tula na para sa kanya na napublish rin iyon sa diaryo..kung di mo pa nakita sa blog ko na andun din ang newspaper clip ay ito ang tula..sana di magbago ang pakikitungo mo sa akin kahit sa ibang araw malaman mo ang inilabas kong galit na may mga sumisira sa aking blog..




SANA
Sender: Arvin U. de la Peña
TO: Beltrana U. de la Peña



Sana muli kitang makasama
Ng madama ko ang pagmamahal mo sa akin
Sana muli kitang makita
Ng magkaroon ng kulay mata kong nalulungkot.

Sana muli kitang makasabay sa pagkain
Para kahit ano ang ulam kasalo kita
Sana muli tayong makapamasyal
Para para mayroon pa rin sigla.

Sana muli tayong magkakuwentuhan
Para malaman ang suliranin ng isa't isa
Sana muli tayong manood ng tv
Ng malaman natin mga nangyayari sa ibang lugar.

Sana muli nating madama
Ang lungkot at saya na nangyayari sa atin
Kung buhay ka lamang
Ay mangyayari sana ang lahat ng ito.

Sana buhay ka pa
Mahal na mahal kong Ina
Sana, sana buhay ka pa
Di ako masaya kung wala ka

EǝʞsuǝJ said...

nice post pare!

bangon pare bangon....
gumawa ka ng paraan habang maaga pa
habang may oras pa...

:D anung lasa ng computer table?

^^,

darkhorse said...

Dre salamat sa mga tips sa dreams kc ganun din pnaginip ko lately taz dko lam kontrahin..lol...pero i feel for ur concerns lalo na sa magulang - mahalin mo habang nan dyan pa sila at sana humaba pa buhay nila...tc

chiel said...

hi there. Katouch naman ng panaginip mo. Tama ka sometimes we need to wake up para magising ;) ;). Its a good thing u realized before its too late. I believe in saying, kung ano ang pinaniniwalaan mo un ang nangyayari, thats what we called faith. Always pray nalang tayo lagi para lagi safe mahal natin.

bisitahin mo rin ako? salamat ;0)

Karen said...

natawa ako at kinakagat mo ang computer table mo hehehe, ngayon ko lang alam ganun pala ang pangontra...di pa ako nakapanaginip ng ganun karaniwan ahas o ghost ang mga napapaniginipan ko pero lately di ako masyado nakakapanaginip at ayoko ng ganung panaginip kakatakot at kakalungkot naman. Noon nung time pa ni Christ ang dream ay isang way para makausap o makapag hatid ng mensahe si God sa mga tao. Di ko alam ngayon if dreams may or may not have meaning.

Me and my mom may not have the best relationship pero mahal na mahal ko ang mama ko at ayokong isipin ang ganito huhuhuhuhuhu :((. Salamat sa post na ito na isang reminder din sa lahat ng mga anak to love their parents and cherish each moment with them.

Sa mom mo at sa lahat ng mga parents wish ko and pray that God will grant them long life and good health. God Bless to your family!

PABLONG PABLING said...

kinilabutan ako sa kwento mo. , , nangyari din sa akin ang nakapanaginip ng ganyan , nawala ang lola ko =(

kung alam mo lang kumagat rin sana ako.

ikumusta mo po ako kay bro

chikletz said...

gawin mo na ang dapat mong gawin. mag-umpisa ka na. now na. i'ts a good thing to be in the realization of life, it's another thing to face it. bango na.

Jepoy said...

Ako din dati na naginip ng ganyan, tapos dun s alikod namin kinagat ko ang puno ng bayabas tapos dumaan ang kras ko kamontikan na kong maihi sa aking brip :-(

Well ang saakin wala namang masama na sumunud sa mga pamahiin kung hindi naman makakaabala sa buhay buhay, at relak ka lang walang mangyayaring masama sa mama mo basta pag pray mo lang sya parati k Papa Jesus

SEAQUEST said...

Hala, tayo na kasi sarap ng tulog eh,pero totoo naman di ba nung mga kapanahunan pa nila maria at jose sa panaginip idinadaan ang mga bagay na nais sabihin ng Ama sa kanila kaya sometimes angpanaginip tlaga ang way para matauhan tayo....Gosbless

Yj said...

success yung dream...

yun lang naman ang purpose niya eh, ang gisingin ka.... wala ng iba....

")

Hari ng sablay said...

@TSENN haha onga GGRADUATE kana,sana mgdilang anghel ka,hindi ko nga lam kung totoo mga senyales na mga yan pero kung positive yung dating ng senyales paniniwalaan ko,haha

@LORDCM meron kasi talagang mga taong tamad na kagaya ko,haha minsan nagiging masama muna bago maging mabuti, pero tama ka pre hindi na dapat hintayin pa ang ganun,

@MSDIANEG parang "hula" lang ang kasabihan,walang katiyakan parang guidelines lang ika nga,nasa paniniwala lang,ay ang sad naman nun 7yrs old kapalang,sabi nga daw nila kabaliktaran daw,

Hari ng sablay said...

@DOCGELO teka anong kahoy naman ang kinakain niyo doc?ako din gusto ko ng ganun pasyal-pasyal,simple nga lang pero magastos,haha uu lahat gusto nating gawin para sa kanila,sila kasi nuon lahat ginawa para sa atin, salamat doc :)

@ACRYLIQUE wow ganda naman nung binitawan mo,tama tama,pamahiin nga lang walang katiyakan,salamat

@DETH ano kaya ibig sabihin nun?siguro magkakabalikan kayo,naks reconciliation,haha juk lang nanunukso lang,okaya siguro lagi mo siyang iniisip noh?bitter kaba pare o hindi pa nkpagmoveon?hehe juk lang ulit :) salamat.

Hari ng sablay said...

@SUPERJAID uu tama ka, salamt :) kaya ng hindi mo masyadong pinapansin at sana di na ulit mangyari,sige gigising na ako,hehe

@BEATRISHA sad nga eh,uu sana nga magkatotoo wishes at gagawin ko lahat hehe salamat

@AZEL matigas eh diko manguya, sige itry mo minsan pati kabinet,haha tama babangon na ang sablay,salamat :)

Hari ng sablay said...

@PINKNOTE uu nga lahat naman ng oras nasa sa akin,salamat

@MANIKREIGUN tama tama tsong simula bukas uumpisahan ko ng mgexercise at bawas bisyo unti-unti,wake up call nga siguro,di kami kasi ganun kaclose ang mga tao dito sa bahay,salamat

@RAYE salamat sana nga matupad mga plano natin sa buhay,gudluck din :)

Anthony said...

akala ko wet dreams :)
hehe

aja!

kox said...

simulan na ang dapat simulan.
wag ng mag pa tumpik tumpik pa.. hahaha.. wag na antayin ang senyales bago mag umpisa, minsan ang sign, late dumating..


kuya naman, ibalik mu n yung shoutbox mo. ayos sa pix ah! lols =))

rico de buco said...

parekoy, sumtyms ang mga panaginip ay nagiging instrumento para mgising tau.. at lumabas sa comfort zones natin...ausin mo dpt ausin pre..bsta suportado k nmin anu man ung gagawin mo..

sabi mo musta sa shoutbox ko? ok lng ako..knakaya hehehe..

PeterPan said...

There's a point in our life where we realize that we need to do something for our selves, do the things that will make us succesful in the future..

Well thats a good sign for you

Madame K said...

ahaaaaaaaaaaay buhaaaaaaaaaaaaay

DRAKE said...

Alam mo although pangit ang panaginip mo, nagdulot naman ito ng magandang epek, ngayon ito na ang simula para bumawi sa iyong ina. Hindi lang basta sa gawa pati sa salita. Minsan kasi di natin alam kung kelan darating ang oras natin, kaysa magsisi tayo sa bandang huli mas maiging gawin na natin ang magagawa ngayon.

Pre baka naman kumakain ka kasi ng tsokolate bago matulog?wag ganun masisira talaga yan at eepekto sa panaginip mo yan,hehhee

pickleminded said...

Poet ba si Arvin? Hayz... pamahiin lang yun bro.. basta always pray to Papa God :)

PinkNote said...

Sablay off topic lang, natawa ako sa comment mo about sa snacks dun sa shoutbox ni jepoy.hahaha as in LOLz!

wala ka rin kasi cbox kaya dito nalang ako makikichat..sabo ko nga kasi kay jepoy, magtayo kayo 3 ni paps ng grupo, the 3 stooges! ibang iba talaga mga banat nyo e...hahaha

Dhianz said...

hanga naman akoh sa faith moh sa Kanyah... keep it up ha... and hmmnnzz... yeah i used to believe on those meanings of dreams... true wala naman mawawala kung gagawin like sabi moh nga dreams about teeth at kumagat kah nang kahit anogn bagay bah? eniweiz... alam moh ang pinakamabisa dyan.. prayers... i had those kinda dreams den from d' past.. wat i always do is pray... sabi koh God sau nah 'ung dreams koh.. kayo na po bahala.. basta pray at all times... about naman sa mom moh... syempre pray moh ren sa Kanyah.. Sya lang naman may hawak nang buhay naten... ipaubayah moh lang sa Kanyah... ibibigay naman Nyah ang desires nang puso moh... awa ni God hope 'ur mom will feel better... ingatz lagi mare kow.. Godbless! -di

KunthanRaj said...

hi buddy nice cool blog keep up the great work...have a blow...:)

check mine and ping ur comments..


Total NonSense

Goryo Dimagiba said...

akala ko ibibili mo ng benteng bansa ermats mo pag yumaman ka.. bebenta ko sana sayo yung sobrang limang bansa na nabili ko..

ahihihi...

gisingin nyo ako nananaginip ako!!!

sunny said...

this must be the "wakey-wakey up call"....hope ur mum is fine now! btw, have u read the book For One more day by mitch albom? it's very nice, quite related to your experience...

YanaH said...

nasabi na nilang lahat....hehehe
at least may pampagising sayo...
hehehehe
yun nga hindi pa huli ang lahat.. may pagkkataon ka pa para kumilos at maabot ang dapat abutin ng maibgay mo ang mga bagay na gusto mong ibigay sa iyong ina... na makita mo rin sya na amsaya dahil panatag na siya sa magiging estado mo diba?
kaya... sige lang... sa pagbangon mo, magbaon ka ng sangkaterbang lakas ng loob na magiging pannanggalang mo sa pagharap sa kung ano mang ibabato sayo ng buhay... :d

Goryo Dimagiba said...

agree ako ke YanaH, hindi pa huli ang lahat in english - The All is Not yet the Last... (napalunok ako sa ingles ko..)

Hari ng sablay said...

@PATOLA ay ganun ba yun onga sabi nga din ng iba yung naiisip mo daw bago matulog yun yung napapaniginipan mo,salamat

@YANIE hehe gudboy ba ako?sige na nga sabi mo eh,hehe marami din nagsasabi kabaligtaran daw panaginip

@CAMILLE tama tama di pa huli, sige go lang ng go,hehe

Hari ng sablay said...

@XPROSIAC game game,tama ka pare ako rin mananalo,hehe salamat kailangan ng bumangon :)

@ARVIN pare hindi magbabago pakikitungo ko sayo kahit sino makaaway mo,wag mo lang akong idamay,hehe nakakalungkot naman ang nangyari sa inay mo, wag ka magalala pre sigurado ako proud na proud siya sayo at sa ginawa mong tula sa kanya :) salamat sa pagshshare

@JENSKEE lasang laway ng bagong gising,lols tikman mo din pare baka magustuhan mo,haha salamat tama maaga pa

Hari ng sablay said...

@DARKHORSE salamat din pare,pag nangyari ulit yun sayo gawin mo din yung ginagawa ko pangontra,hehe basta wag mo lang gawin sa public

@CHIEL tama tama, salamat din,pray nga lang din ang ginagawa ko para safe kami lagi, sige bibisita ako sa iyo :)

@KAREN naku kakatakot naman pala mga panaginip mo,ano daw ibig sabihin nun?ah ganun pala yun nung time ni Christ, salamat sa impormasyon,,kami din hindi kami close ni ermats at ayoko din isipin yung ganun,nkakapanlambot, Godbless din sa family mo at sa mom mo :) salamat ulit

Hari ng sablay said...

@PABLONGPABLING aw kakalungkot naman yun,sana nga agad mong nalaman tong pangontra para baka umepekto,hehe sige paps papakamusta kita dalawin mo din siya,

@CHIKLETZ bango na?ah bangon na,uu nga uumpisahan ko na nito,nakakapagod na rin maging tamad, salamat :)

@JEPOY anak ng ako maiihi sayo sa kakatawa eh,haha bakit naman sa likod kapa ng bahay niyo kumagat yan tuloy nkita ka ng kras mo mapagkamalan kapang nanaginip ng gising nun,uu relak lang ako ayoko magkolap eh,salamat :)

Hari ng sablay said...

@SEAQUEST ganun ba yun salamat :) sana nga yun ang gustong iparating sakin ng Diyos na kailangan ng tumayo,Gosbless din este Godbless :)

@YJ tama kailangan ko ng umasenso, pero effective yung paggising ng Diyos,babangon na ako, :)

@ANTHONY haha mas ayos sana kung wet dreams eh noh

Hari ng sablay said...

@KOX haha bkit mo pinagtatawanan pics ko sa plurk?ayun na nga binalik ko na cbox ko,hehe sige sisimulan ko na ang dapat :)

@RICO salamat sa suporta pare,ikaw ok ka lang ba talaga niyan?kamusta ang mga sugat sa puso?hehe kaya mo yan kaw pa,hehe

@PETERPAN uu nga sana senyales yun para gumising at tumayo para ipagpatuloy ang hamon ng buhay,sana yun ang turning point

Hari ng sablay said...

@MADAMEK parang inaantok ka pa ata?haha gising na

@DRAKE haha tsokolate ganun ba yun?tama ka pare kaya habang may oras pa kailangang ipakita sakanilang mahal natin sila,wag ka magalala pre susundin ko payo mo salamat :)

@PICKLEMINDED poet si pareng arvin? siguro,bakit? pamahiin nga lang pero parang guidelines din,uu have faith tnx

Hari ng sablay said...

@PINKNOTE ah yung snacks?eh sabi kasi ni pareng arvin kailangan daw may snacks kasi daw mahaba-haba yung ginawa niya,kaya ayun pinaghandaan ko bumili ako ng mga snacks pero di naman natuloy,haha 3stooges?mas magaling bumanat yung dalawang yun kesa sakin,haha

@DHIANZ o pareng dhi napadpad ka ulit sa blog ko,hehe long time no comment(gawa gawa ko lang), uu tama ka prayers lang katapat nun tsaka faith,lam ko naman na di kami pababayaan ni God,salamat :) ingatz din lagi, Godbless

@KUNTHANRAJ di ko lam kung maiintindihan mo to pero bahala kana kung hindi,haha nice blog din have a blow?

Hari ng sablay said...

@GORYO haha teka ano bang mga bansa yan?baka naman sa northpole yan o bandang antartica, ay nanaginip ka lang pala. gising na lolo!

@SUNNY aw naku hindi ko pa nabasa pero mukhang interesting, siguro nga wake-up call, shes fine now :) tnx

@YANAH naku maraming salamat sa nabanggit mo, actualy tama ka nga gusto ko may mga bagay na naibibigay ko sakanyang ikasisiya niya,yung lang naman ang gusto nila makita tayong maayos ang lagay ng buhay :)

@GORYO anak ng! napalunok din ako sa inglis mo lolo,haha ayos benta!haha

JETTRO said...

parekoy ksabihan lang cguro yan
sana ako mkahuli sa iyo na kumakagat ka
sa computer mo.. haha gulong cguro ako sa
katatawa parekoy.

Karen said...

ahahaha aguy pag ahas daw someone is betraying you...ewan ko lang kung totoo talaga. ahahaha buti nalang ngayon wala akong dreams awts

Hari ng sablay said...

@JETTRO kasabihan nga lang parekoy, at talagang gusto mo pa kong makitang kumakagat ng computer table ah,haha

@KAREN nyaysss,kakatakot naman pala panaginip mo, walang dreams?meron siguro hindi mo lang matandaan,hehe

Madame K said...

NAGiSiNG NA AKO.. wahihihi

Hari ng sablay said...

@MADAMEK haha ako nananaginip pa

Traveliztera said...

unconsciously, you're afraid of losing your mom badly... although consciously, i'm sure ganon din nararamdaman mo pero nasusuppress mo lang... more than 20x ko na rin ata napanginipang namatay daddy ko or mommy ko. super freaked me out although hindi pa ako nakapanaginip ng sa ngipin (which means death) ... ung akin kasi, vivid... and i know na iba ung ibig sbihin non ksi d nga nman sa ngipin un. lol okay sabog na ako hahaha

but i do hope na u'll spend ur time wisely this time na nireremind ka na life is so short. (insert moffatts song)

Post a Comment