Wednesday, August 12, 2009

Away-away-away na to

Nung nakaraang sabado sinamahan ko siya sa kanyang dentista. Monthly check-up dun sa kanyang bakal sa ngipin. Maraming tao, sabado kasi. Walang upuan kaya naghintay na lang muna kami sa labas ng clinic. Napansin ko yung pinto ng clinic, nakasulat dun ang dalawang pangalan ng dentista. Hindi nila totoong pangalan pero ganito ang nakasulat...

Maria B. Delacruz - Santos
Juan A. Delacruz

Kahit ako, unang tingin ko kala ko mag-asawa pero hindi pala. Ang alam ko lang magkamag-anak sila pero di ako sigurado kung papaano.

Pagkatapos ng nakakaantok na tatlo-kalahating oras ng pagpila, siya na ang sumunod. Mahirap talagang magreklamo pag may kailangan ka sa isang tao. Mahigit limang minuto lang ang tinagal niya sa cubicle sibat agad kami. Inadjust-adjust lang daw at pinalitan yung mga goma.

Sumakay kami ng LRT, puwesto kami sa gitna kung saan yung pinagdudugtungan ng mga tren. Nakatayo. Nakasandal. Nakahawak sa may bakal. Next station may sumakay na tibo tsaka bebot. Nasa late-30's na mga itsura. Tumabi sa akin yung tibo, yung bebot naman sa harap ng tibo. May kausap sa fone ang bebot papasok ng LRT.

Nagsalita yung tibo...

Mamayang maghihiwalay na tayo pwedi mo ng gawin kahit anong gusto mo.

Nagulat ako magkakilala pala sila. May tumawag ulit sa bebot...

Bebot: Ma... malolowbat na to... blah... blah... blah... (sabay baba ng fone)
Tibo: Pahiram ng cellphone (pasimpleng inaagaw ang fone sa bebot pero di binibigay)
Bebot: Tinetext ko si Mama oh...

Umikot-ikot ang ulo ng tibo, nagmamasid siguro. Putiks! Nakita niya akong nakatingin sa kanya. Mabuti at inalis ko agad ang tingin ko. Nakakatakot kasi siyang tumingin parang kakain ng buhay na manok. Habang papaandar ang tren patuloy din ang kanilang pasimpleng pag-aaway. Hindi naman eskandaloso ang dating pero marami din taong nakakarinig. May mga binibitawan silang pangalan tsaka lugar tsaka date.

Ilang minuto pa binigay din ng babae yung fone sa tibo. Iniiscan nito ang cellphone. Scroll down. Nagpapa-ring ng number. Nagbabasa ng messages. Alam ko mga ginagawa niya dahil pasimple akong sumisilip. Hanggang sa tuluyan ng nag-empty yung battery ng fone...

O bat di ka mapakali diyan? (sabi niya sa babae) May spare ka naman battery di ba? Palitan mo na to. (sabay abot) Tsaka mo tawagin si ganito (parang fren nung babae). Sabihin mo marami akong gustong itanong. May gusto lang ako malaman... Oh ano napalitan mo na ba?

Pagtingin ko sa babae, nakakaawa itsura. Halos mangiyak-ngiyak. Isang pikit na lang babagsak na ang luha. Ilang station pa ang lumipas dumadami yung pasahero at medyo nauusog na kami papalayo sa kanila. Pero naririnig ko pa rin silang mag-usap. Hanggang sa binigay na ulit yung fone sa tibo...

Hello... salamat ah, salamat sa pagsisinugaling atleast ngayon alam ko na anong oras siya nag-out nung tuesday. Hindi naman ako nagagalit sa inyo, nagagalit ako sa kanya. Maghihiwalay na kami nito pinapasundo ko na siya sa mama niya...

Yun ang huling dinig ko sa pasimpleng pag-aaway nila. Bumaba na kami at di ko na alam kung saan-saan na napadpad ang kanilang konprontasyon. Ayaw ko pa sanang bumaba para makiusyoso pero baka kung saan-saan din kami makarating.

Hindi ko alam kung magkaka-ayos pa ang dalawang yun o tuluyan ng lilihis ng magkabilang landas. Nakakalungkot ang ganitong mga pangyayari. Nakakalungkot makasaksi ng mga taong nagmamahalan pero nauuwi din pala sa hiwalayan. Mukhang maluluwag na rin siguro ang kanilang mga goma, kailangan na din pumunta ng dentista. Kailangan na sigurong palitan ang isa't-isa, at maging estranghero ulit ang mga paningin nila.

67 Sumablay:

Bulaang Katotohanan said...

Karamihan sa mga tibong na-obserbahan ka...
nakakasakal silang magmahal; siyempre babae pa rin kahit paano, medyo mas may timbang ang puso.

at least hindi sila masyado nageskandalo.

Yanie's Ka-blags!!! said...

hirap palang tumabi sayo sa tren...

i-aannounce mo sa whole world ang buhay ko weeheheh!!!

buti na lang dika nahalatang nakiki-uzzi...

HARI NG SABLAY said...

@BULAANGKATOTOHANAN teka may nkarelasyon kana bang tibo?onga di naman sila ganun kaingay sa tren tsaka matatanda narin naman sila,hehe nakakaawa nga yung babae

@YANIE haha siguro pag sinundan pa namin sila mhahalata na,bsta bahala sila bato-bato sa langit ang tamaan may balat sa puwit,lols khit naman kasi yaw mong makiusyuso maeenganyo ka eh,haha

OHMYGUMS said...

kaka-intriga kung ano kaya ang sumunod na kabanata...sarap maka chismis.

Sana lang kung ano man maging desisyon nila, sana para sa ikabubuti nila.

rich said...

aww... bakit naman sa public nila pinaguusapan yun? or baka di namna yun yung ibig nila sabihin... XD

abe mulong caracas said...

wag namang palitan

tulad nang ginawa sa bakal sa ngipin ng kasama mo, baka naman may kailangan lang ayusin...yung goma ba?

teka san kaya nilalagay nung tibo yung goma niya kaya di maayos? sa palagay mo parekoy?

manik_reigun said...

isa kang batikan na papa-paparazi!

mukhang di lang goma ang may luwag dyan doc, pati turnilyo na rin ata, hehe.

may kaibigan akong nagka jowa ng tibo. mahilig din sa eskandalo kapag may breakup. mukhang nasa genes nila ang magtalo sa public places. ahehe

Jepoy said...

kelangan laging emo?! Nasan ba ang cbox kasi ang hirap mag tanong sa comment box. Hindi akin ang blog ng usapang lalake baket mo naman ako pinag bibitanganng ako un?! lol

JETTRO said...

parekoy dapat sinundan mo na yung gurly kawawa nman. para madali siyang mkalimot don sa tibo. hehe

♥superjaid♥ said...

hehe uzi ka pala kuya, haha uhm..tingin ko rin talagang nasa genes na ng mga tibash ang maging possessive, babae parin kasi sila tsaka yung pagiging eskadalosa,wahaha Ü

MarcoPaolo said...

hehehe...grabe naman yon....

HOMER said...

ang tawag dyan. USI. Usisero lol! :D

uso ata tibo ngayon ah haha!!

I am Xprosaic said...

Ahahahahhahaha... nakikiusyoso ka na nga binroadcast mo pa... jejejejjeje... buti na lang malayo ako sa iyo... jijijijijiji

ELAY said...

kawawa naman ung babae, sus bakit kasi sa tibo pa eh ang tibo babae parin eh malikot at di maintindihan ang kokote. Hahaha alam nio guys lagi lagi rin akong laman ng lrt kaya pag may mga skandalong katulad nito hindi maiiwasang hindi makiusyoso

poging (ilo)CANO said...

ayus ah! awayan inside the LRT. dpat sinundan mo para alam natin kung ano ang nangyari sa kanila. bitin tuloy..lols

PinkNote said...

minsan din diko maiwasang di makiusyoso kasi naman rinig na rinig ang pinaguusapan.kaya kahit minsan gusto ko na magdabog sa public kapag badtrip ako ke-hubby ko, pinipigilan ko.inaantay kong makauwi sa bahay para di nakakahiya..hehe

Joni Rei said...

ahaha. gnyan dn ako kpg nsa s2kyan. nki2usyoso s mga naguusap. wahaha. anyway gnyan tlga ang buhay. cguro they're not meant for each other lang. pero malay ntin maayos dn cla :)

an_indecent_mind said...

pag puso na ang apektado brod, tingin ko hindi na makakahintay ng tamang lugar.. lalo na pag nginangatngat na ng selos at pagdududa ang buo mong pagkatao..

HARI NG SABLAY said...

@OHMYGUMS sarap nga mkiusyoso haha,tsaka sarap pagmasdan reaksiyon ng mga tao, sana nga ok ang mging desisyon nila

@RICH hndi ko alam sakanila pero pag ganuong mga pagkakataon kasi mhirap din pigilan yung bugso ng damdamin,hehe

@MULONG sana nga wag palitan sayang yung relasyon nila,tsaka jackpot na yung tibo dun,haha yung goma?sa kamay siguro ng tibo nilalagay,dun naman tlga nilalagay yun,rubberband ibig mong sabihin diba?lols

HARI NG SABLAY said...

@MANIKREIGUN uu habang pinagmamasdan ko sila akoy nagpopo-poker face pra di halata,ay ganun kahit sa public?di natin alam cgro nga sa genes o nasa tao na rin,pro ako yoko ng ganun,iiwan ko tlga pag ngiskandalo,haha

@JEPOY anong emo?sinong emo?teka ano bng tatanong mo?cge gagawa ako ng mailbox pra sa mga tanong mo,haha kala ko sayo yun nilink kasi yung blog mo,hehe

@JETTRO gusto ko sanang sundan yung bebot parekoy kaso baka madali rin akong mkalimutan ng kasama ko,haha at kami nman ang gumawa ng eskandalo,lols

HARI NG SABLAY said...

@SUPERJAID uu trabaho ng mga walang mgawa yung maging uzi kagaya ko,haha ah ganun ba yun, ibig sabihin psesive saka eskndalosa mga babae?kunsabagay npatunayan ko yan sa ex ko,hehe

@MARCOPAOLO haha sinong grabe? grabe nga eh,

@HOMER usisero nga ako,chismoso pa dahil initriga ko sila at gnwan ng entry,haha dumadami na nga mga tibo ngyon,gwapo pa sa mga tunay na lalaki,

HARI NG SABLAY said...

@XPROSIAC haha anong malayo?bkit?yan moral lesson kung ayaw mo maintriga wag kang eskandalosa,lols

@ELAY nkakaawa nga prang emotionaly battered,wala tayong mgagawa ganun tlga ang pag-ibig walng pinipili,hehe echusero ka din pala,haha sarap mkinig eh noh,

@POGI haha pti nga ako nabitin sarap makinig ng bakbakan, baka mahalata akong nkikiusyoso pg sinundan ko pa sila lalo na nakita niya akong nakatingin sa kanya,

DRAKE said...

Ito ang SNN, tutukan mo! Medyo hindi ka naman tsismoso nyan pre.

Ang tomboy ubod ng lakas ng insecurities nyan. Kaya karamihan sa kanila mga selosa talaga. Normal lang yun sa kanila, pero karamihan sa mga tomboy na yan alam kung paano susuyuin ang babae kaya sweet na naman sila uli,kalaunan.

Ang kinaiinsecure ko lang sa mga tomboy na yan, karamihan sa kanila magaganda at seksi ang mga GF nila.

Ingat pre

HARI NG SABLAY said...

@PINKNOTE hehe ako din mhirap iwasan makinig sa mga ganuong eskandalo lalo na pinaparinig talaga, ayoko din ng eskandalo hngat kaya kong pigilan pipigilan ko nkkahiya kasi sa mga nkakarinig baka gawan ako ng entry sa mga blog nila tulad nito,haha

@JONIREI onga sana magkaayos sila pro kung hndi tlga wala tayong magagawa,hehe uzzi ka rin pala,haha sarap kasi mkinig eh noh,nlalaman mo ang buhay-buhay ng ibang tao,

@ANINDECENTMIND ay uu nga naman cguro nga,pero yung may mga sigawan saka awayang pisikal parang nkakatawa na yung mga yun,nkakahiya na yung eskandalo na tlaga,haha

HARI NG SABLAY said...

@DRAKE haha hindi halata eh noh,may mga bagay ka rin kasing mtututunan sa pgiging chsmoso,tulad nito pangit palang mging eskandaloso baka gawan ka ng entry tulad nito,haha ngpaliwanag pa eh noh,teka pare may nahahalata ako sayo ah,bt alam mo yang mga yan tungkol sa mga tomboy?haha mggnda nga mga jowa galing dumiskarte,hehe

Camille Anne F. Tajon said...

Yes narelate sa dentist! Haha! Hay ayoko nakakakita ng mga ganyan sa public places...

Natetempt rin ako makiusyoso! HAHAHA!

A-Z-E-L said...

natawa ako sa comment ni drake...

hindi naman lahat selosa... meron namang mahaba ang pasensya. :)

kanya-kanyang paraan ng pagmamahal yan..

HARI NG SABLAY said...

@CAMILLE hinanapan ng butas at kinonekta,pilit na nirelate,haha uu nga kahit ayaw mo mkinig at mamakita ng ganun naeengganyo ka,haha hirap umiwas,

@AZEL uu nga,haha tama nasa tao lng din naman, pero karamihan cgro mga tibo ganun nga pag nagmamahal,hehe

Jasmine said...

salamat sa daan.

Madame K said...

ay chismis.. hahahahaha.. buti nman nde nag eskandalo.. lawl.. danda bah ni bebot? lawl

EǝʞsuǝJ said...

haaha

panalo ang pagusyoso mo pare...

akalain mo yun....

ewan ko lang pre
parang mabait naman ang mga tomboy..
madami na din kase akong naging kaibigan na kagaya nila...
kasalanan din siguro nung babae, hindi marunong makuntento sa buhay...

=)

lovely said...

napadaan din po hehe..talagang nakisyoso ka sa simpleng away nila ha hehe..

pero grabe nga talaga pala mag mahal ang tibo..pero ung babae nakow...

Anthony said...

yari ka dun sa tibo
haha pinagsabi mo sa buong mundo ang mga narinig mo hehe

wala bang nangyaring scandal?

burn078 said...

nakakatuwa naman yung sinabi mo nga yong tingin niya ay para kang kakain ng buhay na manok...pero maganda yong sinabi mo sa huli..

*Mukhang maluluwag na rin siguro ang kanilang mga goma, kailangan na din pumunta ng dentista. Kailangan na sigurong palitan ang isa't-isa, at maging estranghero ulit ang mga paningin nila.

Pag palaging nag aaway ang magkarelasyon, mauuwi talaga sa hiwalayan...

http://buhatsatambay.com/

niqabi said...

napaka keen observer mo pala sablayer king..
namimiss ko sumakay sa MRT from taft to Sm north, hehehe gusto ko nga pag uwi ko galing airport mag MRT na lang wehehehe...

Yj said...

the power of association.... napunta parin sa dentista ang ending...

ilabet

Kar3n said...

aguy! wala pa akong na experience na ganyan...it would be awkward...pero that's life...awts.

HARI NG SABLAY said...

@JASMINE walang anuman,salamat din sa isandaan,hehe

@MADAMEK chismis nga,haha buti nga hndi tipo yung sigawan kundi nkakahiya tlga yun,uu danda si bebot swerti na yung tomboy dun,

@JENSKEE usyusero tayo pare eh,haha mabait tlga mga tomboy,teka pare wala akong cnabing hindi sila mabait ah baka sugurin nila ako dito,haha ksalanan nga cgro kasi nagsinungaling,tsk!

HARI NG SABLAY said...

@LOVELY uu eh di maiiwasan ayaw ko man mkinig pero nangaakit ang kanilang mga binibitawang salita,haha grabe nga siguro,yung babae nkakaawa,mngiyak-ngiyak

@ANTHONY haha kakatakot nga baka mabasa niya to huntingan ako,lols gusto ko nga din mkakita ng scandal yung tipong batuhan ng kung anu-ano tas may eeksena,kaso walang ngyari eh,

@BURN078 nkakatakot tlaga yung mga mata ng tibo nanlilisik,tingin palang unti-unti kanang pinapatay,haha uu pag ganun na lang ng ganun wala tlgang mngyayari,pataasan na kasi ng pride nun,

Miles said...

Wehehe. marami na rin ako experiences sa tren, nakakatawa. :D

anyway, tinanggal mo na ba talaga ang tagboard mo kuya? o nabubulag lang ako?

salamat nga pala sa kumento, oo, nanalo na po ako. Pero nominated ako uli ngayon week na to, kaya maari nyo pa akong iboto isang beses isang araw. hehehe.

salamaaaaaat!

HARI NG SABLAY said...

@NIQABI ako dn dati sm north ako sumasakay papuntang ortigas naman,msaya nga nun uuwi ka nkaMRT tas marami kang dalang maleta tas pagbaba mo kulang na ang dala mong maleta,haha mrami dn kasing alam mo na sa tren,

@YJ onga eh pilit kong kinonect haha pero mkhang kulang yung gnwa kong pgconect sana pinagisipan ko pa lalo,hehe

@KAREN onga eh parang hndi tama na nakakailang ikaw pa mahihiya pero ganun nga ata talaga,bhala sila mgaway-away,hehe

HARI NG SABLAY said...

@MILES nabubulag ka lang siguro,hehe biro lang,tinanggal ko eh kasi may nanggugulo,basta,haha ah nanalo ka pala congrats kala ko kasi sumuko ka hehe sige vote kita, salamat din

Fe said...

maypagka curious ka pala he he (joke),infairness ha, talagang memorya mo yung nangyari. But anyway, di ko pa naman na experience yan, naexperience ko lang nagsuntukan yung magkasintahan he he

gem said...

Hi! I’m new with your blog poh, nice site! Can we exchange link? ayos lang ba? I have added your link on my blog. Thank you.

missGuided said...

ayos.pwedeng pang MMK! *hahah

Nakaka lungkot talagang isipin na kung sino pa ang totoong nagmamahalan yun pa ang kailangan mag hiwalay. (nakaka relate ako*haiii)

Arvin U. de la Peña said...

ang new post ko ay ang Barko Ng Buhay ko..kaunti na lang ang pwd na sumakay dhl ma overloaded na..ikaw ay pwd pa na sumakay..SAKAY NA..puwera bisita.

Summer said...

Ganun tlga ang buhay. Khit anong perpekto ng pagsasama, ay may magiging dahilan para pag-awayan. Di rin natin alam kung sino ang mali at kung sino ang may pagkukulang sa knila. At sana sa naging desisyun nila ay maging mabuti para sa knilang dalawa. =D

Summer
Writers Den
Brown Mestizo

Anthony said...

@hari: anak ng teteng, may scandal dun mag-aaway sila sana naivideo mo hehe

HARI NG SABLAY said...

@FE hindi curious tawag dun chismoso,hehe nagsuntukan?grabe naman yun, parang gusto ko din makakita ng ganun tapos yung babae yung nambubugbog ayos yun ayos,haha

@GEM salamat nice din yung site mo, ayos lang ililink kita bsta ikaw,salamat ulit :)

@MISSGUIDED pwedi nga pngMMK title Riot sa tren,lols ayun nkarelate ngkajowa ka rin ba ng tibo?o nkipag-away kana rin sa tren?hehe

dhyoy said...

uhmmm kung pwede pang remedyuhan bakit hindi remedyuhan... di yun ang gamit ng mga bakal sa ngipin para maging maayos ang ngipin?

HARI NG SABLAY said...

@ARVIN super ferry ba yan?sakay na! libri lang ba pare ayoko dun sa economy gusto ko dun sa chuchal ha,teka san ako dadalhin ng barko ng buhay mong yan?

@SUMMER sana nga magkaayos pa ang dalawang yun,di tlga maiiwasan ang mga tampuhan o rambulan sa mgsyota lalo lang silang natututo nun at tumatatag,tama nga yung sabi mo pre salamat

@ANTHONY hirap naman ng gusto mo pre, buhay ko nakasalalay dun baka pag nkita ako ng tomboy lamunin ako ng buo,haha cge nxtym,haha

HARI NG SABLAY said...

@DHYOY naks ayos ah nkakakita ka din ng butas at kinonek din,hehe tama nga naman kailangan lgyan ng bakal para maremedyuhan ang mga ngipin, :)

Miles said...

nyahaha. kala ko bulag nako ee. sino yung naggugulo? sapakin natin. LOL. hirap mo na kontakin. hehe. SAVE THE PLANET. :) Check my new post. Comments are loved. :) Hehe.

kox said...

astig! hahaha.. chikaminute k din pala. hehehe.. =)) kung ako un, makikinig pa ko, hahaha.. echos! =))

tsenn` said...

ako kuya miron kelangan ko na ata magpunta sa dentista
may KSP akong ngipin na bumaback float..
jusmio, mukang braces ang katapat neto, kamahalan :(
panu naman ako makakaipon ng P38000 nian :(

Meryl (proud pinay) said...

action and drama! ^_^ ganyan ang mga gusto kong scenes na masaksihan...nakaka sabik ang mga susunod na mga pangyayari...di mo alam kung may hahagulgol o magsasabunutan! ^_^ hehehe. joke lang. sana kung sakaling maghiwalay man sila...sana maka move on agad sila...masakit lang sa una kapag mag brk pero sa katagalan...mapapawi din ito. mas maganda siguro if ang babae ay para sa lalake ang mag partner...

Chyng said...

Kakatakot nga siguro magalit ang mga tibo no? Amazing ka ha, nasubaybayan mo ang away nila! ;D

usapang lalaki lang said...

bitin na bitin naman. mas maganda pa ang story na ito kesa sa mga napapanuod sa TV hehe

"isang pikit na lang babagsak na ang luha" - the best

Baklang Maton in the Suburbs said...

ay... aliw na aliw pa naman ako kakabasa... wala pala ko sa blogroll mo... hmpf! away away away na toh! hehehe..

HARI NG SABLAY said...

@MILES haha sapakin,hayaan nalang sila,maglalagay ako ng mailbox sige,haha kailangan na ba si superman para isave ang planet?nyaysss...

@KOX haha echusera ka rin ba?eh ayaw ko sanang mkinig kaso sila inakit nila ako yan tuloy ngawan ko pa ng entry,lols

@TSENN haha anong ngyari sa ngipin mo?sungki ba?yung kay labidabi sungki tsaka 30K lang yung sa knya mnthly niya binabayaran,di naman kailangan icash mo pwedi naman hulugan saka yayaman kana dahil GGRADUATE kana,

HARI NG SABLAY said...

@MERYL uu nga eh nkakasabik parang nanunuod ka ng live na pelikula,haha live na pelikula?nyaysss...hmmm ate meryl, naks naki-ate eh noh,pag ngkaproblema ako pwedi bang humingi ng love advice mukha kasing mgaling ka sa mga ganyan eh,hehe

@CHYNG hindi ko nga natapos yung aksiyon eh,haha pero nkakatakot nga sila mgalit nkita ko sa mga mata nung tibo,haha

@USAPANGLALAKILANG pati nga ako nabitin,ano nga kayang ngyari sa mga yun, uu ganun talga itsura ng babae nkakaawa nga nangingilid ang mga luha

@BAKLANGMATON haha suri suri hindi ko lang siguro nasave dati cge aadd kita ulit,suri salamat,hehe

rich said...

^hahaha! eh ang pangit pa din eh... XD

Syempre dami nakikinig. Alam mo naman pag ganyan, ang sarap makiusyoso... haha! XD

HARI NG SABLAY said...

@RICH onga pangit ayoko ng iskandalo din baka gawin din ako ng entry tulad ng ginawa ko,haha

tsenn` said...

un nga po e, wala akong sungki, nagkataong napamanahan ako ng matinong ngipin nila pudra..
kea lang lumiliyad patalikod un isa ngayon. SAD :(

P30k! :-O!
mahal huhu isponsoran mo naman ako kuya hahahha

HARI NG SABLAY said...

@TSENN isponsoran?pangyosi nga wala ako eh,haha GGRADUATE kana rin naman diba,naks! di naman ata halata yung isang ngipin, ok na yan,gusto lang mgpacute kay crushmate nga ba yun?naks!

rico de buco said...

dpt nasa lugar sila..d man lng sila humanap ng tmang lugar pra magaway...

ayan tuloy narinig mo hehehe..nabroadcat pa sila joke lng hehehe

Hari ng sablay said...

@RICO onga eh,haha ntsismis ko pa sila,echusero kasi ako,

Post a Comment