Tuesday, September 1, 2009

Bedridden

Emo 'to. EMO! Di mo maiintindihan.

"I want always to be a boy, and have fun." -Peter Pan

Nagiging maliit na ang mundo para sa akin. Di katulad dati, ayos na araw ko makapaglaro lang ng langit-lupa-saksak-puso-tulo-ang-dugo, tagu-taguan-maliwanag-ang-buwan-pagbilang-ko-ng-sampu-nakatago-na-kayo, touch-the-color-red-blue-magenta-fushia. Pucha talaga, hindi na pala laro ito.

Hindi ko rin alam anong problema. Maraming bagay na ang hindi ko na maintindihan. Tulad ng ano? Ewan. Di ko talaga maintindihan. Pakiramdam ko pinagkakaitan ako ng masasayang bagay. Parang wala akong karapatang tumawa ng malakas, humalakhak at pumalakpak. Nawawalan na ako ng gana sa buhay. Ang gusto ko na lang maging bata ulit. Maglaro lang ng maglaro.

"Dreams are my reality, a wonderous world where I like to be..." -Richard Sanderson

Sabi ng professor ko nun sa psychology, 1/3 of our entire life ay natutulog tayo. Nananaginip. Oo nga naman dahil humigit-kumulang 8 oras tayo kung matulog. Pero ako? Hindi lang 8-oras kung matulog dahil higit pa dun. Ang sarap kasing managinip. Lalo na kapag malulungkot, mga trahedya, mga masasaklap na pangyayari, mga sablay ang mapapanaginipan ko, dahil sa paggising ko makakaramdam ako ng relief. Salamat at panaginip lang pala. Pero kung katulad ng totoong buhay ang panaginip, na pwedi mong ituloy-tuloy kapag matutulog na, mas nanaisin kong managinip ng masasaya at gumising na lamang ng 8-oras. Matulog ng 16-oras. Sa panaginip ko na lang tutuparin ang aking mga pangarap. Yun nga lang di ako makakainom ng tunay na redhorse at makakapagbuga ng usok ng yosi, na sa panahon ngayon ay sila lang ang aking kinakapitan na alam kong hindi ako iiwan. Dahil ako ang may hawak sa kanila, iiwan lang nila ako pag binitawan ko na pagkakasakal sa bote at pagkakasipit sa filter. Unti-unti nila akong pinapatay at binubuhay.

Nasasabayan mo pa ba ang daloy ng utak ko ngayon? Wala na talaga akong naiintindihan. Lumulutang talaga ako. Ang sarap kasing pakawalan nito. Sabi ko na sa'yo 'di mo 'to maiintindihan.

“I love walking in the rain, ’cause then no-one knows I’m crying.” -Charlie Chaplin

May mga pagkakataong natutulog akong may katabing panyo, pampunas sana ng tamod pero nauuwi sa luha. Sa ganuong pagkakataon hindi na ako makakatulog, papaano ka pa ba naman makakatulog kung basang-basa na ng luha ang iyong unan? Makakatulog lang ako pag sobrang pagod na puso, isip at kaluluwa ko. Ang sakit. Ang saraaap.

Meron pang masarap gawin pag umuulan, ang sumigaw kasabay ng dumadagundong na kulog. Waaaaaahhhhhhhhhh!!! Ang hirap maging masaya, pero andaling maging malungkot. Ang sakit sa dibdib. Ang buhay ko ngayon ay walang pinagkaiba sa lola kong nakaratay na lang sa higaan. Sinusubuan, pinaiinom, binabantayan, pinapaliguan, pinapalitan ng diapers. Nakakulong lang sa apat na sulok ng kama.

"I think I need a new town, to leave this all behind, I think I need a sunrise, I'm tired of the sunset." -Augustana

Nasaan ang aking tapang? Ang aking lakas ng loob? Nasaan? Eh wala naman ako ng ganun eh. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nandito. Nawawala ako. Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng bumalik sa kung saan talaga ako nagmula. Di ko lam kung saan. Basta gusto ko ng umuwi. Bro gusto ko ng umuwi.

70 Sumablay:

Jepoy said...

Suicidal?! Wag ka muna umuwi ka Bro kasi meron pa syang quest para sayo.

Chillax ka lang! Makhalubilo sa masasayang tao para mahawaan ka. At pag dating ng gabi bago matulog uminom ka ng isang basong fresh Milk para pang clear ng mind kung baga.

Lord CM said...

Hehehe :D Astig!!!

Di mo maaalis ang ganyang sitwasyon sa buhay ng tao pre...lahat ng tao dumaraan sa ganyan, at syempre sa magkakaibang dahilan...tanggapin na lang natin at isipin may bukas pa, Naks!!! lolzz

Lord CM said...

Hehehe :D Astig!!!

Hindi na maiiwasan sa buhay ng tao ang mga ganyang sitwasyon pre, nangyayari ito sa lahat ngunit sa iba't ibang kadahilanan..ang magagawa mo na lang ay tanggapin at isiping may bukas pa, Naks!!! lolzz

ELAY said...

palagay ko kuya kelangan mo na si BRO sa buhay mo ;)

♥superjaid♥ said...

sabi nga ni chikletz sa akin kuya nung ako rin ang nawawalan ng gana sa buhay, "phase lang yan, matatapos din yan"..wag ka na malungkot kuya cheer up, lahat naman tayo nagiging emo at weak, pero ang pagkakaiba lang nating lahat eh kung paano tayo tatayo at lalaban muli o hahayaan na lang natin ang atin sarili na nakadapa habambuhay..

kung kailangan mo ng pahinga mula sa iyong parating ginagawa para mabuhay, gawin mo kuya, minsan talaga nawawalan tayo ng gana dahil nagiging routine na lang ang buhay natin at wala ng bago sa ating panlasa, sana nakatulong ako..Godbless po!Ü

MarcoPaolo said...

emong-emo nga... tsk tsk... first kong makapagbasa ng emo ng galing sayo parekoy ah... kayang-kaya mo yan parekoy! alam ko ano ibig sabihin ng "Bro gusto ko ng umuwi." - pero sa palagay ko lang yon... baka mali ang pagkakaintindi ko. :)

PinkNote said...

Pagnagkababy ka, magkakaron ka ng mas higit na rason para mabuhay..hehe ganyan din kasi ako bago dumating c baby...Gusto ko ng bumalik sa kung saan talaga ako nagmula.

Anonymous said...

*hugs*

Anthony said...

santino...
ang lahat ng bagay ay may panahon...
kung hindi man nangyayari ito ayon sa ginusto mong pangyarihan nito...
ay huwag kang mawawalan ng tiwala sa Maykapal...

...at mag-iinuman pa tayo ng todo!

SCOFIELD JR. said...

me kanta akong alam para jan...libre lang mangarap at dadalhin...baket, dadalhin kita sa aming palasyo tutal gusto mo nang umuwi...joke... tol, ako din nawawala. sa tagal ko na dito sa aboard, pero hanggang ngaun parang d ko pa rin alam kung nasaan n ako, kung hanggang saan na ang narating ko...alam mo yung feeling na may kulang...kulang sa kantot...joke...

Madame K said...

teka pare.. easy ka lang.. ang puso mo ang puso mo.. wahihihi..

mga comment ko:

1. "I think I need a new town, to leave this all behind, I think I need a sunrise, I'm tired of the sunset." -Augustana

i sooper love this line.. ala lng..

2. uu masarap matulog ng matulog ng matulog lalo na kung may problema ka.

3. Masarap talaga maging bata kasi laro lang lagi ang nasa isip. light lang ang problema.

4. Pareho tayo, nawala din ako nitong mga nakaraang araw pero pilit akong bumabangon, pilit kong hinahanap ang ilaw na gagabay sa akin.. mulatin lang ang mga mata, si Bro na ang bahala sa atin. Di naman nya tayo papabayaan. Hindi nya tayo bibigyan ng pagsubok na alam niyang di natin makakayanan. :]

Dhianz said...

parekoy ano man yang nararamdaman moh ngaun eh it all come to past... aysowz.. i have dat kinda moments den nang mga nakaraang araw... aysowz.. so lost na nde moh maintindihan.. na parang lakwentz na ang buhay na parang nakatitig sa kawalan... pero u have a choice... u entertain those thoughts/mood... or u go out there... pagmasdan moh ang paligid.... ang dagat... ang ulap... ang sunset... ang sunrise... ang bango nang amoy nang madaling araw... yeah i always love d' smell of d' morning... kc usually late akoh magising kaya pag nagigisng akoh sa umaga at naamoy koh ang umaga... sarap... so 'unz... eniweiz tao lang na makaramdam nang ganyan.... pero isipin moh lagi how so much blessed you are compare to others... oh yeah sabi nga nilah... if ur so emo eh find a person na mapapasaya moh.... pagkatapos non.. iba ang pakiramdam.... ibang klaseng joy... i guess sometimes we have to think less of ourselves and more of others... life is beautiful... u only gonna live once... and any moment/second could be 'ur last... kaya naman enjoy moh lang.. AJA! kaya moh yan.. ano man yan... and syempre prayers and trust sa taas... nde ka Nyah pababayaan... smile.. cheer up... do u know da blue day book atah 'un... u can read dat.. it'll make u smile... ingatz.. Godbless! -di

chikletz said...

grabe emo nga. at hindi ko nga maiintindihan. pero kumapit ka lang at di ka bibitawan ni Bro.

phase lang yan.

Anonymous said...

binigyan mo ako ng ideya
sumigaw kasabay ng kulog
:D

at naiintindihan kita
dahil kapwa emo tayong dalawa







.xienahgirl

DRAKE said...

Pre ang bawat bagay sa buhay natin ay lilipas lang! Minsan kasi nabubulagan lang tayo ng mga kagustuhan natin sa buhay o ng kasalukuyang emosyon, kaya tuloy hindi natin nakikita ang mga magagandang bagay na nasa kapaligiran mo.

Bro sana makatulong ang sinulat na ito sa iyo:

http://akingkwarto.blogspot.com/2008/11/madalas-ba-tayong-nagtatanong-sa-dyos.html

an_indecent_mind said...

nakakarelate ako brod.

pero mas ok ka pa rin... ako, sa kasalukuyan di ko maisigaw ang totoong nararamdaman at pinagdadaanan ko.. mas mapalad ka.

KORKI said...

"Dreams are my reality, a wonderous world where I like to be..." -Richard Sanderson


gusto ko to ☺

batang'henyo said...

oi, hindi halatang senti talaga..

gusto ko ito..
“I love walking in the rain, ’cause then no-one knows I’m crying.”

akala ko ba matapang ka, madrama pala, lolz!!

-mayang- said...

u won't believe this but at this exact same moment i am in the same situation as you are...i don't know what to do. i'm confused. i guess i just need to grab a bottle of ice cold red horse. can u help me? pls save me...damn it i don't even know what i'm trying to write in here. my apologies...

tsenn` said...

nakakarelate naman ako..

baka kailangan mo ng kumawala at lumabas sa iyong matigas na shell..
bakit kaya hindi ka maglakbay??
hmm kahit vacation man lang. alone.

kuya miron, kaya mo yan :)
faith faith faith ^_____________^

Hari ng sablay said...

@JEPOY hindi ako mgsusuicide,maglalaslas lang ako ng pulso,tsaka ayoko freshmilk gusto ko breast milk,

@LORDCM naks! hirap nga iwasan to nakakatuyo ng utak,ang mganda lang gawin lumaklak ng alak,tsk!

@ELAY uu nga kailangan ko nga si Bro, matagal na,

Hari ng sablay said...

@SUPERJAID sana nga kaagad ng matapos,pero lagi nalang kasing ganito,hehe sensya na, ganda naman ng mga sinabi mo,nakatulong talaga,salamat Godbless din :)

@MARCOPAOLO lagi akong nakararamdam ng ganito emo,di lang ako nagpopost at tinatakpan ang nararamdaman ko,tama pagkakaintindi mo :)

@PINKNOTE baby?siguro,pero hindi pa siguro ngayon,sa tamang panahon,salamat

Hari ng sablay said...

@ANONYMOUS yumakap ka sa likod di tuloy kita nakilala,nway salamat sa hug :)

@ANTHONY sinong santino?ikaw?nandun pa din ang tiwala ko, tara painumin mo ko

@SCOFIELDJR san palasyo mo?sasama ako marami bang alak dun?kulang sa ano?anak ng tipaklong,lagi mo naman si maria diba,

Hari ng sablay said...

@MADAMEK hehe easy lang ako pare,naghahanap na ako ng blade,kung pwedi nga lang sanang itulog nalang lahat,problema lang pag bata ang tataguan pag game na,buti kapa may natitira pang lakas ng loob ako ata wala na,salamat :)

@DHIANZ uu nga eh nahawa yata ako sayo,hehe mtagal na rin akong emo diko lang pinapakita,siguro nga naging makasarili ako ngayon puro ako lang iniisip ko,pasensya na sa inyo,salamat pare :) ingatz!

@CHIKLETZ nakakapit na ako sa kanya uuwi na daw kami,hehe salamat :)

Hari ng sablay said...

@XIENAHGIRL uu isigaw ang lahat ng sama ng loob, emo ka din pala, isa lang naman ang gusto natin dba? ang maging masaya :)

@DRAKE tama ka pare, minsan din may mga bagay na nakakasawa na at ang hirap talagang intindihin, salamat sa link pre makakatulong yan sigurado, :)

@ANINDECENTMIND siguro nga mas mapalad ako sa ibang tao kagaya mo,wala naman kasi sa liit o laki ng problema, nasa nagdadala

Ruel said...

Bro, nakikigaya ka naman sa akin..huwag kang ganun..nagising na ako..magising ka na rin..Ang buhay ay talagang ganun..Our life is not complete without difficulties..

Huwag kang gumamit ng blade ha..hehe

Hari ng sablay said...

@KORKI unga ako din gusto laging nananaginip na lang,

@BATANGHENYO hindi ba halata?hehe di ako matapang nakatago mahaba kong buntot,tgnan mo kahit si charlie chaplin nag-eemo

@MAYANG ok lang yun, emo kadin ngayon?tara shot! iwanan natin ang mundong ito,hindi tayo pinapansin dito,pinapaiyak lang tayo lagi,

@TSENN naliligaw ka din? vacation? eh hangang kanto lang makakarating pera ko eh,hehe pero gusto ko yun, soul-searching salamat :)

Hari ng sablay said...

@RUEL ayoko pang gumising masarap managinip, hindi ako gagamit ng blade bubog na lang, :) salamat

Kablogie said...

Di ka kakasya sa nanay mo kung gusto mong bumalik sa pinang galing bro..laki mo na eh hehehehe

PABLONG PABLING said...

sabi ni papa Jesus. "call unto me and I will give you rest"

Anonymous said...

napadaan lang po ako dito sa blog site nyo habang nagiikot sa mundo ng blog... i really dont know you, pero parang nararamdaman ko din po kung ano yung nararamdaman nyo ngayon..well, maybe hindi kasing tindi nung sa inyo but somehow parang ganun na rin... im not that old enough to understand all the things that is happening in man's life..dahil maski ako hindi ko talaga alam kung anong meaning ng life... pero ang alam ko lang po, yung pinagdadaanan nyo ngayon bahagi lang talaga yan ng buhay,gaya rin ng sabi nila, lahat ng tao nagdaraan sa ganyang sitwasyon...or maybe merong iba na mas mahirap ang pinagdaraanan... ako po, on my age right now,marami na po akong pinag daanan na alam kong hindi pa pinagdadaanan ng ibang batang ka-age ko.. pero thanks God hindi nya ko pinabayaan at sinamahan nya ko until this point of time... at alam ko nandiyan lang din po sya sa tabi nyo, sinasamahan kayo. kung ano man po ang pinagdaraanan nyo ngayon, wag po kayong mawalan ng pag-asa, wag po kayong susuko, pag-subok lang yan... at hindi po yan ibibigay ni Lord sa inyo kung alam nyang hindi nyo kaya. kung ngayon pa lang po susuko na kayo, paano pa po kaya kung mayroong dumating na mas mabigat kesa jan? di po ba? i know a lot of people loves you, and they dont want to loose you,so, go on..be strong, face it, and pray for it... if others can why cant you? d po ba? so, ayun, laban lang, kapag nadapa ka, tumayo ka ulit, at kung may sugat man, gagaling rin yan... life is so wonderful...if you just believe....mejo napahaba na ata... yon lang po... hope makatulong..:)

Meryl (proud pinay) said...

Sino si Bro? Ipapahanap ko para makauwi kana....
Hmmmm...gusto kaya ng nanay mong ibalik ka nya sa sinapupunan eh..baka mas malaki ka pa sa nanay mo...joke lang po ah...^_^

ganyan talaga ang life ..dumadating tayo sa mga pagkakataong ganyan....pero habang may buhay pag-asa. Merry Christmas ^_^

Kosa said...

parang hindi naman emo ang dating ahhhh..parang nakikipaglaro lang..lols

ganyan talaga ang buhay!

Hari ng sablay said...

@KABLOGIE hindi naman ako galing sa nanay ko,singaw lang ako,hehe

@PABLONGPABLING lagi naman akong lumalapit sa kanya, salamat :)

@ANONYMOUS sana iniwanan mo pangalan mo ng nagkakilala tayo :) mabait talaga ang Diyos di niya tayo pinababayaan,tama lahat ng sinabi mo,maraming salamat nakatulong naman pero siyempre madaling sabihin tsaka isipin pero mahirap gawin,pero susundin ko mga payo mo :)

Hari ng sablay said...

@MERYL wala po akong nanay, akoy singaw lamang, anak ng bulkan ganun, salamat :) marry xmas din,ang agang namamasko ah,

@KOSA uu nakikipaglaro lang ng taguan tsaka patintero tska sak-bang, hehe

dhyoy said...

sad ka... may mga bagay na gusto mong gawin pero hindi mo magawa gustuhin mo man... Minsan nararamdaman ko yan, parang yung buhay ko walang patutunguhan. Madalas nagtatanong ako kasi parang pagdating sa akin mahirap ang lahat pero sa iba isang pitik lang. Sabi nila ibibigay naman daw yun sa tamang panahon kung ano man yun. Naghihintay na lang ako. Sinasabayan ko ng dasal. Ayoko ko pa umuwi, hindi ko pa nararanasan ang gusto kong maranasan sa buhay. Ayokong umuwi na ang baon ay sakit ng puso at sakit ng kalooban.

tsenn` said...

naliligaw?? hmm.. sabihin na lang natin na hindi ko alam kung bakit ako nasa limang palapag na gusali namin.

sabi nga sa kasabihan,
"if you don't know where you're going, you'll probably end up somewhere else."

(sabay tayo kuya miron,)
AWTS :|

livingstain said...

kuya pang kulang ka lang sa focus at naiinip ka... maipapayo ko lang jan, maligo ka munata tapos usap kayo ni God, nako napakaepektibo nya...

kakantahan kita ha...

kung may problema ka, magsuot ng maskara.

Anonymous said...

You're more than welcome; and I'm glad my hug made you smile. I'm just one of the many complete strangers who stumbled upon your magandang blog kaya hindi mo talaga ako makikilala even if I hugged you face to face:) Thanks so much for sharing your unpretentious, well-written and sometimes very funny entries. I discovered your blog a few days ago and one entry gave me a tummy ache from laughing so hard, so thank you so much for that.

Hugs are all I have to give. I have no advice to give out as even I usually ignore my own payo to self:) but I do have some borrowed lines for you:

Whenever one door closes
I hope one more opens
Promise me you'll give faith
A fighting chance.

And when you get the choice
To sit it out or dance
I hope you dance
I hope you dance.

Living might mean taking chances
But they're worth taking
Loving might be a mistake
But it's worth making
Don't let some hell-bent heart
Leave you bitter
When you come close to selling out
Reconsider.

And when you get the choice
To sit it out or dance
I hope you dance
I hope you dance.

- Lee Ann Womack's "I HOPE YOU DANCE"

Take care and God Bless! *hugs*

jessa said...

aww. emo nga.
kaya mo 'yan kuya. :)
minsan nararamdaman ko din 'yan, pero iniisip ko lang yung mga blessings ko- na maswerte pa din ako kasi nakakapag-net ako. (may point ba? hehe)
..basta, wag ka munang magpa-kuha kay Bro, sige ka baka i-grant Niya yan, magsisi ka. :)
Cheer up!

Karen said...

oi! anong umuwi ka dyan! awts. Wag naman! May hope pa din. Kung ano man yan na feel mo ngayon i hope magiging ok din sa paglipas ng mga araw. Just hang in there. God Bless you!

Hari ng sablay said...

@DHYOY kunsabagay tama ka ayoko na rin munang umuwi hehe pag matiwasay nalang ang lahat tsaka maluwag ang pusot isipan ko,para ngang ganun nararamdaman ko sa buhay ko nakaratay lang,walang patutunguhan,

@TSENN anong sabay?tatalon tayo sa ikalimang palapag?hehe yun nga din ang problema hindi ko alam san ako papunta,

@LIVINGSTAIN wala kaming maskara dito,magsusuot nalang ako ng panyo magiging ninja ako,hehe sige maliligo muna ako baka di ako kausapin ni God,hehe

Hari ng sablay said...

@ANONYMOUS wow di ko na alam anong sasabihin, maraming salamat na lang, may blog ka ba?kung wala gawa ka, marami kang matutulungan at maiinspire na tao kagaya ko, hindi mo nako kailangan bgyan ng payo sobra na to, tsaka di ko din susundin,matigas ang ulo ko eh,hehe pero salamat, *hugs :) Godbless!

@JESSA uu nga naman mgandang halimbawa sinabi mo,ako din maswerte nakakapag-net din,hehe salamat sige sabihin ko kay Bro mauna na yung mga garapal,hehe

@KAREN naka-hang na nga ako dito sa gate namin eh,hehe tama matatapos din ito magiging ok lahat,salamat :) Godbless!

JETTRO said...

parekoy magpapayo pa ba ako? nasabi na nila lahat, enge nalang ng yosi hehe
pag nakilala mo si miss anonymous pakilala mo rin sa akin ha hehe wag kang mag solo jan

Anonymous said...

ako po si batang anonymous na napakahaba ng sinabi..:)napadaan lang ulit... nakakarelate kasi ako sa blog na to eh kaya lagi ako dumadaan:)...by the way, BATANG GALA nga po pala pangalan ko... tama ka, madaling isipin, madaling sabihin pero mahrap gawin... pero hindi pa rin naman imposible d po ba? so ayun... ganun na yon... basta... time comes alam ko po matatapos din yan...nga pala, walang anuman :D

topexpress said...

Tol, ramdam ko pinagdadaanan mo. Madalas ako nag iisip anong meron ang bukas para sa akin. Madalas ang pagtulo ng luha at ang mahinang paghagulgol ko dhil ayoko pakita na mahina ako.

Mula sa pagkakalubog ko sa kalungkutan at karamdamang emotional, naisip ko dumarating sa buhay natin ang pagkakataong masusubukan kung hanggang saan na tyo. Kung gaanong katibay na tayo bilang individual. Oo nakakapagod, pero tol, isipin mo nlng sa bawat pagod at luha may kapalit na saya at ginhawa.

"Even happiness forgets u a little bit, never completely forget about it..."

And if life gives us lemons, let make a lemonade from it... then party party na! haahah

cheer up! eto bote ng redhorse! tara tagay tayo!

si keko said...

Boston- augustanas
naks...

alam mo ilang beses din ako ganyan.
pero masuwerte na tayo dahil kaya nating makaramdam.
kasi ang hayop hindi pwedeng maging emo.


kung magrereklamo tayo dahil may problema e paanong magiging fair ang mundo nun?
walang malungkot na araw.. mas masaya lang siguro yung kahapon kaya akala natin malungkot ngayun..

tawanan mo lang yung problema..
sino ba talo pag sumuko ka?

Hari ng sablay said...

@JETTRO parekoy hahaha tawa ako ng tawa sa sinabi mo, alam mo talaga ang kiliti ko, nahiya tuloy ako kay anonymous,haha

@ANONYMOUS ikaw pala si batang gala, pero hindi ikaw ang pusang gala na nasa blog ni arvin ah, wag ka ng maggagala pa dito kana lang tumambay,magiinuman tayo enge muna yosi,hehe salamat ulit matatapos din ito,hay...

@TOPEXPRESS salamat tol, minsan nga nakakasawa tsaka nakakapagod na naiisip ko ng sumuko, pero ang ganda at tama lahat ng sinabi mo, may kapalit na ginhawa at lilipas din ito, yung lemon pigain na nga yan tara shot na! maraming salamat tol :)

@SIKEKO alam mo pala yung boston na yun,narinig ko lang sa mga kapatid ko tas nagustuhan ko ganda kasi,tama ka mswerti tayo pero yung mga kabayo minsan emo may one-sided-bangs,lols uunga naman yan pa naman ang motto ko na quitter's never win,maraming salamat :)

Summer said...

Sa buhay ng tao may darating na ganyang sitwasyon. May tuwa may lungkot. May sakit may sarap. Lahat yan dadanasin ng isang nilalang. Ngunit ang kayalangan gawin moh lang ay ang sumunod sa aogs at gawin ang nararapat para mapagtagumpayan moh ito. At kung hndi, natural talo ka..Hayzzz..Kaya moh yan bro! =D

Summer
A Writers Den
Brown Mestizo

DETH said...

kahit na minsan sablay ang buhay, pinipilit kong ngumiti...dahil minsan ganun talaga, malungkot ka, masaya sila, masaya ka,malungkot sila...

life is unfair...most of the time

pero hindi yun sapat na dahilan upang mag-give up tayo, bagkus challenge na dapat nating i-overcome...

parating sinasabi ng kaibigan ko, baket daw ba ko tulog ng tulog e andameng pwedeng gawin, andameng pwedeng puntahan,andame kong pwedeng idiscover sa buhay...pag namatay ako, matutulog ako ng matagal...kaya habang buhay ka, gumising ka, maglakbay ka, tumakbo ka, harapin mo ang buhay.

rico de buco said...

bro, kahit na parehas taung emo ngaun ito lng masasabi ko. pray bro pray...i know watever trials ur undertaking right now malalagpasan mo din un..

minsan dumadating tlg tau sda point na wer so damn wasted, sober and broken pero meron parin namang bkas tol..may hope pa..d b nga un ung prinopromote ni santino? may bukas pa...

bsta, make a way pra icheer mo sarili mo..tma din ung ngsbi na makihalbulo ka sa mga postive na tao...pd din un..bsta make a way pra sumaya ka pag ngawa mo un.. bgyan mo ng reward sarili mo...isa n namang reason un para sumaya ka...ibig sbhin may na achieve ka at di ka lng lging sumasablay...

di ka sblay bro..maramin kng naiinspayr..isa na ko dun...

bsta wag ka mgigive up..mapablog o mapa anu pa man...let this blog be ur outlet..it helps..kaya nga ako ngblog eh...hehehe

bsta aja aja fighting idol

Traveliztera said...

may ganyang mode din ako. swerte ako at babae ako, pwede kong i-blame ung hormones ko pero ... iba e. kung ano mga nilagay mo, ganyan din ako mag-isip.

nakaka-emo lalo ung mga inalagaan kong patients na bedridden. super naisip ko rin ako sa lugar nila. mas na-e-emo ako.

kelangan lang natin ng maraming distractions. start na tyo... facebuk!!! hehehhee. jk. :) one step at a time... socialization. :)

Anonymous said...

napadaan lang ulit...sige dito na lang po ako tatmbay...kung oki lang..:D..hindi po ako si pusanggala... hindi ko rin po kilala si arvin... if you're interested, and kung gusto nyo makilala si batang gala,here's my blog address angtunaynaako.blogspot.com...but i cant give you assurance na kasing ganda ng blog mo, yung blog ko...:)

Anonymous said...

"Marami kang matutulungan at maiinspire na tao kagaya ko." Thanks so very much, that's very kind of you to say that. Wala na sigurong mas maganda at mas compelling pang argument to convince myself to start blogging. Maybe one day. Technologically-challenged kasi ako, perhaps partly because I belong to a pre-historic generation:) Although that may not be a fair statement kasi marami din namang mga ancient na katulad ko na very tech-savvy.

Pero pag nagkaroon ako ng blog, I probably won’t have enough entries to keep the blog going because I don't have much to say. I just like to hear what people think and how they feel. But I will give it a thought.

It’s very humbling when a little and simple thing you do is appreciated. I’m glad kung natulungan at na-inspire kita kahit papano. That's all that matters - people inspiring, helping, and caring for one another. Sabi nga, "Do what you can, where you are, with what you have." I believe that people ought to be kinder and more compassionate with each other because one way or another, everyone is fighting a hard personal battle.

May the road rise up to meet you,
May the wind be ever at your back,
May the sun shine warm upon your face,
And may God hold you in the hollow of His hand. - Irish Blessings

With all my affection, take care and Godspeed!

OHMYGUMS said...

ganyan ata pag nagkaka edad na :)...ang sarap maging bata ulit 'no?

naintriga ako sa panyo ..haha

[ k r y k ] said...

hehe ako xD

ako rin i love to sleep kase masayang managinip XD

ganan nga ata talaga.
masarap mag reminisce ng kabataan.
nakakamiss maging bata.

tara mag laro ! Ü

Solo said...

Hay naku! Kung pwd lang balikan ang kabataan. At least magmukha man lang na bata ulit. Di tulad ngayon eh halata na ang pagka-stress sa work hahaha.. ;D


Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

kox said...

anong nangyayari sayo jang luyd? emo knb? tsk.. wag mawalan ng pag asa :) matulog lang ng matulog.. kung basa na ang unan dahil sa luha, kumuha ng ibang unan. yung tuyo. :))

hawig mu pala si ramon lagumberi (ung sa tayong dalawa) sa pix mu sa plurk! hahaha.. lagumberi!

BIYENG said...

feel ko rin tuloy mag-emo. :'( lols.


ok lang yan tol. ano -- ahh. shit nakaka-emo ka talaga. pero di nga. ayus lang yan. parte ng paglaki. :) gora lang ng gora! ismaaaaaaaayl.

The Lady in Green Ruffles said...

nice!

Yj said...

hanapin mo ang daan... patungo sa AKIN hahahahahaha

lalo ka palang nagiging magaling sa pag-susulat pag emo ka hehehehehe

Goryo said...

Nasabi na nila halos lahat ng magagandang payo, eto ang masasabi ko:

Ang pinakamalupet na kalaban ng tao ay hindi ang bagyo ng buhay, hindi si taning, kundi ang kanyang sarili...

Dapat mong pagtagumpayan ang iyong sarili sa ganyang sitwasyon... May isang source ng lakas na pwede mong lapitan.. si Jesus..

Joni Rei said...

hay naku msarap talagang bumalik s pgkabata. ang saya2. hehe. hindi k mg2ng msaya qng lagi mong ita3k s isp mo n mlungkot ka. aw :P

Hari ng sablay said...

@SUMMER salamat bro, kaya ko to ako pa! ok na nga ako eh,hehe sabi nga nila parang gulong lang ang buhay,

@DETH tama ka pare uunga naman pag namatay ka habambuhay kang tulog,salamat :) sige sisimulan ko ng magexplore,ganun nga ata talaga ang buhay hindi patas minsan,

@RICO salamat sa mga sinabi mo bro, idol din kita sa pagiging emo, napansin ko din medyo emo tema ng mga post ko nahawa siguro ako sayo,haha pero ang sarap pakawalan nun noh,tulad ngayon medyo ok na lahat,

Hari ng sablay said...

@TRAVELIZTERA ikaw pala si steph haha inadd mo na pala ako sa fb salamat :) nakakaawa nga yung mga matandang ganun,hindi na kayang suportahan ang sarili

@ANONYMOUS1 wala naman sa ganda yan,importante nasa puso ng tao at totoo ag mga isinusulat,nadalaw nadin ako sa blog mo at finollow na din kita,magaling ka din magsulat :)

@ANONYMOUS2 sige sige sulat na aabangan ko yan :) kahit laging updated ok lang,tama yang nabanggit mo kaya patuloy na umiikot ang mundo dahil patuloy din tayong nagiinspire at ngbibigay ng mgndang ideya sa bawat isa, salamat ulit :) mabuhay ka, tace care and Godspeed!

Hari ng sablay said...

@OHMYGUMS hahabakit sa panyo kapa naintriga, uu masarap talaga maging bata ulit, sinturon lang ni erpats kinatatakutan ko nun

@KRYK tara kaw ang taya,game! hehe, ako rin takaw tulog ako, lalo na pag umuulan tulad ngayon at malamig ang panahon,

@SOLO kalabaw lang ang tumatanda,hehe ang magandang gawin para hindi kana mastress magresign kana sa work,haha

Hari ng sablay said...

@KOX sino naman si ramon lamborgini na yun?si gerard anderson ba yun o jake cuenca?haha feelingero eh noh, uu emo ako sarah kelan ba shooting natin?haha

@BIYENG magemo kana rin dali, msarap pakawalan,wag mong pigilan bahala ka,hehe

@LADYINGREENRUFFLES tnx!nice!

Hari ng sablay said...

@YJ hindi naman masyado pero salamat na din :) hindi alam ang daan patungo sayo tsaka wala akong pamasahi,haha

@GORYO salamat lolo goryo tama ang sinabi mo mahirap ngang kalabanin ang sarili, lilipas din ito at medyo nawawala na,dumarating lang talaga minsan sa buhay ng tao yung pagiging emo,hehe

@JONIREI tama ka kung yun lagi iniisip ko wala ngang mangyayari, salamat, sige itatak ko nlang sa talampakan ko, :)

Anonymous said...

@mandz.msya pla d2.e2 lng ang mssbi k.my mga ktnungan n ang nllman ay ksgtan.at my mga ksgtan n ang nllman ay mga ktnungan.yan ang dpt n10 itnong s atng bhay kng anu mn yan.slmat bro

benet said...

i love the song boston by augustana. sarap pakinggan habang nageemote. go!

Post a Comment