Monday, September 14, 2009

Dirty tactics

Mainit ang pagbati natin pag dumarating ang araw ng mga nanay at tatay, pero patapos na lang ang araw ng malaman kong grandparent's day pala kahapon. Ganun naman ata talaga pag luma at lipas na, nakakalimutan na. Matanda na eh.

May kasabihan ang matatanda... Sa hinaba-haba man daw ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy. Madalas natin ihambing ang kasabihang ito sa magkasintahang matagal na nagliligawan at pakiputan pero nauuwi din sa kasalan. Pero kung literal na babasahin, ang prusisyon nagsimula sa simbahan, at magwawakas din sa simbahan. Ibig sabihin, nagsimula ka sa umpisa babalik at babalik ka rin sa umpisa. Magandang halimbawa ang tao mismo, nagsimula ka bilang isang sanggol na gumagapang at walang kamuwang-muwang sa mundo. Susubuan ka, paliliguan, dadamitan, lalagyan ng diaper. Darating ang araw, ikaw na sanggol ay lilipas din, lalamunin ng panahon ang oras mo. Tatanda, kukulubot, gagapang, at babalik at babalik ka rin na parang isang sanggol. Susubuan, paliliguan, dadamitan, lalagyan ng diaper.

Marahil isa ka rin sa mga nagtatanong kung bakit... Kung bakit may mga anak na ganuon na lamang ang trato sa kanilang walang silbi at pabigat na uugod-ugod na mga magulang? Binabalewala. Minamaltrato. Sinusupladuhan. Konting halinghing lang sa atin, sinasalubong agad natin sila ng kasungitan at kabwisitan. Di ko tuloy maiwasan na alalahanin at ulit-ulitin na basahin yung ginawang tula ni Fr. Ariel Robles.

Napakaikli ng pasensya natin pagdating sa matatanda. Hindi naman dapat ata ganuon ang diskarte. Madaya tayo maglaro. Hindi patas. Hindi ginawa sa atin yan nung sanggol tayo. Baka nakakalimutan mo darating ang araw tatanda ka rin. Kukulubot at uugud-ugod.


May maikling kwento akong gustong ibahagi. Malamang narinig mo na rin ito...

Isang araw nadatnan ng anak ang nanay nitong sinusubuan ang lola...

Nay bat mo naman po diyan pinapakain si Lola sa maliit na palanggana? Bakit hindi sa plato? Parang kainan naman po ng baboy yan. Ang dumi pa.

Eh itong lola mo ang kulit-kulit! Yung mga babasaging pinggan natin naubos dahil sakanya! Ang hirap pakainin laging hinahawi ang plato kaya nagka-basag-basag ang mga ito.

Kinagabihan...

Oh anak gabing-gabi na bat di ka pa natutulog? Ano ba yang ginagawa mo dyan?

Nililinis ko po tong maliit na palanggana nay... para pag kayo tumanda dito ko rin po kayo pakakainin.

35 Sumablay:

Madame K said...

may granny's day rin pala? Now Pa Me. hehehe Kung tumanda na nanay ko kahit basagin pa nya lahat2x hinding hindi ko talaga xa papakainin sa palanggana.. hmmpff.. mahal ko ata nanay ko.. sooper! haha

MarcoPaolo said...

dapat hindi ganon ang pagtrato... dahil tatanda rin tayo.

an_indecent_mind said...

may tama ka...

DETH said...

aba seryoso ang post naten pre ah...
oh well ganyan talaga ang buhay, we just have to remember na darating din ang oras na tatanda tayo at mararanasan din natin ang lahat ng nararanasan ng mga lolo at lola natin kaya dapat mag-set tayo ng mabuting example sa tamang pagtrato sa kanila:D

A-Z-E-L said...

WOW! may lesson...

kaya nga LIFE CYCLE.. umiikot lang ang buhay. pero ang respeto sa matatanda ay binubuo simula sa pagigi nilang magulang. usually, ang mga anak na pinalaki na may tamang asal at ugali, sila yaong marunong magbigay ng pagmamahal sa mga magulang na nangangailangan ng higit na kalinga. ang iba, ang ilan.. ay nagiging pabaya dahil ang tingin sa magulang ay pabigat at isang malaking abala!

wag sanang maranasan ng iba pa ang ganyang pangyayari...

drake said...

Hay naalala ko tuloy ang lolo ko! Naawa ako kasi karamihan sa mga anak ng lolo (tita/tito) ay tila pinabayaan na sya. Halos naiyak ako nung nalaman ko na suka (vinegar) ang ginagamit ng lolo bilang gamot nya sa hypertension. Kaya naman nag-uusap usap kaming magkakapatid (mga apo nya) na kami na ang susuporta sa kanya. At akong bahala sa lahat ng mga gamot nya. Kakalungkot talaga.

Kablogie said...

Sabi nila kung ano ang nakikita ng mga bata sya din gagawin nila pagtanda..Dapat hanggang maliit pa ang mga bata eh pakitaan na ng kagandahan asal para yun din ang gawin nila sa pagtanda natin.

Anthony said...

ang lola ko
parang nanay ko lang sa bahay
akbay dito
facebook doon
lola technie
ahehe

dapat tlaga mas dagdag ang paggalang sa nakatatanda, kahit na ba sila ganun, matanda pa rin sila sa atin, at karapat dapat lang ang paggalang sa kanila, kaya nga mga pinsan ko kahit po at opo lang, basta may paggalang

happy grandparents day

casualthots said...

galeng!.. so true!.. such an eye opener..

rico de buco said...

dapat tlaga di pinupunta sa home for the aged ang mga oldies,,dun din tayo lahat papunta eh,(magging matanda din tayo)

ttanda din tayo kaya mainam na di natin gawin ung pagmamaltrato sa mga matatanda kasi bka bumalik din satin iyon...

ayoko nun.....

nakakainspire ang gawa mo parekoy...

Basyon said...

Oh god! Ang bad nmn ng kwentong yun. Grabe nmn at dun pa pinakain ang nanay nya. Yan tuloy dipa man sya tumatanda eh nasabiihan na sya ng anak na doon din sya pakakainin pag sya na ang tumanda. Ano kaya naramdaman nun? Pero ako khit ganito lang ako diko pakakainin sa palanggana ang nanay koh. Dahil alam kong never nya ako pinakain sa palanggana.

April
Stories from a Teenage Mom
Mom on the Run
Chronicles of a Hermit

Ging's said...

Happy grandparents day, nakalimutan ko din to.

Life is a cycle talaga, kaya habang medjo bata pa, watch your move nalang kung ayaw mong gayahin din ito ng mga anak ninyo sa iyo. Ang mga magulang ang siyang modelo ng kanilang mga anak.

Fe said...

Happy grandparents day, nakalimutan ko din to.

Life is a cycle talaga, kaya habang medjo bata pa, watch your move nalang kung ayaw mong gayahin din ito ng mga anak ninyo sa iyo. Ang mga magulang ang siyang modelo ng kanilang mga anak.

ELAY said...

tablado ung nanay.. tsk tsk tsk maling halimbawa

kox said...

aw.. grand parents day pala. di ko alam yun ah! tsk.. Hapi grand parents day! :) [kahit late na.. hehehe..] tatanda at lilipas din tayo... *sing*

tcf said...

happy grandparents day pa rin kahit isa na lang talaga ang natitira kong grand parent at hindi na nya ako naalala. haha. ayoko na dumating sa edad na ganito, sa totoo lang ahahah. :)

RUEL said...

thanks sa storya mo bro..naisip ko tuloy lola ko..miss na miss ko na siya..mahigit tatlong taon na ring hindi kami nagkita..sana inalagaan siya ng tama doon sa Pinas..

♥superjaid♥ said...

awww..ang bad naman nya, ako never kong pakakainin sa palanggana parents ko, dahil never nila akong minaltrato, kahit pasaway ako, mahal ko sila. Salamat dito kuya,Ü

JETTRO said...

haha galing naman pre, tama yang kuwento mo
para mabuksan ang kaisipan nating mga anak

nice post parekoy
yan ang mga hilig kong basayahin mga inspiring stories. mga bagay na magagamit natin sa pang araw-araw na pamumuhay. basta ako nalang magpapaligo kay christine reyes

Dhianz said...

awww... ahlab 'ur entry... touched akoh... muntik na akong mag-*teary eyes*... parang pinag-usapan lang namen yan nang ate koh last time.. parang minsan itz kinda scary ang maging old... pero whether we like it or not eh darating tayo sa point na tatanda ren tayoh... kaya akoh i tried as much as possible to treat them right.. respect them... and yeah sabi koh wala akong balak dalhin ang magulat koh sa nursing home.. one day kme naman mag-aalagan sa kanilah... "treat the old people as how you wanna be treated when you get old"... ingatz lagi mare... Godbless! -di

Arvin U. de la Peña said...

talagang ganun..sabi nga pay later..kung sila ang nag alaga sa atin para lumaki ay dapat lang na suklian din ang ginawa nila sa iyo sakali na kailangan na nila ang iyong tulong dahil matanda na sila..

tsenn` said...

waah alam ko n story an un kuya miron. hmm kasama un sa eng223 ko e.

pero xempre nakalimutan ko na un title. grr. anung klaseng memorya ba meron ako..obsolete na phased-out pa :|

Traveliztera said...

i totally love this post. it's a sad thing really. i know someone who is not guilty of being mean to her mom. =\

Anonymous353 said...

Thanks so much for posting such a valuable message. A timely reminder that even the senile ones are people too – they once cared deeply and loved so much; they once worked so hard and made plenty of sacrifices; they once thought about everyone and forgot about themselves; they once gave too much and asked for so little; they once combed their hair nicely and took pride in their appearance; they once were beautiful and handsome; they once were very helpful and young – and their hearts still feel even if their minds are gone.

I’m really glad you shared that maikling kwento. Sabi nga, "Children of all ages have one thing in common - they close their ears to advices, but open their eyes to examples."

Thanks so much once again. You have a wise mind and a kind heart. You're a good person. I salute you.

Take care and God Bless! *hugs*

rich said...

Uu nga... grand parents day last Sunday. Happy grandparents day sa lolo & lola mo... ^^

May point ka. May mga anak talaga na minsan walang utang na loob. :( After lahat ng sacrifices ng parents nila sa kanila, pagtanda ng parents nila di man nila kahit paano suklian yun ng alaga. :(

Solo said...

I hate those people na super ang pagtrato ng di tama sa mga matanda na. Alam na ntin na di na nila kayang alagaan ang kanilang sarili, kaya bakit pa tatratuhin ng di tama? Dapat din natin silang alagaan the way na inalagaan nila tayo noon.


Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

UltraMagnetic Moe said...

Happy belated grandmagulang's day kay kong-kong (lolo sa chinese)

kay lola happy bday naman! (totoo yan!)

1st time ko dito, mukang mapapadalas ang byahe ko pabalik dito.

dhyoy said...

sabi nga nila wag mong gawin sa iba yung ayaw mong gawin sayo...

SEAQUEST said...

Actually may nabasa ko regarding withthis matter at naantig talaga ang puso ko, and 100% its true..

Anonymous said...

sa totoo lang hindi ko na alam kung aabot ako sa pagiging matanda
ayaw ko isipin na wala akong silbi at uugod ugod
wala akong lolo at lola
hindi ko naranasan kung paano ang mahalin sila
kaya siguro minsan iritable din ako sa matatanda

pero siyempre
dapat igalang sila
wala naman din ibang magmamahal sa kanila
kundi tayo lang din
:D












.xienahgirl

Love said...

awtssss.....

docgelo said...

your post is becoming profound, naks!
tama naman talaga! respeto lalo na sa nakatatanda sa atin ang dapat, dahil lahat tayo ay tatanda din, at mangangailangan din ng respeto at kalinga bullet day (balang-araw!) :D
...namiss ko tuloy bigla lola't lolo ko na kasama na ni bro!

PABLONG PABLING said...

huli man at magaling huli pa rin

ingat lage sir

kheed said...

awwww sobrang lungkot nun sablay uh.. dapat lang talaga na matuto din tayong tumanaw ng utang na loob sa mga matatanda sa atin, sobra din ang sakripisyo nila sa atin dati.. at alam ko naman na babalik din sa atin yan pag tayo naman ang tumanda..

dan~gee~rous said...

OUCH.. tangna.. masamang anak rin ako noon eh.. pero nung nag-46 na si mama at sakin na siya nakapisan kasama ng anak at asawa ko.. naging mabait na ako sa kanya.. kasi naman.. natatakot ako na baka pag tumanda ako eh, mura-murahin nalang ako ng anak ko..


lam mo na...

KARMA.. :)

Post a Comment