Sunday, September 20, 2009

Wapoise

Madalas natin maranasan ito sa mga driver na mahigpit ang pangangailangan... yung naghihintay ng pasaherong sasakay kahit na ilang metro pa ang layo. Nakakabadtrip ang ganito lalo na pag nagmamadali ka, at lalung lalo na kung paimportante ang dating ng pasahero na kung maglakad eh parang nasa ilalim ng buwan tapos hindi man pala sasakay. Badtrip talaga. Ok lang sana kung bebot ang hinihintay ng ganito.

Napakainit. Galit na galit si haring araw, na-miss daw kasi ang mga tao sa Pinas. At na-miss ko din ang di-kaaya-ayang amoy ng ibang pasahero. Sa likod ni manong driver ako naka-upo, at ayun nga may hinihintay itong pasahero.

Pero jusko naman po ang layo layo pa at iisa lang naman ang aming hinihintay. At ito namang babaeng ito, na di namin alam kung sasakay o hindi, di man lang alintana ang tindi ng sikat ng araw. Patext-text at pakembot-kembot pa, walang pakialam sa mga pasaherong naghihintay, hindi man lang bilisan o lakihan ang hakbang. Keber kung keber. Nag-iinit ang ulo ko ng mga oras na yun gustong-gusto ko na kasi talagang makauwi at makaligo, isa na ako sa mga pasaherong may di-kaaya-ayang amoy. Habang papalapit itong babae ito medyo nakikinita ko na ang mukha at hubog ng katawan, at ibang ulo ko ngayon ang nararamdaman kong nag-iinit. Naka-corporate attire at ang lakas ng dating niya, wiwit ang katawan. Sexy. Chikababe. Ang sarap niyang panuorin maglakad, poise kung poise, chin-up, parang rumarampa lang sa entablado.

Umusog ako ng kaunti para kung sakali mang sumakay siya sisiguraduhin kong tatabi sa akin.
Kaso wala rin kwenta, trip niya umupo sa passenger seat kaya dun siya dumiretso. Tinititigan ko siya habang papaakyat ng dyip, pero nabigla ako. Kitang-kita ko ang nangyari. Langya ang lakas ng kalabog, ang lakas ng pagkakauntog niya. Alam kong narinig namin lahat yun.

Hinihintay kong kamutin o haplusin man lang ang ulo niya dahil siguradong bukol ang katapat nun. Pero wala eh, walang paki. Dedma. Parang walang nangyari. Pinanindigan niya ang pagrampa niya kanina. Poise pa rin siguro ang nasa isip niya.

Alam kong mali na pagtawanan siya, kaya nga pinigilan kong humagalpak eh. Ang hirap pala pigilan nun, di ko maiwasan lumolobo tuloy butas ng ilong ko. Wahahaha! Pinagmasdan ko mga nakasakay mukhang pinipigilan din ang pagtawa. Hindi na nga naman kailangan pang ipahiya ang taong napahiya na. Pero kung may isa lang na tatawa dun siguradong matatawa din ako.

Tsk! Tsk! Sayang tsong. Swabe na sana ang tirada kaso wala eh. Wapoise!

38 Sumablay:

ELAY said...

ang isa pa sa mga ayaw ko eh ung nambibitin, kunware aalis na iistart ung engine tapos HINDE NAMAN PALA.

JETTRO said...

siguro pag naka uwi na yung chickababes
doon niya hihilutin at lalagyan ng yelo para
hindi bumukol babae pa naman

paano kaya kung bumukol tapos nasa noo pa ano
kayang itsura.

Arvin U. de la Peña said...

pati pasahero pinagtritripan mo pa na tabihan ka dahil seksi..haha..ano kaya kung sakali na ang seksi na iyon ay may mga kasabwat para kayo holdapin..hehe..

Carl said...

Hahaha
Talagang poise kung poise
ung babae ah
nauntog na parang wala lng nangyari
XD

Kablogie said...

Ahahaaha dapat di mo pinigilan tumawa minsan lang mangyari yun ganun pinigil mo pa! lols!

DRAKE said...

naalala ko nun, natutulog ako sa may passenger seat at sa sobrang preno ng driver hayun sapok angh ulo ko sa headboard ng dyip, lahat ng tao sa likod tawa ng tawa! eh hayun tinulugan ko na lang uli sila,hehhehe

Sana nandun ako baka ako na lang ang humimas sa dibdib este sa ulo nya pala.hahhaha

Madame K said...

horny much?

hahaha.. wag mong pigilan wag mong pigilan.. tsk., hirap talaga pigilan ang pagtawa lalong lalo na kung nakakatawa talaga ito.. Isa rin yan sa katangian ng mga Pilipino na gusto ko, iniisip rin yung iba. Minsan nga lang mangyari pero at least dba? :)

Ayaw niya sigurong mapahiya ng todo kaya hindi na niya hinaplos ang ulo niya..

bloom said...

BWAHAHAHAHAAHAH! Sablay talaga.. KOKOHIYOOOO! maigehd. kung ako yun, tatawanan ko sarili ko ng bongga tapos maiiyak tapos tatawa ulit! OKAY, NABALIW NA! hahahaahahaha!

Miles said...

HAHAHA. natawa naman ako dun. sa twing may nakikita akong ganyan, di ko napipigilan tumawa. :D
sayang namn si chikababe :p

kheed said...

tama ka dyan sablay, hindi dapat natin silang pagtawanan, pigilan nating hanggang kaya natin. wahahahahaha

rico de buco said...

kung yung babae bumubukol ung noo niya..sakin iba bumubukol lolz..censored tau hahahha

nwei, mahirap nga tlg na pigilan ang tawa ng sitwasyong tlgang nkakatawa pero respeto na rin un sa taong ayaw mgpahlata na napihya na...
tama ginawa mo at ng ibang pasahero...


ang isa pang nakakainis eh, pag antay ng antay ung drayber eh kaso wala namang sumasakay...

nirvana badtrip parang sa plurk lolz biglang segway eh hehehe

tsenn` said...

awts, tinamaan naman ako dun sa mabagal maglakad. hahaha.

ako pag nauuntog sa jeep di ko nlng rin pinapansin. pero tingin ko mas nakakahiya yang sa babaeng tinutukoy mo kuya miron. wahaha >:)

Traveliztera said...

hahahaha ako rin e pigil din ako tumawa pag ganyan haha

an_indecent_mind said...

un ang wapoise!

nakatingin pa naman ang lahat sa kanya!

nyahaha!!

♥superjaid♥ said...

Hahaha kung nandyan ako, malamang ako ang unang tatawa, haha pero patago, kawawa naman sya eh,haha

Anthony said...

iba tinitignan ko pag may sasakay na chickas sa jeep eh...
lalo pag naka sleeve less ang mga loka
hehe

casualthots said...

baka talagang ganon katigas ulo nong babae kaya deadma siya sa untog.. buti walang nautot kakapigil ng tawa nyo.. mas wapoise naman yun.. hehehe..

RaYe said...

ampf naman.. masakit mauntog.. :D
madalas kaya mangyari yun sa akin.. ahahaha..

di bale, cheers pa rin for the girl. mega focused sya sa poise nya ha..

kung ako yun, baka humagalpak na ako ng tawa.. wuhahaha

kox said...

wahahaha.. minsan ganyan din ako eh, nauuntog pag sakay. tapos, kunwari walang ngyare. hahaha.. pero pag sa iba nman ngyare, tawa ko ng tawa. hahaha.. ansama.

Paolo Julius E. Caranzo said...

Woot. Ang sakit naman nun, wawa si chickababes. Pero naranasan ko na rin 'to eh, dinaan ko na lang sa tawa, sabay sabing, takte, ang tangkad ko na pala,thinking of na 5'4 lang height ko.. Haha!

JoiceyTwenty said...

hahaha.. panalo. shet. naalala ko yung student teacher namin nung 3rd year highschool, nag-oojt sya sa class namin nun. quarterly exam at bantay sarado kame sa kanya. lakad sya ng lakad around the room at talagang masama ang tingin sa mga probable na mangongopya. lakad sya ng lakad hanggang pag-atras nya, natisod sya sa platform malapit sa blackboard. BOOOOOGGSSSH. tumodo ang pagkabagsak nya, as in yung skirt nya medyo umangat pa. toinks. ayun, pati tuloy panty nya nakita namin. hahaha

Niqabi said...

hahaha! kung ako naman yung babae..titingnan muna kita tapos ako na mismo unang tatawa...para lahat tayo masaya.. :P

MarcoPaolo said...

aray! ang sakit non.... bukol sigurado yon...!!! lolz

PABLONG PABLING said...

hahaha. na carry niya yun. .

ganyan talaga ang mga babae ngayon, kasasarap este ang lalakas ng poise.

Yj said...

yan ang karma niya sa ginawa niyang pagpapahintay sa inyo wahahahahahaha

A-Z-E-L said...

akala ko bading sya...

un pala nauntog!
eto naman... di na lang naawa... masakit kaya un!

sana tinanong mo kung nakahelmet ba?! lolz!

khuletz316 said...

wahehehe...kasi syempre minus points din yun sa kanya kaya dedma na lang..parang ms. universe lang...i thank you...hehehe

Leonp.v said...

Waahh naalala ko nung nasub-sub ako sa jip ng biglang preno hehehe sakit nun.

ACRYLIQUE said...

Haha. Dapat kasi nag-taxi na lang. :)

rich said...

HAHAHAHA! Kaw ah... bad ka. XD Pero masarap kasi tawanan yung mga super poised tapos biglang *blag*. Haha! XD Bad ko naman. XD

Camille Anne F. Tajon said...

Hahaha! SAMA! =))

dhyoy said...

hehe sigurado yung babae ung pwde mawala, gusto niyang magevaporate sa mga oras na yun... hihi...

docgelo said...

natawa na naman ako sa post mo.
...mahirap talagang magpigil ng tawa, lalo na kung di mo kilala ang katawa-tawa.
ayaw kong mag-isip ng masama pero di kaya ang pagkakauntog ng babaeng seksi ay karma nya dahil pinaghintay nyang magaling ang mga pasahero? hahaha... may analysis talaga, LOL.

JANCAHOLiC said...

haha ! Describe palang Dame ko ng Tawa :D

Movie Reviews said...

oy.. pwede ba tau mag exchange links?
hehe cge na pls..

Shadows of me
Filipino JObs

pls let me know po ha?hehhe thanks

si keko said...

nyahahaha ADIK..

naranasan ko na ring mauntog sa jeep pero hindi ko iniintindi ang poise :)) hilot kung hilot sabay tawa na lang..

Karen said...

awts ahahaha naimagine ko tuloy natawa naman ako. Pero hindi nga dapat ipahiya pa ang nahiya na. tama ka.

Hmm naranasan ko pag nasa Cagayan de oro city ako kasama ang cousin ko tapos may lakad tapos habang mataas pa ang lalakarin nakikita mong sa kalayuan may nag iintay na jeep ayoko pa naman may nag-iintay sa akin pero no choice na din kaya lakasan nalang ang paglakad. awts. Salamat naman at hindi pa nangyari sa akin ng ganun. wag naman! heehee

dan~gee~rous said...

hahaha.. bakit nga ba ngayon ko lang natagpuan tong blog mo?!? kakatuwa naman.. hehehe.. nauntog na rin ako minsan sa jip eh.. tapos tinitigan ko ng masama yung mga pasahero para walang magtangka manlang na bumunghalit ng tawa.. hehehe..

keep up the good work.. ganda ng blog mo..

Post a Comment