Wednesday, July 8, 2009

I love letter

Hindi ako mahilig dumungaw sa bintana, yung tipong emo-emohan tas nagbibilang ng bituin sa langit. O minsan naman kinakausap ang buwan. Tssuuu! Baduy. Korni. Cheesy. Matandang dalaga't binata lang gumagawa nun. Pero nung isang gabi, hindi ko alam anong pumasok sa kukote ko at nagawa kong tumambay sa bintana dito sa aking kwarto. Hehehe. Nakatingala sa langit. Hindi lang yun may background music pang kasama. Putiks! MTV ba 'to o MYX? Ano bang nangyayari sa 'kin at madalas sapian ng kabaduyan.

Actually may naalala lang kasi ako. Yoowwwn... Naalala ko lang yung kinain kong love letter dati. Tama kinain. Tama love letter. Pinagpuyatan kong i-type at maagang pina-print malapit sa eskwelahan namin nun. Para sa isang binibini. Hehehe. Nahihiya ako magkwento. Ahihihi.

Matagal na kong jologs. May love letter pang nalalaman ang sira ulo. Para kasing, iba ang salitang galing sa isip, iba din ang sa puso. Iba ang sinasabi, iba ang sinusulat.

Pero ayun nga dahil sa katorpehan ko nung mga panahong yun (2nd year college), hindi ko magawang ibigay sa kanya, kaya itinago na lang sa aking wallet. Natatakot kasi akong mabasted. Saka feeling ko hindi ako bagay sa kanya, sobra-sobra siya para lang sa isang hamak na katulad ko. Ume-emo na nanaman.

Sa tuwing maglalasing kami nun magbabarkada siya bukambibig ko. Masaya ako pag naririning ang pangalan niya. Kaya nung minsang uminom kami nung mga panahong yon, kinalkal ko ang buset na love letter sa wallet ko. Binasa sa isa kong kaibigan NA... may gusto din sa babaeng yun at binasted siya. Buti nga sayo tsong. Pareho tayo. Loser. Gwapo na nga yun at mayaman pa, hindi pa rin umubra sa kanya. Dahil sa katotohanang yun, sumuko na din ako.

Sumubok akong ligawan siya pero pinagtatawanan niya lang ako. Lagi akong tumatawag sa telepono nila sa bahay, pero pinaghihintay ako ng matagal sa linya. Pag kinakausap ko siya jino-joke ako. Hindi ako sineseryoso ng walangya. Hahaha.

Pagkatapos kong basahin ang ginawa kong love letter, dun sa nabasted kong kaibigan. Pinunit ko ang isang bahagi ng sulat. Nilukot. At kinain. Sabay sabing... ang mga sinulat ko dito ay galing sa puso, kaya ngayon ay pipiliting pagapangin pabalik sa aking puso at dun na lang mananatili hanggang tuluyang mawala... Sabay lagok ng redhorse. What the! Anak ng! Saan ko hinugot ang mga linyang yun?! Bakit ko ginawa yun?! Ang Bbbbaaaadddduuuuyyyyy! Baliw talaga ako. Lasing din kasi ako nun at nagda-drama-dramahan. At habang ume-emo ako nun, itong kaibigan kong ito ay tawa ng tawa na parang mababaliw ang loko.

Makalipas ang ilang taon, may mga naririnig ako tungkol sa kanya. Kung saan siya nagtatrabaho... may boypren... blah blah blah... Pero wala na ang kilig. Hindi ko na rin mahanap ang natirang bahagi nung kinain kong love letter. Buset na pag-ibig, darating ang araw pagtatawanan mo din pala.

Baka may magtatanong anong lasa nun. Mapait. Kasing pait ng aking puso nuon. Eh ganun talaga eh. Hahaha.

80 Sumablay:

moonsparks said...

pasensiya na kung hindi appropriate, pero dun sa part na "ang mga sinulat ko dito ay galing sa puso, kaya ngayon ay pipiliting pagapangin pabalik sa aking puso at dun na lang mananatili hanggang tuluyang mawala", tawa talaga ako nang tawa. ang lakas ng tama mo non a! :)

hay, the things we do for love. haha.

PeterPan said...

Yeah ganun talaga, we will realize lang all of the corny things that we did sa bandang huli.

pero bro ok yung ginawa mo kinain mo unique!

Jepoy said...

Panalo talaga ang kwentong ito! made my day! Naka relate ako kaso di ko kayang iblog ahahahha

JoiceyTwenty said...

hala, dati pa pala emo ka na. susme.

ako naman dati gumawa ako ng love letter para sa BF ko nung 11 years old pa lang ako.. pero dumatng yung time na hindi na kame nagusap, nakalimutan ko na kung bakit, kaya ayun, di ko na nabigay sa knaya.

kaya nung nagka bf ako ng seryoso nung 16 ako, sobrang pinupupog ko sya ng love letters at cards na kung anu ano. hilig ko yun. kaso ngayon medyo busy kaya di ko na lately nagagawa. sa blog ko na lang napaparating yung mga ka-cheesy-han ko. o kaya minsan, email ko sya.

ako naniniwala pa din ako sa power ng letter. sabi mo nga, iba yung sinasabi sa sinusulat. ako pag may gusto akong sabihin sa bf ko, sinusulat ko muna. pag nagkita kame, babasahin ko sa harap nya. sabi nya ang arte ko daw. hahahaha

oh well. dati isang valentines' day binigyan nya ako ng maliit na balisong. syempre, batangenyo kame diba. hahaha. tapos sabi nya pwede daw yun pambukas ng mga letters.

tapos the next day, binigyan nya ko ng madaming madaming letters. hay, sweet.

pero nagtatataka pa din ako bat mo kinain yun papel. kadiri ka. hahaha

ACRYLIQUE said...

"... ang mga sinulat ko dito ay galing sa puso, kaya ngayon ay pipiliting pagapangin pabalik sa aking puso at dun na lang mananatili hanggang tuluyang mawala... "


- ito ang pinaka-emo ng mga emo. ahihi

Well, ganun talaga. Lahat ng kabaduyan lumilipas. Kapag naalala, pagtatawanan na lang. :)

Karen said...

ROFL!!! Ganyan talaga, basta pag love na pag uusapan. Dati nga nung d pa ako naka experience na maging inlove nababaduyan ako sa mga kantang love songs kasi dati rock lang talaga ako ahaahah tapos na oOAhan ako sa mga umiiyak iniisip ko ba't ganun pero nung dumating na ung turn ko maka experience, nun ko pa naintindihan ahahaha pero with heartaches naman pag andyan ka na sa sitwasyon parang d mo na iisipin kung ano na pinag gagawa mo na baduy na pala yun basta malabas mo lang kung ano nasa puso mo...ung mga panahon naman when i finally got over it and look back tumatawa nalang ako with my cousins at sinasabi ko OMG!!! ang baduy at ang babaw ahahaha yuckssss ahaha mga ganun tapos may "ewww that was sooo crazy of me" mga ganun ahaha mga realization but all of it made us learn. :D

PABLONG PABLING said...

hahaha, love letter,

di ko pa na try gawin yan. na kokornihan din kase ako pag may nag bibigay ng lab letter. hahaha. (pero nakatago pa din mga lab letter sa akin)

-- ang pagibig nanjan lang yan sa una tapos ayun nawawala.

Lord CM said...

Hehehe :D Sana pre, nilukot mo na lang at itinapon sa basura...pero tama ka rin nung kinain mo ung kapirasong papel, malamang pag ebak mo sa inidoro ang bagsak nya lolzz

MarcoPaolo said...

hahaha... talagang nakagawa ng malupeeeeeettttt na linya... ang pag-ibig nga naman talaga makagawa ng di mo nagagawa... hehehe!

crappy said...

habang binabasa ko post mo, unti unti din bumabalik sa isipan ko ang mga ka-emo-han ko nung inlab pa ko. haha.

pero yung totoo?

bitter pa din ako, nyahaha. takte talaga.

ELAY said...

I soo agree with peterpan lahat tayo na rerealize natin ang ka kornihan sa bandang huli. There were several times na umiiyak ako while sitting by the window tapos the next morning I'm gonna be like "what the hell did I do?" haha.

Lahat naman tayo nagdadaan sa ganyang stage haha.. jologs stage.

chikletz said...

adik ka pala. kumakain ng papel amp! haha! pero dala nga ng pagka-jologs yan. lahat naman ata nagiging jologs at one point in their lives or another.

superjaid said...

"ang mga sinulat ko dito ay galing sa puso, kaya ngayon ay pipiliting pagapangin pabalik sa aking puso at dun na lang mananatili hanggang tuluyang mawala..."--- wow..ganda ng line..mukha ngang inlove na inlove ka dun sa girl that time..hehehe

"Buset na pag-ibig, darating ang araw pagtatawanan mo din pala."---- talagang ganyan ang buhay..pero atleast di ka na po bitter sa nakaraan at kayang mo ng pagtawanan ng totoo..ibig sabihin nakamoveon ka na talaga..^__^ good for you..


nice post..nakakagulantang at nakakatawa..^__^

Arvin U. de la Peña said...

ang sarap nga pag nakakatanggap ng love letter..ako may mga love letter pang nakatago..way back 1998..at iyon ang next kong post..LOVE CARD..bigay sa akin ng dalawang babae na naging bahagi ng buhay ko..ipa scan ko iyon at post..abangan mo..

Arvin U. de la Peña said...

at pagkataposk kong ipost ang Love Card ay next kong ipost pamagat ay SABAY NA PAG-IBIG..handog ko sa dalawang blogger na mahal na mahal ko..isang tula iyon na para sa kanila..ang blog nila ay www.dollxhie09.blogspot.com at www.myorangevest.blogspot.com

SABAY NA PAG-IBIG..abangan mo rin iyon dahil matinding tula na pag-ibig iyon kasi mula sa katoliko ay nagpa convert ako ng muslim para silang dalawa ay maging akin..

ORACLE said...

Lahat naman tayo ata dumadaan jan. Ang makagawa ng mga bagaybagay na di natin akalain na magagawa natin. Love is such a powerful feeling. Ayos! :)

kloroteya said...

hmm, i love receiving letters and writing one as well, iba talaga ang dating ng sulat,. ewan ko ba bakit may mga taong hindi makaappreciate nun,.

Moon Goddess Lae said...

salamat ang pinatawa mo ako. grabe lakas tama...kinain mo??bhahahahaha!Emong nabaliw ang labas natin a..bwahahaha! ayos lang yun 'no.may iba naman dyan.hehehe

Anthony said...

ok lang yan, ang ginagawa ko nun, edi gumawa ako ng love letter para sa babae, tapos iaabot ko sa kanya, sasabihin ko, "ui, may nagpapabigay daw sa yo oh" tapos babasahin nya tapos kikiligin ang bruhita hehe, minsan tula pa ang binibigay ko, syempre english para mabawasan naman ang kabaduyan sakin.

minsan epektib din naman kahit korni at jologs ang paraan na ginamit, pumapatok pa rin ang love letter kesa text message at SEB hehe

kinain mo? mas wasak ka pa sa akin pag nakainom, buti hindi ka nagtae? hehe

EǝʞsuǝJ said...

ang lupet mo pare..
ganun tlaga...
isang araw patay na patay ka sa taong yun
bukas makalawa lang
(pag nawala o nabawasan na yung feelings..
matatawa ka na lang sa mga kalokohang nagawa mo para sa kanya...
tsktsk..

an_indecent_mind said...

"ang mga sinulat ko dito ay galing sa puso, kaya ngayon ay pipiliting pagapangin pabalik sa aking puso at dun na lang mananatili hanggang tuluyang mawala..." natawa ako!! hahaha!!

pero tingin ko, kung ginawa mo yun sa harap nung babae? anlakas ng impact nun!!!

di mo naisip basahin at kainin sa harap nya? wehe!

Kablogie said...

hahaha..ayokong balikan ng alaala ko ang kabaduyan ko nuon hahah

kheed said...

hahaha EMO tama lang na pagtawanan na lang natin ang nakaraang kabiguan.. hehe

DETH said...

adik na post to, nakarelate ako pero ayoko nang magkomment pa at baka madagdagan pa ang kaemohan ng post na ito...nyahahaha!

A-Z-E-L said...

uy! matandang binata na sya... lolz!

(ikaw na ang nagsabi.... cheesy!)

madz said...

ay ako gusto ko mag-abang ng falling star, ahihihi.. ano naman ang background music?

aysus, eh bakit computerized? dapat ang love letter ay handwritten, para mas personal, may warmth..

ha ha ha, at talagang natandaan mo pa ang mga linyang sinabi mo kahit lasing ka nung mga panahong 'yun.. nailabas mo ba ulit ung kinain mo? ahihihi..

SEAQUEST said...

Naks ng lupeeeeettt!!! Kumakain ng papel!!! Kagilagilalas ka pa lang maging jologs hehehe, cia, la ka naman amats nun lagay na yan habang pinoposte mo 'to ha....

dhyoy said...

umeemo rin pala ang hari... hihi...

"Mapait. Kasing pait ng aking puso nuon."

Kabog!tayo jan...

minsan may mga bagay tayong nagagawa na hindi natin alam kung bakit natin nagawa yun. Para bigla tayong sinasapian ng kung ano mang elemnto na kapag nagbalik ka sa tamang huwisyo ay di mo alam kung mahihiya ka o matatawa ka sa mga pinag-gagawa mo. Minsan nakakatuwang balikan ang mga nakaraan...

J.D. Lim said...

Naalala ko tuloy nung first year college din ako, gumawa ako ng love letter tas iniwan dun sa upuan ni crush ayun, tiningnan inipit sa libro at di ko na alam ang nangyari.

Panu ba naman eh last day of class na namin nun, hahaha.. :D Sa sobrang katyopehan inabot na ako ng dilim. :P

puzzle said...

Ako, gustung-gusto ko nakakatanggap ng Love Letter :D

Summer said...

Ayos lang maging korni kahit saglit lang. Dahil dun moh malalabas ang lahat ng nararamdaman moh. At tama yung ginawa moh kalimutan yun, dahil mukhang la ka nman tlgang pag-asa dun.hahaha Smile lang bro! =D

Solo said...

Grabe nman to! Ayus din pala ang maging korni. Atleast lumalabas ang natural lol.;D Pero ok lang yan noh, kasama yan sa life and love life.;D

Rwetha said...

ang emo ng entry na to.. nakarelate ako.. wuhahaha..

kasi yung type kong babae nung highschool ako, sinulatan ko ng sobrang bonggang love letter...
tapos ang sagot nya sa akin: LALAKI LANG PO...

bwahahaha.. ouch un kasi 3 1/2 years ko siyang crush... ehehee

pag naaalala ko nga naman un.. tsk tsk...

Camille Anne F. Tajon said...

Wahahaha! Da best ka talaga! Seryoso natawa ako dun sa kinain mo ang papel with matching emo line. Da besssssst!

RICO DE BUCO said...

awww...mapait..susubukan ko pnman sanag kmain nun hahahaha

kox said...

hahaha.. parang doraemon ah! haha.. dapat binigay mu n lng noon, malay mo nag karon ng himala. ayaw pala nya sa mayaman.. hahaha :)) sayang.. baka ikaw lang talaga gusto nya..

manik_reigun said...

ikaw pala ang hari ng emo! (at ng mga kumakain ng lab letter!) haha!

lahat tayo naging baduy at naswindle ng letseng pagibig na yan.

pero, iba ka.

anu lasa nun?!

PinkNote said...

Akala ko babae lang ang maykakayanang magpaka-emo ng ganun...haha kayo rin pala..^^ sayang.. anu kayang mangyayari kung sakaling nanligaw ka?=) Pagnagkita kau, tanung mo kaya?hehe

Jerick (the former Curbside Puppet) said...

ikaw ang unang taong nabasa at nalaman kong kumain ng papel. may klasmeyt ako dati na kumain ng ruler pero iba ang dating pag papel ang kinain. tunay na vegetarian.

missGuided said...

sablay? haha okaii lang yan. ang sayang isipin na ang mga bagay na dating iniyakan natin eh mapagtatawanan din pala natin pag dating ng araw!

haha kuleeeet mo :)

chennn said...

magkaiba po ba lasa ng paapel na may tinta sa papel na walang tinta??
e ung papel na bago sa papel na mula sa wallet??
ahehehe! kung navideo yan, malamang panalo ka pa sa bfv kuya miron! ahahaha!

HARI NG SABLAY said...

@MOONSPARKS onga eh lakas ng tama ko nun,diko din lam bt nasabi ko ang buset na linyang yun,haha pati din ako ntatawa pg naaalala yun,

@PETERPAN ok ba?para tuluyan ng malusaw na saking puso,haha onga ngayon emo-emo bukas comedy,lols

@JEPOY haha iblog na yan para magkaalaman na sinong mas baduy,hahaha

HARI NG SABLAY said...

@JOICE nahawa moko sa pgiging emo mo eh,haha 11 kapa lang may bf kana tsk! may loveletters kdin plang nalalaman,binasa pa tlga sa harap ah,anong arte sweet nga yun eh,awww...pro dabest din yung flowers na binigay sa bespren,hahaha kinain ko yun dahil wala na kaming pulutan nun,haha

@ACRYLIQUE haha pinaka-emo,andami ko pa ngang kbaduyan na nagawa, ntatawa ako pg naalala mga yun,lols

@KAREN haha onga pg naiinlove ang tao ang baduy saka ambabaw,haha yown dumating yung turn mo,naks hehe edi ngsulat krin ng mga love letters?onga tama hndi mo na iniisip yung sa pligid mo o anuman gngwa mo.baduy man o hndi,tas aftr nun pgtatawanan nga,haha

HARI NG SABLAY said...

@PAPS naks lapitin ka pala paps,korni nga pro sweet din,hehe iba pa rin kasi ang may binabasa.hehe onga nwawala din ang pgibig pgdting ng panahon.

@LORDCM haha pg tinapon ko sa basura yun bka mdmpot at mabasa pa ng basurero magkamot pa ng ulo,haha tama tama sa inidoro bgsak sabay flush ksama nung nraramdaman ko,haha

@MARCOPAOLO haha kahit ano na lang pumapasok sa isip ng inlove,walang pkelam kahit baduy o pgtawanan siya, pero baduy pa rin,lols

HARI NG SABLAY said...

@CRAPPY ayun oh nagreminisce,haha bitter?mhirap yan tsk! di ka mkakalipad niyan pag mbigat prin ang loob mo,hehe

@ELAY haha prang natauhan eh noh,prang bumalik sa sarili,ako nga din umiiyak dn nun pg inlove kasi mdali ka msaktan,kaya mabilis din tumulo ang luha.onga jologs stage nga,haha

@CHIKLETZ once ko lng gnawa yun diko na inulit bka may mkakita sakin gayahin pako,haha onga lha ngiging jologs tas pg lumipas na tatawanan nlang,haha

HARI NG SABLAY said...

@SUPERJAID haha salamat at ngndahan ka sa line,haha uu inlove ako nun sknya kaso di ako sineseryoso ng bruha...uu naman wala na yun,saka ganun tlga ang pagibig mnsan mapait,hehe

@ARVIN love card?cge aabangan ko yan pre,1998?mhigit isang dekada na,ayos ah buhay pa yung mga sulat na yun?tapos sabay na pag-ibig ang susunod?aabangan ko din yan,teka mukhang alam ko ang mga link na yan ah,haha... ngpaconvert?wahahaha sensya na pre pero ntawa tlga ako sayo ngpaconvert kapa tlga ngmuslim,hahaha cge aabangan ko mga post mo pre,salamat.

@ORACLE onga makapngyarihan (whataterm!)haha walang imposible sa pgibig,sabi nga nila love can move mountains,naks,hehe

HARI NG SABLAY said...

@KLOROTEYA uu nga ako din gusto kong nkakatanggap ng sulat,yung tipong babasahin mo bago ka matulog tas pgkagising babasahin ulit,hehe gngwa din ng iba yun ayaw lng aminin,haha

@MOONGODDESSLAE salamat din,:) lakas tama nga,baliw na baliw ako ng mga pnahong yun,pra akong nkalutang sa ere,haha mrami nga dyan tulad mo,hehe biro lang,hehe

@ANTHONY ay tula hndi pako nkgawa at namigay ng ganun,pero sweet din yun,hehe onga mas mgnda prin pag isinulat,SEB?diko ata lam yun ah o slow lng tlga ako,haha uu kinain ko wla ng pulutan eh,haha

HARI NG SABLAY said...

@JENSKEE uu nga pare ganun nga ata tlga,mnsan pg ngbreak o ngkatampuhan naiisip png mgpakamatay,pro pglipas nun tatawanan na nga lang,hehe

@ANINDECENTMIND haha nkakatawa nga buset na yun pg naalala ko,emong-emo.yung kaibigan ko nbaliw dn saken,di ko na naisip yung mga ganun eh hndi kasi ako sineseryoso ng bruha,haha

@KABLOGIE haha pero kahit ayw mong balikan maaalala mo prin yun at mtatawa ng matatawa,haha

HARI NG SABLAY said...

@KHEED emo nga pre eh,haha uu ganun na lang ang dapat gawin kesa mgpakabitter pa,haha

@DETH nahiya kapang ishare ang sayo,haha hndi mo pa shinare para sana mgkaalaman sinong mas baduy,hahaha ok lng namn yun nkaraan na yun,hehe

@AZEL haha binata lang ako pero hndi pako mtnda,haha cheesy nga yun,padungaw dungaw pa,lols

Karen said...

ahhaha yes i have sa taong hindi naman dapat pffft ahahah geez kakainis...another lesson learned.

HARI NG SABLAY said...

@MADZ bckground?nobody ng wonder girls,haha cmputerized kasi pangit ang sulat ko bka di niya maintindihan,haha nxtime cge handwritten na,hehe nilunok ko tlga at pag-ebak ko kinabukasan sumama na cgro,lols

@SEAQUEST haha wala naman akong amats,naalala ko lang kasi yung bruhang yun,hehe kagilas-gilas ba,haha lahat tlga ngagawa pag inlove.lols

@DHYOY onga nkakatuwang blikan ang kbaduyang ngawa dati,lutang kasi ang tao pg inlove kya hndi mkpagisip ng tama,kahit ano gingwa nalang,pro pag nauntog ka at bumalik sa katinuan ayun mtatawa kna lang,haha

HARI NG SABLAY said...

@JDLIM ayun oh ngreminisce din,haha naks kinilig yun cgrado pre, onga ako din my pagkatorpe kaya minsan walang ngyayari,haha

@PUZZLE ako din gustong gusto din sarap bsahin nkakakilig,haha pgawa ka sa bf mo,hehe

@SUMMER haha wala ngang pagasa ang busit,eh kasi naman hndi kasi ako sineseryoso eh,jinojoke ako lagi ng bruha..smile lang dn bro,salamat.

HARI NG SABLAY said...

@SOLO ok nga lang to,saka mtagal na din naman tapos yun,hehe onga pg lumalabas ang kkornihan pag inlab,hehe

@RWETHA emo ba,haha ayun oh nkarelate din,hehe bkit babae?kunsabagay crush lng naman,sumgaot ng lalaki lang po,haha ayos yun ah,haha pro mtagal din yun ah 3.5yrs, tsk sayang nga yun,sana dimo tinigilan,hehe

@CAMILLE haha eh ganun tlga,lutang ako nun wala sa katinuan kaya ngayong normal ako natatawa ako pag naalala yun,haha pti yung kaibigan kong muntik ng mabaliw kasi tawa ng tawa nun,haha

HARI NG SABLAY said...

@RICODEBUCO haha subukan mo pre,pro gawin mo yung ayos yung puso mo pra sweet ang lasa,naks,haha

@KOX doraemon?haha bkit? onga noh sayang yun pro kasi hndi man ako sineseryoso ng bruha lagi ako jinojoke pg nag-uusap kami,haha

@MANIKREIGUN haha nun lang ako ngemo-emohan,onga buset na pagibig na yan,binibilog lagi ulo natin at gngawa tayong baduy,haha mapait yun kasi nahaluhan ng redhorse,haha

HARI NG SABLAY said...

@PINKNOTE gngawa din naman namin yun lalu na pg di na tlga kaya ng damdamin,haha damdamin pa tlga,lols cgecge mtanong nga sakanya yun,hehe sana wala pa siya asawa,lols

@JERICK ruler?hahaha natawa naman ako dun,ayos ah ang hirap nguyain nun ah,haha hndi lang bsta papel yun may ink pa,haha

@MISSGUIDED uu ok lang yun mtagal na rin namang ngyari,onga yung iba pa nga ngpapakamatay tas pag natauhan matatawa nlang sa ginawa,haha

HARI NG SABLAY said...

@CHENNN hmmm...diko pa naman ntry yung walang tinta,haha malaking kahihiyan yun kung sakaling nvideo wala nakong mukhang ihaharap nun,hahaha

@KAREN haha ok lang yan gnyan tlga,inlab ka nun eh,wag ka ng magsisi pagtawanan mo nlang,hahaha

pickleminded said...

Ganun talaga... looking back sa mga nangyari in the past, may mga bagay na matatawa an lang tayo, pag maalala natin.. ako nga mukha akong stalker sa crush ko nun.. pag naiisip ko ngaun, harharhar, katawa lang... :)

krishA said...

hi...

first time ko napadaan dito, at grabe nag enjoy ako sa mga entries mo hehhe. :)

Anonymous said...

Grabe! worth it ang pagsilip ko dito..
tawang tawa naman ako sa kabaduyan mo!
napakacheesy john lloyd! hehehe
hindi lang pala ung sinabi ang pwedeng kainin, pati ung sinulat pwede rin.
Pero ganun nga siguro talaga pag inlove.
mahilig din akong magsulat nyan noon. at super corny din.. pero ang linyang to-
"ang mga sinulat ko dito ay galing sa puso, kaya ngayon ay pipiliting pagapangin pabalik sa aking puso at dun na lang mananatili hanggang tuluyang mawala..."
walang tatalo!

stay in love! Smile!


-desza^_^

Rcyan M. said...

Hahaha! Ako rin ganyan. Buti nga ikaw, nagawa mong harapin ang nararamdaman mo.Ako, hindi. Duwag ako.

Hahaha! Teka, ok lang naman na hindi ako ang gumawa ng first move, 'di ba? Eh, babae kaya ako! T.O. 'yun panigurado kapag ako ang gumawa ng unang tira. Hahaha! (Ano 'to, chess?)

Anthony said...

@hari ng sablay: SEB, sex on eye ball hehe, di ko susubukan kumain ng papel, matatae ako tiyak hehe

Qoutes said...

Hi! I’m new with your blog, nice site! Can we exchange link?
I have added your link on my blog. Thank you poh

- A n g e l - said...

Kinain mo para walang ebidensya sa ka-cheesyhan mo pare ko :P

shykulasa said...

hahaha, nakakasorpresa ka talaga hari ng sablay!

pag may ganyang moments na nakalipas na natatanto mong sobrang baduy pala kaya napapaewwww ka na lang sa kabaduyan, at least na aliw mo kami! :)

Yj said...

wow..... malala pa pala ka-emohan mo kumpara sa akin na labinglimang valiums ang nilulunok ng sabay-sabay pag umiral kaemohan hahahahahahaha

cheezy said...

hahaha. tawa ko ng tawa hbng bnbasa ko to.
ang baduy baduy ko pala.
lagi kase kong nkdungaw sa bntana.
sbi mo nga, emo-emohan. haha

nadine said...

talagang kinain mo? HAHAHA kulit ah XD tama tama, di dapat maseado naiisp, reason sa madaming emo pagibig talga =))

HOMER said...

syempre late ulit ako hehe!!!

isang beses lang ako gumawa ng letter at basted pa, nung hs kaya di ko na inulit. haha!!

nung college may pinormahan ako, dahil sa self-confessed di ako marunong talaga manligaw dinadaan ko sa ibang paraan tulad na lang ngpaggawa ng thesis ng babae haha!!! (kaya yung kanta ng eheads na, anu nga ba yun? basta yung may lyrics na "gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo, wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko.." ayun LIGAYA haha!!, ayan yang kantang yan sapul na sapul ako haha!! :D kaso badtrip parang kami pero parang di official, wala kasi yung literal na OO. Kaya naman ayun sumapol ulit ang kanta ng eheads sakin na PARE KO, damang dama ko yung lyrics na, ".. Oh Diyos ko anu ba naman ito diba T*ng-INA.. Ako ay nabuburat na.." naku matagal-tagal din ako bago naka-move on sa babaeng to, kahit na nagkaroon ako ng bago a few months after.

Ayan nagkwento na ko ng lovelife dito wahaha!!

Ayus kumakain ka pala ng papel ako sumisinghot ng pentelpen! ayus!! jam tayu minsan haha!!! :D

raulxhikki said...

awwwww... ang saklap... may mga babae talagang ganyan, "balewala" lng sa kanila ang nararamdaman ng iba *nagdrama din*

marahil nga, hindi lng talaga kayo para sa isa't isa... T___T

rich said...

HAHAHAHAHAHAHA!!! XD bakit mo naman kinain?? :D

tama yung sinabi mo na sa huli tatawanan mo din yung mga nangyari before... nangyari din sa kin yan... lol XD

HARI NG SABLAY said...

@PICKLEMINDED haha stalker,cguro pati pag wiwi niya nkasilip ka noh,haha biro lang.nkakatuwa nga ang mga kbaduyang ngagawa natin pag inlove,hehe

@KRISHA naku maraming salamat... :) welcome na welcome ka sa aking munting tmbayan.. .:)

@DESZA haha sobrang cheesy tlga, uu kinain ko na para wala na,haha maraming salamat. wala namang corny sa taong inlove,nakakatuwa nga at nakakakilig ang pagsulat ng mga loveletter,hehe stay inlove dn.salamat :)

HARI NG SABLAY said...

@RCYAN iba na ang henerasyon natin ngayon pati babae gumagawa na ng first move,haha hndi na uso ang pa-maria clara,mbibilang nalang ang ganun,lols hndi yun T.O astig nga yun,haha

@ANTHONY ah yun pala yung SEB na yun,haha slow ako eh,haha pg mdyo emo-emohan ka subukan mo,lols

@QUOTES sure aadd na kita,maraming salamat sa pagtambay... :)

HARI NG SABLAY said...

@ANGEL haha eh ganun talaga eh pg inlove,sobrang cheesy. mapait nga yung lasa eh,lols

@SHYKULASA uu nga eh pag naiisip ko mga ganung bagay npapailing nalang ako sabay kamot sa ulo,haha pag-ibig nga naman.haha salamat :)

@YJ mas wow ka pala haha 15 valiums?uppers yun diba?edi high na high ka?sarap naman nun,enge naman,haha

HARI NG SABLAY said...

@CHEESY haha teka anong gngawa mo sa bintana?naks may hinihintay,ayeeee. tas pag nandyan na ang prince chrming ibaba na ang buhok?prang si rapunzel lang,hehe

@NADINE uu eh nung ginawa ko nga yun halos mabaliw sa tawa yung kaibigan ko,haha uu di dapat iniisip msyado pagtawanan nalang pg tapos na,haha

@HOMER tsk saklap naman nun pare firstym mo gnwa basted pa,hehe teka parang tungkol ata lahat sayo ginwang kanta ng eheads ah.ikaw nga si ely haha pautograph naman..maiba ako yung pentelpen daw iibahin na ang amoy,naku wala ka ng kakaadikan,haha buti pako madami pang papel,lols

HARI NG SABLAY said...

@RAUL nkakarelate ka ata pre?hehe eh ganun tlga ayaw sa atin wag tayong mghabol sayang ang kapogihan natin,haha dats d spirit. pansin ko lng may mga comment ka din sa mga previous posts ko,natuwa naman ako.maraming salamat... :)

@RICH kinain ko yun kasi wala na kming pulutan nun,lols diko nga ba alm anong pumsok sa kokote ko nun,haha naks nkarelate kadin?hirap ng ganun noh,tas bndang huli tatawanan mo lang,hehe salamat sa pagbsa sa mga previous posts ko,natats naman ako,hehe mraming salamat.. :)

rich said...

siguro dala lang yun ng kalasingan... unless kakain ko ulit ng love letter ngayon... ibang usapan na yun... HAHA! XD

lol nakakatuwa kasi mga post mo eh... ehe! XD

HARI NG SABLAY said...

@RICH haha hndi na ulit mngyayari yun, ibng usapan na nga yun may konting sayad na ko nun,lols salamat ulit... :)

...new place, new home... said...

ayos. haha

raulxhikki said...

hehehe, oo bro... may motto ung friend ko sakin ehh.. "kung ayaw nia sau, edi xa ang nawalan" XD oha oha XD

HARI NG SABLAY said...

@NEWPLACENEWHOME ayos ba?haha salamat sa pagdalaw :)

@RAUL oo tama yan bro,yan ang spirit,haha kailan wag tayong papatalo sa kanila,lols biro lang yun

Post a Comment