Saturday, July 25, 2009

Doobiii...

Babala: Wag kang gago tsong, wag mo kaming tularan.

Hindi ko kinakaila, tumikim na ko nito. Hindi lang pala tumikim dahil humitit na ako ng hindi lang isang beses. Marami. Gusto ko kasi malaman anong pakiramdam. Anong mangyayari sakin. Anong makukuha. Curiosity ika nga.

Cannabis. Ganja. Burn. Joint. Chongki. Omad. Maryjane. Weed. Damo. Doobi. At marami pang ibang tawag sa marijuana.

Alam natin na may naidudulot itong mabuti sa medisina. Nakakatulong sa mga sakit tulad ng epilepsy, hika, at iba pa. Alam din nating sumisira ito ng buhay ng maraming kabataan. Isa na ang pinsan ko sa mga naadik sa halamang ito. Halos araw-araw ang paghitit. At ang resulta? Ayun, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral at maagang nag-asawa.

Tuwing iinom nun kami ng aking pinsan hindi mawawala ang isang pakete ng doobi sa kanyang bulsa. Pampadagdag daw ng amats. Gusto ko man siyang sermunan pero di ko magawa. Ayokong ibalik niya sakin ang mga pinagsasabi ko sa kanya. Ang bulag hindi kayang itawid sa daan ng kapwa niya bulag. Palagi din kasi akong umiinom at nakikita din niyang humihitit ako nun paminsan-minsan. Pero ito sinisigurado ko sa'yo HINDI ako naadik dito. Nakikisama lang at pilit na hinahanap ang rason kung bakit ito kina-aadikan ng iba. Ilang beses na din akong pinasuka nito.

Laugh trip. Food trip. Flying without wings. Siesta. Alapaap. Ilan lang yan sa mga dahilan kung bakit SIGURO marami ang nagrorolyo nito.

Nakaka-BOBO. Nag-hallucinate ka. Balisa ka. Malakas ang loob mo at wala ka sa tamang pag-iisip. Kaya mayroon mga nakakagawa ng krimen dahil SABOG at wala sa tamang katinuan. Yan ang masamang epekto nito sa tao. Sisirain ang kinabukasan mo. Kaya siguro hangga ngayon hindi pa rin magawang legal ang marijuana dito sa ating bansa.

Huwag mo ng subukan kung hanggang saan ka at kung kaya mo ang halamang ito. Wala kang mapapala dito. Ito na lang tandaan mo...

Curiosity kills the cat.

59 Sumablay:

Jepoy said...

sabi na nga ba adik ka e! LoLz

Pero agree ako sayo pare koy masama ang doobi :-D majority ay hindi maganda ang effect sa mga kabataan...

Happy weekend!

ohmygums said...

Lahat daw ng sobra ay di maganda.Tama na yung tikim tikim lang. Konting amats, solve na !

Niqabi said...

Good for you sablayerz na di ka naaddict dito,... abah? nakakapangit yun ha..hehehe..kahit yun na lang isipin mo e :P

superjaid said...

my boyfriend tried this before..kaya nga lumobo sya..buti na lang ngayon hindi na..kasi di naman talaga sya naadik, tumikim tikim lang dahil nakikisama at curious..nakakakita na rin ako ng taong actual na gumagamit nito, nasa tabi lang namin sya at kausap..sa isang rolyo matino pa sya, ewan ko lang sa pangalawa at pangatlo..

basta para sa akin, ang kahit anong ipinagbabawal nakakasira ng buhay..Ü

I am Xprosaic said...

Stimulants naman siguro ang Mj este doobi eh... kaso yun nga lang pag sumobra na masama na pero depende naman kasi kung bakit kelangan gumamit... sagot pa ng ilang adik rin na nagmamarunong--- herbal yan kaya di nakakasama! jijijijiji... pero ganun pa man nananatili pa rin itong ipinagbabawal dito sa Pilipinas kaya d magandang gumamit o humithit ng ganyan dito...

shykulasa said...

ngayon ko lang narinig yang term na doobi :) anyway di ako agree na malegalize talaga ang MJ, kahit meron syang health benefits for some mas maraming pwedeng umabuso pag nalegalize na yan!Tama na yung matry lang para alam mo ang pakiramdam :)

kox said...

haha.. tama! :) "Curiosity kills the cat." magaling magaling. :)) ako din ngayon ko lang nalaman na tinatawag din palang doobi ang ganja. haha

A-Z-E-L said...

never done that...

tamang yosi na lang. ok na ako dun!
hehehehehe!

chikletz said...

na curious ako sa title kasi ndi ko lam ang doobi. haha! pero tinatry nilang ilegalize ang doobi dito sa california...
ewan ko lang kung anung mangyayari. tsk tsk.

na try ko for the first and last time. mali ata paghithit ko kasi wala naman atang epekto. hahaha! shhhh...

Miles said...

may kaibigan akong gumagamit nyan.
pero kahit minsan di ko din gustong subukan, alam kong mali, alam kong masama. :)

DRAKE said...

Buti hindi ko sinibukang hithitin yang doobi na yan! Pero dahon ng kamoteng kahoy nasubukan ko na!Medyo sumakit lang ilong ko sa itim na usok!hahahah!

Ingat pre

Drake

Bulaang Katotohanan said...

ni minsan di ko binalak na tumikin nyan.
pareho nung iba hanggang yosi lang ako,
di ko pa rin kilala ang sarili ko at baka mapasubo ako at malulong ng tuluyan.

Goryo said...

Aba'y pwede pa bang umiskor si Lolo Goryo ng ganyan? nakakagamot din ba yan ng rayuma at arthritis? pag humit-hit ba ako nyan eh, mapapa-awit ba ako ng;

Ayos na ang buto-buto!!!

ahihi

RaYe said...

i haven't tried smoking it. pero an ex-bf made me eat ganja brownies... laughtrip. sobra.

since then, i never ate brownies again.

feeling ko kasi, me ganja din un...

poging (ilo)CANO said...

marami sa amin niyan..lolz

kengkay said...

dahan dahan ang tikim minsan e simula din yan ng sarap :) salamat sa pagdaan sa aking ebahay

an_indecent_mind said...

sa totoo lang, di pa ako nakatikim nyan...

at di din ako naniniwala na ang paggamit nyan ay impuwensya ng masamang barkada... dahil ang mga barkada ko noon ay mismong sa harap ko pa gumagamit at kumakain... pero di ako naingganyo.. dahil siguro di ko makita yung sense ng paggamit, kaya di ako nadala.. nasa tao din pala yun..

be responsible brod! hinay hinay lang!

chennn said...

meron din bang "boredom kills the dog"??
*parang maxado kong ginagawang literal sa imagination ko ang pagkitil sa buhay ng pusa sa pamamagitan ng curiosity.. haha!*

naun ko lang nalaman ang ganja, doobi.. hehe inosentes.. ikaw ang una kong nakilalang nag-adik :) kudos! bwahaha

JANCAHOLiC said...

doobi doobi duu !
hahaha!

may lasa ba yun?

docgelo said...

ngayon ko din lang nalaman ang 'doobi' ay isa pang tawag sa marijuana.

ayos tong post mo. as usual, mahusay!!! bakit? honest, raw and nothing pretentious despite the sensitive topic. ang mahalaga, may redeeming factor naman pala sa huli e. pulutin naman kaya nila ang aral mo? sa palagay ko. the best teachers are the ones who can retold stories based from their own.

HOMER said...

Ayos! Meron ka pa dyan? hehe!! :D

Normal lang ang makatikim ng doobi basta wag maging over dependent dito. And herbal medicine kaya sya, usually sa mga anorexic ehehe!

Pero nakakagana talaga sya sa pagkain! LOL! :D

Actually di pa nga ako settled kung agree ba ko or hindi sa pag legalize ng marijuana eh. hehe!! :D

PABLONG PABLING said...

naks. ganda. eh kanina lang naiisip ko subukan ang tsongke pero wag na nga hahaha.

walang tulong medisina ang maryjane isa yan sa sked 1 na uri ng drug.

nice song din dandy!

RICO DE BUCO said...

ano na lang morphine malakas tama non..sabog sabog pero dedo k din pag ngtagal


mind opener..wow

Traveliztera said...

at least hindi ka naadik... good for u... konting ingat nga lang sa paonti-onti a kasi baka maadik ka nang tuluyan...

missGuided said...

nko po. bad yan!
pero gusto ko try. pa experience lng
charot!*haha

SEAQUEST said...

Actually sa titol pa lang alam ko na, nakatikin ako nian 15years ago third year high school ako, di sinasadya yun napunta sa akin pero yung paggamit ko natural sinadya ko, hehehe, pintgo kasi sa bulsa ng school uniform ko nun frend ko akong si engot kala ko yosi lang, malay ko ba basta nakikita ko sa tatay ko nuon ang hitasura ng yosi di ko naman napansing na walang upos o yung pinakahithitan nia kasi nga binalot lang, di na nkuha hanggang sa naiuwi ko sa bahay namin nung magbibihis na ko, taypa! baka makita ni madir cia naglalaba punta ko sa bahay frend ko nun inaabot ko bigla sumulpot yung father nia, hehehe akalain mong ang loka kalaki ng katawan eh tinakpan ako sabay hawak kamay ko ayun tinira namin sa likod bahay nila, waaahhhh pag uwi ko at makalipas isalang oras lang anak ng para kong ginutuman maghapon ang siba ko nung gabing yun, kung gamot man cia baka nakatulong may hika mula't pagkabata eh, pero simula nun never ever na ulit pa kong tumikim nun....at di na rin ako tumanggap pa ng kahit anu pa mang patabi ng mga barkada ko...

joice said...

wooooooohhh.

patola said...

hehehe... napag aralan ko to nung hayskul.. yung commonly abuse drugs... hihihi... ewan ko kung ano epekto kasi di pa naman ako nakatry.. hehehe... i mean, di ako magttry... hehehe..

pero yung classmate ko nung 1st yr college pumasok xa sa school na nakahithit... hihihi... ang cute niya, wala xang mata tz ang pula niya tz naka smile xa... wahahahaha...

doobidoo bidoo.. bidoo bidooo.....hehehe.. kakanta nlng ako... =)

J.D. Lim said...

Kahit saang anggulo tingnan, hindi naman talaga magadnda ang epekto ng kahit anong drugs na gagamitin ng hindi ayon sa reseta. Sisirain lang nito ang buhay natin.

Ang nakakalungkot, madami pa din ang nagiging biktima nito.

Madame K said...

sa mga gustong tumaba pwede niyong pagtripan tong marijuana. wahahaha :] ay bad influence. lol

agree ako. kung maaari wag talaga itong subukan..

JETTRO said...

korek ka jan parekoy

pero masarap parekoy piling pogi pag nkaganyan hehe

madz said...

Eh ikaw? tinigil mo na ba 'yan?

usapang lalaki lang said...

eksakli. kaya ako, di ako sumusubok ng kahit na anong addictive drugs (doobie is a drug too). tkot kasi ako na baka magustuhan ko at maadik. kaya wag na lang hehe

Ruel said...

Actually, tumanda na ako ng ganito ni minsan di ko parin nasubukang tikman ang mga 'yan..Inocente po ako..Gustuhin ko mang tumikim ngayon pero parang late na ata..hehe pero sabi mo kasi bro may masamang efecto ito sa ating lahat..

PinkNote said...

diko alam yung doobi.. doobi doobi du lang alam ko..hehe

Arvin U. de la Peña said...

subukan ko kaya iyan..hehe..pero baka magalit ang dalawa kong mahal na blogger..

kapag may mahal ka na ay huwag ka ng magmamahal sa iba ha kasi masasaktan ka lang..kung bakit ay alamin mo sa new post ko..

Mars said...

hindi ko maintindihan
ano ba yung topic nyo
di ko kasi alam yan
nyahahaha

HARI NG SABLAY said...

@JEPOY haha di ako adik,dahil sa binati moko ng happy weekend naging hapi ang wikend ko,hehe

@OHMYGUMS tama tama,pro minsan dun sa tikim ngsisimula ang lahat

@NIQABI haha onga ayokong lalong pumangit dahil matagal na kong pangit,lols

HARI NG SABLAY said...

@SUPERJAID foodtrip kasi hehe sa pangalawa o pngatlo sabog na yun,sabog na utak,haha bsta bawal na droga sisirain talaga ang buhay mo,

@XPROSIAC haha nagmamarunong nga mga adik, pilosopo pa, pero tama naman sila herbal nga,tama sisirain tlga kinabukasan mo nito

@SHYKULASA ako di ko pa alam kung sasangayon ako na malegalize to o hndi,maraming aspeto kasi ang maaring tgnan,pero bhala sila ayko ko ng mkigulo,hehe

HARI NG SABLAY said...

@KOX tama tama kaya kaw wag mo susubukan ha hehe ;)

@AZEL ako din yosi kinaadikan ko ngayon,gusto ko na rin tigilan tong yosi,

@CHIKLETZ ako dn nung firstym ko walang epekto,nagbiyahe pa ako nun papunta manila,hehe kung hndi ako ngkakamali si arnold swarzechorva gumagamit din ng marijuana,nabasa ko lang,hehe

HARI NG SABLAY said...

@MILES uu wag mo ng subukan wala ka naman mapapala,hehe ako ntry ko ito ng hindi lalampas ng sampung beses pero diko tlga ngustuhan

@DRAKE haha dahon ng kamoteng kahoy?ayos yun ah, eh yung dahon ng papaya?natry mo na din

@BULAANGKATOTOHANAN uu mahirap yung kapag tinikman mo baka magustuhan mo at hndi na mabitawan

HARI NG SABLAY said...

@GORYO haha gumamit ka nalng ng arthro lolo,o kaya kahit anung kalokohang pinapahid

@RAYE hndi pako nkatikim ng brownies na ganun ah,sarap naman nun laughtrip,haha

@POGING(ILO)CANO tara magnegosyo tayo,lols biro lng

HARI NG SABLAY said...

@KENGKAY matagal ko ng tinigilan ang pagtikim nun,dala lang ng kabataan yun,salamat din sa pagtambay :)

@ANINDECENTMIND hehe nkatikim ako nun hndi lalampas ng sampung beses,dala lang ng kbataan yun at pkikisama,mga brkda ko din dati sa harap ko mismo pero hndi na nila ako npapilit pang humitit nun,

@CHENNN boredom kills the dog?diko lam yun eh,haha di ako adik nun ah tumikim lng ng ilang beses,hehe diko nga alam bt may naadik dun wala nmang naidudulot na mabuti yun eh,

HARI NG SABLAY said...

@JANCAHOLIC uu may lasa parang mapaklang di mo maintndihan,ang lakas pa ng amoy

@DOCGELO wow nkakataba naman ng puso ang sinabi mo doc,toto ba yun?hehe salamat salamat nakakagana lalo magshare ng mumunting buhay ko,hehe

@HOMER naku wala na pare eh,pentelpen nalang patulan natin,haha actualy ako dn hndi ko lam san ako lulugar pgdating sa bagay na yun,ang daming aspeto kasing pwdng tgnan,pati daw sa ekonomiya mkakatulong yun,ah basta,hehe

HARI NG SABLAY said...

@PAPS wag mo ng subukan paps bka dyan mgumpisa ang lahat,sayang ang buhay,sked 1?diko lam yun,hehe

@RICODEBUCO salamat pare,tama tama papatayin nito kinabukasan mo

@TRAVELIZTERA matagal nakong tumitikim nun at dala lang yun ng kabataan at pkikisama,hehe

HARI NG SABLAY said...

@MISSGUIDED charot,haha wag mo ng itry yosi kana lang,hehe biro lang

@SEAQUEST highskul?wow ambata mo nun ah,hehe ako colege na late bloomer, ayos kayo ah pinatago lang tas sa likod ng bhay ang sesion,hehe sana niyaya niyo din erpats niya,haha saya nun, foodtrip nga yun,tataba ka dun,

@JOICE wooohhh kdyan,hehe

HARI NG SABLAY said...

@PATOLA mabuti sayo hndi mo ittry,nkakatawa nga yung may amats niyan haha malakas din ang amoy nun buti hndi siya naamoy ni manong guard,hehe yung clasmte ko naman nung HS nakuhanan ng gnyan sa bag ayun nakickout,

@JDLIM nkakalungkot ngang isipin dahil talamak parin ito sa ibng lugar,marami na din itong sinirang buhay at marami png sisirain

@MADAMEK uu baka pg ntikman eh hindi na tigilan,wag subukan kung hanggang san ka dito

HARI NG SABLAY said...

@JETTRO haha tama tama parekoy,filing pogi filing astig eh noh,

@MADZ naku mtagal na saka nkailang beses lang naman ako ng hitit,hindi lalampas ng sampung beses promise :)

@USAPANGLALAKILANG tama tama kaadikan nalang natin yung mga pinaguusapan ng mga lalaki sa blog mo,hehe

HARI NG SABLAY said...

@RUEL uu may msamang epekto,kaya wag mo ng subukang itry,di lng nman ikaw ang dipa nkatry nito,mrami din sa mga kaibigan ko,

@PINKNOTE haha tama yan nalang alamin mo ang doobidoo bidooo

@ARVIN cge aalamin ko yan sa new post mo,ayoko kasing msaktan at hndi ako muslim kaya hindi ako ngmamahal ng dalawa kagaya mo,haha

@MARS weh?hehe biro lang,wag mo ng alamin marijuana lang,hehe

Chronicler said...

"Curiosity kills the cat." - absolutely true. Dahil sa curiosity nasubukan ko rin ito ng isang beses. Wala akong nararamdamang effect kaya kinalimutan ko nang subukan ulit. Sumasakit lang ang ulo ko...dahil hindi rin ako nagyoyosi.

Madame K said...

don't try this at home. try this outside your home. hahaha jowk!!

Karen said...

I could agree more. Di ko pa na try yan and would never. I got a drug addict older brother and i had enough of his s***. I've seen how it destroyed his life and my family.

HARI NG SABLAY said...

@CHRONICLER hehe ako dn nung una kong natikman wala mang epekto hndi kasi ako mrunong gumamit nun,uu sasakit lang ulo mo dito

@MADAMEK haha tama tama, mahirap na bka mahuli lakas pa naman ng amoy nito

@KAREN tama wala ka tlgang mapapala dito,nkakalungkot naman yun nging biktima ang brother mo sa drogang ito,tsk!

raulxhikki said...

@_@... d p ako nakatikim at walang balak tumikim :)... salamat sa mga anti-drug seminars :D

HARI NG SABLAY said...

@RAUL haha seminar kadyan, uu wag mo ng subukan wala ka naman mapapala,sasakit lang ang ulo mo, :)

cheezy said...

nako, tumitira din kuya ko ng gnyan dati.
masama tlga epekto.

kuya, tinigilan mo n b yan?

Random Student said...

N'ang makita ko how illegal drugs destroyed my younger bro, nah, i don't even think about it. i remember n'un wala s'yang fix at agitated na, binantaan akong papatayin, aktong nose to nose, chest to chest na kami. tension ba. di ako pumalag kasi alam kong useless.

Boy Experto said...

tumikim ako nyan dati. kasi yung kapatid ko naadik diyan tapos napariwara. nahuli pa ng pulis. gusto ko lang malaman kung ano lang din ang epekto pero 'di din ako naadik.

HARI NG SABLAY said...

@CHEEZY uu naman mtagal na,saka tikim tikim lang ako nun,ayaw ko dn ang lasa nkakasuka lalo na pg umiinom,ikaw tinigilan mo na?haha

@RANDOMSTUDENT ha?kakatakot naman yun,msama tlga epekto wala ka sa tamang pag-iisip pati kadugo pinapatulan,ano ng ngyari sa kanya?

@BOYEXPERTO naku grabe naman nun bailable naman yung marijuana diko lang alam mgkanu,hehe ako dn tikim lang,kawawa naman kpatid mo nbiktima ng doobi,

Post a Comment