Friday, July 10, 2009

Hulog ng langit

Sabi nila may mga ibinibigay daw ang Diyos na di mo inaasahan. Di hinihingi. Di inaasam pero kusa na lang dumarating. Hulog ng langit ika nga. Kadalasan tao ang tinutukoy. Pero may mga pagkakataong nakakaranas tayo ng mga taong ganito... mabait sa una, parang anghel. Hulog ng langit eh. Di natin alam ang inihulog pala ng Diyos na yun mula sa langit ay diretsong impiyerno sana... SINALO lang natin. Demonyo pala. Kaya maraming mga misis ang nagmumukhang lola dahil sa mga demonyong asawa. At mga nagiging tanga dahil sa demonyong kaibigan.

Pero hindi lang lintik na pag-ibig ang inihuhulog ng langit, may mga bagay din. Bagay, literal.

Kaadikan ko sa paglalaro ng dota nuon. Kasama ang aking mga barkada. Pagkatapos naming maglaro, diretso kami sa mamihan o tapsihan. Kain lang saglit tapos shot na.

Isang gabi pagkatapos mag-dota, kami na lang ng barkada kong si MrPatok ang naiwan, nag-uwian ng lahat. Nagkayayaan kaming dalawa uminom. Napagdesisyunan naming sa kanila nalang magshot para tipid. Dahil wala akong pera ganun din siya. Emperador pwedi na yun.

Habang naglalakad naisip ko may laman pa pala ang ATM card ko, kaya sumaglit kami sandali sa pinakamalapit na ATM machine. May dalawang estudyanteng bading na nagwiwithdraw. Parang badtrip ang dating, kinakatok ang ATM machine. Parang wala namang laman to!.. parang ganyan ang naririnig ko sa naiinis nilang mga boses. Antagal nila, buti gabi na at kami lang ang nakapila.

Umalis silang resibo lang ang dala. Nang saktong ipapasok ko na ang ATM card ko... tangNa may lumabas... DALAWANG LIBO! Nasa kuhanan ng pera. Pero hindi ko muna kinuha. Paglingon ko nandun pa ang mga bading papalipat ng daan. Imbes na habulin ko, kaibigan ko tinawag ko. Pagtingin ko ulit sa ATM machine nawala na naman ang pera. Pero ilang segundo lang lumabas ulit. At dun ko na kinuha.

Naisipan naming ibalik ang pera, nagtungo kami kung san kanto sila pumasok. Pero di namin sila nakita, kaya hinayaan na lang namin.

Nagkatinginan kami ng kaibigan ko. Lumalaki ng lumalaki ang mga ngiti namin. Sakay agad ng dyip diretso sa gimikan. Ang dating emperador lang sana, ngayon napakalamig na redhorse at may kasama pang napakadaming pulutan, with background music pa. Hay... sarap...

Sabi nila pag nakapulot ka daw ng pera gastusin mo agad... at lahat. Di ko lam anung meron sa kasabihan na yun. Pero ganun nga ang ginawa namin.

Kinabukasan, hangover. Binalikan ko ang kagabi. Bigla akong nakonsensiya. Naisip ko kasi baka allowance yun ng dalawang bading, pinang-inom lang namin. Pinaghirapan ng kanilang mga magulang yun, tapos kami inisang bagsakan lang sa inuman. Parang kulang ang effort na ginawa naming paghahanap sa kanila. Iniisip ko na lang sinadya nilang iwan ang mga yun, pero mukha rin silang mga walang pera. Mga mukhang naluging bakla.

Di ko tuloy alam kung hulog nga ba talaga ng langit yun o kaming mga demonyo ang inihulog ng langit.

42 Sumablay:

Jepoy said...

Napapakanta ako ng NObade-Nobadebachu habang ginagawa ko ang comment na ito. Ang masasabi ko ay kawawang mga baklets nawalan ng 2kiaw... Panu kung pandagdag nila sa pambili ng gamot ng Nanay nila na nag hihikahos noong mga oras na yun?

JoiceyTwenty said...

waaah nagcomment na ko bat kaya di napost. anyway uulitin ko na lang. :p

sabi ko, isipin mo na lang na yung perang yun, gagamitin lang nila sa panlalake. tsaka malay mo, type ka nila kaya nagiwan ng pera. malay mo, mas marami pa silang iiwan kapag nakasabay ka nila ulit magwithdraw. :p

peace tayo ha? :p

MarcoPaolo said...

sarap ng libre.... lolz

night_end_light said...

Naku kaya pala halos katukin na yung atm machine hayan mo na tutal na budog ka naman di mo sinadya na iwan nia yun dun isipin mo na lng binigyan ka nila hehehe...

ACRYLIQUE said...

Haha.

Isipin mo na lang, What comes around goes around. :)

kheed said...

hahaha ayokong isipin na kayo nga ang inihulog ng langit.

okay lang yan, kung ako din siguro ang nasa lagay mo ay ganun din ang gagawin ko. bwahaha

Yj said...

ay naku..... sureness pag nakuha ng mga bektas yung anda pang boboylets lang din nila yun hahahahaha.... baka kayo pa niyaya nilang makipag inuman pag nagkataon hehehehehehe

Meryl (proud pinay) said...

naku mga naluging bakla pala ha! hhehehe..
pano kung sexing mga chicks un? ano gagawin nyo? ehhehe. ^_^
well, ok lang yun baka hulog nga ng bakla este ng langit! hehe. abangan kayo nun minsan at hingin ang inyong puri este pera! haha ^_^

KORKI said...

hihihihihi swerte mahaba habang pang inom din un :) morning

Summer said...

Wuehehe.. Nakaya nyong ipang-inom yun? Malay moh ba allowance yun or bayad sa project?! Hala ka, makonsensya ka nman..hahaha

jaiskizzy said...

nakibasa at makikicomment:

pag ang isang tao e tatanga-tanga at naiwala nya ang perang pinagpaguran nya o ng magulang nya, hindi sya karapatdapat pagaksayahan ng panahon nung nakapulot para maibalik ang pera nya. kung may iniisip man sya kaya nya nalimutan, e mas importante pala yung iniisip nyang yun kesa dun sa pera, kaya ganun pa rin,

para sa mga relihiyoso: pag mabuti ang nangyayari sa tao, biyaya daw ng diyos. pag masama ang nangyari, pagsubok daw. pero pag nakapulot ka ng pera ng iba, sinusubukan ka lang daw ng diyos kung mabait ka at hindi yun biyaya sayo. sus!

Anthony said...

napapaindak ako tol sa music mo w8 lang...

ok tapos na...
anak ng teteng ang swerte mo naman, tama gastusin mo na yan aba, para sau tlga ang pera na yun kaya nga nakuha mo...

pero naranasan ko na rin yan, wallet naman sa ain, sa katabing cubicle ko habang nagnenet ako sa isang cafe shop, naiwan nya na nakapatong sa harap ng pc, ayun, may dalawang boses ang bumulong kaagad sa tenga ko, at tanga ako at sinoli ko pa, nag-aantay kasi ako ng pabuya, thank you lang ang sinabi, bwiset!

Karen said...

Hala Lagot kayo!!ahaaha joke lang

Ewan ko lang di pa nangyari sakin un hmm ung minsan pala nung kumain kami sa isang grill house dito sa Gingoog naiwan nung wallet ng isang tao sa katabing mesa kasama ko bro ko, wifey nya and Aunt ko kinuha lang namin tapos nipatong sa mesa namin para sakali bumalik ung tao d naman bumalik kaya binigay nalang namin sa counter ahehee.

Camille Anne F. Tajon said...

Kawawa naman yung 2 bakla. Hehe! Sana ako rin makapulot 2k. HAHA!

khuletz316 said...

korek kawawa nman mga bading na un khit bading cla kawawa parin...hehhe..may sense ba? hehhe..kya next time isoli kagad...hehe

jei said...

Sa oras ng kagipitan, lumilipad ang kunsensiya ko. Kumbaga kapit sa patalim na lang, hehehe. Pero hindi ko lang alam kung kaya kong gawin ang ginawa ninyo.

PABLONG PABLING said...

hahaha.... wow.

dalawng libo din yaon.

kawawa naman ang dalawang bakla. hahaha. karma.

- - - wala na kayong kasalanan dun sinubukan niyo naman silang hanapin ng mga 3 secs pero di niyo na nakita.

kox said...

haha.. ayos na yan! di nyo naman ninakaw eh! haha.. pero kawawa nga sila.. baka pag dagdag yun sa tuition fee nila, lalo nat malapit na ang exams. or pambili yun ng gamot sa nanay nilang may sakit na gusto ng pansit.. haha

iamloved said...

haha. kasalanan na ng mga bading yun. shushunga shunga ehh. hehe. kaso kawawa nga sila. pano kung pang booking pala nila yun. hahahahaha :)
SWERTE mo, MALAS nila. yun na yun ;))

SEAQUEST said...

Bukod kang pinagpala sa lalaking lahat ng gabi at sa pagkakataon na yun MANTAKIN mo nga namang walng kahirap-hirap nag kainstant 2thou ka..hehehe. Churi ng lang mung sa mga chorvalus...

Niqabi said...

hala ka lagot ka...wala tuloy sila pangpapa..

hehhe....

rich said...

aww... sana binalik mo... wala lang... naniniwala kasi ako sa karma eh... yes di nyo naman kasalanan kung bakit naiwan nila yun pero may ways naman na maibabalik nyo sana sa kanila diba? :(

superjaid said...

Things happens for a reasons,pero wag mo ng isipin pa kung para san ung pera talaga,la namang magagawa na gastos na,pasasakitin mo lang ulo mo kuya..haha Ü

aDz said...

sana masubukan ko din yan,.

sarap apg libre..hahaha

JETTRO said...

parekoy penge naman hehe pampapungay ng mata yung nagbabagang mata

KOLEHiYALA JANN said...

baka pang gimik nila eun haha

Arvin U. de la Peña said...

ang masabi ko lang ay suwerte kayo at nagkaroon kayo ng 2 thousand na di niyo pinaghirapan..pero dapat nakonsensya ka rin..paano kung may paggagamitan ang pera na iyon na importante..sana tinawag mo..di ka pala tapat pare,hehe..ano pa kaya kung makapulot ka ng isang bag na puno ng pera..eh lalo mong itakbo iyon..2 thousand nga lang binulsa mo pa, ano pa kung limpak limpak na salapi..di ka katulad ng ibang mga janitor sa NAIA o ibang tao na kapag nakakapulot ng pera ay nirereport..buti di nagkaroon ng trouble sa pinuntahan niyong inuman..

[ k r y k ] said...

lucky indeed!
pero tama ka may kasamang conscience kasi hindi naman sayo talaga yun pera.

pero yaan mo na tapos na naman ehh :D

next time ka nalang bawi sa ibang bading nalang lol Ü

HARI NG SABLAY said...

@JEPOY actualy pinalitan ko na yung bkgoundmusic nung pinost ko to pero binalik ko para sayo,malakas ka sakin eh,hehe pano nga kung gnun noh,tsk! lalo mo naman akong kinokonsensya,lols

@JOICE naku hndi ako type ng mga yun,hidi ako lapitin ng bakla,lols bka yung ksama ko pwedi pa,hehe sana nga noh mkasabay ko sila ult mgwtdraw at medyo lakihan ang iwan,lols ang sama. peace naman tayo dba,bsta ako di naman galit sayo... :)

@MACOPAOLO sarap nga pare,pero nkakakonsensya din,haha

HARI NG SABLAY said...

@NIGHTENDLIGHT kung ganun maraming salamat sa kanila,haha hndi kasi sila mkpghintay,kala mo naman may lalabas agad na pera pag kinatok,lols

@ACRYLIQUE haha tama tama,sana maraming pang mngyaring ganun,lols

@KHEED haha ako dn hndi ko maisip na galing kami sa langit,haha ipangshoshot din?apir tayo dyan.dpat nga mgchchiks pa kami nun kaso late na,lols

HARI NG SABLAY said...

@YJ haha siguro nga pngboboylets lang nila kaya ngmamadali silang makakuha ng pera,teka 2K? ganun na ba ang presyo ng mga boylet ngayon?hehe

@MERYL kung seksing chikas?hmm..di ko din alam eh,cguro bubulabugin namin ang bwat bahay para maibalik yung pera,haha paimpress ang langya.lols... hingin ang puri? 2K?mababa,haha kahit mgkano pa di ako papayag,naks,hehe

@KORKI mahaba haba nga,hirap gastusin nung 2k,haha

HARI NG SABLAY said...

@SUMMER hehe nakonsensiya nga ako kinabukasan,nagsisi nga ako pero wala na huli na,hehe hinanap naman nmin sila ksalana na nila yun di sila ngpakita,lols

@JAISKIZZY hndi ko na alam kung biyaya nga yun,haha pro ansarap nun libre haha,nkakakonsensya lang tlga sana tinawag ko na sila agad nung papalipat palang sila ng daan,ngulat din kasi ako sa mga ngyari nun,tsk!

@ANTHONY haha baka naman walang laman yung wallet at kung san san na lang iniiwan,pero ok na din yung binalik mo 4 sure babalik yun sa cmptershop pag naalala ang wallet,tas ikaw pa ang katabi,edi pg nagkapkapan huli ka,hahaha

HARI NG SABLAY said...

@KAREN tsk binigay niyo pa sa counter sayang yun,haha ang sama eh noh. teka mgkano ba laman? tinignan niyo?baka naman puro resibo lang kaya di na binalikan,lols

@CAMILLE kawawa nga,nakonsensya ako,tsk! mag-abang ka lang sa mga atm machine malay mo,mngyari sayo yung ngyari sakin,haha

@KHULETZ uu nextime isosoli agad,pero teka napaisip ako,nextime?ibig sabihin mngyayari ulit yun,haha saya. biro lang,haha

HARI NG SABLAY said...

@JEI onga tama ka oras ng kagipitan namin yun,naghihintay ng malamig na beer ang aming mga sikmura,lols

@PAPS 3secs haha onga eh sinubukan namin silang hnapin pero di sila ngpakita.oo nga naniniwala ako sa karma,siguro nga ito na ang aking karma wala akong trabaho ngayon dahil sa dalawang libo,haha

@KOX haha pinoy na pinoy, pancit sa maysakit.naawa nga din ako skanila kinabukasan bka pngtuition nga nila yun or pra sa nanay nga nila.hay sori sori tlga sakanila. :)

HARI NG SABLAY said...

@IAMLOVED haha onga malas nila kaming mga demonyo nkapulot dun sa pera,haha pero sinubukan tlga namin silang hanapin kaso wala tlga eh.puro boylet cguro iniisip kaya shushunga shunga

@SEAQUEST suri na nga lang sakanila,at salamat na din sa 2K,wala na rin naman akong mgwa ngatos na nmin gusto ko man ibalik diko na sila mkikilala,haha wala ngang kahirap hirap ang 2K na yun pumila lang,lols

@NIQABI lagot nga ako,tsk!hehe kasalanan na nila yun msyado silang atat sa mga papa nila,haha

HARI NG SABLAY said...

@RICH uu nga eh ako dn naniniwala sa karma,kaya cgro hnga ngayon wala parin ako work,haha sori tlga sakanila,tsk! onga kulang yung efort na ginwa naming pghahanap nun skanila.

@SUPERJAID haha tama ka sasakit lang ulo ko sa kakaisip dun,saka tapos na din yun,yun nga cguro ang rison dun, para may pngshot kami,lols

@ADZ tambay ka lang sa mga atm machine malay mo mngyari din sayo,lols

HARI NG SABLAY said...

@JETTRO ngbabagang mata?ano itsura nun?prang lumiliyab ba?haha wla na pre di naubos na inisang bgsakan sa inuman,haha

@KOLEHIYALAJANN uu pnggimik nila siguro pro samin ipinaubaya,haha

@ARVIN haha nbigla din kasi ako nung mga pnahong yun di ko agad naisip na twagin sila,sana mgdilang anghel ka pre at mkapulot ako ng isang bag na pera,hahaha pero isasauli ko na yun at hihintayin ang pabuyang ibibigay,haha mkhang pera eh noh.

@KRYK haha napaisip ako dun sa bawi sa ibang bading,haha prang ansagwa,lols pro ganun na nga wala na rin akong mgawa tapos na,sori sori nalang tlga sakanila, :)

Karen said...

wala nga din laman eh ahahahaha may 2 chicks pa nman kasama yun nyahahahha

chennn said...

napatunayan nio naman kuya miron na may kunsyensya kayo. hehe.

di ko po alam un kasabihan na un, palibhasa hindi ako nakakapulot ng pera. ni barya, awts...

Mrpatok said...

Isang sizzling plate na Squid busster, Isang tokwa't baboy atyaka 2 buckets of RH dun nagastos ang 2K. Haha

madz said...

Ay, hindi man lang nagshare, ha ha ha.. Kawawa naman nga 'yung mga bading, sana hinanap nyo ng mabuti.. At ngaung alam na namin na ikaw ang kumuha, may utang ka sa kanila na PhP2,000.00 at dahil may tubo un, more than that na ang babayaran mo :P

HARI NG SABLAY said...

@KAREN haha may answerti naman nun wala na ngang pera may chiks pa,lols

@CHENNN tumambay ka lang sa mga atm machine bka may mahulog dun,haha pro wag kang mgbobonet bka mpagkamalan ka mahirap na.

@MRPATOK haha sarap tlga ng libre, ang mahal nung squid nayun 300+ ata o less dan 400,hehe hndi kaba nkonsensya nun?haha

@MADZ haha may tubo pa pala yun, onga hndi namin hinanap ng mbuti kaya nkakakonsensya,bhala sila sa buhay nila hndi kasi sila mkpghintay,lols

Post a Comment