Monday, June 15, 2009

Reseta

Tumambay ako saglit dun sa botika ng aking insan. May pinapaayos kasi siya sa kanyang PC. Dahil nagmamagaling ako, natsambahan at naayos ko naman.

Panay ang ikot niya sa loob ng kanyang botika, dahil sa minu-minutong pagdating ng mga tao. Nakakalungkot isipin, tag-ulan na kasi at nauuso na naman ang iba't-ibang sakit.

Naisip ko tuloy bigla, ayos pala ang ganitong negosyo lalo sa panahong ito. Ang kailangan ko lang gawin ipanalangin lagi kay Bro na sana maraming taong magkakasakit at dapuan ng kung anu-anong impeksiyon. Kaya lang, siyempre pag ibinulong ko kay Bro yun baka bunutin niya ang isa niyang pako sa kamay at itusok sa bumbunan ko. At sabay sabing... Minsan mo na nga lang AKO kausapin yan pa hihilingin mo.

Sabi nila bawal magkasakit. Di ba masarap ang bawal? Ibig sabihin... MASARAP MAGKASAKIT.

Totoo. Pag may sakit ka, may mga dadalaw sa'yo. Ibig sabihin nun nag-aalala sila. Mahal ka nila. Ang mga kaaway mo, makikipagbati sa'yo. Dahil naawa sa kalagayan mo. May mga dalang pasalubong. Prutas, donut, at kung anu-ano pa. Ang may sakit mahirap pakainin yan. Kaya ito na ang pagkakataon mo para humiling ng gustong kainin. Sa ganitong paraan nabibigay ang luho mo sa pagkain. Ang sarap ng may sakit.

Pag may sakit ka...
...ikaw ang may hawak ng remote control ng TV. Ikaw ang batas.
...hindi ka papasok sa trabaho. Sarap matulog maghapon.
...hindi ka mauutusan. Ikaw ang mag-uutos.
...ang SARAP.

Pag may sakit ka...
...nauubos ang kayamanan mo. Pambili ng gamot.
...napeperwisyo ang lahat sa'yo. Pati trabaho mo napapabayaan.
...may nalulungkot. Hindi nila alam kung ito na ang umpisa ng iyong pagpanaw.
...ang SAKLAP.

May mga pagkakataong hindi talaga maiwasan ang magkasakit. Kaya tulad ng lagi kong sabi sa'yo. INGAT! Sa madaling salita, mahalaga ang buhay.

Iwasan ang reseta.

62 Sumablay:

Lord CM said...

Hehehe :D Wag ka na tatambay sa botika at baka dumami entry mo lolzz

A-Z-E-L said...

sa ibang bansa kadalasan may medical insurance ang mga empleyado kase mahal ang konsulta sa doktor dito. pati gamot libre na rin... pati medical certificate kasama na... pero... sabi ko nga.. mabuti pang walang medical insurance kesa naman paulit-ulit na gamitin ito!!!

mahirap magkasakit lalo na sa ibang bansa!

MarcoPaolo said...

nang dahil sa pagtambay mo sa botika... nag mala-john llyod cruz ka na ngayon... INGAT!

hahaha!

EǝʞsuǝJ said...

bawal talaga magkasakit!
lalu na sa ibang bansa!

kaya ingat! hehe

stupidient said...

mahirap talaga magkasakit, lalo yung sa isip.

DETH said...

"Kaya lang, siyempre pag ibinulong ko kay Bro yun baka bunutin niya ang isa niyang pako sa kamay at itutusok sa bumbunan ko. At sabay sabing... Minsan mo na nga lang AKO kausapin yan pa hihilingin mo."

napahagalpak ako sa tawa dito...ummm loko! ahahaha

naku kahit pa 100 ang benefits ng pagkakasakit e hindi ko pa rin ipagpapalit ang isang benefit ng malusog na pangangatawan "BUHAY"

oist john lloyd, kung lalake ka amenin mo na nanlelegaw ka kay rofa! - anabel...ahahaha.

HARI NG SABLAY said...

@LORDCM uu nga baka kung anu ano pumasok sa kukote ko at pati condom mgawan ng entry,lols

@AZEL ay uu tama. kaya iwasan nalang nting mgkasakit,lalu na nga dyan mahirap lalo na pg walang ksama.

@MARCOPAOLO haha ingat din!kun pwedi nga lang sabihan ng ingat! ang mga bumubili eh,hehe kasu nkakahiya.haha

HARI NG SABLAY said...

@JENSKEE uu nga nkakalungkot pag sa ibang bnsa ka ngkasakit,walang kakalinga sayo dahil sarili mo lng ang tutulong sayo.ingat din kayo dyan pre.

@STUPIDIENT haha pg sa isip ka ngkasakit ibang usapan na yun. pro kunsabagay nauuso ang gnyang sakit,manuod ka nalng ng tv.

@DETH haha salamat naman at ntawa ka sa kcornihan ko.yung isyu samin ni ruffa ang alam ko ktwan lang ang habol niya sakin, kaya pra kay ruffa... ingat!lols

tonio said...

ahahaha, yan ang blogger lahat napapansin! kaya kahit pagtambay-tambay lang sa kung saan saan ay nagagawan nya ng makabuluhang istorya.

apir parekoy!

docgelo said...

sa lahat ng posts mo na nabasa ko, dito ako papalakpak ng masigabo!!! (applause, applause)
may lisensya ako kaya pwede kita resetahan kahit ano kaya lang sabi mo nga : bawal magkasakit (sakit sa bulsa, tama ka!)
salamat sa pagtambay sa blog ko, pag gutom ka o kumakalam, tambay ka lang don, lagi kang welcome!
chalamat (chinese ng tenk yu - corny!)

HARI NG SABLAY said...

@TONIO haha apir pre! side effect ng isang blogger. kung anu ano kasi naiisip, minsan ang ginagawa taliwas sa iniisip,haha

@DOCGELO haha salamat doc sa applause. teka doc may tanong ako,ok lng bang kumunsulta sa inyo pag may mga nraramdaman akong hindi tama?hehe chalamat din. :)

jodi said...

baka magkasakit ka nyan ha, lagi mong sinasabi na masarap magkasakit..ingat ka lagi para di magkasakit

kox said...

hahaha.. sa makati bawal mag kasakit :)

Dhianz said...

yeah kapag nagkasakit kah eh don moh ren malalaman kung sino ang tunay na nagmamahal sau... true... seryoso mode daw akoh noh? lolz... pero true... masarap ang bawal... parang minsan lang eh hmm... bawal na pag-ibig? ahehe.. 'la lang... mareng johnlloyd!!!! it was nice plurkin' w/ yah last time... plurking w/ yah? parang dehinz gano maganda pakinggan...sige kita kitz sometimes na lang don nilah pareng jenskee... lolz. Godbless! -di

an_indecent_mind said...

ingat!! hehe!

SEAQUEST said...

ayos ah, elibs bah tumambay lang napainam pa o cia tambay ulit...ingat lang ha!!!este o ingat sila sau..??? hehehe...

Goryo Dimagiba said...

Akalain mo, ginamot mo ung sakit nung PC ng pinsan mo.. Ano daw sakit nun? Ano binigay mong reseta? ahehehe.. Apir!!

anthony said...

may sakit ako ngayon! sakit na hindi maiwasan. sakit sa bulsa! sakit sa paggastos! pautang

JETTRO said...

parekoy magaling ka pala mag ayos ng pc

masarap talaga ang bawal hehehe
iba kasi dating yung may danger.

parekoy napadaan lang.

PABLONG PABLING said...

masarap din mag kasakit paminsan minsan.:)

ako i make sure na mag kakasakit ako ng isang linggo sa loob ng isang taon.

:) john lloyd ingat!

choknat said...

tama..mahalaga ang buhay.

i love this post. :)

HARI NG SABLAY said...

@JODI kumatok ako bgla sa kahoy,haha wag naman sana,mahirap ang buhay ngayon,hehe

@KOX haha tama ka binay.ganon din sana sa buong bansa,bawal magkasakit.

@DHIANZ teka bkit ka nga ba siryus mode ngayon?dahil ba sa bawal na pag-ibig?lolz.plurking wid me?lolz tnx din sa pagtuturo sakin sa plurk mdami ako ntutunan,hndi ako ngplurk knina blog mode muna,hehe kitakitz. Godbless.

HARI NG SABLAY said...

@ANINDECENTMIND teka kaw rin ba si johnlloyd?haha ingat din!

@SEAQUEST haha ano daw?namilipit dila ko dun ah. o siya ingat din, at ingat din sila sayo,hehe

@GORYO apir! pre. ang sakit niya kulang siya ng nkasave na scandal,lols kaya nireseta ko sknya ang kina katrina at hayden kho,lols

HARI NG SABLAY said...

@ANTHONY dahil sa may sakit kng gnyan at npatambay ka dito,nahawa ako kaagad, ngayon pareho na tayong may sakit, tara maghanap tayo ng mauutangan,haha

@JETTRO hindi ako mgaling ngmamagaling lng,haha uu nga masarap ang kinatatakutan,msarap ang may pngamba. salamat sa pagdaan pre.

@PAPS haha ayos ah,may skedyul.dapat ba talaga ganon?lols ako din ganun na rin.ingat din!

@CHOKNAT salamat at naapreciate mo, kmusta ang community chorva?hehe

khuletz316 said...

TUMPAK!!! bawal magkasakit...

sa katwirang ito:

"Sabi nila bawal magkasakit. Di ba masarap ang bawal? Ibig sabihin... MASARAP MAGKASAKIT."

naalala ko nun college...ung subject na philisophy...parang ganito ung sense nun...hehehe

HARI NG SABLAY said...

@KHULETZ316 parang gnito lang... practice makes perfect,but nobodys perfect,why prctice?ang gulo. pilosopo na talga mga tao ngayon,lols

crappy said...

tsaka pag nagkasakit, lahat ng pagkain na gustong kainin, binibigay o binibili.

samantalang pag ala kang sakit at magrerekwest, no epek. krisis daw. tsk!

makiki-ingat din ako. hihi :D

ShatterShards said...

Hindi ko gustong magkasakit. Naaalala kong tao rin ako, at may kahinaan. At ang pinaka-ayaw ko ay ang pagka-bagot dahil hindi ka makagawa ng kung anumang gusto mo. At dahil madalas walang kasama sa bahay ay wala ring mag-aalaga sa akin. Ayaw ko rin namang nagpapa-alaga. hehe

missGuided said...

Nong musmos pa ako.Gusto ko lagi may sakit kasi ako ang Bida. Pero ngayon minsan na lang...dahil na din sa mga perwisyong dulot din ng salot na sakit,saka matanda na ko dami na puting buhok(dahil sa stress haha)!

Ingat =D

HARI NG SABLAY said...

@CRAPPY haha onga kaya dapat pag may sakit lubos lubusin na,lols

@SHATTERSHARDS ay kalungkot naman yung kaw mgisa sa bahay walang mgaalaga pag may sakit.hirap nman nun.

@MISSGUIDED pareho tayo mtnda na din ako at andami ko na din puting buhok sa stress din at kakaisip kahit walang isip,lols

[ k r y k ] said...

ahaha :D

ang adiQ weh'!

tama yun pag may sakit ikaw ang batas.

at kapag bata ka pa, kapag may sakit asahan mong may jollibee ka.
wahaha.Ü

HARI NG SABLAY said...

@KRYK haha onga noh laging may pasalubong din dati sakin erpats ko ng jolibee pag may sakit ako, kaso may mga pgkakataong di ko malasahan,hehe dahil nga may sakit.

shykulasa said...

allergic ako sa reseta .... pag me pinakita sa akin ang parents kong reseta ...patay! gastos na naman! :)

HARI NG SABLAY said...

@SHYKULASA haha mgastos sa gamot,kaya bwal mgkasakit.pati tuloy ikaw ngkakasakit...sa bulsa,lols

p0kw4ng said...

yan ang lagi kong dasal...wag akong magkakasakit pati na ang pamilya ko kasi daig pa nyan ang magnanakaw!

- A n g e l - said...

Hay nako, eto ang hate na hate ko, ang magkasakit pero ako na yata ang pinakasipuning tao sa buong mundo. Konting kibot may sipon. Pero so far, hindi pa naman ako sinisipon ulit. Pwera usog. :D

ACRYLIQUE said...

Who has the FLU, has the POWER. World Dominator na ang arrived! :)

KORKI said...

auko ng reseta pero meron akong reserba pag tinatamad pumasok heheh sayang ang sick leave heheh :)

Jepoy said...

ako nag forge ng reseta para excuse sa work tapos makakanood ng mobie sa MOA :-D

Pwede karin mag sakit sakitan para maluto ni Nanay ang peborit mong pood.... Pero tama ka dapat ingat sa sakit

:-D

madz said...

May sakit ako, at gustung-gusto ko para makapag SL sa office, ha ha ha.. Pero ang hirap kaya ng may sakit.. Pwede kaya magsakit-sakitan nalang?

manik_reigun said...

masakit magkasakit. lalo na sa bulsa. ehehe
XD

macky said...

tlga ikaw mr blogger.. napakatindi mo magisip.. biruhin mo gus2 mo magkasakit para mapgbigyan lang ang mga luho mo...sablay ka n nman dun.lolz

Nobe said...

kahit ano pa sabihin naton, ang hirap talaga magkasakit!

love,
nobe

www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com

HARI NG SABLAY said...

@POKW4NG ay oo tama, di bale ng manakawan wag lng mgkasakit.bsta gud health para sa laht... :)

@ANGEL naku mukhang pareho tayo ng sakit, lalo na pg umaaga sumusmpong sipon,allergic rhinitis ata yun,bsta ganun.sensitive ilong ko eh,hehe

@ACRYLIQUE sabi nga nung blog na hay!men.ahini flu-tunay na lalaki.kinaatakutan daw,lols

HARI NG SABLAY said...

@JEPOY haha ayos ah,kunsabagay ginawa ko din dati yan,magdahilan ngsakit-sakitan para di mkapasok sa eskwelahan at nagrequest ng paboritong ulam,hehe

@MADZ hirap naman magsakit-sakitan baka matuluyan,lols pro sayang SL mo gamitin mo,pmpaalis stress... :)

@MANIKREIGUN hirap solusyunan ang sakit sa bulsa,isa pa nkakahawa yan.ako may sakit akong gnyan,lols

HARI NG SABLAY said...

@MACKY oi mr.turtle,haha ikaw naman matindi ka dahil dala-dala mo ang bahay mo,haha at anung sinsabi mong biruhin?haha kpampangan ka nga,lols

@NOBE uu tama kahit ano pa sbihin naton,lols pag may sakit lahat ngkakasakit pati bulsa,kaya ingat lagi... :)

Ang buhay ay parang sine said...

whatta, ngayon lang ulit ako nakabisita dito.

linya ni john lloyd inagaw mo baka magtampo sa'yo yun! lagots ka. hehe. ingats! minsan ako gusto ko magkasakit para lagi ako papakainin ng yellowcab. :)

Rico De Buco said...

hehehe uu ngat masarap mgkasakit pero darating k din sa time at bgla k nlng magugulat na isa k n plang malaking PAL...

kya mas mbti n wag nlng mgkasakit khit ang pagkakasakit ay ktumbas na konting gnhawa, pansamantala.. mas mgndang isipin mo pag wala k skit mas masaya..d lang ikaw pero lahat na.kc wala napeperwisyo hahaha

HARI NG SABLAY said...

@CHASE uu nga ngayon lng ulit?san kba galing?pasalubong,hehe ako ang totoong johnlloyd at hindi siya isa siyang impostoro,haha may ganun bang word?lols

@RICODEBUCO ay ayoko nman maging pal,pro ngayon pal ako,lols tambay eh.tama walang ngkakamot ng ulo pg walang may sakit.kaya tndaan ingat!

aLgene said...

well said. :)
*clap clap

note: hindi lahat ng bawal masarap. :D

rich said...

hahahaha! XD nako lagot ka ng kay Bro kung yan ang prayer mo...

pero I doubt kung may bibisita sa tao kung may swine flu ka... T_T yun uso ngayon eh...

HARI NG SABLAY said...

@ALGENE haha tulad ng ano? salamat sa clap clap.tnx u apreciate it. :)

@RICH haha onga eh bka itarak niya ang mga pako niya sakin,lols onga nman dahil katatakutan ka nila,hehe takot mahawa.

Rosa said...

hi sis. help me naman oh. need ur voted! pls kindly read this post; http://www.pink-precious.com/2009/06/would-you-voted-me.html thank you po!

www.pink-precious.com
www.istarblog.com
www.babyko.info

Alea said...

ano yung reseta?
anyway.. gnun lang talaga ang buhay. ang magkaswine flu talo. ang mga botika, panalo.

Bingkay said...

tumpak! kapag may sakit ako dati love na love nila ako. Wehehe. Kaya minsan nagsasakit sakitan kahit wala naman ...papansin lang! Hahaha.

Rcyan M. said...

Sabi nga nila, lahat ng bagay, may positibo at negatibong epekto sa tao. Depende na lang 'yan sa kung papaano mong titingnan ang sitwasyon. Ika nga ni Darwin, species adapt according to their environment and surroundings.

Depende na sa'yo kung ang sakit ba ay isang maganda o pangit na pangyayari.

Basta ako, AYOKONG MAGKASAKIT!!!

BAWAL!!!!

Hahahahahaha!!!

keb said...

Bihira lang ako mag kasakit eh. Pero masayang magkasakit. Bakit? Eksayting.

joycee said...

Hay tama yan, masarap pero mahirap ang magkasakit. Hinde ako sakitin, minsan gusto ko magkasakit para makapahinga sa nakakapagod na buhay at makita kung sinu yung mga mag-aalala saken hehe.

HARI NG SABLAY said...

@ROSA ok sis dont wori ill vote for you. :)

@ALEA huh?reseta di mo alam?ngpapatawa ka nman eh.hehe yun ung listahan ng mga gamot na binigay ng doktor. onga eh bsta mgkasakit laging olats.

@BINGKAY haha hirap naman yung mgsakitsakitan baka matuluyan bigla tas magsisi bndang huli,haha

HARI NG SABLAY said...

@RCYANM salamat sa pagshare nung kay darwin...:) tama nga naman. ayoko din mgkasakit. ang hirap kumilos,ang dami mong di magawa.

@KEB haha ayos ah. teka anong exciting dun?ah alam ko na dahil sa mga dadalaw sayo gnun ba?hehe

@JOYCEE hehe onga noh.kasi pag may sakit ka ikaw ang sentro ng lahat. pro pag normal ka wala silang pkelam sayo,haha

keb said...

D, eksayting makapang hawa eh. Lalo na ung A H1N1. Cool!

HARI NG SABLAY said...

@KEB haha yun pala ang exciting, onga noh lapitan mo mga gusto mong mhawa,ang mngyayari nun habulan kayo sa daan,lols

Post a Comment