Thursday, June 25, 2009

Jai Ho

Teka bibilang lang ako. Isa, dalawa, anim, labing-apat, twenti seben... di ko na matandaan. Di ko na mabilang ilang beses na kong sumablay sa mga kumpanyang inaplayan ko dati. Anong magagawa ko hanggang dun palang ang kaya ng utak ko. Kaya ayon not qualified. At isa pa, ang kulit ko, pilit akong nagpapass ng mga resume sa mga kumpanyang alam kong babagsak ako. Eh nagmamagaling ako eh. Feelingero.

Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Lalong lalo na naniniwala pa rin ako sa milagro. Oo milagro. Naniniwala ako darating ang araw BAKA bigla na lang ako maging milyonaryo. Di natin masabi na BAKA...
...may lolo pala akong negosyanteng intsik pamanahan ako. Baka si Henry Sy.
...may biglang mahulog sa akin na isang bag na puno ng pera galing sa lumilipad na eroplano. Wag lang sanang barya. Maawa na kayo.
...mag ala-Robin Padilla ako, at makasagip ako ng buhay ng taong hinostage. Bigyan ako ng malaking pabuya.
...makatisod ako ng gold bar sa kanto habang pagewang-gewang sa sobrang kalasingan.
...bigla akong makatuklas ng gamot na maiimbag sa medisina.
...bigla akong makaimbento ng isang klasi ng alak. O alternatibo sa yosi.
...manalo sa isang gameshow tulad ni Jamal ng Slumdog Millionaire.

Maaring pweding mangyari. Katulad na lang nung kumpare kung walang ibang alam dati kundi uminom lang at makipag-away. Ngayon, may-ari siya ng isang gasolinahan sa Antipolo. Biglaan yun, at sabi sakin namana daw sa isang kamag-anak. Buhay nga naman, unpredictable.

Hindi ko sinasabing umasa ka sa mga sinasabi ko, hindi ko rin sinasabing wag kang umasa. Ang sa akin lang, paano ka mananalo ng lotto kung hindi ka naman tumaya? Kahit araw-araw ka pang mag-novena. Ikaw ang may hawak sa buhay mo, may sarili kang pag-iisip, may sarili kang desisyon, may mga bagay lang na talagang itinadhana.

"Tadhana'y merong trip na makapangyarihan..." -Rico Blanco


PS. Nainspired ako nung si Jamal kaya gagawa din ako ng sarili kong korning 'Who wants to be a Millionaire' based sa mga naranasan ko sa buhay. Wahaha. ;)

62 Sumablay:

pickleminded said...

hehehe! BAsta may tyaga may nilaga, harharhar, related ba?

JoiceyTwenty said...

alam mo, seryoso, nakikita ko ang sarili ko sayo. sa blog description mo pa lang, at about me profile, akong-ako. kaya feeling ko magiging chums tayo. so ano, BFF? :)

anyway, ako gusto ko din si jamal, kase maganda ang katawan nya kahit payat sya tingnan pag may damit. hahaha!

tsaka teka, napanaginipan ko kase lolo ko daw si henry sy. di kaya magkamag-anak tayo?

HOMER said...

Magartista ka kaya! hehe!! :D Ayus lang yan parekoy makahanap ka din ng Job. Anu ba gusto mo BLUE JOB? , este Bluecollar job o white collar haha!! Seryoso mahirap talaga maghanap ng trabaho tyaga lang. :D

Ayus nga yang movie ni Jamal hehe!! napanood ko to sa dvd nung di pa naipapalabas sa sine nacurious kasi ako nanalo sya sa Oscar, ayus naman magaling yung pag connect nila ng answers dun sa game sa buhay nung bida hehe!

Kablogie said...

Bro, try mo sa mag abroad, dahil mas naapreciate nila ang galing ng pinoy..atsaka madali mag apply dito walang exam interview lang at nakita nila qualified ka kinaumagahan start ka...yan hirap sa pinas..clerical job lang inaaplayan mo parang nag take ka ng Bar sa entrance exam nila...tsk tsk..

Teka gusto mo kamo maging Jamal..di ba nalublob sa ta* nung maliit pa sya para sa autograph? wag mong sabihin.....Oh hindeeee!!!!!

Bingkay said...

ang salitang "baka´" ay isa sa mga pinakaimportanteng salita. Dahil dito nananatiling buhay ang pag-asa sa bawat isa.Basta kayod lang ng kayod, pinagpapala.

Nakakainspired nga si Jamal, biruin ba namang lahat ng clues eh napagdaanan niya sa buhay. Napakagandang movie.

Saka masarap ang baka ha, lalo na kung nilaga. Lolz.

PABLONG PABLING said...

oo nga naman paano tayo mananalo ng lotto kung di tayo tumataya. . . pero dami ko niyan sa spam email. . haha dami kong napanalunan na dolyar dolyar pero mga nanloloko lang

- - -

gudluck sa buhay buhay. . .sana bago matapos ang taon sa binanggit diyan ay may mangyari sa buhay mo. at sa buhay ko na rin haha amen.

PeterPan said...

Pwede ka sa comedy bar, Punch line gusto mo?

Abilidad + Determinasyon= NIlaga tara kain na tayo :)

ACRYLIQUE said...

Di ba artista ka na? may mgta billboards ka na nga at may whole year supply ng gamot? :)


Sa version mo ng who wants to be amillionaire, may dance number din ba sa ending? :) hihi

Jepoy said...

Jamal Malek!!!!

A man with colt 45 (with indian accent) :-D

Rhodey said...

natawa naman ako sa baryana bababgsak,.. hehehe

ano kaya hitsura mo non pag nagkataon? aheheks...

tonio said...

jamal! ngayon lang uli naktumbling... pareho tayo parekoy, naniniwala akong isang araw magiging milyonaryo rin ako kapag nanalo ako sa lotto kahit na di nman ako tumataya... yun ang tinatatwag na tunay na himala, ang manalo sa lotto kahit di ka naman tumataya..di baH?

apir parekoy!!!

Lord CM said...

Jueteng brod, mas malake ang tsansa mo...kaso barya barya lang...gawin mo na lang taya ka 3 beses sa isang araw...malay mo ba, dba? lolzz

MarcoPaolo said...

aw... nainspired pala... hehehe BAKA nga naman... mamaya... MILYONES na ang baryang binibilang mo... :)

DETH said...

Jamal? Jamal! - Latikaaaaaaa!!! hehehe
Jai ho, jai ho... jai ho...(hindi ko na alam kasunod, mahirap na itype eh...ahahaha)

yan naman si Sablay, never give up!

stupidient said...

mag-artista ka sablay, tutal JL na JL naman ang rehistro mo sa kamera. o kaya sumali ka sa whowantstobeamillionaire ni bossing vic for exposure.

go lang sa buhay!

para kay LATIKA.

chikletz said...

sana sana.. sana ako din. punta kang casino. haha!

Anthony said...

malaki ba ang kita sa pagba-blog?? pareho tayo, pero tyagaan lang talaga, ang mawalan ng pag-asa sa buhay, talo! loser! aun, natanggap din ako sa kakakulit ko sa kanila :)

kheed said...

tama, mag artista ka, may future ka haha..

ako hanggang ngayon hindi ko pa din makita ang swerte ko, ilang beses na din kasi akong sumablay eh.. pero hindi pa din ako napapagod at nagsasawang magsabi ng "BAKA"

baka bukas nasa tv na din ako..

Rico De Buco said...

pre ayus lang iyon..sikap lng ng sikap..di masama sumampa sa swerte pero kelangan din ng diskarte..hehehe parang true anu..wala parin akong work ngayon eh..pero cge padin ako sa apply..kahit na nga isang linggo n ko dito sa syudad at kakapiranggot n lng pera ko aja parin..mahirap palang iconquer ang city lalo pat ala k pera...hahaha..oh tama na libro n to eh..bsta aja aja..di ka nagiisa

saul krisna said...

pag may tyaga may adobo.... di ako kumakain ng nilaga eh wahahahaha musta na bro? lalim ng post mo ah... kaya nga idol kita eh... BOW!!!!

zeb said...

sige pare pag nanalo ako sa lotto mag bibigay ako ng balato sayu. uhmmmm teka nga pla pano tayo mananalo di ako tumataya sa lotto? uhmm.

jodi said...

basta wag lang tayong hihinto na mangarap para sa ating bukas, malay mo nga na apo ka pala ni henry sy,,tsk...tsk....tsk

ORACLE said...

Aliw! Hehehe...

"Di natin masabi na BAKA...

...May bloggero na manalo sa lotto at mamudmod ng pera sa mga taong nasa blogroll niya

Teka, tumaya ka na ba sa lotto? Taya na! Go! Go! Go! lolz :)

EǝʞsuǝJ said...

hahaha
tyaga lang pare...
pasasaan ba at magsasawa din sila sa pag-aaply mo at isa sa kanila eh finally tatanggapin ka na...

di ba nga pag may tyaga may ilalaga?
whaahha...

Camille Anne F. Tajon said...

I agree sa Lotto! Galit na galit nanay ko pag kinokontra ko siya tumaya sa Lotto e. Hahaha! Sabagay, BAKA nga naman manalo siya. SANAAAA!

Ano bang trabaho gusto mo? Go lang!

HARI NG SABLAY said...

@PICKLEMINDED kala ko basta may Baka may nilaga,lols related naman.salamat :)

@JOYCETWENTY anung chums?lols BFF?gusto ko yun,hehe onga payat siya, yung mga batang gumanap ang cu-cute,hehe kung magkamag-anak tayo kaw ate ko,haha ate salamat sa pagbisita. ;)

@HOMER bluejob?mukhang masrap sa pandinig yun ah,cgecge gusto ko yun,haha onga eh kung lahat sana ng question sa gameshow may relasyon sa buhay ng contestant mrami ng milyonaryo,hehe

HARI NG SABLAY said...

@KABLOGIE tnry ko dati kmuha ng visa sa US ndeny ako,haha onga dito mgeexam ka palang pinapatay kana.kaya tuloy nawawalan ng pagasa ang iba. alngya oo natawa nga ako dun sa paglublob niya sa tae,wahaha

@BINGKAY ay oo tama nga naman,isang salitang ngbibigay ng pag-asa sa atin.bsta sabayan ng lagi padyak.galaw-galaw. nkakainspire nga movie na yun,teka baka?oo nman sarap yun lalo na bulalo,tag-ulan p namn.hehe

@PAPS haha mdami ng naloko yung mga email na yun,di ko lam kung bumebenta pa sa iba yun ngayon. sana nga...gudluck din sayo sa US,kahit ano tatanggapin ko bsta galing sayo,haha

HARI NG SABLAY said...

@PETERPAN asan ang punchline?nilagang ano yan?gusto ko baka,lols tama kanya kanyang diskarte lang sa buhay.

@ACRYLIQUE dance no?jai ho?haha ayos yun ah, wala nakong career,papalubog nako,haha wala kasi akong raket ngayon eh,busy kasi ako ngyon sa aking lava lyf. ingat!

@JEPOY ayos ah,teka pano ba indian accent?salamat sa pagdalaw :)

HARI NG SABLAY said...

@RHODEY mgiging barya din siguro mukha ko nun puro bilugin ang mukha sa tama ng barya,lols

@TONIO haha onga naman,teka pano mo pakikita ang tiket mo nun,kunsabagay himala nga nman pala,haha apir pre! busy busyhan ah,hehe

@LORDCM uso pa naman ang jueteng dito,trabaho ng tamad, parang gusto ko narin tuloy mgjueteng,lols mliit din ang tyansa manalo dun prang lotto.

HARI NG SABLAY said...

@MARCOPAOLO di natin alam buhay,haha pro baryang milyones?hirap ata bilangin nun,pro bsta milyones kahit barya walng problema,lols

@DETH haha di tlga ako aayaw,hangat may buhay meron din patay,lols korni.teka mahanap nga si latika, asan na kaya yun.

@STUPIDIENT haha JL na JL ba,hindi naman pre,pro gustong gusto ko sinabi mo khit binobola moko,haha oo naman para kay latika lahat ng ginagawa ko.salamat pre.

HARI NG SABLAY said...

@CHIKLETZ ay onga sa casino,diko naisip agad yun,tama nga naman sa sugal pwd kang mging instant millionaire.

@ANTHONY kita sa blog?dependi,may alam kong kumikita ng malaki sa blog.yung si yugatech. goodluck sayo, ako din nangungulit ayoko mging loser.hehe

@KHEED pre mtgal nakong artista umoo kana cge na,wahaha naks!hndi natin alam tayo palang dalawa ang papalit kay jake cuence at gerard anderson,haha sana mhanginan tayo,haha

HARI NG SABLAY said...

@RICODEBUCO oo pre mgastos kasi eh lalo na ngayon ngtaasan na lahat,hirap tlga ng gnyan pro mkikita mo din swerti mo pre,bsta sikap lng tulad nga ng sabi mo. aja!

@SAULKRISNA adobo?bago yun ah.hndi naman mlalim,ayoko mgsulat ng malalim bka pati ako mlunod at hndi maintndihan ang pngsasabi,lols idol din kita pgdating sa pag-ibig naks!

@ZEB ilng porsyento ibibigay mo pre?haha pinorsyento. ermat ko tumataya nun,di natin alam bka bgla nga naman swertihen.cge pg ako nanalo babalatuhin din kita. lupet...hehe gumagaya lang sayo.

HARI NG SABLAY said...

@JODI haha sana magdilang anghel ka.pro mukhang ayaw ko din ng ganun,sbra sbra kayamanan nun,iba parin ang simpleng buhay, :)

@ORACLE ay oo gusto ko yun, sana ako yung blogerong yun,haha teka mkataya na nga ng lotto. nsa blogroll ba kita?babawasan ko ata sa blogroll ko,haha nagmadamot.

@JENSKEE musta lovelyf?naks!hehe tama nga pre,di naman ako ngsasawa, bsta alam ko darating din ang tamang oras para sa akin,salama.. :)

HARI NG SABLAY said...

@CAMILLE onga nman malay mo,naku pag nanalo ermats mo wag moko kalimutan ha,haha trabaho?parang mganda yung may hawak na walis,biro lang.khit ano bsta about sa teknolohiya,gusto ko dn mging astronaut,or piloto.libre mngarap,hehe

mommy ek said...

di ko pa napapanood ung slamdog millionaire ha!

I am Xprosaic said...

Gawa ka alternative ng ecstasy... instead na pill bandana na lang... jijijijijiji... jowk! mahirap nga makahanap trabaho kasi dumarami na ang graduates kaya dumarami na rin kakumpetensiya natin! jijijijijijiji

HARI NG SABLAY said...

@MOMMYEK nawala ka bigla,hehe panuorin mo mommy, mgnda inspiring hehe

@XPROSAIC wala akong alam sa drugs eh,hehe yosi lng alam ko.oonga ang dami daming walang mga trabaho,bsta alam ko balang araw sswertihin din ako,hehe

katchupoy said...

kung ayaw may dahila, kung gusto palagi merong paraan.
ito pa isa..
WALA TALAGA, as in WALA!

enJAYneer said...

Bro antayu ing blogroll mu?
kindly update my feed url on your bloglist to this:
http://feeds.feedburner.com/enjayneer

Because the old feed url is not working anymore.

Thanks

-enJAYneer-
JAYtography: An Online Travelogue

A-Z-E-L said...

hahahaha.. sobra kang nainspired ng Slumdog Millionaire ah... "it is written"

sige hintayin ko ang entry mo.. ano kayang mga question? hehehehe...

life is what we make it... kung may graces na dumating ng hindi inaasahan, BONUS na lang un.

sunny said...

i enjoyed reading ur ost..aprub! thanks for the hop buddy!

SEAQUEST said...

Sue!! hirap-na-hirap ano ka ba magnegosyo ka na lang di kailangan ng business permit uupo ka lang may tauhan ka pa mabilis ka pang maging miulyonaryo yun nga lang mabilis din ang buhay Himala nga eh!! hehehehe...alam mo na cguro kung ano product mo???? saka wag mong seryosohin ang paghahanap ayaw magpakita sau pwes hayan mong cia maghanap sau weheheheeh...o di kaya try makipaglamay sa isang bangkay na walang tao malay mo mayaman pala nagahahanap lang pagmamanahan hehehe...

HARI NG SABLAY said...

@KATCHUPOY eto pa...Tadhana'y medyo overrated kung minsan, isa pa...Merong langit na nagtatanggol sa pag ibig na pursigido't matyaga.. hehe ayos!antukin.

@ ENJAYNEER nsa sidebar pre, eke balu tang feeds eh pro updated neman tang link mu kaku,hehe

@AZEL onga this is our destiny...it is written. ngdadalawang isip nga akong gawin korni kasi,kunsabagay korni tlga ako,lols tama BONUS, sana maraming ganun,hehe salamat.

HARI NG SABLAY said...

@SUNNY tnx din,salamat sa pagbisita at naenjoy mo mumunting tambayan ko... ;)

@SEAQUEST mukhang msarap pkinggan yang sinasabi mong negosyo, pero teka mukhang ilegal ata yun ah,haha bhala nga sila sa buhay nila,hindi nila alam ako susi sa pagasesnso sa kumpanya nila,wahaha prang npanuod ko na yung sinsabi mong mkpglamay,haha ayos!

Karen said...

Natatawa talaga ako dito kewl hehehe Jai Ho talaga! Hmmm Slumdog Millionaire dko pa napanood yun awts.

Pero yun goodluck sa job hunting sana magka work na.

May the force be with you! :D

Ruphael said...

Bro, isipin mo lang palagi na may work kana tiyak na magkakaroon ka..That's the old secret..Tingnan mo yong early medicines (in the ancient times) ang ikakagaling daw ng tao is to always think na gagaling siya..

HARI NG SABLAY said...

@KAREN salamat googdluck nga sa akin pra naman mbawasan ang tambay sa mundo,lols i recomend na panuorin mo gnda,hehe tnx sa force... ;)

@RUPHAEL wow inspiring,salamat bro. bsta hindi ako nwawalan ng pagasa at hindi ako aayaw... tnx2 :)

Yj said...

or.... nyahahahahahaha d ko na nga itutuloy....

anyways, i swear lagi ko rin pinag dadasal manalo ako sa lotto, pero d naman ako tumataya....

hahahahaha shunga ko no.....

JETTRO said...

parekoy gusto mo ng tip para mkatulong sa paghahanap ng job?

Baka sakali mkatulong sa iyo yung ibibigay ko yan kc ginawa ko nkapasok ako sa B-MEG at nkatulong kaya nandito ako sa kinlalagyan ko ngayon.

HARI NG SABLAY said...

@YJ or ano?haha hindi pa tinuloy, haha taya muna. hndi lahat darating sayo kylangan ng konting kilos at padyak... :)

@JETTRO anong tip yun pre? BMEG? fmiliar yun ah,agency yun dba? gudluck sayo dyan parekoy. pro teka asan na yung tip?

chorvacheorvamus said...

hay nako,,, nangangarap din ako manalo sa lotto hehehe...

abe mulong caracas said...

sige wag kang susuko (parang ako din)

sabi nga sa title ng isang blog...libre lang mangarap!

HARI NG SABLAY said...

@CHORVA hindi masamang mangarap bsta patuloy lang tayo,hehe aja lang ng aja! pag nanalo ka wag moko kalimutan ha,

@MULONG hndi tlga ako susuko,tama nga naman, yun na nga lang ang tanging libre dito sa mundo,lols

manilenya said...

Naalala ko nung una kong nag apply ng trabaho, di ko na matandaan kung anong fast food yun.. ayun chow king.. interbyu pa lang bagsak na ko, mula nun hindi na ko naghanap ng trabaho :(

trabaho ang biglang bumagsak sa harapan ko, nagtinda ako ng isda sa bangketa ng Ongpin. :)

HARI NG SABLAY said...

@MANILENYA hirap tlga ng trabaho dito,teka ano ba pngsasabi mo sa interbiyu?hehe minsan nkakawala nga ng cnfidence ang ganun,nkakawlan ng pag-asa.mapalad ka may trabaho ka, :)

aLgene said...

naku. sana naman yumaman ako bigla. ang swerte talaga ng mga taong malapit sa puso ko kung magkagayun man. :D

ang mabuting gawin dito eh, mag-aral nalang ng mabuti para yumaman sa future. :)

HARI NG SABLAY said...

@ALGENE mayaman kana teka asan na pambili ng havs?libri moko,lols ay oo dapat aral muna first thing first ika nga. ;)

kox said...

ang daming nag comment.. late nb ko? hahaha.. habang may buhay may pag-asa! go go go! go fight! hahaha...

gusto ko yang kantang yan.. :) hihi

Yen said...

wow, natuwa naman ako sa mga pangarap mo sa buhay.hahahaha. Go Jamal! aja aja!

HARI NG SABLAY said...

@KOX haha hindi ba walang late late dito,hehe ako din dami kong npupulot sa kantang antukin na yun,teka yun ba ibig mo sabihin o jai ho?

@YEN haha onga aja lang ng aja!bsta darating ang araw mgiging milyonaryo din ako,wahaha. salamat... ;)

chikletz said...

nalulula ako sa dami ng comments. haha! astig!

HARI NG SABLAY said...

@CHIKLETZ di naman dumadami lang dahil sa mga coment back ko,haha

Post a Comment