Parang kelan lang nung pasimple kitang sinusulyapan at pinagnanasahan. Umaasang mapatingin ka rin kahit hindi sakto sa akin, at mapangiting para lang napuwing.
Hindi nagtagal bumagsak ka rin sa akin. Kaya nga lang sa maling panahon. May mga tao tayong sinagasaan, sinaktan, at alam kong hangga ngayon ay nasasaktan. Sa ibang salita, mali ang tayo'y magmahalan. Ngunit ang lahat ay ginawa nating tama.
Hindi ko aakalaing may ganitong pagsubok na darating sa pagsusuyuang pinaglaban natin.
Dalawang buwan mula ngayon, iiwanan mo ko ng tatlong taon.
Sa mga panahong yun, may ibang paraan pa ba para mahawakan ang iyong mga kamay? Madampihan ang iyong malambot na labi? Wala na siguro kundi maghintay na lang. Pero tatlong taon amputa, hindi biro yun.
Desperado ang pagkakataon, kahit ano gagawin para makitang nasasaktan ako o ikaw. Bakit sa ganitong panahon niya puputulin ang pag-ibig na papausbong pa lamang? Ang kasabikang hanggang lalamunang nararamdaman ko pag tayo'y magkikita, ngayo'y napalitan ng takot at kalungkutan.
Ayokong makita ang sarili ko na nag-iisa, ginagawa ang mga bagay na dating kasama ka. Nakatunganga at nanlalakbay sa ala-ala nating dalawa. Pero wala na akong magagawa pa, mag-iiba na ang lahat, hindi na tulad ng dati.
"I don't mind distance." Pilit na sinisiksik sa kukote.
Ngunit di alam ang gagawin. Laging subsob ang dibdib pagkagising.
Isa lang ang aking nasisigurado, walang hihigit sa pangungulilang ito.
Pasensya na, natatakot lang talaga akong lumayo ka.
Isa lang ang aking maipapangako, hinding hindi ako gagawa ng bagay na ikakasakit mo.
Maghihintay ako.
17 Sumablay:
aabangan ko ang article mo paglipas ng tatlong taon lolzz
nagbabalik ka na ba pre kung talagang naghintay ka? :D
wow pumopost.. :P
long time no see bossing ^^
mahirap ata kalagayan mo ahh T__T
ayos lang mahintay, alam mo namang may hinihintay ka eh...
ang sweet naman nung last part ^^
@Lord CM - salamat pare, eto pavisit visit muna hehe
@Homer - hehe nakakamiss magblog
@Raul - ok pa naman pare, tanggapin nalang
@Whang - kahit ilang taon pa yun maghihintay talaga ako, salamat :)
ayos! pumopost ang gwapong tambay!
tyagaan lang yan brod, ipakita mo sa iba na hindi hadlang ang distansya...
goodluck!
nice one!
kung may maganda namang hatid ang paghihintay ay ayos lang..ang masakit lang kung maghintay sa wala,hehe..
Habang d pa nkakaalis bumawi na sir.. hehe
hello
I loved your blog, the topics of his writings are really interesting.
Could you be taking a look at my blog? My texts are written in English, Portuguese and German.
http://gordicasemgeral.blogspot.com/
kiss
aww.. heart-breaking.. tagal kong di nadalaw dito.. its something strange.. usually mga humorous posts ang nandito..
may God bless you and the one you love.. =)
antay ka lang..
btw i <3 these lines:
"Isa lang ang aking maipapangako, hinding hindi ako gagawa ng bagay na ikakasakit mo.
Maghihintay ako." (sweet)
hello nice blog nice blog
Talagang guwpong tambay ang term ha, ang galing po ng blogging style mo, thats cool. Sana maging mahusay din akong magblog tulad ng mga pinoy expert bloggers. Ang lalalim ng mga tagalugan =) Pinoy talaga. keep it up guys.
Tama. hindi biro ang tatlong taon. Pero hindi rin naman biro ang pagmamahalan nyo. kaya kayang kaya mo yun XD
I love your blog !!
I love your blog :)
Napadaan lang. Naiintindihan ko ang pagkalumbay. Sana kayanin mo ang tatlong taon. Pero ang pinakaimportante eh sana kayanin din niya ang tatlong taon. :)
Post a Comment