Sunday, May 22, 2011

Pagkikita

Hay... ang sarap ng gising ko kaninang umaga, dahil sa napakahimbing kong tulog kagabi bunga ng nasasabik na isang pagkikita.

Kagabi, binilang ang kakaunting pera at dumaan sa isang malapit na mall para bumili ng damit. Pagdating ng bahay, sukat dito, sukat doon. Itinabi pa ang paboritong brief para sa kinabukasan. Talagang pinaghahandaan. Bukas, sa pinagusapang tagpuan, maaaring makita ko na ang aking sarili.

Ang bilis ng mundo, parang laging nagmamadali. Ang hirap sumabay, nakakahilo. Maaaring ito na ang kahuli-hulihang pagkikita, maaari ding hindi. Pero nabibilang na ang mga oras ko, dahil pinili kong tuparin ang aking mga pangarap, hindi dito, kundi sa napakalayong lugar.

Hindi mapakali. Nakatingin sa orasan, tatawa bigla. Walang hiya hindi mapakapaghintay, nauna ng pinaandar ang nagaalburotong isipan. Ang saya siguro nito, siguro magsusubuan kami habang magkahawak kamay tapos tapos... Taena para akong bata.

Tama, parang wala rin namang pupuntahan to. Papatayin lang namin ang isa't isa. Ayokong lamunin ng kilig. Gustuhin ko man, pero mahirap i-slow-mo ang mundo. Walang makapagbabago ng aking isipan, dahil nananaig pa rin sa akin ang makatikim ng kahit na kaunting karangyaan. Pero ayoko magsalita ng tapos. Tulad ng nabanggit ko, maaring dito ko makita ang sarili ko.

Ayoko munang mag-isip ng kung anu-ano. Ayokong bumitaw 'tong pananabik na nararamdaman ko.

Antagal naman, may inaasikaso pa ata o baka hindi makapili ng damit. Pinaghahandaan din ata. Hahaha...

Ayos! May mensahe...



"Cancel na muna. Sorry."




Ngayon, nakatulala sa tala.

10 Sumablay:

RICO DE BUCO said...

cancelled date? awww so sad...:(

an_indecent_mind said...

pakshet! sayang ang excitement!

LASER said...

weh! bat ganun?! masarap din namang lumabas magisa...dami pa chikas jan king!

PABLONG PABLING said...

kala ko naman. kakasal ka na.

o sigeingat men

mukhang nasawi ka talaga at nakapag blog ka

dyubil said...

tatama ka din

Chad said...

Wow... X_X' Wala akong masabi. Intense naman yung kilig. Parang nabuhasan lang ng malamig na tubig yung ending -- ay dadagdagan ko ng yelo yung malamig na tubig.

Goryo said...

what the fat?

Anonymous said...

nakakamiss na ang blog na'to idol. haha! - choknat

MaxiVelasco said...

Ang ganda ng pagkasulat mo. Hanga talaga sa writing style mo. Ang linis, ang sarap basahin.

Sayang at ganun ang ending. Pero baka sa susunod, talagang magkikita na kayo. SAna.

Ingat lagi.

Bridal Cars For Rent said...

Don't worry !

Post a Comment