Tuesday, June 8, 2010

Hintay

Nasanay lang siguro na kasama siya. Nakalimutan kong hindi pala sa lahat ng oras kakampi ko ang oras.

Kwentuhan. Tulog ang mundo, malamig ang gabi. Ambilis lumakbay ng hangin tangay ang lungkot at takot. Magkasama. Biglang tawa. Tahimik. Walang imik. Biglang yakap, sabay halik. Mahigpit hanggang sa kadulo-duluhang matamis na parte ng labi. Mga sandali sa buhay na kailanman hindi matutumbasan ng kahit anupaman. Mas masarap pa sa napakalamig na bote ng alak.

Ayoko ng sumikat ang araw sa mga pagkakataong ganun. Ayokong ipikit ang mga mata ko kahit sobrang pagod na pagod na. Ayokong bumitaw sa mundong kaming dalawa ang nagmamay-ari. Gusto ko lang ganun. Yun lang. Wala na akong hihilingin. Yun lang.


Tik-tak-tik-tak…


Ang hirap labanin ng oras, alam kong kaya nitong lamunin ang kahit na anong bagay, pati na ang mga sandaling tulad nun. Pagtalukbong ng kumot, pagsikat ng araw, panibagong takbo ng buhay. Kailangan ko na namang masanay ng nag-iisa ng mga ilang araw at ilang gabi. Hindi ko alam kung kailan na naman mauulit ang mga bagay na gusto kong ulit-ulitin kasama siya.



Tik-tak-tik-tak…







Hintay. Wag muna. Huwag na muna nating tapusin…

12 Sumablay:

PABLONG PABLING said...

ganyan ka naman pala e - nakaka alala ka lang mag sulat kapag pawasak na ang mundo mo.( yung babae mo)

pero anyhow malungkot man basahin parekoy - pero ang masasabi ko lang sa pag ibig e "kung ang mga kontinente nga nag hihiwa hiwalay tayo pa kaya".

welcome back hari ng sablay

an_indecent_mind said...

"Ang hirap labanan ng oras, alam kong kaya nitong lamunin ang kahit na anong bagay, pati na ang mga sandaling tulad nun."

maraming beses nang nangyari sakin to.. meron mga bagay na ayaw nating pakawalan na kung pwede lang sana na wag nang matapos e pipigilan natin ang oras..

wag malungkot parekoy, may dadating pa na mas higit para sayo..

welkam bak!

chikletz said...

uy! buhay ka pa pala.. tagal mong nawala at nagmuni muni ah..

anyway, this only means that the wait will be worth it..

♥superjaid♥ said...

tagal mong nawala kuya..anyway..nararamdaman ko rin madalas yang pakiramdam na ganyan but somehow mas maswerte pa rin ako sayo kapag walang pasok ko lang naman yan nararanasan..anyway..wag ka na pong malungkot..isipin mo na lang po na "absence makes the love to grow more fonder" di yata ganyan yung eksatong phrase but somewhat medyo malapit dyan..hehehe smile ka na dyan..looking forward kami sa mga next post mo..^_^

Yj said...

yun oh... may pinaghugutan din ng inspirasyon sa wakas....

this post reminds me of the film Sa Huling Paghihintay at Ploning hihihihihi

Jepoy said...

kilala mo pa ba sir?! Anyweis, muka namang sandali lang syang mawawalay sa piling mo at pa sasaan ba't uulit-ulitin nyo rin ang favorite game mo, ang pag lalaro ng apoy. Chos!

Welcome back!

Anthony said...

welcome back!

tagal nawala pero may ibinubungang maganda ang taong marunong maghintay

roanne said...

lumalablayp ang pagbabalik =)

kung pwede lang turuan ang oras na wag ng umandar, nagawa ko na rin siguro...

missGuided said...

nabuhay ka! welcome back po!!!

kung may nag sasarang pinto.may nagbubukas namang bintana! :D

Jepoi said...

Galing galing naman mag tagalog!

:)

Arvin U. de la Peña said...

ang tagal mong nawala..baka paghintayin mo uli kami,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

paano iikot ang relo kung wala ng enerhiya ang battery..hintay na lang uli..

Post a Comment