Thursday, January 28, 2010

Earphone

Kulang sa isang oras ang binibyahe ko papunta sa aking pinapasukan. Maaga. Tahimik sa loob ng sasakyan, dahil na rin siguro sa kulang sa tulog ang mga bumibyahe. Walang enerhiya. Kanya-kanyang saksak ng earphone sa tenga, marahil pampakundisyon sa nakakasawang trabaho. Ganyang scenario ang madalas kong maranasan sa araw-araw.

Kanya-kanyang trip ng musika. Palakasan ng volume. Hindi maiiwasang marinig mo din ang pinakikinggan ng katabi, lalo na kung ang volume niya ay nakakapagpa-rakenrol ng kanyang tutuli. Pasensyahan na lang kung hindi mo trip ang kanyang mga banat.

Pero nahihirapan talaga ang utak ko sa kakaisip. Bakit kaya yung lalaking yun na katabi ko kanina na malaking katawan na mukhang rapist na siga kung umasta, na kala mo kung sino kung magpausog ng pasahero makaupo lang ng maayos ang damuho, pag-upo niya sabay masid sa mga nakaupo sabay saksak ng kanyang earphone...

"I'm your biggest fan, I'll follow you until you love me...
Papa-paparazzi..."


Wiiiiiiiiih! Ganyanan ah Lady Gaga.

39 Sumablay:

Jam said...

Hi..napadaan lang po..Pansin ko po parang matagal tagl din kayong nawala..hehehe TC

Kosa said...

hahaha.
bakit? anu ba ang nasa isip mo parekoy? hindi naman masamang makinig ng kahit anung uri ng musika ahhh.

Yung tipong halo-halo.
naka-shuffle...
para surprise!

♥superjaid♥ said...

wahahaha parang di bagay sa itsura nya yung genre na pinapakinggan nya..wahahaha

LheNie said...

haha...Lady Gaga Fanatic ang gago..lolz

Dhon said...

hahahaha...

DRAKE said...

welcome back bro!tagal mong di nagparamdam dyan ah!

Ingat parekoy

EǝʞsuǝJ said...

Eh bka naman kras nya si Lady Gaga!

Anthony said...

welcome welcome rotonda hehe

Pau said...

Oonga naman. Baka crush niya lang talaga. Hahaha.

bosyo said...

buti hindi single lady ung pina tutugtog nya, at isnasabayan pa ng kanta,,hehehhe

napadaan lang po...ingat

jessa said...

haha. bute nga hindi "rah-rah-ra-ah-ah" yung pinapakinggan niya! haha. I'm sure magugustuhan din niya yun pag narinig na niya.
happy blogging. ngayon lang ulit naka-tambay dito. :-)

Gram Math said...

i lot of people get hooked to Lady Gaga these days. I tried my best to love the music of Beethoven but still Lady Gaga rocks!!!

RICO DE BUCO said...

bading garci pala...hehehe

Arvin U. de la Peña said...

astig naman.......dapat di ka nagpapausog..kasi hari ka,hehe..

chikletz said...

ayyy! little monster pala si maskuladong rapist! hahaha!

ELAY said...

sa fx ganyan eh.. pero pag sa jip ka sumakay lalo na at kasabay mo mga skwater na may china phone ay pambihira walang earphone earphone.. gusto pa nila iparinig sa madlang tao ang tugtog nla...

"mga tambay lang kame sawa sa babae, may mga babaeng manloloko pineperahan lang kame"

eeeeew

chie said...

di ko gusto mga kanta ni lady gaga. ayaw ko rin ng mga dance music at kung anu-ano pang mga bagong kanta ngayon. weird ba ko? ewan...kanya-kanyang trip lang siguro yan.
when travelling, pinapatugtog ko ang up dharma down, o di kaya urbandub, or mga hits noong 80's.

'tol try mo apocalyptica. nakakarelax. pramis!

napadaan lang...daan ka rin sakin minsan. tnx :]

Yj said...

keri lang yan.... mataranta ka kung ang narinig mong pinapakinggan niya eh... Im a barbie girl, in a barbie world.... at sinasabayan pa niya... oha!

PABLONG PABLING said...

ahaahaha. papapaparrazzzi!

rich said...

HAHAHAHA!!! Shiyet! Napatawa mo ko dun... antok na pa mo ako ngayon. XD

Dhianz said...

namiss kitah mareng johnlloyd... anyareh sau?... well... itz nice to see yah again na bumalik.. pero medyo parang wala ka pa rin atah.... ingatz kah lagi... belated happy V! Godbless! -pareng di

choknat said...

asan ang tambay? sarado tindahan? bibili sana ko ng meryenda.

-binObogart- said...

haha!! ang kyut naman ni ateh.. este kuya.. wahaha!!!

meron nga kong alam na gym sa quiapo eh..
ang aastig ng mga ichura ng mga nag ggym duon!

peron yung mga tutog,

"BIG GIRLS DONT CRY"
haha!!

si keko said...

Hoi... musta na ?? :D malay ko ba kung yung tugtug na trip mo eh sarah geronimo hehehe
:)

RaYe said...

napadaan, tagal mong alang new post e.. hehehe

paparazzi? omg, astig tlga.. :)

Solo said...

Wuahahaha. Ang lufet! Taray ng trip sa music ni kuya. ;D


Solo
Travel and Living
Job Hunter

Rhodey said...

hehehe nakakatuwa ....

tonio said...

wowow!!! nkadaan din!!! kmusta parekoy?
matagal-tagal na rin akong di nakadaan dito a...

Jules said...

Wiiii!!! Si manong gaga ang trip! hihi


Jules
Soloden.Com
The Brown Mestizo

♥ jeLai ♥ said...

asan na chatbox mo?

Tonyo said...

Hari Ng Sablay! magparamdam ka nah...

Bing said...

Ang lupit ng trip na musik. Wahaha

itsyaboykorki said...

wahahaha si kuya oh heheh

Harvey D. said...

i enjoy reading your blog Bugtong na may sagot

Pirate Keko said...

oi kuya bumalik ka na oi :) maging active na sana tayo ulit :) namimiss ko na kayo :)

tsenn said...

kuya miron! kamusta? dumaan ako para sabihin na nakagradweyt na ko (at officially unmeployed haha). natatandaan mo un sinabi ko sayo dati, na sa time na nakagrad na ko e for sure me work ka na? hmm siguro nga me work ka na ngayon. naks. saan? nagdilang anghel ba ko? haha. sabi nman sayo e. faith kuya, faith in my hula skills. bwahaha.

oh pano yan, asan na painom mo samen ni engr gello?? :D

Noynoy News said...

great contradiction

taympers said...

wahahahah natawa naman ako. ang siga e fan pala ni lady gaga. hehehehe

manlalakbay said...

haha! hangkyut naman..

ako dati nagsasoundtrip ako pag papasok ng trabaho pero ngayon di na.. you know why? iniisip ko kasi ang resulta ng sobrang pakikinig ng musika ng naka-earphone.. mahirap na baka mabingi ako, hehe!

nice post! nakakatawa si manong. :))

Post a Comment