Monday, June 14, 2010

Hangover

Nagising ako sa ingay ng awayan ng mag-asawang langgam na katabi ko palang natulog kagabi. Marahil sa papalapit na tag-ulan ang kanilang diskusyon. Mabuti na lang abala sila sa kanilang pagtatalo kaya nakalimutan nila akong papakin. Salamat na din nasa dulong bahagi sila ng aking kama. Pero dinig na dinig ko pa rin ang sigaw ng kanilang mga anak… “Tama na inay, lumaban ka itay!!! Parang awa mo na…”


Ang hirap bumangon…


PU+@#$%^&*!!!! DI NA KO IINOM!!! -Pamosong linya ng mga taong may hangover tulad ko.

Parang nasa talampakan ang ulo ko. Ang aking utak parang ginagawang sisig. Parang naka-limang round ako na walang hugutan sa bigat at lupaypay na aking katawan.

Ano na naman kayang nangyari kagabi? Anong kabalbalan at kahihiyan na naman kaya ang nagawa ko? Yan ang unang una kong inaalala paggising ko. Dahil sa isang masaya at halakhakang inuman lahat pweding gawin. Walang limitasyon. Walang kontrol. Tawanan. Humagalpak hanggang magdugo ang lalamunan. Ganyan kagaan ang buhay kapag umiinom, para kang nakalutang sa dagat ng alak.

Gusto kong tubig. Malamig na malamig, nagyeyelo. Softdrinks na lang. Noodles. Mami. Goto. Kape kaya? Kapeng mainit na mainit. Kapeng malamig? Starbucks?

Teka, papaano ba uminom ng kape sa Starbucks o sa kahit saan pa mang bonggahan na kapehan? Nagbabago ba ang lasa nun kapag dalawang oras mong iniinom? Dapat ba laging may tira? Sosyalan. Aminin na natin ang ibang nagpupunta sa mga ganyan nagpapanggap lang. Taas noo pa nga eh habang nakaupo. Nakikipagsabayan kahit hindi naman kaya.

Sa inuman meron din na nagpapanggap. Nagpapanggap na walang pera kapag bayaran na. Nagpapanggap na lasing na para lang makauwi na. Nagpapanggap na masaya, pero nasasaktan pala. Nakikipagsabayan kahit hindi naman kaya. Maraming taong ganyan umiinom para lumimot panandalian sa malupit na takbo ng buhay. Pero ang masaklap, kinabukasan, masakit na ang ulo kumikirot pa rin ang puso. Hangover talaga.

Sa tindi ng hangover na nararam…




ARAY!!!


Pucha! Si manong langgam lumapit pala sa akin. Di na nakayanan ang pasan na pasan na problema dahil sa bungangerang asawa. Nagsuicide.

18 Sumablay:

mommy ek said...

hahaha! nakaktuwa! totoo kase! namiss ko na mga kwento mo ah...

miss Gee said...

masarap tlaga mag pakalango sa alak lalo na pag may dinadala.pero panandalian lang naman...

gesmunds said...

Ouch naman here... hehehe... ako rin, naloloka kapag naaalala ang mga kabalbalan at kahihiyang ginawa sa gitna ng inuman.. pero masaya naman.. :)

mapagpanggap din ako na masaya,,
well.. they have no idea, its otherwise.
masarap nalang uminom!

dahil dyan,, cheers!

Jessa said...

...pero ang masaklap, kinabukasan masakit na ang ulo, kumikirot pa din ang puso..."


-sapul e. yun na. masarap uminom,pero pagkatapos ng lahat, masakit pa din.:(

Goryo said...

Ayos!

naalala ko tuloy nung aking kapanahunan.. Konteng tuba konteng inihaw na isda at konteng strum sa gitara...

Nalilimot ang daigdig pansamantala... Pero pag-gising sa umaga... balik sa reyalidad..

haaaay...

PABLONG PABLING said...

hahaha natawa ako sa mag asawang langgam

im happy ur back

an_indecent_mind said...

"nagpapanggap na masaya pero nasasaktan pala.. "

yan ako brod.. di ako makapag-emo sa inuman, kasi madalas ako ang bangka sa grupo..

ansarap lunurin ng alak at tawa ang lahat ng problema, ansarap makalimot.. pero sa paggising mo sa umaga di na lang puso mo ang masakit kundi pati ulo mo na rin..

at oo, madalas kong itanong, ano na naman kaya ang ginawa ko kagabi?

nice post parekoy!

Eli said...

ako bata pa ako pero aminin natin yan masarap uminom paminsan minsan. haha

Macky said...

pop musta?im back.hehehehe.......pops paki link or visit nmn yung blog koh... adiksakanta.blogsopt.com

Kosa said...

nakakatuwa!
hindi ko tuloy alam kung anong punto ang gusto mong sabihin parekoy...

pero aminin mo, masaya maglasing... palusot lang yung makalimot...

desza said...

hanep ka talaga, pati away-langgam naririnig mo. hehehe!

ano bang masarap sa inuman? di ko talaga magets bakit ang daming nagpapakalango sa alak ng walang matinong dahilan. kahit gaano kadami naman laklakin mo, di mo makakalimutan mga prob mo. hahaha!

per natry ko na nga rin yang hang over na yan, peste! ayoko ng maulit! hehe

Arvin U. de la Peña said...

ano ang ininom mo..

Pirate Keko said...

hp:P oi tambay usta na.. un plurk mo zero karma na :S

MinnieRunner said...

Ha ha ha, namiss ko 'tong mga kwento mo ah..
Tinamaan ako sa Starbucks, ha ha.. Minsan nakikipagsabayan ako kahit hindi ko kaya, peer pressure kumbaga... Pero ngayon hindi na, sumasama ako pero hindi ako umoorder, nakikiupo lang para malamig, haha..

taympers said...

kawawang langgam nagsuicide? hahaha...

-=K=- said...

This is my favorite post of you :) Ang ganda. Mukang shallow pero deep talaga. Hehe!

Traveliztera said...

naksss... eto na pala ang scientific solution para maintindihan ang mga langgam hehehe! kawawa naman si mister...suicide mode nalang

Jethro said...

ahahaha! natawa naman ako dito talagang may pagkakakonek ang bawat pangugusap. akala ko nun una eh walang kwenta ung langgam tapos sabay banat sa huli nag-suicide pa, ahaha!

actually di ako umiinom ng alak at never din manigarilyo.. di pa din ako nakakainom ng kape sa starbucks, gusto ko sanang maranasan kaso wala akong kasama nahihiya ako. :)

keep it up!

Post a Comment