batang babae: kuya...(sumakay sa pedicab)
mar roxas: oh... ilang taon ka na?
batang lalaki: si Lali po anim, ako po trese.
mar roxas: anung pangarap nyo?
batang lalaki: seaman sana.
batang babae: ako po artista!
batang lalaki: pero hindi ko na iniisip, kanya kanyang kayod po dito, walang maayos na trabaho, walang pambili ng gamot.
mar roxas: (iiling-iling) anak itabi mo, dyan lang ako sa kanto, sukli sa beinte!
This is a true story
neneng: pumunta ako sa Riyadh para buhayin ang pamilya ko, pero inalipin ako dun. Sa hirap dinugo, lumuha-luha ako.
roger (asawa): lumapit ako kay Manny Villar para makauwi ang asawa ko.
manny villar: kapag may nangangailangan... lalo na mag eeleksiyon, magpapakitang gilas ako. Dahil hindi ko matiis na lamangan ako ni Mar Roxas.
Nakakatuwa kayo. Trapo. Nakakaloko. Ginagago na naman tayo.
Kabibili ko lang ng gamot sa pinakamalapit na botika dito sa amin. Nadaan ako sa eskwelahan ko nung elementarya. Imbes na bumalik ako sa nakaraan. Magreminisce ika nga. Pumasok sa isip ko, eleksiyon na naman pala. Ambilis ng panahon parang kelan lang pinalayas si pareng Erap sa malacanang. At ngayon di tayo makapaghintay gusto na din nating tapusin ang termino ni GMA.
Isang taon na lang, gaguhan na naman. Isang pangulo nanaman ang pipiliin natin at pilit na palalayasin din pagdating ng araw. Madali bang magsawa ang mga pinoy o sadyang mahilig lang tayong makipag-lokohan. Maraming kakandidato. Maraming mang-uuto. Kung meron sa kanila ang kayang lumunok ng isang buong manok, yun ang iboboto ko. Pare-pareho lang naman kasi sila. Mukhang... wala.
Minsan naiisip kong hindi na lang bumoto. Nanghihinayang kasi akong ibigay ang isa kong boto sa taong darating ang panahon magiging din demonyo. Pero kung 1M pinoy ang kagaya kong nag-iisip ng ganito. Hindi talaga tayo aasenso. Mahirap mang aminin pero hindi na ata talaga darating ang taong makapag-aahon sa mga pilipino.
Teka lang ha. Magkaliwanagan muna tayo. Sino ba ako? At sino ka din na parang sumasang-ayon sa mga sinasabi ko? Bat andami kong dada eh isa din naman akong salot ng lipunan. Tambay. Walang pakinabang. Na parang isang timba kung makapaghugas ng kamay. Ang gusto ko lang naman iparating dito kung naghahanap tayo ng pagbabago makikita natin. Eh kung simulan kaya natin sa ating mga sarili. Unfair nga naman sa ating namumuno kung iaasa natin sa kanya lahat. Sa madaling salita, nasa ating mga kamay ang asenso ng ating kapwa pilipino.
Friday, May 15, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
47 Sumablay:
ako mismo ay hindi pa nakakarehistro.tinatamad ako. hindi ko alam kung sa proseso o tinatamad ako dahil parang wala rin naman mangyayari sa isa kong boto o dahil wala naman akong mapiling kandidato o dahil iniisip ko parepareho lang naman tong mga 'to o dahil walang oras magparehistro o dahil hindi naman matutuloy ang eleksyon (hmmmm...) o dahil sira lang ang ulo ko para isipin lahat to.
pero sabi mo nga sa akin magsisimula, kaya iboboto na kita. kumandidato ka! magrerehistro na nga ako. dahil konsehal ng barangay ang nanay ko. politiko. pag tumakbo sya syempre iboboto ko. yayaman kami! magkakamal ng maraming salapi! bwahahahaha!!!
(in short, no comment.)
ang talagang problema sa ating bansa men ay :
SYSTEMA NG GOBYERNO
Para bang Room for Rent ito
May bagong boarders, pero ang room na yun, ganun pa rin: marumi, sira ang pipings, sira ang C.r. at mabaho. Kaya kahit cnong boarders ang pumalit, pero ang room na yun ay ganun pa rin, wala talagang mangyayari.
Sabi nga nila Public Service
Pero para sa akin: Public BUSINESS na ang nangyayari Gobyerno ng Pinas, the capital of all-year-long-recession.
Peace. Kung gusto nyo ng pagbabago, wag kayong bomoto. Maging isang mabuting tao at Tayo'y aasenso.
Dati gusto ko lang magka-id kaya ako nagpa-register... Pero naisip ko sayang ang pamasahe ko nung nagparehistro ako kaya boboto na rin ako. Malapit lang naman yung presinto sa amin. Walking distance. Tsaka maliban dun... I want to be counted. Kahit dinaya ang boto ko at nalipat sa pangalan ng iba... at least na-count pa rin. Hehe. Kidding aside. Nag-iisip na nga ako kung sino iboboto ko...parang may official candidates na, eh. Excited ako, eh.
@stupidient yun ang inaakala mo,mlaking pagbabago ang pwding magawa ng isa mong boto.
haha konsehal pala mama mo,wala po ako sinasabi peace tayo.
@BartTolina wala na ngang nakikitang asenso dito sa pinas,pro kalokohan mang sabihin ang gnito wag tayo mwalan ng pagasa.
@Yankaboodles mrami na nga ang nagpaparamdam,sino nanaman kaya ang manlalamang sa ting mga pilipino?
yang dalawang yan malabo ko nang iboto. :)
waaaaah!... i share the same sentiments with you on those effing trapo campaign commercials on tv.... i cant help but scringe seeing their pretentious faces and sharing those fake "help" moments. Pweee. Nakakadiri sila. T_T
nakakatuwa yung jokes sa simula haaa... but the buttom part, ang ganda ng laman...
@Pablong Pabling malayo pa kasi botohan nangangampanya na nkakawalang gana.
@reyane nakakatawa nga sila eh, yan tuloy ginagawan sila ng mga gags...haha
yan a nung dumatko sa hust gulng pra bumoto eh hindi ako nagparehisto...wla dn nmmn kasing pagbabgo..puro sa simula lang sila magaling..haha..pre nag init ulo ko ahh..tara nga sa mendiola..magrally tayo..hahaha
haha..at nging chinese ang dating ng comment ko sa itaas..hahaha...erratum pare.."yanyung dahilan kung bakit nun dumating ako sa hustong gulang..blah blah blah.."
@Fe salamat po naapreciate niyo... :)
@Jenskee oh pre anu sabi mo dun sa una?may hangover kapa ata?hehe
rally?tara magdala ka ng pagkain,ako ng bahala sa mikropono at bandila saka kandila.haha
wala na yata talaga tayong magagwa talaga dyan eh..kahit anong sabihin natin wala naman magbabago sa kalakaran ng pulitika dito sa ating lupang sinilangan...kanya-kanyang agenda lang namna talaga sila... kunyaring para sa bayan... pero para sa sariling bulsa nila kaya sila tumatakbo....
ako, nagparehistro ako... ewan kung bakit... will my one vote make a change? i dunno! pero, cge lang, boboto pa rin ako at iboboto kung sino sa tingin ko ang karapat-dapat.. bahala na si Papa God sa kanila.. hehehehe
-Yanah-
"itabi mo anak, babangga na tayo"
si pitchay ba wala ang commercial? anong petsa na uh. buti na lang wala pa ako sa tamang edad para bumoto at mamroblema sa mga ganyan hehe
anak napatawa mo na naman ako...muntik lumuwa ang buwa ko... ahehehe! pero may sustansya sinabi mo... ganitong mga poste ang di kayang talunin ni shoepolish este foolish... anu nga ba yun? basta yun na yun...
ang Trapo,
labahan.. idawni..
kasing puti ni ng na-Mr.Clean e trapo pa rin!
kahit kelan talaga...
tsk tsk...
sana Hindi sumablay..
nakakatuwa si Money Bilyar ahh
haha.. I have my own version, actually it's not from me:
batang babae: kuya...(sumakay sa pedicab)
mar roxas: oh... ilang taon ka na?
batang lalaki: si Lali po anim, ako po trese.
mar roxas: anung pangarap nyo?
batang lalaki: seaman sana.
batang babae: ako po artista!
batang lalaki: pero hindi ko na iniisip, kanya kanyang kayod po dito, walang maayos na trabaho, walang pambili ng gamot.
mar roxas: (iiling-iling) anak itabi mo,lampas na ako..
ako ang salot nang sambayanang pilipinow lol
Tayo'y maging mapanuri ngaung 2010, huwag iboto ang mga politikong gumagastos ng husto para makakuha ng malaking media coverage, mga kandidatong handang gumastos ng husto para lang manalo kahit wala pang eleksyon.
Huwag na tayong paloloko.
@yanah tama. bumoto po kayo,atleast sa ganitong paraan mabibilang ka bilang isang tunay na pilipino,hayaan na natin sino man manalo,ang mahalaga,ginamit natin ang isa sa ating mga karapatan... :)
@kheed hahaha natawa ako sa pichay mo,wala na po ata yun,nangmpanya nung last halalan,walang napala...atleast ngayon palang nalalaman mo na ang sistema sa ating bnsa.
@tonio hahaha shoepolish?ntawa ako dun ah,haha parang tagalinis lang ng sapatos,ah basta un na yun sige,hehe
salamat po sa inyo...
@kosa trapo.lumang taktika,lumang pangangampanya,nakakasawa,nkakabwusit ang langya, pangalan pa lang namemera na...
@walong bote oonga naman bat hindi pa itabi eh lumampas na,haha ayos di un ah.
@amorgatory bat mo nasabing salot ka?hula ko lang kulot ka noh?ang corny,hahaha
@The Pope tama. wag tayong magpadala sa mga nakikita.maging mapanuri,matanglawin ika nga ni kim atienza,hehe vote wisely...
everything's well said from start to finish!
People make the government, people make a nation. We shouldn't pin all our hopes on one leader. He can only do so much.
At nakakasuka talaga yang commercial ni Mar Roxas na yan. Kakahigh blood as in.
@mommy ek salamat po sa apreciation mommy... :)
@Angel tama.bibigyan kita ng 3 stars sa sinabi mo.. :) actually pag nkikita ko nga comercial na yan natatawa akong di maipaliwanag,haha
ang masasabi ko lang ay:
karapatan ng isang mamamayan ang bumoto.
kung hindi sya bumoto. wala syang karapatang dumaing o mag-inarte tungkol sa kapalpakan ng kanyang gobyerno.
no. you still need to vote for the candidate you want to get a certain position in the government.. :)
and read chikletz comment, may point naman siya diba?
nkakaaliw ang mga gags sa knila, pero ang tunay na tanong ng bayan... kung bumoto b ako sa kung sino mang damuho na presidentiables na iyan ay may pag asa pb ang inang bayan?! hayz...
perst tym ko boboto next year.kailangan ko na daw bumoto sabi ng ina ko dahil dalaga na'ko.haha. saka sabi ng tropa ko uso daw yun para maki-in.haha again.
actually di ko pa alam sa mga 'kumags' na yan ang iboboto ko at magbibigay ng magandang kinabukasan ko!wooh
@chikletz tama nga naman dahil dyan bibigyan dn kita ng 3star. gnyan na talaga mga pinoy katulad ko mahilig magdadada,haha
@aLgene yes. i will vote for...hmmm...hmmm...malayo pa nman eh pagiisipan muna mabuti.yes may pt. siya bnigyan ko siya 3star,hehe
@atribidang mayora tulad ng sabi ko kung 1M nagiisip ng kagaya natin hndi talaga tayo aasenso. vote.karapatan mo yan atleast mbibilang ka.
@miss guided masyado pang maaga para magdesisyon,tagal pa naman ang halalan.atleast ngayon mararanasan mo ang mainit at mgulong eleksyon.in kana nga,hehe
pare2ho lang nman silang lhat..
bstah yang dlwang yan blacklisted na sa buhay ko..
bulok at mabaho ang sistema ng pinas..
pero hndi lng dhil sa mga trapo un..
dhil din satin..
sa mga kababayan natin na nag papauto sa mga yan..
sa mga kababayan ntin na nagbebenta ng boto..
sa mga kababayan natin na naniniwala sa mga pangako..
sa mga kababayan ntin na sarili lang din ang iniisip..
sa lugar nmin mraming gnyan...
hndi ko sila msisi ng sobra kc nman mhirap nga ang buhay pero lalo tyong maghihirap kung hahayaan nting mging gnito ung sistema ntin forever..hay..
madami kang puntos sa post na to...
masarap daw pagusapan ang usaping pulitika dahil ang daming anggulo ang pwedeng halukayin... gayunman, akong OFW, inihanda ko na ang sarili ko na hindi ako boboto at DI magpaparegister para sa 2010 absentee voting. sayang lang ang pangtaxi papuntang consulate/embassy... gagamitin ko na lang pambili ng pagkain!
@soberfruitcake i 2nd the motion. mabuhay si soberfruitcake!mabuhay!! ewan ko nga ba sa ting mga pinoy lalo natin pipahirap ang ating buhay.teka anu nga ba dapat gawin?
@AZEL ilan pts?yun ang desisyon niyo ginagalang ko po yun,kunsabagay nagiging praktikal lang kayo.
tama dapat wag iasa lahat sa pinuno hehe :D
bata pa naman ako.
kau na ang bahala bumoto para
sa bayan hehe :D :D
ang dapat gawin?
bago bumoto, pag isipan mabuti kung sino ang dapat.mlalaman mo nman yun.
magbasa tungkol sa mga kandidato..kung sino ung may background sa pangungurakot..
kung sino ung sincere sa trabaho..
kung may bibili sa boto mo, tanggapin mo lng.hehe.pero wag mo iboto kc pagnananlo xa babawiin nya un through corruption. mliit lang mga sahod nila kaya impossibleng d sila mngurakot..
kung wala kang choice dhil puro sila trapo.choose the lesser evil..
tska ung iba nman,busisiin mong mbuti kc ung iba, malaki ung mga nagwa pra sa byan kaso hndi pnpkita sa public kya parang wala dn silang ngwa..
be updated.mgbasa, mkinig, mnood.
tsaka dpat ung bgay sa posisyon nla.kunyari congressman, dpat gngwa nila ung trabaho nila by authoring bills hndi ung maglagay ng tarpaulin at igreet ang mga tao sa lhat ng okasyon..
hehe..kc bnybyran sila pra ayusin ung batas ntin hndi pra mgsmile sa kamuning at sa mga eskinita..
kung mayor nman, dapat ung hndi sunud2an sa lahat ng gsto ng tao. dapat may paninindigan. ung alam nya kung anong nkakabuti pra sa lhat at khit mraming mgagalit sa knya eh, maninindgan prin xa..
kung secretary sa klasrum eh ung mganda ang sulat?hehehe.joke lng..bstah..hehe
@cez alam ko bata ka palang dahil 6yirs old ka plang.tama ba?hehe cge boboto ako para sa kinabukasan mo,hehe
@soberfruitcake sabi ko na nga ba!nagpapanggap ka lang na nars,isa kang politician!hahaha
sanay na sanay ka sa politika,hula ko lang naging brgy.captain kana sa inyo noh?galing galing mo kasi eh... :)
haha..adik..kc nkakapgod na yung puro impeachment, kya dpat for the gold na tayo this time..hehe
Goodluck sa atin!
@let'shelpourcountry sino kaya ito?haha ikaw pala..pag ikaw kumandidato naku ako no.1 supprter moko.ako magdadala ng mic saka spiker pag mgsspeech ka.lols
@bampira badluck sa atin!haha
haha..sino kaya un?nklimutan kong ichange ung profile.sorry.hehe.
nweiz, d ako tatakbo.ayokong mtulad sa knila..hahaha
parekoi, short ka ng 32 votes..mangampanya kpa!!!!hehehe
@soberfruitcake haha kung ayaw mo tumakbo ako nlang,lols
hayaan mo na un ganun talaga mahirap manalo sa botohan na yan,yoko ng sumali sa susunod nkakahiya na sainyo,hehe
sumusuko ka nman agad eh..
@soberfruitcake nwawalan kasi ako ng inspirasyon at pampagana,ahihi
haha.san ba nbibili yun, bibilhan kita.hehe.bibili nrin ako pra sa sarili ko.nyaha
Parang may mali? Ang sinabi kasi ni Mar Roxas, anak, itabi mo, lagpas na ako, wahahahaha...
@soberfruitcake hehe salamat,tig isa tayo
@madz haha yun ba yon?yan ang bagay sa mga maagang namumulitika,hehe
woist tama ka nakakagago yung mga commercial nila ehh nuh!
haha busheeett :D
harap harapang kampanya ehh bawal pa naman.
hirap talaga pag mayaman hehe!
sana pinapakain nalang nila sa mahirap yun.
at saka hello anu naman konek ng pedicab
ang sagwa ni roxas!
hakkhakk :D
@kryk haha ewan ko ba dun anung pakulo yun,mga trapo nga talaga sila,traditional politician,lumang taktika,lumang strategy,nakakasawa na silang nakakaawa,haha
Post a Comment