Tok! tok! tok! (pasuntok ang pagkatok)
Pagbukas ng pinto. Si ermats. Naku.
Hari ng sablay tanghali na! Tumayo kana dyan! Maghapon ka ng tulog! Ano ba naman to?! Linisin mo nga kwarto mo! Ang tamad tamad mo! Wala ka ng ginawa kundi bigyan ako ng sakit ng ulo! Anong plano mo sa buhay mo?! Bbbrrrraaatatatataatatattataaaa...
Paglabas.
Hoy kayo naman (tingin sa dalawa kong kapatid) pare-pareho kayo! Pinapatay niyo ko sa kunsimisyon! Bbbrrrraaatatatataatatattataaaa...
Parang musikang ansarap sa tenga. Parang rap ni Francis Magalona. Kulang na lang ng beatbox para mas hiyang pakinggan. Parang ikaw ay nasa kalangitan.
Aminin mo one point in your life sinermunan kana din ng paulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit ng iyong magulang. SINIGAW-SIGAWAN para magising ang natutulog mong kukote. Pinalo para magtanda. Hinagisan ng telebisyo... hehe sobra naman 'yun.
Bumalik tayo ng mahigit dalawang dekada. Time space warp. Ngayon din!
Ipinanganak na talaga ata akong matigas ang ulo. Dahil sa madalas kong pagsuway sa magulang napeperwisyo ako. Dalawang beses na ko nakagat ng aso dahil sa kalikutan at kakulitan. Nasemento ang kaliwang kamay dahil sa pilay. Nakaapak ng nakausling kakalawing pako. Nasunugan na ng balat. Natamaan ng buhay na bato sa bumbunan. Naputukan ng bote sa kaliwang binti. At napakarami pang iba. Kung isa-isahin natin magtatagal tayo. Ang mahalaga buhay pa ako. May himala. Hahaha.
Sa mga pagkakataong nangyayari sa akin ang ganito, isa lang ang aking sinusumbungan, si mama. Dahil kapag kay erpats ako lalapit, dadagdagan pa niya ng latay ang nararamdaman ko, sasabihin niya... 'Yan sige tignan ko kung 'di ka pa magtanda dyan, tigas kasi ng ulo mo.
Hindi ko kinakahiya mama's boy ako. Laging nakakapit sa palda ng ina. Hindi makakilos mag-isa pag hindi siya kasama. High school na nga ako gustong-gusto ko pa din tumabi sa kanyang pagtulog. Magsasampung taon pa lang ako, siya na tumayong ina't ama sa aming tatlong magkakapatid. Nangibang bayan kasi si erpats. Hanggang sa kasalukuyan ganito kabigat ang kanyang resposibilidad. Sakripisyo, tiis, hirap, pagod, lahat na, name it. Lahat 'yun hindi matutumbasan ng kahit ano pa man.
Isa lang naman ang ibig sabihin ng mga sermon sa itaas. Mahal niya kami. Kaya napakasarap kung pakinggan. Para ka talagang nasa kalangitan.
Hindi man niya naririnig sa 'kin pero sana maramdaman niya ang lubos-lubos kong pasasalamat at paghingi ng tawad sa mga kasalanan ko. Sana maramdaman niya hangang-hanga ako sa kanya. Sana maramdaman niya, siya ang aking prioridad. Sana maramdaman niya, lagi ako nag-aalala sa kanyang kalusugan. Sana maramdaman niya, siya pinakamamahal kong babae sa buhay ko.
Mahal na mahal ko siya, ang problema lang, ni minsan hindi ko pa nasasabi sa kanya mula sa aking bibig ang mga katagang 'yan. Ang hirap bigkasin. Ang hirap bitawan. Parang nagkakahiyaan. Parang nagkakailangan. Lalo na ngayong malalaki na sungay namin. Darating ang araw makakahanap din ako...
Alam ko masarap sa isang ina ang sabihan ng mahal na mahal kita ma. Hindi ko masabi yun, dahil naghahanap pa 'ko ng salitang mas hihigit pa sa salitang mahal na mahal kita ma.
PS. Inadvance ko na... Happy Mother's Day to all mothers. Salamat po sa inyo. @>------ *rose*

53 Sumablay:
naks. nakakatats naman ito paps.
advance happy mothers day po sa iyo.
este sa inyong ina.
wahahaah mama's boy.(tawang debil)
katamis naman nyan.. hehe.
HAPPY MOTHERS DAY sa iyong ina :)
kakarelate ako...sana mabasa ng mama mo. hehe. Happy mothers day na din sa nanay mo...
bakit kaya no? pag nanay ang nagagalit, parang ansarap pa niyang asarin, kulitin, kasi parang ansarap pakingan kapag nagagalit siya lalo na kapag may halong pangangaral, tapos lambingin mo nalang sa huli... haaaayyyy...
pero kapag tatay mo ang ginalit mo... hmmmmm... tumabi tabi ka na hahaha
kaswit naman nareh,, try nyo mag guest sa isang talk show at sigurado masasabi mo sa kanya na mahal mo sya. (required dun eh). sana mabasa ng mommy mo,, tatalakan ka nun ng madaming madaming "mahal di kita hari ng sablay!".
aaaawww...nakakatats...
ayyy. sweet son. :)
ang kuliiiiittttt... lolz
HAPPY MOTHER'S DAY SA LAHAT NG INAY... :)
@Pablong pabling haha salamat, hapi mothers day sa yong ina...
ahihi (tawang anghel)
@chikletz d naman po masyado, hehe
@LordCM hapi mothers dn po sa inyong ina and asawa... :)
@bampiraako sana wag muna, nahihiya ako.hehe
@Rhodey sinturon okya hanger ng damit ang katapat mo nun,hehe
@stupidient sa wowowee sana eh noh?hehe nagkaopen up kana nagkapera kapa,ayos...
@Deth salamat u apreciate it. :)
@aLgene mdyo lang po,hehe
@MarcoPaolo hapi mothers day din,salamat...
Maraming salamat po sa inyo. Hapi mother's day sa inyong mga ina. :) Be a good anak. Hehe. nangaral.
huhuhuhuhu...
nakakaiyak naman...
di ko akalaing ang mga lalakaing matitigas ang ulo ay may pusong mamon din...
nakakatouch naman..
sana lahat tayo may guts na sabihin sa mga mother natin kung gaano antin sila pinapahalagahan at minamahal!!!
hayzzz...
I find this rather cute.. ganyan lang cguro ang mga nanay.. my mom is like that too.. hehehehe!
Happy mother's day to your mom!
wala atang nanay na hindi nagger, may kakilala kaba??
Nasira ba yong tv niyo?hehe
Mother is always a mother.
Mother knows best.
Happy mothers day to your mum!
Kahit gano pa katigas ang ulo natin, mamahalin pa rin tayo ni mama.. :D
awww....so sweet..
ipabasa mo kaya sa knya..
iwan mong nkabukas ang page tas umalis ka ng bhay. itext mo xa na ishut down ung comp kc nklimutan mo, sbhin mo, dpat sya tlga ang mgshut down ksi kung ung katulong nyo eh bka mgYM pa.hehe.
ung nanay ko dko ksama=(
pero nkabli nko ng gift for her knina at npadala ko na rin sa davao. yahoo.=)
hapee moodrahs day sa lhat ng mothers dto at sa mga nanay nyng lahat..=).=)
huwow. so sweet. iba talaga mga pasaway, pag nagmahal tunay at sadyang kay lalim. =)
i suggest sali ka sa wowowee para masabi mo sa kanya na love mo sya. ahahahakkk!
happy mother's day sa iyong mamita. =)
sa wakas nagload.
kahit ako di ko rin kaya sabihin yan, di kasi uso sa bahay namin sweet sweetan. hehe
tama si ms.eymi, sali ka ng wowowee. lagi kong naririnig sa kapitabhay namin na malakas ang tv ung mga salitaan dun. haha
happy mother's day! ahaha
Maraming salamat for sharing a part of your life with us, you are really a sweet son. Happpy Mother's Day to your mom.
once again i luv 'ur entry... hayz minsan nga totoo ang hirap sabihin sa magulang ang katagang i love you... pero sa iba eh parang walah lang... parang "oi love you.. miss kitah" etch etch... hayz... kc ganyan den kme sa magulang namen.... pero at least now may improvement kme.. nalalagay na namen sa card ang salitang mahal namen silah.. kung meron den akong gustong gawin eh 'ung ma-hug koh silah nang mahigpit at sabihin kung gano namen silah kamahal... pero ang hirap... minsan parang ang korni... but they should know how much we love them... pero i guess yeah iba pa ren na manggaling sa bibig namen...
minsan tlgah ganon.. pag lalaki kah mas close sa mom at vice versa...
oo naman lahat nasermunan at one point sa buhay nilah... minsan ang kulet kulet na lang... paulit ulit lang naman ang sinasabi... lolz... pero syempre enjoy lang ang sermon cuz one day eh you'll miss it...
pero amazing tlgah ang mga nanay... =)
Happy Mother's Day sa mom moh...
Godbless! -di
Hehehe "Time Space Warp, ngayon din!" Shaider?
Thanks for making me laugh!
Oh, and Happy Mothers Day sa mama mo!
@Love tama minsan kc nahihiya tayo okaya ncocornihan, ung tipong gnun...haayz...
@Mico Lauron sermon ang almusal eh noh,hehe hapi mothers day dn po 2 ur mom...
@joycee uhmmmm...la nga, singkalakas nalang ng boses,hehe
@Ruphael hndi pa naman po ngyari ung gnung batuhan,hehe hpi mothers day 2 ur mom... :)
@J.D.Lim totoo un, kelan man hndi tayo matitiis ng isang ina...
@soberfruitcake ipabasa?hiya ako eh saka d marunong gumamit ng pc mama ko,hehe wow mas sweet ka may gift kna sknya. hapi mothers day 2 ur mom... :)
gustong gusto ko yung unang paragraph,same story over here nyahhahaha.
@EyMi haha naisip ko nga un eh,para atleast marinig ng buong mundo dba,hapi mothers day 2 ur mom... :)
@choknat tgal ba mgload?hehe sori... pra kasing ncocornihan tayo dba,hehe wowowee?gud idea naiisip ko dn un eh,haha my prize kana mgiging mas close pa kami,hehe hapi mothers dn 2 ur mom... :)
@The Pope salamat po,kahit cnu naman sweet ayaw lang ipakita o ipadama, happy mothers din po 2 ur mom... :)
@Dhianz i rmember one tym ata ngsulat na rin ako ng iloveu ma sa isang card dont rmember the occasion pro pgkabigay ko nun d ako ngpakita ng 1day ata kc nahihiya,hehe
uu nga po nkakamiss ang sermon ng mgulang,ansarap kasi sa tenga eh,haha hapi mothers din 2 ur mom... :)
@gandaDai hehe zaido na ngayon. hapi mothers dn po 2 ur mom... salamat dn...
@zeb hehehe sarap ng sermun dba...drating ang araw mamimiss natin ang gnyan...
ahahaha pati ako si mamang kong ganyan, ehehe, tsaka pasaway di ako sa kanya ayun tuloy lagi niyang sinasabi LUMAYAS KA NA!!!!!!! pwahahahaha :]] antibay eh no. ayun ayun, hehehe
buti buhay ka pa kuya no?
wahahahah "may himalaaa!!" hehehe
@netaholic21 haha pg lumayas ka nman papahanap ka din, pareho tayong psaway, mtigas ang bungo.hehe
alive n kicking,hehe himala tlaga...lols
oo, sumali ka sa wowowee tapos konting drama at kuha tapos bigyan ka pa ni Will ng 10000Pesos for globe. Tiyak matutuwa pa nanay mo sayo, hindi dahil nagiloveyou ka sa kanya kundi dahil meh ten thou pesos kayo! hahaha! =))
dahil ang sweet mo sa mama mo, parang gusto ko din maki-hug. haha. eklat. filingera din. =))
HEHE....
sabihin na ang mensahe habang nanjan pa xa sa paligid ligid..:)
ganun ata tlga ang mga nanay..mabunganga, maingay..pero kahit ganun sila kaingay---ganun din nila tayo kamahal..
happy mother's day sa mama mo!:)
@EyMi hehe cyempre konting bola na din ay willie pra mdgdagan ang 10K,hehe
*hug po* uuummmhhhh.sarap nman nun... :)
@Jenskee tama.sasabihin ko dn,kukuha lang ako ng mtinding lakas ng loob,hehe hapi mothers day din 2ur mom... :)
kakatuwa namn post n toh! heheh
hapi mother's day!
Sabihin na natin ngayon ang, "Mahal na mahal kita, Nay..." Sa tingin ko kasi wala nang ibang mga katagang mas hihigit pa rito. o",)
Pero totoo, hindi ko pa rin ito nasasabi sa aking ina. ANg mahalaga, alam kong nararamdaman niyang mahal ko siya. 'Actions speak louder than words' naman daw, di ba?
Salamat sa pagbisita. Happy Mom's day kay mommy.
eeeek! may rose pa. gumaganun/ sweeeeeeeet! hakhak. happy mother's day! x)
thnx nga pala sa pag-iwan ng bakas sa blog ko.
@greiz hapi mothers day 2 ur mom... :)
@RJ kung sbagay tama ka,bubwelo muna hehe prang nkakahilang lang kasi,im sure nraramdaman naman nila un na mhal natin sila...
@peachkins salamat din po, hapi mothers day din 2 ur mom... :)
@batopik gnun lang kayang ibigay eh,tinype na rose,hehe tnx dn po, hapi mothers day to ur mom... :)
salamat po sa inyo lahat happy mothers day... :)
Alam mo, sigurado ako kapag nabasa ng iyong ermats ang post mo na ito, matutuwa talaga siya kasi isa kang mabuting anak kahit may konting kapasawayan diba?
Happy mother's day sa iyong nanay! Sa tingin ko na sobrang mahal na mahal mo siya. Alam ko yun, nakikita ko yun. :)
aww. i miss mama tuloy. ehe.
dumaan. aba2 an daming fans! haha
@ang buhay ay parang sine hehe nahihiya po ako pabasa eh,kahit sino namang anak mabuti sa kanyang ina,hehe hapi mothers day dn sa ung mama...:)
@elYAS grit mo na ur mom,hehe fans?wala naman po,mga kaibigan lang,hehe
salamat sa inyo... :)
ang ganda naman nito..nakakatats...
She looks great naman jan sa photo nya.wide arms.yepeh..like almost everyone had commented...nakaka touch nga naman. :)ang music kasi eh.dagdag pa sa emo.
@Ako si Ghelai salamat po...galing sa puso yan,hehe
@Gi-Ann uu nga happy siya dyan,hehe ayko ksi mglagay na masungit siya,hehe
hinanap ko pa nga music na yan... :)
salamat po inyo laht... :)
Ang sweet naman!! I can relate, there are some thing's na you can't express into words lalo na pag di uso sa pamilya hehe!!! Tapos lalake ka pa medyo dyahe! hehe!!!
Nice music BG, Boyz II men right? hehe!!
ganun pala un.. kala ko kasi hindi emosyonal ang mga lalaki... (^^,)
@HOMER oo nga mdyo nagkakahiyaan ksi pg gnun, parang nkokornihan,hehe opo boyzIImen...:)
@Love gnun nga un,hehe emosyonal dn naman kaso hindi katulad sa mga babae,ms mbiga sa mga lalaki,hehe peace! :)
ako din namimis ko na pagtatalak ng mom ko hehe
@Mac Callister hehe dapat nirerecord ntin noh? para pag gnyang namimiss isang play button lang ang ktapat,lols
Haha... ok lang yan! mga kapatid ko mama's boy din! kaso turn-off ang ibang girls sa mga mama's boy minsan HAHA :D
@Avee ay ganun po ba un?haha bkit naman po turnoff?
nag drama si toto! hahahahaha
@Shunhenglou haha emo? onti lang.saka paminsan minsan lang naman.
Post a Comment