Wednesday, May 20, 2009

Iskrats

Ano man ang kanilang dahilan bakit nila inagaw pansamantala ang aking mga libangan hindi ko alam. Huhuhu. At wala akong pakelam. Hahaha. Ang alam ko lang nakakabaliw ang ganito. Waaahhhhh!!!

Ginising ako ng bentilador kong hindi ko nararamdaman ang binabatong hangin. Napakainit. Tagaktak ang pawis. Tumayo. Kumain. Pagkatapos nun, tumunganga iniisip anong magandang gawin. Walang TV, kahit radyo man lang. Walang baterya ang laptop, tinitipid naman ang sa cellphone. Uy ipod hindi ginagamit. Nice. Teka asan yung earphone? Makapagsolitaire na nga lang. Kinuha ang baraha. Binilang. Ay bat kulang? Naghanap ng magazine. Hmp! Ano ba to puro malalaswa. Kumuha ng dyaryo, maghahanap ng trabaho. Date ng dyaryo: April 2007.

Makatambay na nga lang sa may tindahan. Wow ang lamig. Para kang piniprito. Bumalik sa kwarto sumayaw ng walang tugtog. Waaahhhhh!!! Pambihira naman oh. Ano ba tong ginagawa ko. *TING* Ah mabuti pa makapgsulat na lang sa aking iskrats.

Teka bakit pag walang kuryente, brownout ang tawag? May scientific explanation ba ito? O mathematical equation? Grammatical error? Philosophical study kaya? Ang iba naman sinasabi walang power. Marahil tama sila, dahil *EHEM* based sa napag-aralan ko sa subject naming circuits. Power is... uhmmm... power is equals to... uhmmm... Ay sakto may kuryente na! Ayos!!!

47 Sumablay:

madz said...

ha ha, brown out daw kasi sa inyo lang walang kuryente.. kung sa buong bansa naman, black out!!! ahihihih..

Anonymous said...

"Hmp! Ano ba to puro malalaswa."

ayaw pa daw oh! wahahaha!

EyMi said...

Pahiram nga ng magasin na yan. Ng maiba naman ang takbo ng araw ko. Hahaha!

Tsaka penge ng iskrats paper, magddrawing lang.

Hari ng sablay said...

@madz hehe ganun ba yun?o panu kung buong mundo na?

@jeLai haha bat parang ayaw mo maniwala?bata pa po ako,lols

@Eymi mabuti pa nga ibigay ko nalang sayo, dahil hindi ko masikmura ang ganitong mga babasahin, eewww.

Anonymous said...

hahaha.. kawawang dyaryo, benta nyo n yan! :)

Hermogenes said...

bro peram nga ko nung magazine na bastos... baka nandun si doc tsaka si kat... ahehehe

rich said...

hahahaha! XD aliw naman ako sa post na to... XD

Rhodey said...

nakakatuwa.... oo nga no? lubos na tayong umaasa sa mga gamit na pinapagana nang kuryente, kapag bran awt, blak awt, at kung ano ano pang awt, wala na tayong magawa... ano ba yan.. ahihihiks...

saul krisna said...

hahahaha nakaka aliw naman itong post mo.... brown out ba? teka bakit ang black board ay tinatawag na black board eh kulay berde naman ito? hahahaha

Hari ng sablay said...

@kox haha headline:giyera sa mindanao. pati ngayon headline ganun pa rin,hay buhay...

@tonio nghahanap din ako nun eh,sumakit na ulo ko sa taas at baba di ko pdin makita.

@rich pengeng pera.sige na.hehe salamat... :)

salamat sa inyo... :)

Hari ng sablay said...

@Rhodey darating ang araw pati tayo di kuryente na,hehe ayoko lang yung brownout na mainit pa.msarap kasi ung brwnout na malamig pa,dba?hehe

@saul krisna dati ata greenboard daw tawag dun,ewan ko sakanila ginugulo nila ang mundo.bahala sila sa buhay nila.

salamat sa inyo... :)

Marlon Celso said...

Pre, hindi ka rin malas noh? buti sinuwerte sa dulo kasi hindi na kelangan mag-explain baka mapahiya ka pa..hehehe ang init ng ngayon lintek..doon lang ako naka-relate eh, (walang Ipod, laptop, baraha at malalaswang palabas) lols.

Joel said...

mabuti naman at nagkakuryente na bago ka pa sumablay sa mga sinasabi mong hindi ko alam kung paniniwalaan ko. haha

ayoko din ng brownout, ang init, pawis abot hanggang singit

gracey said...

hahahaa. ako simula nung nagsummer, pag kagising ko, pawis na pawis ako. para akong nagexercise sa panaginip!

madz said...

Kung buong mundo na, ahmmm.. hindi ko rin alam, hehehehe

Hari ng sablay said...

@Marlon haha ngdalawang isip nga ako magexplain hindi ko alam kung tama ako,nanghuhula lang kasi,hehe

@kheed haha namental black kasi ako bgla dahil sa brownout, mental brown pala.lols

@gracey dapat pilitin mong managinip na nasa beach ka para paggising mo hindi ka lang pawis,basang basa,hehe

salamat sa inyo... :)

anney said...

Ako din nagtataka bat brownout ang tawag e di naman brown ang kulay pag walang ilaw? Sana pinang paypay mo na lang ang iskrats mo para malamigan ka. ahihihi!

Hari ng sablay said...

@madz grayout. amp ampangit corny,haha

@Anney hehe magulo talaga ang mundo,hirap intindihin. ayun pagkatapos sulatan pinangpaypay,hehe

salamat sa inyo... :)

PABLONG PABLING said...

trivia parekoy kung bakit brownout and tawag.

sa u.s po kase di talaga nila tinatawag na brownout iyan, they call it blackouts. walang kuryente ibig sabihin.

ang mga puti galit sa black. . black outs po.

sa pilipinas brownout po ang tawag kase bihira lang ang blacks dito mas madami ang brown.

anong connect?

di ko din alam.

. . yaks. korni ko lols. nag brownout ata ang utak ko

Hari ng sablay said...

@Pabling Pablong totoo ba yun paps?pero dahil yun ang sinabi mo sige maniniwala ako sayo. :)

Vivian said...

Hahaha. Tawa ko naman sa post mo. Salamat sa brown out, nawala konti pagod ko.

Dhianz said...

haha... naaliw na naman akoh sa post moh... kaya naman nagiging suki na ren akoh nitong blog moh eh.... hirap nga yan minsan kapag brown-out.. kaasar... parang walang magawa sa buhay... syempre down lahat nang source moh nang life... lolz... ano bah ginagawa koh kapag brown out? wala naman tlgang magawa ehh... ahh... gawin moh kapag walah kang magawa eh makipag-chismisan ka na lang sa mga kapitbahay... lolz... akoh bah pag brown out??? ahh... ang ginagawa koh... maghintay magkaroon nang kuryente... lolz... ingatz lagi... laterz. Godbless!

Hari ng sablay said...

@Bingkay hehe salamat po,bisita ka lagi dito ttry kong laging alisin ang pagod mo... :)

@Dhianz andaming lolz nun ah,lols... chismisan?haha madami nga nian dito.minsan din pag brownout di maiiwasan gumawa ng di kanais-nais.anu yon?secret,hehe biro lang. laterz,lols

salamat sa inyo... :)

Francesca said...

ganun pala epekto ng brownout sa yo, kakaloka, hindi alam gawin, lol

pag sa corsica ka, at lagi me brownout, pinapasabog nila ang main energy (or meralco ) para ayusin na ng lahatan ang sira lol!
only in france!

Dhianz said...

oo nga noh.. ang dmeng lolz non... nyaikz... nde koh napansin eh... wehe... abahh.... gumagawa ka palah nang di kanais-nais pag brown out... eh di masaya ka palah pag brown out... aysowz... drumama ka pah... lolz... nga palah johnlloydskee-kun kah... kun cuz 'ur a guy... ingatz! salamat den sa ilang minutong kulitanz... hanggang sa muli... Godbless! -di

Anonymous said...

nag-iiba din pala pagkatao mo. nababaliw. hehe.. pero ako man un mababaliw din ako. tsk tsk.

atribidang mayora said...

ay kuya, ako ayoko tlga nyan brownout/blakout man... kz napaka init at ala kang magawa db... hahaha... pero madilim kya pwde rin namang maglaro sa dilim. ehihihihi

2ngaw said...

Hehehe :D Takteng brownout yan, ang daming pangyayaring di maganda lolzz

Hari ng sablay said...

@Francesca ha?pinapasabog po talaga?as in literally?kakatakot naman dyan.cgro ang superhero dyan sa france ay si electric man,lols ang corny

@Dhianz salamatz dinz,hehez anu ba iniisip mong sinsabi kong di kanais-nais?kayo ha,huli ka!hehe wala po,

@chikletz uu dahil marami akong mukha,dahil ako si faceman,tulad ngayon anung pinagsasabi ko nababaliw ako sa kcornihan,lols

salamat sa inyo... :)

Hari ng sablay said...

@atribidang mayora meron agad pumasok sa isip ko sa sinabi mo,hindi ko alam kung tama yung naisip ko,haha maraming naglalaro ng apoy pag brownout,tulad ko nung bata kami lagi akong nglalaro sa harap ng kandila,lols

@LordCm haha tulad ng ano?ah basta ayoko ng brownout.hehe

salamat sa inyo... :)

joycee said...

Minsan madami ka din matutuklasan pag brownout.. :)

eMPi said...

Dahil may kuryente na... ayan... nakapagpost na! lolz!


may power is equal to ka pa ha... hehehe!

Hari ng sablay said...

@joycee dahil maraming nagpapalit ng anyo pag madilim?hehe nanghuhula lang po ako, :)

@MarcoPaolo hehe gawa-gawa ko lang yun,wala lang maisip,hehe

salamat sa inyo... :)

Shunhenglou said...

hahahha.. ang dami pang pa eklat! joke! ahahha.. kamag anak ka ba ni BOB ? uy? ahahah. joke!

atribidang mayora said...

kuya, bsta ayoko ng brownout/blakout. pero madmi rin mahilig sa dilim. ibng dilim nga lng.lol. teka yun brownout/blakout mo b, parang take out/to go yan? hmmm? ano ba ang tama? hehehe

Hari ng sablay said...

@Shunhenglou haha hindi po ako bobuy,mukaha lang akong baboy,lols

@atribidang mayora haha anung dilim yun?ako ayko sa madilim dahil takot ako sa mumu,pro mnsan ako mismo nagiging mumu pag madilim,lols

salamat sa inyo... :)

Rouselle said...

Ganyan din ako pag brown out, di mapakali... :D

madz said...

gray out, hahaha.. sige, ganito nalang:

1. selected place = brown out
2. nation wide = gray out
3. world wide = black out

hahahahaha

Hari ng sablay said...

@Angel kabagot pag walang kryente dba?di maiwasang gumawa ng di kanais-nais,tulad ng magsugal ganun,lols

@madz haha may ganun pa talaga lalung gugulo mundo nito,lols

salama sa inyo... :)

Anonymous said...

ang tawag d'yan nakakabad-trip na araw. walang magawa.

Hari ng sablay said...

@crazyandcreamy kabadtrip nga lalu na pag sumasabay ang init ng panahon,lahat nalang nagiinit,hehe salamat... :)

Kablogie said...

eh anong magazine ba yun binabasa mo? baka playboy eh pahiram mo naman sa akin..lols!

Hari ng sablay said...

@Kablogie hindi ako mahilig sa playboy,playgirl yun,lols. sige papahiram ko sayo basahin mo ha,wag mong gawin pamunas,haha

Ruphael said...

Kakatawa ka naman pala bro pag BO..Para kang nilalanggam..hehe Brown-out daw ang tawag niyan kasi di naman pwede tawaging red out..lolz

Hari ng sablay said...

@Ruphael BO? ang sagwa ata nun,haha nyayyss red out hehe. salamat po inyo.. :)

theNOTcrack said...

masayang magtakutan pag brownout

Hari ng sablay said...

@ELECTROPUNK naku yoko ng gnyan takot ako sa mumu,lols

Post a Comment