Saturday, May 2, 2009

Eroplano

Last year...

Marami akong naririnig tungkol sa'yo. Natutupad mo na daw mga pangarap mo. 'Di malayo mangyari 'yun. Naalala ko pa nga nung minsang nagawi ka dito sa amin. Sinisilipan ko ang puwit mo, dahil sa bakat na bakat mong panty. Pero 'di mo ko nakita nun, dahil nagtatago ako sa'yo. Nahihiya. Hindi kayang iharap ang mukha.

Noong nakaraang pitong buwan (October 2008). Wala akong magawa, nagfrifriendster lang. Naisipan kong isearch ang iyong pangalan. Napangiti ako. Nakita ko ang iyong account. Dali-dali kitang inadd. Nagulat ako ambilis din ng pagkaka-accept. Isa lang ibig sabihin nito. Tutok ka din sa iyong monitor.

Minessage kita. Nangamusta. Nagta-type akong parang gagong may ngiti sa mukha, nanginginig-nginig pa. Nagreply ka... "Hari ng sablay who are you? I'm sorry i'm not good in names, please help me to remember you." Matagal ang titig ko sa monitor. 'Di makakurap. Umaasang magbabago bigla ang iyong mensahe. Pambihira naman buhay 'to. Ambilis mo makalimot. Hindi mo 'ko nakilala sa pinagmamalaki kong primary photo. Nawalan ako ng gana. Hinayaan na lang kita. Maglolog-out na sana ako, pero may mensahe pa pala. Binuksan ko. Ikaw na naman... "Hari ng sablay ikaw ba yung chorva na taga chorva, anak ni chorva, pamangkin ni chorva?" Nagreply akong nanlalambot, "Oo ako nga." Nagmessage ka ulit..."Hahaha Kumusta ka na? Langya ka. Ano na balita sa'yo? Heto ym ko chat tayo ngayon dali. chorva@yahoo.com..." Bumalik ang aking ngiti.

Kumustahan. Kwento dito. Kwento doon. 'Dun ko nalaman bigatin ka na pala. Isa ka ng pina-sosing katulong sabi mo nga. International flight attendant. Humigit-kumulang walongpung libong piso kada lipad ang kapalit. Wow. Hindi na talaga kita maabot, kahit gumamit pa ko ng tungkod. At sinabi mo ding nalalagi kana sa Tita mong nasa US. Madalang na lang umuwi dito sa pinas.

Sinabi mo din may kasintahan ka, matagal na kayo at ngayon ay medyo nakakalabuan. Binigyan kita ng mga advice kuno, at sinabing... "magkakabalikan din kayo nun, konting tampuhan lang yan." Pero sa likod ng mga binitawang kong salita, ay ang puso kong naghihintay pa rin sa'yo hangga ngayon. Natapos ang ating kwentuhan sa pagpapalitan ng numero sa telepono.


Ngayon...

Lagi akong nagte-text sa'yo pag nababalitaan kong nandito ka sa pinas. Wala akong natatanggap ni isang reply. Para akong tangang sinusurprise at inaaliw ang sarili pag may natatanggap na mensahe. Lagi kong tambayan ang friendster account mo, gusto ko kasing makita anu na iyong mga napuntahan. At kung ano itsura mo sa iba't ibang anggulo. Makita ko lang ang mukha mo, wala na kong hihingin pa sa maghapon. Sabi nga ng shoutout mo, "i love the new me". No doubt. Kitang-kita naman sa iyong mga mata.

Pero nung minsang tatambay ako, nahilo ako sa kakahanap ng iyong account. Hindi kita nakita. Burado na pala. At sa tuwing maglolog-in ako sa ym, sasalubong sa kin ang iyong paglog-out.

Nagiging makulit ba ko sa'yo? O sadyang filingero lang talaga ako, kaya naiisip ang ganito. Iniisip mo siguro, pinaplano kong ibalik ang dating tayo. Nagkakamali ka. Maligaya ka na sa buhay mo, kasama ang half-pinoy half-unggo... i min half-canadian na boypren mo. Masaya ako para sa'yo.


Kasalukuyan...

Nasa pinas ka, noong nakaraang linggo pa. Ikasasal bukas ang kapatid mo. Bridesmaid ka daw, nasa invitation nabasa ko. Nakita ka na rin ng aking pinsan at pinakukumusta mo daw ako. Aaminin ko nagdulot ng konting ngiti yun sa aking pisngi.

May posibilidad na mapadpad ka dito sa amin, hindi para saken, kundi para bisitahin ang Tita at mama ko. Kaya ngayon, nakiusap muna ako sa paborito kong short na wag muna gamitin, salawal ko na minsang mapagkamalang basahan ng mama ko. Araw-araw akong bihis ngayon na parang gagong magsisimba ang walangya. Parang gagong may hawak-hawak na suklay bibili lang ng bawang sa may tindahan. Parang gagong nagpapanic pag may kumakatok sa pintuan. Parang gagong nangingisay pag naririnig ang iyong pangalan.


Parang gagong umaasa pa rin sa'yo hangga ngayon.

57 Sumablay:

Trixie M. said...

hahahaha ang drama mo.. di ko maintindihan kung drama ba to o comedy.. totoo ba to?. o joke?. pero touch ako.. nga pala walang taho sa blog ko. che!. LOL :)

Hari ng sablay said...

@trixie M. haha totoo po yan galing sa puso ko,ahihi san po kaya makakabili ng taho,hehe

Meryl (proud pinay) said...

hi salamat sa bisita... galing mo naman..sino si Chorva? hehehe. happy weekend sayo...

Hari ng sablay said...

@meryl c chorva po ung born with blonde,hehe salamat din sayo...

PABLONG PABLING said...

nag dadrama ang hari ng sablay.... panay drama ang mga last post. tara inuman.

Anonymous said...

ganda naman nito.. hehe. di ko kinaya ah.

Anonymous said...

palompalo hehe :] hayst, may naalala na naman tuloy ako :P

Rhodey said...

haaaaayyyyy naku, di bale filingero ka naman, makakahanap ka rin nang iba... di nga nitong nakaraan lang meron kang ina ano? aheheks...

Ano ba to perst lab never dais?.....

naiyak naman ako, na natatawa, .... ay ewan...

aheheks....

cya, cya, itagay yan.... kampay...

2ngaw said...

Hehehe :D Inlab ka nga parekoy...kasi sabi mo wala ka nang balak ibalik ang dating kayo dahil masaya na sya sa half half nya :D , pero eto ka na umaasa hanggang ngayon...

Payo ko brod, kung ano ang pagkakakilala nya sayo ayun ang ipakita mo...

Algene said...

wow naman.. natamaan. good luck sa lablayp mo. :D

Hari ng Sablay said...

@Pablong Pabling do ko nga maintndihan bat ganito mga napopost ko lately,nahihiya nga ako eh,hehe

@chikletz mas magnda sana kung may hapi ending...

@netaholic21 senya na ha,may naalala kapa tuloy dahil sakin... :)

Hari ng Sablay said...

@Rhodey anung inaano?haha tama nga ata ung sbi mo, 1st lab never dies...

@Lord CM salamat sa payo Lord,kung ako lang masusunod ayaw ko na tlaga umaasa,pero ngtatalo ang aking puso at isipan,naks!

@algene salamat gudluck din sayo,hehe

Anonymous said...

aray ko naman..

yoko ng ganyan, nadadala ko. tsk.

in fairness sikat si chorva sa post mo. haha

happy ending pa naman iniintay ko. waaahh!!

EyMi said...

baka kayo ni chorva ang magkatuluyan. haha!

eMPi said...

agree ako kay eymi... baka kayo nga ni chorva ang magkatuluyan... malay natin maiba ang ikot ng kapalaran niyong dalawa... oh di ba? e di chorva na yan! hahaha! natawa ako parekoy... ingat ingat!

soberfruitcake said...

at least pnpkmusta ka nya sa pinsan mo diba?ibig sabhin non naalala kpa nya.hehe
kelan kaya ang happy ending?
excited na ako.yahoooo!!!hehehe

soberfruitcake said...

last hirit.nanghiram ba ulet xa ng gown?hehehe.

marxlin said...

wow.di ko kinaya blog post mo.haha andaming chorva. xa nga po pala, ilan pong ice drop gusto mo?haha

Hermogenes said...

bro mahirap maghabol! hayaan mong sila ang maghabol sa mga poging tulad natin!!! (fighting spirit tawag dyan bro)

hahaha, wag masyadong in love pare, nakaka-pimples yan...

EǝʞsuǝJ said...

move on na lang pre...tutal ehh masaya naman na sya sa kung sino sya ngayun, at sa kanyang half half...pahamak lang yang lab lab na yan..nakakapimpols..hehe..

Anonymous said...

ngayon ko lng to nabasa, grabe! kung mayaman lang ako pinablish ko n lahat ng gawa mo. ang ganda! hahaha... nakakaiyak!

Hari ng sablay said...

@choknat ako din hapi ending ang hintay ko,hehe

@EyMi cnu kayang chorva un,hehe

@MarcoPaolo chochorvahin ko talaga un,haha slamat...ingat din...

Hari ng sablay said...

@soberfruitcake xcted na rin ako,hehe pero malabo mangyari un...gown?hndi na po marami na syang pambili ng gnun...

@marxlin hehe dalawa pong icedrop tig isa tayo...

@tonio haha sige sige, simula ngayon magsusuplado nako...

hari ng sablay said...

@Jenskee im hapi 4 her anu man meron siya ngayon, wlang ibang choice kundi moveon na nga lang...

@kox naku sobra ka man, hndi naman po lahat...hehe pro napangiti mo ko.

Salamat po sa inyong lahat... :)

bAby amPon said...

puPpet.kaiyak.naMan.
//_-

Dhianz said...

bago sa page moh... nakarating ditoh galing sa pahina ni Kuya [lord] CM... naaliw naman akoh sa pagbabasa nang entry moh... hayz... okz lang yan.. natural lang na maramdaman moh yan kc minsan bang naging bahagi sya nang buhay moh? hayz... pero in fairness naaliw tlgah akoh sa pagbabasa... lalo na 'ung huling part na laging bihis na bihis kah at natutuliro kung may kakatok sa pinto nyoh.. at least parang boy scout ka lang... always ready...teka battery na lang...eveready... teka ganyan bah 'ung spellin' nung battery na 'un... lolz... eniweiz... darating den 'ung da one moh... kung sino man 'un... aabangan namen ang story moh... sana nasa mundong blogsphere pa kme... lolz... ingatz lagi... Godbless! -di

Hari ng sablay said...

@baby ampon sori nasira ko ata araw mo,snsya na po.. :)

@Dhianz hehe salamat, battery?dko dn alam speling eh,hehe uu naman dito pa kayo sa mundong ito pg nkita ko un at ibabalita sa inyo...

salamat po..

twinks said...

di ko alam kung matutuwa ako sa tawa o luluha sa iyak..hahahaha.. ano daw?! naka emo mode ka ba ngayon? o talagang emo ka lang ipinanganak.

c chorva talaga oo....hehehe..

Dhianz said...

haha.. nde... naman spelling nang battery 'ung tinatanong koh... 'ung eveready... tinanong koh na si google... tama palah akoh... 'la lang... wehe... ewan koh bah at nalitoh akoh... at ewan koh bah ba't care akoh sa spellin'... lolz.. dumaan lang muli... ingatz lagi hari nang sablay =) Godbless! -di

saul krisna said...

chorva? sino yun? ang kilala ko lang ay si "aketch" hahahaha nakakahawa yung word na chorva... anyway ako'y napadpad sa munti mong tahanan at nang imulat ko ang 2 namamagang mata sa artikulo mo.... ako'y napanganga.... putek!!!! sounds family este familiar pala yung nararamdaman mo.... haaaayyyyy if comedy man ito... nakakatawa ito... and if drama.... honestly naramdaman ko yung emotions.... hahahaha teka parang ang haba na ng commento ko mi amigo.... parang post na ito ahhh..... ingat bro

Jhanz said...

Hwaw. :) Haha. Good luck sa love life! ^^
Blog hopipiping lang.

Hari ng sablay said...

@twinks mdalang po ako mag emo,hehe ntyempuhan mo lng ngayon,hehe salamat...

@Dhianz ah un ba un..eveready?haha salamat ingat din..

@saulkrisna cno po c aketch?pnghalong comedy po ito tsaka drama,haha ewan ko ba nabaliw na ata ako,lols

@Beaux gudluck dn sa blog hopiping mo,hehe slamat po...

poging (ilo)CANO said...

hahaha...nakakatawa na romantic ang dating....

kalimutan mo na siya dre! ibaling mo na lang ang iyong attention mo sa iba...pero kung mahal mo pa rin siya...wag mong hintayin na lumapag ang eroplano, mas maganda kung sabayan mo ang kanyang lipad wag ka lang babagsak...lolz..

EyMi said...

ok lang yan, mahal ka ni chorva. i'm sure of that.
chorvahin mo na para maging chorva ang ending =)

Anonymous said...

okay lang yun kuya, that's part of growing up. pwahahaha! kaso grown up ka na, ehehe lol joke!!!!!!!!!! wahahah

Macky said...

grabe hindi koh kinaya yun antman, para nangyari skin yun.hehehehe

Hari ng sablay said...

@poging(ilo)cano masaya na siya sa buhay nia,msya ako pra sakanya,gnun tlga tayo laging sablay,hehe

@EyMi cno pong chorva un,hehe

@netaholic21 oo nga ate,prang ngbibinata ako nito,ahihi

@macky haha grabe ba,kayanin mo pongster,haha

miss Gee said...

pang MMK...padala mo na yan ky ate charo..haha
ok lang yan makakahanap ka din ng bagong chorva..
:)

Hermogenes said...

da king anong meron dito? baket daming tao? may pakain ka rin ba dito? ahahaha... iba ka talaga magsulat, masyadong matamis kaya nilalanggam!!! pakanDot nga pre!

Anonymous said...

wahahaha, ang kulit naman ng post na to.. infairness, uber touched ako.. inlove kapa rin ba sa kanya gang ngaun? and still umaasa? la lang, natanung lang.. uhm, tinamaan ba ni kupido? hehe..

iba pala mainlove ang hari ng sablay.. hehehe.. anyway, i'll cheep u up.. tara, inuman na.. though hindi ako tanggera.. dadaanin ko nlng sa pulutan.. lols.. :)

Deth said...

psssstttt lloydie, bat nagkakagulo dito?...anaknang dameng fans, ahahahaha!
anchurva churva naman ng lablayp, parang iba iba atang laplayb ang winuwento mo dito, andameng chix...ahahaha

Hari ng sablay said...

@miss guided yaw tnggapin sa mmk,sbi ko kc ako gaganap sa buhay ko,haha

@tonio ndaan lang sa bkground music,hehe

@aisa:) go,drink na drink nko,hehe slamat... wala na yun,mtgal ko na siyang inalis sa puso ko,naks.

@DETH chx?la nga eh,gnito tlga pag sablay,saka dpako ready career muna,haha may gnun pa eh noh

salamat sa lahat...

RED said...

nanibago lang ako. ikaw yata ang emo ngayon ah...
chorvahin na natin yang chorva na yan.

Hari ng sablay said...

@stupidient hnd naman po,ngpapansin lang,hehe

J.D. Lim said...

grabe, nakakarelate ako dito.. :)

kelan lang nagtext siya. gaya ng dating gawi, pag nasaktan siya o nagaway sila ng bf niya ako agad tintakbuhan. ako naman si tanga dindamayan agad. :D kahit na alam ko mamaya, babalik din siya sa kanya.

saklap, haha.. :D by the way, ganda ng post na ito, pang-MMK, haha.. :D

Hari ng sablay said...

@J.D. Lim lam mo ok lang yang gnagawa mo, drating ung araw maapreciate niya lahat yan at hahanap hanapin ang gnyan.

hehe nagadvice.

dai said...

King, nakikihirit lang po... galing mong magsulat. parand di lalake. hehehe. nainspire tuloy akong magsulat ulit in tagalog. keep posting!

mrpatok said...

ang gulo nang lab lyf mo ah...ilan ba talaga yang mga yan ha? napakadami mu naman gurls...chick boy ka talaga poppy...

Hari ng sablay said...

@dai lalaki po ako,hehe naku marami po mgaling mgsulat kesa saken,wel anyway maraming salamat. kip on writing...

@mrpatok haha wala po sa vocbulary ko ang chickboy,alam ko kung cno tlga chkboy,haha shot tane paps...

p0kw4ng said...

awww alam ko ang feeling na yan...para lang nong teenager pa ako na hindi pa kulot ang bulbol pag nakikita ang crush,hihihi

goodluck..

Hari ng sablay said...

@pokw4ng hehe ung mga tipong ptweetums eh no. salamat..

Bart Tolina said...

hintayin mo lang ang pagkakataon na maipasok mo ang CST o sa mahabang salita, Crying Shoulder Theory.

Hari ng sablay said...

@BartTolina gnun ba yun cge salamat pre. teka san na ung libreng pagkaing cnasabi mo?

Bart Tolina said...

pina pa door-to-door ko na. Xensya na kung hopia lang pinadala ko. hehe. cge pare, nice writing style bro. keep it up

RJ said...

May 2 isinulat ang entry na ito. May 10 na ngayon. Ano na ang balita, Chorva?

Hari ng sablay said...

@Bart Tolina cge hintayin ko sa gate namin ung hopia,hehe salamat pre...

@RJ balita?hhmmmm...la pa po eh,hehe pro update ko kayo soon...salamat...

OHMYGUMS said...

feel na feel ko ang damdamin mo dito... sarap basahin :D

Post a Comment