Monday, May 11, 2009

Modus Operandi

Dahil mother's day kahapon nagsimba ako. Occasionally lang kasi ako nagsisimba, biro lang yun siyempre. Madami tao. Pinoy nga naman relihiyoso.

May the good Lord bless... Amen.

Diretso agad sa mall kasama ang isang kaibigan (kaibigan daw oh). Madami din tao. Hindi ako sanay sa maraming tao (hindi lang dahil pinagkakaguluhan ako) dahil nahihilo talaga ako. Hindi naman ako tingin ng tingin sa mga bebot (owwwssss?), ewan ko bakit parang nahihilo ako pag ganun.

CR lang ako, sabi niya.
Ok upo muna ako 'dun, sabi ko. Sabay turo sa upuan.

Sa isang upuan kasya ang tatlong tao o apat pa nga kaso kalahati na lang ng puwit ang maiiupo ng pang-apat. Sakto umalis ang magsyotang nagsusubuan. Naiwan ang isang matandang babaeng nasa 40 ang edad. Kasamang nakaupo ang kanyang bag at mga shinopping.

Pwedi pong tumabi? Sabay ngiti.
Tango lang ang sinagot.
Umupo ako. Nilabas ang cellphone.

Panay ang pasimpleng tingin ng aking katabi. Iniisip ko na lang nacucute-tan siguro ito sa akin. Pero parang hindi, dahil napapansin ko din ang panay usog niya sa kanyang mga pinamili papalayo sakin. At ang napakahigpit na kapit sa bag. Ang nakakatuwa pa nito, napatingin ako sa kanya at seryoso ang pagtitig sakin. Nangungusap ang itsura na parang gusto ako palayasin sa kanyang tabi. Di siya nakatiis at siya ang lumayas.
 

Pagnilay-nilayan...
Hindi ko masisisi ang matandang babae kung iniisip niyang may masama akong balak. Alam kong nag-iingat lang siya. Sino ba naman ang hindi matatakot sa itsura kong parang ermitanyong mahabang buhok at balbas. Magkaganun man, hindi ba niya napapansin ang bagong repair at kumukutitap ko pang halo sa bumbunan. Ang gusto ko lang sabihin, bakit ganun na lamang ang tingin niya sa akin.

Hindi ko rin siguro masisisi ang aking sarili na sumakit ng onti ang aking loob. Ganito na ba talaga kung humusga ang tao? Susukatin ka base sa 'yong panlabas na anyo. Kung sabagay kahit sampung beses kapa magsimba sa isang araw hindi naman makikita sa itsura mo yun.

50 Sumablay:

RED said...

ako mismo ay hindi nagsisimba.hehe pero ganun talaga manghusga karamihan ang mga tao. ako nga napgkakamalan nilang tao.

Deth said...

ayan kase, maliligo kase bago magsimba...nyahahaha
baka naman may trauma lang si nanay sa mga ka-itsura mo, pagpasensyahan mo na...

Hari ng sablay said...

@stupidient haha isa nako sa mga npgkamalan kang tao...

@DETH haha hndi kasi nkpagsuklay eh,ok lng un naintndhan ko naman siya,hehe

Ang buhay ay parang sine said...

Hindi ako relihiyosong tao pero I must admit that I'm spiritual. Of course, naniniwala ako kay Bro. :).

Pero badtrip aman yung matandang yun, por que ba mukhang bad boy ka (peace! i'm into bad boys hehehe) ay tingin niya holdaper ka or somewhat na magnanakaw?

mga tao talaga oh. puro husga.

© Gello - kun` said...

ako madalas din pagkamalang mabait at matino.

pero ang hindi nila alam ay kumakain ako ng katabi ko lalo na't bata na walang kasamang magulang. hehe

hm, yaan mo na yan. ganan lang talaga ang mga tao sa panahon ngayon. pero hindi naman lahat. *ahem*

Hari ng sablay said...

@angbuhayayparangsine hehe ok lng mukha lang nman eh,ewan ko ba dun pro naintndihan ko naman siya,ngiingat lang naman,hehe

@gello anung lasa nun pre?hehe masubukan ngan kumain ng bata...ok lng un,gnun tlga hayy...

Anonymous said...

eh kase naman iba na kasi talaga ang panahon ngayon. maraming mga taong mala-anghel ang mga hitsura pero ano ka... ang mga pinaggagawa naman sa buhay diba?
tama lang siguro na mag-ingat si nanay pero siguro mas okay na hindi na algn niya pinahalata na masama ang iniisip nya about you kasi pano nga kung ganun lang ulit mangyari tapos patulan sya diba?
wala na yatang sense na naman ung sinasabi ko.
hehehe
napadaan lang naman..

YanaH

Hari ng sablay said...

@yanah hahaha may sense nman po,natawa ako sayo...ok lang yun naintindihan ko naman siya,sana nga lang sumimple nalng siya ng pagexit at lumayas sa tabi ko,hehe

A-Z-3-L said...

ganon talaga ngayon.. sa dami ng "bad boys/girls" sa daan dapat kahit gaano kagwapo/kagwapa o kamukhang sanggano ang katabi mo, dapat mag-ingat!

hindi masama ang mag-ingat...

at sa side mo naman, intindihin mo na lang.. ikaw ang mas nakababata (sana!) kaya dapat igalang ng matatanda... wag ng sumama ang loob. basta mahalaga kung ano at sino ka talaga!!!

Joel said...

eh baka naman nagseselos si lola sa chikas na kasama mo na pumunta ng cr? hindi talaga maiiwasan sa mga pinoy ang magjudge agad..

basta alam mong matino ka, ayos na yun! kahit na pandirihan ka pa ng mga taong grasa at iwasan ka sa takot ng mga holdapper at killer, wala ng pakelaman dun..

Hari ng sablay said...

@A-Z-E-L ok lang po un sakin,naintndihan ko naman,marami na nga kasi tlgang mga demonyong napadpad dito sa lupa kaya pati ako npgkakamalang isa sakanila,haha

Hari ng sablay said...

@kheed selos?cgro nga,hehe kakagaling ko pa nman magsimba,mamasa-masa pa ang aking ntnggap na bendisyon,hehe

Rhodey said...

dami talagang mapanghusga... sarap nilang pagbuhul buhulin tapos ihagis sa mga buwaya sa mga zoo hehehehe...

simulan natin kay lola? eheheks... (joke)...

haaaaayyyyy...

Hari ng sablay said...

@Rhodey ec lang muna pag hndi matanda patulan na,haha

EyMi said...

let's face it, we filipinos have a tendency to stereotype people. kanya-kanya yan eh.

pero ako, ako mismo mahilig ako sa semi-kalbo na may goatee na mukhang gang rapist. =)) haaayyy...

batang narS said...

hahaha.wag damdamin..hahahaha!

Hari ng sablay said...

@EyMi haha astig ang dating eh noh, ako naman ayoko ng kalbo dahil pangit sa babae ang kalbo,nyayysss...

@batang nars eh nakakapikon eh,hahaha

Hermogenes said...

kung ako lang gusto yang istilo mo, long hair na may goaty (bad boy look), baka paluin lang kasi ako ni kumander di raw bagay saken ang long hair, kaya pakalbo ko ngayon, yaikz! ayaw din ako tubuan ng maraming balbas, balbas ko mga pitong piraso lang ata...lolz..

Kosa said...

talagang ganun yun!
hindi nasusukat sa itsurA ng isang tao ang nilalaman ng knyang kalooban..

Anonymous said...

minsan na rin akong napagkamalan na magnanakaw.
pero ndi ko sineryoso ung mga ginawa nya.
ang ginawa ko na lang, pinagtripan ko.
hanggang sa umalis.
LOL.

:)

J.D. Lim said...

At least 'head-turner' ka po, un nga lang in a different way. :D

madz said...

ako naman, madalas mapagkamalang sales lady kapag namamasyal ako sa mall na naka-uniform, he he he..

pero, wag ng sumama ang loob mo, nagiingat lang ung babae. ang sumama ang loob mo, sa mga kapwa natin pinoy na gumagawa ng masama, kung kaya pati ikaw na wala namang intensyong magnakaw o manakit, nadadamay.

Anonymous said...

iisa lang ang pagkakamali mo dun eh.

mag-ibang anyo.

Hari ng sablay said...

@tonio haha anu un kumpol kumpol ba i hiwahiwalay?gusto ko dn pkalbo kaso hndi bagay malaki tenga ko,haha

@Kosa ganun nga siguro,mdami lang tlgang mabilis manghusga ng kapwa

@katchupoy nabuwsit ba?napalayas mo din,hehe

mulong said...

hindi naman kaya may naamoy lang sa iyo? nag deodorant ka ba? hehehe joke lang!

talagang ganyan minsan pare...ok lang yun minsan lang naman eh!

Hari ng sablay said...

@J.D.Lim head turner?uu nga,naku naki uu nga,haha ayoko mpansin sa ganung paraan

@madz hindi naman mskit loob ko,sumama lng po ng onti,onti lng nman,hehe ewan ko ba sa mga demonyong ito pati tuloy ako npgkakamalan

@chikletz onga noh?tsk sayang...hndi ko agad naisip si papa johnlloyd

Hari ng sablay said...

@mulong haha teka hindi ko naisip ung gnun ah.posible nga...sana nga mnsan lng at wag na maulit,hehe magsusuklay nko nxt time at mgdedeodornt

Pamelaa said...

yes naman. napaka madrama mo. tsk. pero astig ka ah. kala ko may gusto sayo. yun pala magnanakaw tingin sayo. wtf. haha.

rich said...

aww... you're kinda right when you said that you can't blame the woman for looking at you as if you're about to rob her or what... it's not that you look like ermitanyo like how you put it... XD it's just that you can't easily trust people around you...

I think she's just being careful... ^^

Hari ng sablay said...

@Pamela haha hndi po ako astig,astig astigan lang.filingero.

@rich naku inglis to panu ko kaya reresbakan?
uhhmmmm...you kno...uhhmmm...u hav a decimal point,and i understnd d tanders.lols

may point po kayo at naiintndihan ko nman ung mtanda nagiingat lang siya,marami na kasi tlgang mga demonyo dito sa lupa,haayy buhay...

Honie Kwon said...

yay. ahehe.. yaan mo nmn na ung mtanda.. :) cguro natrauma or nagkaphobia lng yun kaya naging sigurista.=) ang mahalaga sayo wala kang masamang balak sa kanya..

hindi natin masisisi kung bakit mga pinoy ngayon eh judgmental na.. panu ba nmn kse. ung mga taong pinagkakatiwalaan.. minsan sila pa ung tumutuklaw..=) aeh.. pero hndi nmn lahat yun di ba.=)

kya if they judge you based on your looks, aba ksalanan nila yun ;) hnde nila nakilala totoong ikaw.. apir.)

eMPi said...

hmmm... akala siguro ng babae parekoy ehem ka... alam mo na... judgmental ang ibang tao.

PoPoY said...

bossing. dapat kasi hindi cellphone ang nilabas mo. naglabas ka sana ng rosaryo. tignan natin kung paghinalaan ka pa nun. lol.

mommy ek said...

hahahaha!!!! di mo nman kase maiiwasan pano saten ang dami ng ngkalat na goons e. di mo na madifferentiate kung sino ang mabait sa hindi. minsan nga yung pogi,sya pla ang holdaper! diba? maporma na din mga mandurukot ngyon e!

jeLai said...

ba't ba kasi ala robin padilla kang nagsimba, hehe..
ayan kasi.. ayan tuloy.. hahaha!

pero buti ka pa nga nagsisimba eh..

Hari ng sablay said...

@honie-gelene hehe apir!salamat...alam ko namang ngiingat siya,saka wala na yun hayaan nalang siya.ngakaphobia nga siguro mtanda.

@MarcoPaolo akala nga siguro,mraming nmamatay sa maling akala,hehe

@PoPoy hahaha baka mpagkamalan naman akong kulto nun,lols

Hari ng sablay said...

@mommy ek onga tama,ibat iba na itsura ng mga holdaper ngayon,ang msaklap lang pangit na nga ako npagkakamalan pa kong masama,hehe

@jeLai hehe robin?totoy bato,relihiyoso naman tayo kahit papaano,syempre manlilimos lang,hehe

N i k k A ♥ said...

hmm malay mo nagiingat lang ung matanda. baka kc isa ka sa mga iniicp nyang snatcher pro hindi naman db? hmm pagpasensyahan mo nalang yun malay mo na biktima na sya dati kya ganun na lang ang pagiingat nya. d nya nga lang alam na nakakasakit na sya


;)

Hari ng sablay said...

@NikkA ok lang po yun sa akin naintndihan ko naman ung mtanda,hindi ko naman talaga siya masisisi,kung hndi lng mtnda un pinatulan ko na,lols.biro lang...

♕ reyna said...

waaaaah!....

Hari ng sablay said...

@-reyane- faaaangg? liiiiissss? tuuuusssiiii?

Kablogie said...

Un nga lang ang problema minsan sa tao, mapang husga sa panlabas na kaanyuan...Meron nga jan maayos, malinis sa katawan at maamong mukha pero sila pala ang numero unong kawatan! Bro, basta malinis ang kunsensya mo wala ka dapat ikatakot...

Lollii-Pii said...

hahahhaha. nice story. That was amusing..lol. I can't stop laughing until now. Well, may mga tao talagang mukha ang ginagawang basehan sa lahat ng bagay. tsk.tsk. ang tawag sa kanila, bulag!!! hindi nila alam kung ano ang dapat at ano ang hindi. kung sino ang mapagkakatiwalaan at kung sino ang hindi.. lol.

Hari ng sablay said...

@Kablogie uu naman malinis ang konsensya nung mga panahong yun dhil kagagaling ko lang dalawin si bro,hehe dami na tlgang gnyang mga tao judgemental.

@Lollii-Pii tama.sa kanila kung madumi itsura mo mdumi din kalooban mo.buti nalang akoy hindi bulag.hehe

Mac Callister said...

ako naman ten years na ata di nagsisimba napag pasyahan ko lang na ayoko na sumunod sa rules ng simbahan haha i will practice my faith in HIM nalang through my own and not do bad things hehe

teka,baka nga na phobia na si ale sa mga long hair haha,intindihin mo nalang

Hari ng sablay said...

@Mac Callister nirerespeto ko po ang inyong paniniwala,knya-knyang pananampalataya yan..siguro nga may phobia si ale kya d siya pweding mgkaanak ng babaeng mhaba buhok,lols

gillboard said...

kapag ako nakatabi sa mga ganung tao.. nilalabas ko ang celphone ko, tatawag sa kaibigan at makikipagdiskusyunan sa ingles with matching american twang pag nagsalita...

mukha nila!!!

Anonymous said...

ehehe, pag ako nakatabi ng long hair ma e elibs ako, rock and roll di ba? pwahahaha :]

ganyan talaga kuya, judgmental na masyado mga tao ngayon tsk!

Dhianz said...

baka nagkataon lang na kahawig moh 'ung dating nagnakaw nang gamit nya or somethin'... posible devah... well okz lang naman ang masaktan... may emosyon tayoh... pero don't take it seriously... sometimes ganon tlgah ang tao... human nature lng tlgah... mag-emote kah for few seconds... then let it go... move on... oh devah... wehe... teka... baka kaw balak nakawan... nde lang naka-timing si lola... baka trip nya cell fone moh... na-bad trip na kc alam nyang walah syang chance makuha and cell kaya ayon... umalis na syah... lolz... smile lang... =) ingatz. Godbless! -di

Hari ng sablay said...

@gillboard haha ayos un ah para nga nman isipin nila chuchal ka...

@netaholic21 rakenrol,hehe uu nga ate ambilis humusga ng isang tao.

@Dhianz haha si lola pala ang may modus operandi eh noh. ok lang po un sa akin,naintndihan ko. godbless! :)

Post a Comment