Friday, May 1, 2009

Born with blonde

Noon...

Matalik na magkaibigan ang pareho nating Tita. Grade school pa lang, magkakilala na tayong dalawa. Kababata kung ituring. Dati pa naman maganda kana. Hindi kita masyadong type. Naks! Hahaha. Kapal. Masyado ka kasing maganda para sa akin saka wala pa kong malisya nun. 'Yun naman pala. Pero crush kita onti lang. Tinutukso-tukso tayo sa isa't isa. Nananahimik lang ako. Nanghihiram kapa nga nun ng mga gown gown sa mama ko, para sa mga pageant chorva na iyong sinasalihan. Nanumbat. Hahaha.

Medyo matagal kitang hindi nakita nun. Nauso ang cellfone. Tinext mo ko hindi ka nagpakilala kung sino ka talaga. Dinescribe mo sarili mo na chinita, matangkad, maputi. Pinatulan kita. Naging mag-textmate tayo. Araw-araw. Gabi-gabi. Kinikilig-kilig. Hindi pa tayo nagkikita naging tayo na, lingid sa kaalaman kong ikaw pala yan. Lumipas ang ilang araw namatay lolo ko. Sa burol binulungan ako ng aking tita, ikaw pala ang kasintahan ko sa cellphone. Isang linggo kitang hindi nirereplayan. Ilan pang mga text at di na rin kita natiis. Humingi ka ng tawad at sinabing magsimula tayo ulit. Naks. This time sinabi mong seryosohan na. 17 yirs old ako, 16 kapa lang may nalalaman ka ng seryosohan chorva.

Nagkita tayo. Nahihiya akong lapitan ka. Mahiyain ako, kabaliktaran mong malakas ang loob. Tinititigan kita. This time may malisya na. Hehehe onti lang. Walang nagbago sa'yo. Nandun pa rin ang inborn-blonde sa buhok mo.

Naging normal na ang lahat. Tuwing nakakapuslit ako ng gabi dito sa bahay, diretso ako mall para sunduin ka sa pinagtatrabuhan mong fastfood chain. Lalu mo kong napapabilib pag nagkukwentuhan tayo, lalu na sa iyong kasipagan. Napagsasabay mo ang pag-aaral sa pagtatrabaho. Baliktad talaga tayo, masipag at madiskarte ka, tamad ako. Kaya kahit puro kalyo ang kamay mo, mahigpit kong hawak-hawak.


Hindi nagtagal ang ating love story. Sa 'di malamang kadahilanan, bigla tayong nagkalabuan. Nagkahiwalay tayo.


Ngayon...


24 Sumablay:

mommy ek said...

ha? bakita bitin yata...natuwa pa nman ako sa story mo,may konting parts na naka-relate ako!!! hahahaha!

Hari ng sablay said...

@mommy ek dko na muna po tinuloy masyado mahaba mommy, tsaka baka po bglang magbago ang istorya ko pagdating ng sabado,hehe

san po kau nkarelate dun?hehe

Anonymous said...

naman.. ituloy na yan..

PABLONG PABLING said...

lungkot na labstory naman niyan.

ganda noon
yung storya pwedeng pang tv.

pero hindi mala fairytale ang ending. . .

:)
hek hek

Rhodey said...

ay... ay... bitin....

masakit to sa ano... aheheks...

ituloy na yan...

akala ko naman matutuloy na si "ay du, ay du" aheheks.... ano ba!...

Anonymous said...

ay.. bitin? gusto q pa.... :)) hahaha w/ matching bg music pa habang nag babasa.

soberfruitcake said...

Ay...BITIN!!.ituloy mo na!!!
nman eh..
pwede knang magsend ng story sa mmk.hehe
continue na parekoi..

© Gello - kun` said...

bwiset! ung part ng "noon" pa lang, katulad na talaga ng sakin. . ano ba yan..

pare pareho lang ba talaga ang kapalaran ng mga CoE? haha!

eMPi said...

tapos? ngayon.... ? ituloy na... ganda ng kwento e... :)

Algene said...

bakit bitin? nice love story. you're a good writer. :)

EyMi said...

chorva chorva. bitin naman. =))

bomzz said...

noon


ngayon



eh ang bukas?..... sige tuloy mo ang bukas,.... bukas...heheheh

2ngaw said...

Ganun? Putek!!!Sayang brod, balikan mo kung mahal mo, maganda kasing pundasyon ung naging magkababata kayo...at least kilala nyo ang isa't isa bago pa naging kayo...

Hari ng sablay said...

nahihiya ako ituloy eh, ahihi...

Mrpatok said...

ka drama na pala ning life mo ne pops...pang pwedi ka makyabe keng star circle quest batch 99, o kaya keng sampaguita pictures...

hari ng sablay said...

@Mrpatok haha star circle kdyan.sampguita pictures?hndi ko na naabutan ata un ah,hehe

JAJA NOBLE said...

hmmm..my nababalot pang misteryo..gs2 ko 2..hehehehe..

Anonymous said...

huhuhu, nakakainis! andami daming nasasayang! tae, nagpapakasawi na naman ako. amf, kuya kasi eh hehe

Hari ng sablay said...

@JaJa noble abangan ang susunod na kabanata,hehe

@netaholic21 hehe anu po un?sori po... nakakatuwa ka naman,hehe :)

Macky said...

bitin n bitin yun ah

Joel said...

medyo bitin nga

sobrang nakakarelate ako, halos lahat naman yata tayo naramdaman yang pinagdadaanan mo, masarap sa pakiramdam minsan perp parang mas madalas na masakit, nakakabaliw!

Hari ng sablay said...

@macky eh kung ikaw kaya ibitin ko?hahaha shot na mr.pongster.

@kheed nbabaliw na nga ata ako eh,hehe preho ba tayo ng kpalaran?hehe

Salamat sa inyo, read eroplano..hehe tnx2

RED said...

nkakabitin naman un, sakit sa puson

Hari ng sablay said...

@stupidient ibang bitin naman po sinasabi niyo eh,lols

Post a Comment