Thursday, April 16, 2009

Eye-to-eye Contact

Kagabi. Papunta ako sa isang kaibigan para maglasheng. Nakasakay ako ng dyip. Pagod ang mga itsura ng mga pasahero, katatapos lang sigurong maghanap-buhay. Hapong-hapo. Pinoy nga naman, masisipag talaga.

Sa kaka-observe ko 'di ko agad napansin 'tong nasa harapan ko. Nursing student. Mestisa. Maliit ang mukha. May laman ang katawan. Bebot paps. Hindi bagay sa kanya ang magcomute. Galing siguro ng duty.

Hindi na ako nagpacute pa. O nagtangkang makipagkilala. Alam kong ang isang hamak na katulad ko ay walang namang mapapala sa mala-dyosang kagandahang katulad niya. Totoo 'yun. Self-pity?! Ewan ko sa'yo. Anong pinagsasabi ko. Pero totoo nga 'yon.

Tutal mahaba pa naman ang biyahe. Naisipan ko na lang umidlip kahit ilang minutes lang. Para na rin makondisyon sarili ko sa mahaba-habang lashengan nag-aabang sa akin.

Umidlip ako. -.- ZZzzZZ....

Nagising na lang ako dahil sa barumbadong pagmamaneho ni Manong driver.

Barumbadong manong driver: TangNamo! Ayusin mo magmaneho!
TangNgdriver: Gagu!
Only in da Pilifins.

Balik tayo.
Saktong pagmulat ko. Nakatitig sa akin ang katapat kong estudyante. Oo paps. Pinagmamasdan niya ako matulog. Kaagad siyang lumihis ng tingin, na tila ba nahiya bigla. Umikot-ikot ang mata. Minsan napapatingin ulit sa akin. Ako naman ay naconscious 'din. Nag-isip. Bakit kaya ako tinititigan nito? Agad kong inayos ang aking sarili. Nagpunas ng mukha baka merong tumutulo o lumalabas na 'di kanais-nais. Dyahe. Yuck.

Pag may sumasakay na pasahero, sabay daan mata niya sa akin. Maraming beses naulit 'yon. Naisipan kong makipag eye-to-eye contact once na tumingin siya uli. Marami ng nangungulit sa aking isipan. Jackpot 'to, jackpot 'to.

Magaling kaya ito mag-alaga? Nars eh.
Gagamutin niya kaya ang puso kong sablay? Sana.
Marunong 'din kaya siya magpaligo? Haha. Ginawang caregiver.

Malambot siguro kamay nito. Sarap.

Hindi ko na makayanan. Sayang ito. Kumikilig-kilig pa nga ako.

"Bro ito lang. Bigay mo lang sa akin ito hindi na 'ko maglalasheng at mangungupit sa mama ko."

Pero parang ayaw ako pagbigyan ng pagkakataon. Pumupuno ang sasakyan at nauusog siya papalayo sa harap ko. Maingay ang dyip. Nakakahiya naman sumigaw, baka mapagkamalan pa akong holdaper. Bumibilis ang takbo. Kasabay na pagbilis ng tibok ng aking puso. Malapit na rin ako bumaba...

"Manong sa tabi lang..." sigaw ko.

Napalingon siya sa akin. Nakakatitig hanggang sa pagbaba ko. Naghintay ako baka bigla siyang bumaba.

Walang bumaba.


22 Sumablay:

Anonymous said...

oh man,, tila hopeless romantic dating mu ah! hahahahaha... :) dmi mong akala sa mga nars ah, panu pag i.t? hahaha :))

2ngaw said...

Hehehe :D Yan na nga ba sinasabi ko eh...nasa huli ang pagsisisi...sayang brod, mestisa pa mandin lolzz

Wag ka mag alala brod, kung talagang para sayo magkikita pa nman kayo eh...pero kung hindi....malas mo hehehe

Hari ng sablay said...

@kox IT? mgling mgprogram. mlikot ang imahinasyon pati kamay. haha com.engr po ako. halos pareho lng tyo

@Lord CM mhrap sumandal sa tdhana pero agree ako paps. kailngn kong makita ult un sa lalong mdaling pnahon.hahaha desperado.

2ngaw said...

Putek!!Nasa IT ako pero di malikot kamay ko, paa lang lolzz

Hari ng sablay said...

@Lord CM wahaha! on evry rule ders olweys an exmption.

PaJAY said...

lolz..

isipin mo na lang dre may bumaba..

added ka na parekoy..salamat...

Anonymous said...

hahaha... ayos ah! graduate knb? (nag chikahan?lol)

Hari ng sablay said...

@PaJAY slamat paps. dre?alam ko slita na yan.ilocano ka noh?hula lang,hehe

@kox batch 2006 me. ngayon alang work. plamunin d2. kaw?

EǝʞsuǝJ said...

eh pano naman kung may bumaba? sasama mo ba sya sa inuman? hahaha...
pero teka pare..bka nmn naiinggit xa sa balbas mo (kung meron man) kaya ka nya tinititigan..hmmm...anu sa palagay mo?

Hari ng sablay said...

@Jenskee itatanan ko agd kung bumaba.haha
balbas?ac2aly meron, cgro nga noh?dko naicp un. filingero kasi ako eh,hahaha

Ms.Balut said...

aba ang ganda naman mag sulat :) nakaka tuwa lol.

Hari ng sablay said...

@Ms.Balut ehe slmat. msarap mgsulat nkakadik,lalo na kung my mga kagaya mong nkakabasa nito.

Meryl Ann Dulce said...

Sana hindi ka muna bumaba! Sayang naman! Hahaha.

Anonymous said...

wow! sayang naman.. dapat ung mga ganung pagkakataon, hindi mu na pinapalampas.. lols

Hari ng sablay said...

@Meryl iniisip ko n nga lang my tumu2long laway o kulangot na lumlabas kaya nia ko tntgnan.hehe

@aisa syang nga sana sumugal nko sa pgkakataon.hay buhay...

yAnaH said...

Gagamutin niya kaya ang puso kong sablay? Sana.
-pwede bang makigamit nyang linyang yan??? hahahaha
baka kaya hindi siya bumaba... kase baka may iba na nakatakdang bumaba at suambay sa paglalakad sayo..maaring maiisip mo na isang kasayangan nga ang nangyari... pero isipin mo na lang na may maganda pa sa kanya na "mas sayang" na makakasalamuha mo at baka swertihin ka sa time na yun.. mai-take home mo sya ahihihihi

Hari ng sablay said...

@yAnaH hehe tink positive,slamat po...tadhana kelan ka makikita.

Hermogenes said...

okey yun a...
napangiti ako...
ganyan din kasi ako kapag bumib'yahe...

Hari ng sablay said...

@tonio naghahanap dn ba ng bebot?hehe

mommy ek said...

waaaa!!! inaabangan ko ang ending ng story mo! kala ko happy ending e o kaya nman parehas pla kyo ng inumang pupuntahan!...hehehe! at least realistic ung kwento mo diba?! :D

Anonymous said...

hahaha.. 3rd year p lng aq sa pasukan hasie..:)

Hari ng sablay said...

@mommy ek in my opinion ders no such ting like hapi ending.hehe bitter.

@kox glingan mo gudlck hehe ikaw ang pag asa ng bayan! apir!

Post a Comment