Pinadalhan ako ng laptop ng Tita Lai ko galing Tate. Bitbit ng Lola Au ko paguwi niya dito pinas. Nice nice. Thanks thanks. Binili daw niya dun naka-sale $700. Ayos. Ito gamit ko ngayon. Simula nung dumating 'to. May ugali akong natututunan...
May desktop din ako. Matagal na. Matanda na specs. Bigay naman ng tatay ko nung magcocollege pa lang ako. Ayon echepwera na lang.
Gusto ko makiuso kaya pinalagyan ko 'to ng internet.
Heto ang kwento...
Madalas tumambay dito sa bahay mga kaibigan ng kapatid ko. Ayos ako sa kanila. Ayos din sila sa 'kin. Nakakalaro ko sila ng dota dati kaya naging kuya kuya na din nila ako.
Hindi kumpleto ang paglalaro ng dota pag walang kwentuhan pagkatapos ng maghapong laro. Kaya may mga pagkakataong dito na din sila sa bahay natutulog. Anong oras na pero masigla pa kwentuhan nila. Ok lang sana ang ganun.
Ang ayoko ko lang, katukin ba naman nila akong madaling araw para lang makahiram ng laptop. Pambihira naman oh. Nung una pinagbigyan ko sila. Ayoko naman mapahiya kapatid ko. Pero nung pangalawa, pangatlong beses. Tama na. Ok lang na magbiro ka na sa 'kin pag bagong gising. 'Wag mo lang akong bibitinin sa aking malalim na panaginip.
Dahil nga sa madalas sila dito sa bahay. Madalas din nila ako maabutan naka online. Kahit may ginagawa ako, simpleng pakiusap lang nila na maki-log in sa mga fuck*n friendster nila, hihinto ako sa ginagawa ko. Makikilog-in na nga, magsosounds pa. Hindi kaya nila napag-aralan ang salitang istorbo?! Sa kakabasa ata nila ng kanilang mga comments nakalimutan na nila ang kanilang pakiusap. Ngayon ako itong tangang nakikiusap. Ok lang sana kung paminsan-minsan lang. Pero hindi eh. Araw-araw na nga silang andun sa suki nilang computer shop. Nagdodota at nagdodota lang. Sa maghapon nilang paglalaro, bakit hindi nila doon isingit ang pagffriendster at pakikinig ng mga emo emo tugtog.
Hindi ako maramot. Pero kung may mga taong ganito na nagpupumilit magturo sa akin paano maging maramot, madali akong matututo. Ang sa akin lamang konting respeto. HINDI COMPUTER SHOP ITONG AKING KWARTO!
Wednesday, April 8, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Sumablay:
Post a Comment