Ginawa ko po 'tong blog na 'to, hindi para magpatawa o baguhin ang pananaw niyo. Gusto ko lang ishare ang aking mga naiisip, nararamdaman at nararanasan. Kung nacornihan ka, salamat. Pareho tayo walang halong biro. Pero kung nakaapreciate ka, maraming salamat.
Tatanggapin ko po ng maluwag sa puso ano man maging puna mo. Pero kung makikipag-away ka lang. 'Wag mo ito gawing kanto o likod ng eskwelahan. Kahit grade 4 lang natapos mo, may pinag-aralan ka na man siguro kahit papano. Humanap ka ng papatol sa'yo, kapareho mong bobo.
Hindi ako mahilig magbasa. Kung tsumismis siguro o makialam sa buhay ng ibang tao, pwedi pa. Sa ganitong paraan kasi, nalalaman ko maigi kung sino talaga ako. Sinong kasing bait at kasing sama ko. Kaparehong daloy ng utak. Tamad pero puno ng pangarap.
Kung experience lang ang pag-uusapan hindi ko masasabing lamang ako sa iyo. Maaring nagbibinata ka pa lang pero kung gagawing aklat ang buhay mo daig pa encyclopedia sa dami ng chapter at revision. Pero kung tatagan ng loob, magkakaroon ka ng magandang laban.
Mababaw ang aking kaligayahan, simpleng joke kahit wala sa tyempo papalakpakan ko. Maluluha lang ako kung sobrang bigat na nararamdaman ko. Mabilis at masakit ako umiyak.
Kung sa pag-ibig... gagawan ko na lang ng sariling topic pag naisipan may time.
Tipikal lang akong tao. Marami kang makikitang katulad ko.
Alam ko ikaw na nagbabasa nito, magkakasundo tayo.
Thursday, April 2, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 Sumablay:
nagbabasa ako ng mga unang post. ayus.
Post a Comment