"Dahil hindi natutulog ang balita, nakatutok kami 24 Oras!"
Kung kapuso ka heto maririnig mong slogan ng GMA News.
"Sa ulo ng mga nagbabagang balita!"
Kung kapamilya ka naman.
Mga balitang mainit-init pa. Balitang nahagip sa iba't-ibang panig ng Pilipinas maging sa buong mundo. At pustahan man tayo laman ng balitang ito ay tungkol sa pulitika, aksidente, kidnaping at showbiz.
Madalas na inaabangan kong segment ay yung Showbiz news. Dahil karaniwang pinapakita dito ay mga sexy pictorial ng iba't-ibang personalidad (pasimple kapa dyan kahit naman ikaw eh!). Mga hiwalayan ng mga loveteams (Viki Belo at Hayden Kho; Kimerald). Mga buntisan sa mga youngstar(dahil sa napakaagang pangangati). Mga demandahan (dahil sa kayabangan at popularidad). Ilan lang ang mga ito sa magulong buhay ng showbiz. Alam ko ang mga ito dahil may dugo akong artista, ka look-alike ko daw si John Lloyd Cruz. DAW ha! Ahihi!
Pero merong magulong buhay ang hihigit pa sa mga artista; mga Politiko. Dahil sa sobrang gulo ng mga buhay nila ayoko ng makigulo pa at talakayin ang mga bagay na ito.
Isa lang naman ang napuna ko sa mga balitang ine-ere gabi-gabi. Malaking porsyento laman ng balita ay problema. Maraming away, di-pagkakaintindihan, problema sa salapi at kapangyarihan. Marami ang gustong maging headline ng balita, madaming pumapapel at gumagawa ng issue. Sandamukal na nga ang pasanin ng ating bayan, pero marami pa din sumisingit at gustong masama sa picture taking, na mababasa mo sa mga dyaryo kinabukasan.
Bunggo dito, bunggo doon. Lipad dito, landing doon. Mga walang disiplina, katigasan ng ulo, at minsa'y katangahan na rin kung bakit maraming taong binabali sariling buto.
BRroom brooom.... Ppitttt...pippiiittttt.... BLLaaaaggaag!!!!
Minsan mapapa-iling ka na lang sa mga nababalitaan mo, Mga Nagbabagang Problema.
Naniniwala ako darating ang araw (sana) puro gudnews naman lumabas sa TV, radyo at dyaryo. Oo sige na nga agree ako, mukhang malabo noh?!
Pero kung mapapansin mo, sa kasalukuyang estado ng bansa, sa mga krisis na dumadaan; nakukuha pang mabuhay ng tao. Ang tao ngang nabangga ang kanyang motorsiklo, una ang labi niya, e nakuha pang ngumiti. Kung sa bagay, magiging malaking problema lang ang problema kung pro-problemahin mo. Hindi ka normal kung wala kang problema. Basta enjoy life paps.
Friday, April 3, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Sumablay:
Post a Comment