Teka yosi muna. Tsiktsik. Iiissstt. Hooooh...
Maraming ideya. Maraming gustong sabihin. Mahirap magkwento. Mahirap simulan at tapusin. Type-delete. Type-delete. Ayoko namang pilitin at palipitin ang utak ko. Baka sumabog. Nakakahiya sa mga kapitbahay. Wala na ngang laman nageeskandalo pa. Itutulog ko na lang sana, kaso baka paggising ko wala na namang jollibee...
Nung bata pa ako. Bata pa rin naman hangga ngayon. Lagi sabi sa 'kin ng erpats ko tuwing hapon... Nak tulog ka muna ng lumaki ka. At paggising mo magmemerienda tayo ng... Siyempre sasagot ako... Jayibi! Kahit akong taya sa taguan. Hahayaan ko na lang mga kalaro kong nakatago at basta na lamang iiwanan. Magsawa kayo sa kakatago. Wala pang limang minuto malalim na pagtulog ko.
Jollibee. Jollibee. Jollibee. Dala-dala sa aking panaginip. Gigising akong nakanganga. At magtatanong... San na po 'yung jayibi?... Naku sayang anak hindi ka kasi agad gumising oras na sarado na. Bukas na lang ha? Sasagut ng pabalang... Hindi na ako matutulog. Stupid question comes with stupid answer. Nagtanong pa kasi ako.
Iiissstt. Hooooh...
Bata kasi kaya madaling maniwala. Mabilis kumapit sa pangako. Simula nun nagtutulog-tulugan na lang ang ginagawa ko. Pero madalas nakakatulog 'din ako ng tuluyan. Hehe.
Ngayon meron pa din talagang mga taong bibilog-bilugin ang ulo mo. Kikiskisin ng kikiskisin. Gagawin at gagawin ka nilang bata para lamang mapagbigyan ang kanilang kagustuhan. At heto ka namang tatanga-tanga para lang wala kang mapahiya, magpapauto ka. It's ok to return a favor. Pero sana nasa oras at katwiran. Kung malaki utang na loob mo, magbayad ka sa tamang panahon. Kadalasan ang inutangan nahihiyang maningil.
Iiissst. Hooooh...
Tulad ng sabi ko sa pambungad. Hirap simulan at tapusin. Kaya ngayon kumakapa ako ng salita. Heto na lang kaha at lighter. Yosi break muna tayo.
Iiissstt. Hooooh...
Thursday, April 23, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
28 Sumablay:
ang utang na loob naman hindi na yan binabayaran.. tinatanaw nalang yown. wahehe.
ay buti nalang si pareng macdo ang malapit sa bahay, aheheks... pero mas trip ko pa rin si bubuyog... ay hindi sa carinderia nalang pwede pang ipalista...
aheheks....
penge naman yosi....
mas masarap parin ang KFC..hehehe
anong brand? lolz!
ganon talaga ang bata... wag mangangako ng hindi tutupadin, dahil siguradong uulit-ulitin kng kulitin!!!
miss ko na ang totoong jollibee.. :(
@tsariba gnun ba un.sana gnun nlang din ang pera tinatanaw nlang din.lols biru lng
@Rhodey or kya sa tusukan. gnutom tuloy ako. prang gusto ng fishbol tska tukneneng.
@poging(ilo)CANO gravy eh noh.yosi break dn ba?hehe
@A-Z-E-L lights lng para mdyo chuchal,hehe
may fake ba na jolibi?lols
yosi...
yosi...
yosi...
pa-hits nga bro!
sabi ng lolo ko nung bata ako (oh yes, bata pa rin tayo hanggang ngayon,,.hahaha) tulog daw ako sa hapon para tumangkad...langya kaya pala di pang model height ko kasi tumatakas ako nun eh..
ang bayad sa utang na loob, hindi dapat pinipilit,,dapat kusang binibigay ng taos sa puso...kung ayaw..edi ..hmmnnn yan i-yosi mo na lang...
sori ngkamali po ng pangalan.hehe
@acongtatsulok sure paps.
@Jez hehe pg bata nga naman mtigas ang ulo.
tumpak! dpat nasa puso.
Hays trulalu... Kapag bata ka, pinapa paniwala ka sa kung anu-ano.
Akala ata hindi ka tatanda at makaka realize ng totoo.
Ang masaklap eh iikot lang ang mundo at (malamang) magawa mo rin yung ginawa sayo sa mga bata na makakasalamuha mo.
Kasi yun ang madaling paraan para sa madaming bagay...
moral lesson: wag maniwala sa magulang
lols.
Buti pa sila, nung bata ako walang jolibee sa amin, kahit mcdo di makapasok sa Olongapo...kaya Wimpy's na lang ako :D
hahaha... naka-relata ako sa sinabi mong matulog ka anak para.... kung ano ano na lang ang dahilan ng mga magulang tapos pagising wala naman pala... hehehe!
oyy... magbayad na yong may utang... lols!
gandang umaga.. :)
hahaha.. nice! ang ganda ng entry :)) aq c mcdo gusto ko... hahhaha
hehehe, ang kulit naman ng post na to..
uhm, well, dito sa mundung to, halu-halo ang uri ng tao.. my mga taong, magaling mang uto at magpauto.. kung san ka man kabilang, ikaw na ang nakakaalam nun..
pero usually, ung mga taong madalas mauto, sila ung mga taong mababait.. ung mga walang kamuwang muwang na pinaglalaruan na pala sila ng mga taong nasa paligid nila.. mabait nga eh.. pero minsan, hindi sa lahat ng pagkakataon, pangit pairalin ang kabaitan.. minsan din kelangan mung lumaban para sa iyong kasiyaha...
:)
oo nga, tingin ko kelangan mo ng break. yosi ka muna :)
@Stacey korak.nging epektib sa akin eh mlmang mgawa ko dn sa mga anak ko.pro hndi na jayibi,ahmmm cgro psp na.hehe moderno na tayo eh.
@Pa-pa tama.kaya dpat bata ka pa lng tumayo kna sa sarili mong mga paa.kht d kpa mrunong lumakad pilitin mo.nyaysss...
@LordCM sarap naman nun.anu po ung wimpy's?lols snsya na lng ganun dito sa bundok.
@MarcoPaolo kaya lalung tumitigas ulo ng bata dhil sa mga pngako.pro mbisang praan un.
naku naniningil na.wala pong tao nagbakasyon.lols
@kox salamat.pg dalaga't binata na mcdo na eh noh.
@aisa:) teka isip muna..ahmmm...dun ata ako sa magpauto.hehe dhil mbait?ewan.walang kmuwang muwang?ewan tanga?ayun tumpak!hehe tanga ako.
tama wag dpat kabaitan lgi.
salamat sa inyo..
ang utang BOW!.....
pre salamat... sa bawat basa ko dito at tambay.. napangiti lagi ako.. pati buhok ng kili2x ko nakikiliti sa tawa heheheh
nice nice..... nabawasan ang home--sekss hehehe
@shalla shalala-lala lamat...
@Bomzz my pleasure...slamat din paps.ntutuwa dn naman ako sa mga kumentong tulad ng iyo.
home-sekss?iligo nlang muna.hehe
naka-relate ako ^_^
nang-iiwan din ako ng kalaro sa taguan pag ayaw ko na maglaro...
pinatutulog din ako ng tanghali para lumaki (na hindi nangyari)...
marami rin akong gustong isulat pero mas lamang ang napakagulong drafts... nagtatae utak ko ^_^
sige-sige... ingat dude... sa uulitin ^_^
yehey, jobee tayo hehehe salamat po sa pagdaan sa blog page ko :)) geh geh, yosi break ka muna, hehe
halos lahat yata ng bata sa pinas dumaan kay jollibee para sa akin kung di ka dumaan kay jollibee hindi ka tunay na maralitang pinoy, buti sa jollibe hindi na gagalit kasi lagi na lang ginagamit pangalan nya pang pangako sa mga batang pinoy
gusto ko jollibee chickenjoy and palabok =)
kuya super thank you!!! ang galing mo!!!! hehe! wla kc akong alam sa computer e! ang tagal kong pinag eksperimentuhan kung pano mglagay ng video,gnun lang pla! hahaha! thanks ulet!
@violet hehe sgro pngkakaisahan ka dn kya ka nangiiwan noh?hehe cge tulog ka lng mlay mo dba.ingat din...
@netaholic21 tara tara, slamat din..
@archmiester totoo un. naku wag nman sana mgalit,npkalaking bubuyog nun,lols
@EyMi isa pa,isa pang chcken joy
@mommy ek nukaba wala po un mommy, my pleasure... :)
slamat po sa inyo... ;)
nakapag yosi tuloy ako habang binabasa tong entry mo...
ginutom ako sa mga jolibing koment dito sige magtitinapay na lang muna ako...
@RoMe hehe pgkatpos kumain sarap magyosi....
hi, ang galing mo naman gumawa ng blog lahat napaka meaningfull, sana gawa ka uli ng bago...godbless u:)
Post a Comment