Saturday, April 25, 2009

Isang bagsakan

Isang mabilis at matinding bagsakan lang po ito.

Unahin ko na ito...

Ang aking tambayan at naging tambayan na din ng iilan (3 ata noh). Ang aking simpleng buhay na naibahagi sa inyo ay nominado sa Filipino Blog of the Week (Week 158) ng The Composed Gentleman. Ang ma-nominate sa isang patimpalak, maliit man o malaki, ay isang karangalan para sa akin dahil akalain mo 'yun may nakaka-appreciate pala sa mga ginagawa mo. Hehe. Salamat Gentleman.

Hindi ko po kayo pinipilit bumoto, pero ang hindi bumoto magkaka-pimples sa puwit. Kayo din, hhhmm. Biro lang. :)

Nung una ginawa ko po tong blog na ito para lamang maisalaysay ang mga nangyaya... Tama na humahaba na. Basta vote wisely. Naks! Click here to vote. Maraming salamat. I owe you one. ;)

Pangalawa...

Isang award na naman ang naibahagi sa akin. Ito ang "The Vespa Friendship Award". Sigurado kayo? Wala ng bawian ha? Hehe. Binigay po ito ng aking kapwa sablay na sina: Pope ng Palipasan, Rhodey ng Kape at Yosi, at Pin(k)oy ng Pin(k)oy. Salamat kaibigan. Salamat Vespa. Mabuhay kayo!

Hindi ko po ito sinasarili at ibabahagi din sa inyo. Medyo nagmamadali lang tayo ngayon dahil isang bagsakan lang ito. Maraming salamat ulit. Sana marami pa. Hehe.

At pang-huli...

Binulabog po ako ni LordCM ng Dungeon LordCM para sa isang mahalagang bagay. Hehe biro lang. Salamat sa tiwala Lord.

Binibigay ko po ang aking suporta sa PEBA para sa isang event tungkol sa... sa... para san na kasi ito? wait titignan ko lang ulit... Ayun para sa Export. Ha?! Ano?! Ay sori sori Expat/OFW po pala, isang parangal ang ibibigay sa makakapagsulat ng napakaganda, inspirational, in someways touches one's life, na may temang Filipinos Abroad - Hope of the Nation, Gift to the World.

Naging interesado ako sa event na ito dahil ang aking erpats at iba pang mga kamag-anak ay nasa ibang bansa. Nagpapakahirap. Nagpapakasakit. Kaya gayun na lamang ang... Naku ayan nanaman. Tama na. Tama na.

Salamat po sa inyong lahat. Sa tiwala. Sa suporta. Mabuhay kayo kaibigan. Katok lang kayo. Welcome na welcome po kayo sa tambayan ko, sa buhay ko.

11 Sumablay:

bomzz said...

oi! umarangkada na tayo... ah.. ayusss tuloy lang...

itali na ako sa skor bord ibabato kita.. este iboto..pala lol's

congrats din....

A-Z-3-L said...

goodluck sa contest...

congrats sa award...

magpasa ka sana ng entry for the PEBA...
isang karangalan un...

di ba sasali ka na? diba? diba?

Hermogenes said...

bro bilangin mo na ako sa mga boto mo!!!

congrats din sa award...

pakanton ka naman!!!

2ngaw said...

Brod, salamat sa pag suporta sa PEBA...isang malakeng tulong to para sa lahat ng Blogistang OFW...maraming maraming salamat

PABLONG PABLING said...

expect my vote everyday. . .
goodluck tsong

RhonB895 said...

bro salamat at nagustuhan mo yung award. congrats uli ha! ingat :)

SaGaDa-iGoRoT said...

Galing ng tambayan na ito. Napadaan lang po galing sa blog ng Composed Gentleman. Salamat sa iyong note tungkol sa Pinoy Expats/OFW Blog Awards. Mabisita ko nga itong site na ito.

Cheers from the,
blog of the Sagada Igorot

Hari ng sablay said...

@bomzz slamat sa pagbato este pgboto,lols

@A-Z-E-L sasali ba ko?nkakahiya ata, ang gagaling niyo eh.

@tonio slamat bro,kanton lng pla no prob.

@LordCM wlang anuman, welcome

@PABLONG PABLING salamat tsong,pra sa inyo ang laban na to,lols

@RhonB slamat din,love it

@SaGaDa-iGoRoT walang anuman, welcome na wlcome po kayo dito,slamat din...kampay!

Slamat sa inyong lahat...

The Pope said...

Asahan mo ang aking boto kaibigan, kung kailangan ng flying voters magpasabi ka lang at marami akong mga "kabubete" sa Pasay para suportahan ka HAHAHAHA.

Congratulations sa mga awards, you deserve it, walang daya yan.

Hari ng sablay said...

@The Pope hahaha pwd ba?pwd ba?

mraming salamat pope.

burn said...

paano ba ang mag vote? good luck sa contest..

Post a Comment