Kung hindi niyo po natatanong... Sino kausap mo? Sila. Wala silang pakelam sa'yo. Alam ko iseshare ko lang 'to. Bahala ka gagu!
Huwag niyo po siyang pansinin. Isa din ako sa mga bumubuhay sa mga computer shop dati. Wala naman nakikinig. Nagbubukas at nagsasara sa mga ito. Dota magdamagan. Magdamagan mo mukha mo. Natuto ako nito 2006 pa. Pero ngayon tinigilan ko na. Sino niloloko mo? Teka lang po may sasakalin lang ako. yweehkh*&^%$#@!<>?!.
Marami ako natutunan sa larong ito. At nagagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kung marunong kang mag-dota maiintindihan mo sinasabi ko. Heto ang iilan...
Farming - farm lang ng farm. Pati barya ng mama ko finafarm ko.
Deny - pagtinanong ako ng mama ko sino kumuha ng barya niya. Magdedeny ako.
Gumamit ng Empty bottle - ngayon hindi na empty. Full bottle of redhorse.
Wind walk - pagtumatakas ako sa bahay papunta sa napakahabang tagayan.
Ninja moves - pag-umiiwas sa napakahabang tagayan.
Mag-back door - daan ako sa likod ng bahay pagkagaling sa napakahabang tagayan.
Magshare ng crow - paminsan-minsan sineshare ko bird ko. Paminsan-minsan lang naman.
Creeps pulling - magpapansin. Echepwera kasi ako.
Tango of Essifation - lumamon ng lumamon. Palamunin. Pabigat.
Sleep - matulog ng matulog. Tamad.
Stun - tumunganga. Tumambay maghapon.
At marami pang-iba.
Wala na kong maisip eh. Hehe. Tanga ka kaya! Buhay ka pa bwisit ka!
PS. Almost 2 months na kong 'di nakapaglalaro. Busy sa blog.
Monday, April 20, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 Sumablay:
meron palang ganon...hehehehe..i like that ninja moves. hehehe...
iba nga naman ang nagagawa ng blog. di mo na magawa yong dati mong ginagawa...naku! puro ba gawa ang post ko? ako rin nalito sa sinasabi ko..wala lang! creeps pulling, oh di ba natuto ako? hehehe...
Hehehe :D Ninja moves lolzz
Buti walang Samurai moves? Nangbibiyak nyahaha lolzz
hindi ako nakarelate dahil hindi ako naglalaro ng DOTA pero naaliw naman ako kung paano mo sinulat ang post mo... :)
hahaha.. nag dota din aq dte.. pero tinigilan ko na,, tila kc adik eh! babaeng nag dodota? hahahaha...
@idealpinkrose ang gus2 ko gawin ung dko gngawa dati na ginagawa ko ngaun dahil sa mdming gumgawa at nkikigawa din ako ng gawa.gawa.gawa.hehe
@Lord CM ninja moves pg tmtakas sa klaban.mgtatago sa forest.
@joshmarie buti kapa d mo natutunan ang dota.hehe hndi ka ngsayang ng oras.
@kox mraming gnyan mga babae adik sa dota. ayos tnigilan mo wala ka mapapala dun.farm at deny lng mtutunan mo, nyayysss...hehe
hahaha..."killing spree"..
nakalaro din ako ng dota dati..pero mas naadik ako sa gunbound..pero nang makakuha ko ng mga di kanais-nais na grade sa eskwelahan tinigilan ko..hehehe..mas ayus na sa blogging ka na lang maadik kesa sa dota...hehe
@Jenskee nkakamiss nga mgdota, pro ngayon kahit kating kati na kmay ko pinipigilan ko tlaga wag mkapaglaro.
ahhhhh... di ako makarelate... nakakaadik daw kase yung laro na yan kaya indi ko na sinubukan... tama na yung maaddict ako sa droga... blag... babae at sugal... wag ng isali ang Dota..hehe
pano po dota?paturo aman, ehehe.shot tna mu antman
iba talaga kapag blog maadik ka rin parang dota kuya hehe..
@kosa mgknu ba bentahan ngayon sa droga?paorder namn kung my alam ka. sampung gramo.
@wewe sa inyo ko ntutunan ang dota. wag kng magmaang maangan dyan.hahaha tara!
@anakngpating anak ng pating naman oh!hehe sorisori ncaried away lng.
Nang makita ko sa pamagat ang katagang DoTA, hindi ko maiwasang basahin ang post na ito. Masuwerte ka, Hari ng Sablay, dahil napipigilan mong mag-DoTA. Hindi ko maiwasang mag-DoTA buong araw pag Sabado at Linggo. Hahaha!
Ang sarap kasi marinig ng "Godlike!!!!" at "Killing Spree!!!"
Bloggers, mag-DoTA tayo!!!!
@Rico game game tara...nkakamiss tuloy...
Post a Comment