Friday, April 17, 2009

Bon voyage

Isa sa mga tinuturing kong matalik na kaibigan ay kaaalis lang nung wednesday patungong Singapore. 'Wag natin itago ang kanyang pangalan. Tawit ang tawag sa kanya. Umalis siya dito sa Pinas para makipagsapalaran sa ibang bansa. Bitbit ang pangarap, tapang at lakas ng loob para hanapin ang kapalaran at swerte sa ibang bayan.

Lagi niyang hinanakit... "walang asenso dito sa pinas paps". Mahirap man tanggapin pero sang ayon ako sa sabi niya. Yan ang realidad. Ang mayayaman lalong yumayaman, ang mahihirap lalong naghihirap.

Kaya 'di maiwasan marami sa ating mga kababayan, minabuti pang pagsilbihan ang ibang lahi kesa kapwa Pilipino. Katulad ng erpats ko. Saludo ako sa kanila. Four thumbs up! Ang pinoy walang kasing husay sa diskarte. Hindi marunong umaasa sa iba.

Kung ako po ang tatanungin mas gugustuhin ko magstay dito sa pinas. There's no place like home ika nga. Kahit magulo. Maingay. Makalat. Masaya naman. Pero kung may mga pagkakataong nagtutulak sa akin para mangibang bayan, kaya kong iwan ang Pilipinas. Mahirap pero kung kinakailangan.

Marami sa atin naiipit lang sa ganitong sitwasyon. Base na rin sa estado ng pamumuhay. Sino ba naman ang gustong mawalay sa kanyang mga mahal sa buhay.

Tawit ingat ka na lang diyan. Kaya mo yan paps. Ikaw pa. Pinoy ka.

12 Sumablay:

Unknown said...

I also salute you for writing your blog in tagalog.

Agree din ako sa lahat ng sinabi mo. Tsk..tsk..tsk..paano eh di iwan na lang ang mga kurakot ng bayan diyan...hehehehe...

PABLONG PABLING said...

korek na may malaking check.

ang mga mayayaman lalong yumayaman
ang mahihirap lalong nag hihirap

Hari ng sablay said...

@idealpinkrose salamat.

ang mgnda sana mngyari sa mga gahaman na 'to malunod sa kyamanan, bagsakan sana sila ng isang sakong barya

@Pa-pa crab mentality.

EǝʞsuǝJ said...

kahit ako kung papipiliin ako, mas gugustuhin kong sa pinas pa din magwork..hirap nga lang kasi sa pinas ngayon kaya nung nabunot ako sa palabunutan, nakipagsapalaran na lng ako. Ingat ingat na lang si -Tawit- sa kanyang jorney sa singapore.

Anonymous said...

ako din gusto ko dito.. kaso someday, balang araw, (hahahaha) aalis din ako.. at kakantahin ang im leavin on a jetplane.. pero babalik din ako.. :)

ingat tawit! (fc)

Hermogenes said...

ako pangarap ko balang araw makapunta rin ng ibang bansa...

pero di para mag-TARbaho...

kundi para lustayin ang mga kayamanan ko...

kaso wala akong kayamanan, kahit nga pamasahe ng ELOprano wala ako...

Hari ng sablay said...

@kox at saan ka nman pupunta? medium tshrt ko 10.5 shoes ko...nyaysss....hehe

@tonio gold bar yan?hiram naman.pgyayabang ko lng.

Hari ng sablay said...

@Jenskee palabunutan?ayos ah..makisali nga dyan.hehe

twinks said...

Hello po.
Goodluck sa fren mo. Tama ka. Kaya nya! Pinoy eh! Kahit gaano kahirap ng buhay dun sa labas eh yakang-yaka ng pinoy! hehehe..

Cge xlinks tayo..add mo ako..tapos buzz mo ako pagktapos ha.. hehehe

Hari ng sablay said...

@twinks added u na dn poh. salamat. buzz....

kcatwoman said...

hay, well totoo ang sinabi ng kaibigan mo, four thumbs up nga sa mga ofw. anyway, break a leg sa kanya

Hari ng sablay said...

@kcatwoman salamat po.kmusta na c batman?hehe

Post a Comment