Meron mga tao minsan sinisisi ang Diyos dahil sa sunud-sunod na mga problemang dumarating sa kanilang buhay. Nakakahiyang aminin dumating na ko sa puntong ganun. Sinisi ang Diyos. Nagtampo sa kanya. Nagalit. Oo tama, mali ako. Kaya nga lubos ang aking pagsisisi nung mga panahong yun. Hindi ko kasi alam nun, na nasa kabilang lane pala ako ng daan. Kaya madaming bumabangga, lahat sumasalubong sa akin. Wasak na wasak ako. Malalaman mo na lang na mali ka kapag huli na ang lahat. Minsan kasi mismong tao na rin ang gumagawa ng kanyang mga problema. At hindi dahil sa hindi siya napagbigyan ng Diyos.
Simbang gabi nuon. Napakasaya ng mga tao pati na ako. Lalong nagpasaya sa amin ang sinermon ng pari. Sabi ni father, nakalimutan ko ang pangalan pero hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi. Isa sa tatlong SAGOT na mga ito ang ibibigay sayo ng Diyos pag may hinihiling ka sa kanya...
Una: YES. Ibibigay niya ang gusto mo.
Pangalawa: NO. Dahil may ibibigay siyang MAS higit sa inaasam mo.
Pangatlo: WAIT. Hintay ka lang at darating ang araw malulula ka sa mga tinatanggap mo. Dahil bigay lang siya ng bigay ng bigay ng bigay ng bigay...
Sunday, June 28, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
88 Sumablay:
Sabi nga, lahat ng hinihiling natin sa Diyos ibibigay niya kapag 'handa na tayo na tanggapin ito.'
Minsan kasi gusto nang ibigay ng Diyos pero tayo, kahit gusto natin, nagdududa pa din tayo na kaya niyang ibigay ang hinihiling natin sa kanya.
kapag dumating kaya ung time na bigay siya ng bigay ng bigay at tanggap ka naman ng tanggap, magagawa po ka kayang magpasalamat sa kanya?
@JDLIM may katotohanan,mnsan pag masaya ka maiisip mo nalang ay eto pala tong sinasabing ng dyos na maghintay lang ako.kaya nga ngsisimba tayo at ngpapasalamat sakanya.
@POGING(ILO)CANO siguro isang paraan ng pagpapasalamat sa kanya eh yung ibahagi sa iba kung anuman ang binigay niya sa atin.
@POGING(ILO)CANO ulit ulit,haha nakuha ko na ibig mo sabihin pre hndi ko ksi msyado naintndhan yung sa mgagawa po,hehe ang dyos di namn katulad ng tao na paasahin ka sa wala at mtagal.faith lang. :)
i like this post of yours.
kanina lang may nagtanong sa'kin, "ikaw ba, binibigay ni God lahat ng hinihiling mo?" and i answered, "YES, most of the things na hinihingi ko, napapasaakin pero yung iba, on the process pa." :D
tama ka. there are only three answers. YES. NO. WAIT. may oras at mga rason para sa lahat.
nabitin ako. kala ko may kasunod pa un. hehe.. anyway, tama ka dyan. marami sa atin ang gagawa ng sarili nating problema tapos siya ang sisisihin. palpak din tau minsan eh.
di lang kasi natin nakikita ung mga blessings na binibigay nya sa atin araw araw..
tama 'to :D
just have faith! Ü
sabi ng philo propesor ko,
" kung God is a loving God bakit hindi na lang niya ibigay ang alam niya na ikakasaya at ikabubuti natin? Bakit hinahayaan niyang may nagdudusa sa mga sakit?
Hindi alam ng philo propesor ko na kaya nang yayari sa buhay natin iyon ay dahil sa gusto niya tayo maturuan ng leksyon dahil sa sobrang mahal tayo ni papa Jesus.
pero natanong ko na rin sa sarili ko. Bakit nga ba hindi na lang ganoon.
I'm guilty of this one too...Mali at kasalanan ang tinatanong, sinisisi at ikinagagalit kay God ang mga bagay2x na masasakit at mahihirap na mga nangyayari sa buhay natin dahil nga God gave us warnings, God gave us the Ten Commandments as a reference on what to do and what not to do in this life but God gave us freedom to do what we want, to obey or not to obey his words, to follow or not to follow. But whatever we may choose or which way we may follow we are accountable for our own actions and we must pay the consequences of the wrong things we have done.
Naalala ko naman noon ung isang kwento about prayer nung isang Youth Camp namin sa Church...Natawa lang kami lahat pero eto ay totoo naman ahehehe Prayer ng isang teenager na umiibig aruy *Lord, Sana siya na, pero kung hindi s'ya, sana s'ya.*
At tama ka sa tatlong maging sagot ni God sa hiling natin. God also wants us to grow in faith coz faith is the substance of things we hope for and the evidence of things not yet seen and faith is believing that God will hear us and will answer our prayers according to His will.
ahlab 'ur entry mare kow.. hmm... true.. minsan patient ka lang tlgah kc ibibigay ren ni God sau... minsan panapanahon lang... magaling tumiming si God... alam Nyah ginagawa nyah... u juz have to let go, trust Him and juz let Him control 'ur life... funny minsan nde nyah maibigay bigay ang blessings nyah yet kc dahil den sa aten... napupuno tayo nang mga negatives thoughts.. full of complains.. san san nakatingin... san san iniispend ang panahon... all diz time palah eh nasa tabi moh nah... nde moh natatanaw kc bz sa mga negative na bagay.. ayan lang oh.. sa tabi 'ung blessings... still in a box.. juz waiting for u to unwrap it... and 'unnn... tsaran... watz so cool too... once na dumating na yang mga blessings na yan... nakakalunod... 'cause d' blessings that He has for ur life will juz overflow... honestly lately kinda lose w/ my life... nandon den akoh sa kabilang lane... litong litoh.. so sad so emo.. so lost... parang gusto na lang gumive up and punong puno nang negative thoughts.. but lately... ayan... i gave up myself again to Him.. askin' Him to lead me to d' right path... so far things are doin' pretty good.. but of course madme pa reng challenges sa buhay... madadapa pa ren akoh... but He's there willing na tulungan akoh... at willing icarry ang burdens koh sa buhay... and i do beleive na He will give me d' desires of my heart in His perfect time... dmeng sinabi eh noh? Una. yes bibigay ren ni God unless nde itoh makakabuti sa iyoh at magiging 'cause na pagkaligaw moh nagn landas... Pangalawa.. true.. kung nde man maibigay sau eh for sure He got a better gift for you... mas way better pah sa inaasam moh.. usually double or triple pah sa hiling moh... and Pangatlo.. yes wait.. be patience.. and juz trust Him at all times...and no matter wat happens kapit lang sa Kanyah.. teka isa pah... alam koh may mga times na sometimes sinisisi naten Sya sa mga nangyayari sa buhay naten... pero alam moh... willing makinig si God sa lahat nang hinaing moh at paninisi moh... sabihin moh lang lahat nang nararamdaman moh at mga sakit sa puso moh... ok lang sa Kanyah yon... after that... mararamdaman moh muli sya sa puso moh.... yayakapin ka nyah... amazing part is... alam nya lahat nang tears moh pains moh and when u cry He cries too... pero andyan lang sya sa every segundo nang buhay moh.. never ka Nyang pababayaan... He wants to be part of 'ur life... ayan lang sya... nde Syah malayo... sometimes nagpapakahirap tayong abutin syah pero ayan lang ang kamay Nyah... inaabot na sau... d' end.. hehe... dmeng sinabi noh... naaliw kc akoh sa entry moh eh... ingatz lagi mare kow.. juz trust Him at all times.. Godbless! -di
sabi nga nila weather weather lang yan,... mga spice sa buhay, upang mas maramdaman mo ang mga pagpapalang ibinigay sa iyo....
yun lang aheheheks...
Wow!!!Pre ikaw ba yan?!!!Parang naging inspirational na yata ang post mo lolzz
Pero pre, tutuo yan...di natin alam minsan kasi inuuna natin ang paninisi o di tayo makapaghintay o kaya naman di tayo makuntento sa nasa atin na...pero kung maghihintay lang tayo darating ang mga bagay na makakapagpasaya sa yo...
maaaring tama... yon lang... ahehehe
Hindi mo ba naisip baka hindi ibinibigay ng Diyos saiyo ang gusto mo dahil baka wala kang karakter para tanggapin ito. kung ibigay niya saiyo, kaya mo bang panghawakan. maigi na ayosin muna ang ugali upang maging karapat dapat panghawakan ang ibibigay niya saiyo hindi wait ang maging tugon.
amen! saludo naman ako dyan sa entry mo..
lahat naman ibibigay ni bro sa tamang pagkakataon, minsan nga naibigay nya na pala pero hindi lang natin napapansin..
Naiinip lang kasi ang tao at nananinisi kasi ang inuuna niang tingnan yung hinihiling o pangangailangan nia, kasi dapat pag nakikipag usap tayo dapt hayan naman natin cia ang magsalita wag yung puro tayo ang pinapakinggan nia, mbuti na rin cia naman ang pakinggan natin, at kung mananalangin siguraduhin unahing humingi ng kapatwaran sa mga nagawa pagkukulang, magpasalamat sa lahat ng biyaya mo sa araw-araw lalo na sa ting buhay at saka natin hingin kung meron pa tayong naisin subalit pamalagiin nating isipin na hindi ang kalooban natin kung kung ano lang ang kalooban nia para sa atin marapat lang na ating tanggapin dahil we live by Him not with our own likes..Godbless us all..
"God will never leave u empty. He will replace everything ulost. If He asks you toput something down, it's because He wants you to pick up something greater." and He teach us to recognize that if we don't have it, we don't need it. Teach us to desire Your will - nothing more, nothing less, and nothing alse. Godbless...
Sencia na ganda kasi post mo na carried away ata ako hehehe (lols)
tama. di lahat ng masarap ay okey pagsabayin.
tulad ng corned beef at ice cream, ok pareho, pero di pwedeng paghaluin.
kaya ang blessings, paisa-isa lang para mas masarap ang lasa.
yum!
Ay naku, ewan ko. Sa tagal ko ba naman sa mundong ito, hindi pa ako mai-immune sa kabiguan? Ayoko ng isipin kung mas marami ba akong kabiguan sa buhay o mas lamang ang kasiyahan. Minsan, napapgod na ako sa buhay ko kaya lang "never give up" ang naiisip kong motto kapag nabibigo ako.
Ano ba 'to, mukhang na-emo ako bigla ah. Parang nakakalungkot naman nitong post mo, hehehehe. Pero in fairness, napa-isip ako ha kaya lang nga, nakaka-EMO. Hayz...
huwaw... blessed be god! :)
napakapositive naman po ng post mo!!! Oh well, natuwa naman ako dun. Hindi pa naman ako dumarating sa puntong sinisi si God sa lahat. Pero ayaw kong dumating ang oras na iyon.
God bless and more power. Salamat nga po pala sa pagcomment sa blog ko. At hindi po ako mala-beyonce sumayaw. hahaha. Wish ko lang OO, pero... malapit na!! Wahahahaha :D
Sweetham xoxo
Good things come to those who patiently wait, tested and proven na :)
lupet pare...
tama yang mga sinabi mo...
pag binigay kasi ni Papa God lahat ng hinihiling natin, makakalimutan na natin syang kausapin...
kaya dapat thankful din tayo sa mga trials at challenges na binibigay NYA saten...
it will make us a better person :D
pano kapag wait ka ng wait ng matagal... wait pa ba talaga sabi ni God o NO na pala yun? hmmmmm
ang tao din kasi minsan nde marunong makuntento. kaya minsan din nde naappreciate ang mga maliliit na bagay na binibigay "nya".
tama. sapol ako.tsk.
totoo po un..naaliw ako sa post mo..bihira kc ako maka encounter ng guys na ganito ung point of view...mabibilang sa kamay..hahha..yup..laging anjan c God para sa 'tin..thanks po sa pagcomment sa last post ko..gandang hapon!!
and to add to this: sabi nga ng isang pastor, ang blessings ni Lord e nanjan lang sa itaas nten, parang pabitin sa mga birthday parties, kaya lang hinhintay pa nya ang tamang time kase baka pag binaba n nya ang mga blessings ay makalimot na tyo sa knya!
Isang magandang Halimbawa ang buhay ni Job. He was a faithful man of GOd not even a single zilch of impurity that will cause him to suffer like that. But God allowed it to happen. He lost everything even his wife wanted him to cursed and turn his back on GOd. But he did not. He patiently trusted God.
We may not understand ang ways ni Papa Jesus but it is for our own good. We prolly not seeing the big picture at the point of our questioning.
Keep up :-D
Amen.
sumakit utak ko sa sinabi mo... pero tama ka nga bro.... tinuro din sa akin yan nung pastor namin..
yes
no
wait
yan lang daw ang pwedeng sabihin ni papa LORD sa atin... at kung di niya tayo pag bigyan sa mga hinihiling sa atin... dapat wag magtampo kasi may naka laan sa atin na mas maganda tama di ba?
AMEN parekoy!!!!!
nice post
taba talaga ng utak mo
patience is a virtue nga daw.. so if di binigay yung hinihingi natin ngayon, it's not yet time..
dumaan din ako sa phase na yan e. rewarding naman kapag nagtagal...
ang hahaba ng comment nila.. hehehe :)
kelangan lang talaga mag intay. nakakahiya sabihin na isa ako sa mga taong mainipin at madalas nag tatampo sa dyos! :( pero nag bago n ko. konti. mainipin p din ako eh. hahhaha
alam mo minsan ako naiinip na rin, kasi minsan akala ko yun na ang bigay nya yun pala hindi pa...
pero sabi nga nila ibibigay iyon sa tamang panahon ;)
kaya may mga prob n dmdting kasi sinusubok nia tau..d ibig nun na d nia tayo mahal pero gngwa at ngyyri mga bgy bgy dhil minsan may rason at kung minsan nagging fools tau na tau pa ang gmgwa ng pwob sa ting buhay
sinabi rin ba ni pader kung ano ang dapatgawin habang naghihintay.... o ngangey lang hanggang dumating?
:P
so true! ^^
been there na rin... akala ko di sya nakikinig pero he just want me to learn something... and yun, binigay din nya sa kin yung gusto ko after ilang years... :D
gusto nya lang pala na maging stronger ako and mas i-love ko pa sarili ko before yun... ^^
AMEN! :)
Maging matyaga lang at magtiwala at ibibigay nya rin...
@ALGENE npkaswerte mo naman halos nabibigay ng dyos sayo,sabi niya share ur blessings,isang paraan un pra psalamatan siya,kaya yung havs ko ah wag mo kalimutan,haha
@CHIKLETZ haha anung ksunod?tama d mere fact na gumigising tayo araw-araw is a blessing.pasayaw kc tayo mnsan,sabi nga nila we are responsible for our own actions,naks inglis.
@KRYK tama have faith,hndi naman nwawala ang faith ko,lumuluwag lng minsan,hehe pro d nawawala.
salamat sa pagsshare niyo... :)
@PAPS tama gusto niya tyong turuan,turuan pano mging matatag,at kung pano phalagaan ang buhay.hndi ko rin alam bkit ganun, ang alam ko lang may plano siya sa bawat isa sa atin.at alam kong mahal niya tayo.
@KAREN oo tama nga naman,we are responsible for our own actions.walang ibang dpat sisihin kundi ang srili kung bkit ngyayari yun satin...sana siya na?haha kakatuwa naman yun.pro pg binigay ng diyos tas dumating ang araw ng pagsisisi bka sbihin niya... lord sana ihagis niyo na siya palayo sakin,haha. dahan-dahan sa pghiling dahil posibleng magkatutuo. npksimple FAITH. :)
@DHIANZ ahlab also ur coment,hehe tama nga nmn hndi natin alam naibigay na pla nghahanap pa tayo.dumaan kna rin sa kbilang lane?tsk! preho tayo,mhirap ilagan ang mga sumsalubong dun cgrado tatamaan ka.teka,bkit ka nga ba lging emo lately?sbhin mo lng bka may maitulong ako,naks!...nkakaiyak naman ung last part ng sinabi mo,nguiguilty tuloy ako sa mga ngawa kong kdemonyohan before,trust?i will.Godbless!ingatz.
salamat sa pagsshare ninyo... :)
@RHODEY prang ernie baron,este kuya kim na pala ngayon,hehe tska masaya ang may problema diba,dahil pg wala kang problema baliw ka.saka yung emo pminsan minsan,hehe
@LORDCM uu pre sa maniwala ka man o hndi ako to,dahil magpa-pari nako,haha biro lang.oo tama sabi nga nila drating yun sa tamang panahon.sa ngyon mkuntento muna kung anong meron tayo.
@MARCOPAOLO hehe maaaring tama nga naman,knya knyang paniniwala lang yan,knyang knyang hgpit ng kapit sa diyos.
salamat sa pagsshare ninyo... :)
@ANONYMOUS dahil wait kasi ibibigay yun at darating yun sa tamang panahon,hintay lang dahil tama kylangan muna ayusin ang buhay,nsa tao rin naman yun at sa mga hnihiling niya,sabi nga nila nsa diyos awa pro nasa tao ang gawa.
@KHEED hehe wag ka sakin sumaludo pre dun sa pari dhil ibinahagi ko lang ito sa inyo,mnsan kasi hndi tayo mkuntento gusto natin visible tlga ang mga blessings na ntatanggap natin,mnsan ganun ako,hehe
@SEAQUEST hehe ok lang yun,ganda din ng inihabol mo,may ryhming pa puro els,hehe tama mnsan kasi puro tayo dada pro kulang nman sa gawa.kylangan ngang mgpasalamat muna at humingi ng tawad...gusto ko tlga ung hinabol mo ang ganda inspiring,nkakapagpabuhay ng dugo, at nkakapagaphigpit ng pananampalataya, :)
salamat sa pagsshare... :)
Andami ko nang napalagpas na mga post ha. Sobrang Busy si Goryo..
Pero OK tong latest ha. Totoo ito.. May halo kaba dre nung sinulat mo to? hehehe
@MANIKREIGUN gnda naman ng analogy,metaphor nga ba tawag dun?ah basta,hehe imprtante yung ibig sabihin. dapat ang corned beef at itlog, pwdng paghaluin masarap,saka ice cream at biscuits,tama dba?tama?hehe
@JEI hehe wag kang aayaw tink positive,prng revicon lang,hehe mdyo emo nga po prang tym to reflect khit pminsan minsan lang,snsya na,hehe ako dn motto ko sa buhay wag susuko,dahil winners dnt quit,quitters dnt win.
@SWEETHAM oh well ntuwa dn ako sa pagcoment mo,hehe nsa sayo namn yun kung gusto mo siya sisihin pro sana wag nga,,,wow naman beyonce,haha sige sige kaya mo yan gudluck sayong dancing career.hehe
salamat sa pagsshare... :)
@JOYCEE very well said,simple pro malaman,patience is a virtue,hehe isiningit lang.marerealize mo nlang it's worth the wait. :)
@JENSKEE oo nga minsan ganun nwawalan tayo ng time mgpasalamat pg prang filing natin nsa sa atin na lahat,tma ngiging matatag lang tayo sa mga pagsubok at maraming natututunan sa buhay,
@JOICEYTWENTY sa pgkakaalam ko hindi tayo paasahin ng mtagal ng diyos at hndi dn tayo paaasahin sa wala,mnsan naman nandyan na hndi natin pinapansin,yun na pla yun nghahanap pa tayo ng mas satisfying,hmmmm...hehe
salamat sa pagsshare... :)
@CRAPPY san ka nsa sapol?sa sinabi mo?hehe pag ang maliit na bgay kpag pnagsama-sama
di ba ngiging malaki,saka wala sa liit o laki ng blesing,sana tumatanggap yun. :)
@KHULETZ316 onga iilan nlang tlga kaming ganito,haha biro lang,natawa naman ako sayo,lols sa panahon ng krisis ngayon kylangan magpa-sipsip kay bro,haha biro lang ulit yun...tnx din... :)
@MOMMYEK ang gnda naman nun mommy pabitin,dapat mtaas ka lumundag,haha biro lang. tama mnsan madali tayo mkalimot pag filing natin hndi na natin kylangan ng tulong.
salamat sa pagsshare... :)
@JEPOY zilch?ano yun?hehe pro ang gnda ng halimbawa mo,lahat nawala sa kanya pro di niya sinisi ang Diyos. tama kung ang Diyos di natin maintindihan mnsan pro siya buong pagkatao mo naiintindihan niya,at sigurado mgnda ang knyang mga plano sa atin.
@DETH amen.Godbless us.teka hndi ba alien?datin doon?lols
@SAULKRISNA wala ngang laman tong utak ko eh,haha ansarap kasi mnsan makinig sa sermon ng pari lalo na pag hndi siya nakakaantok,haha wala naman tlga tayong krapatang magtampo sakanya,mahal niya tayo,
salamat sa pagsshare... :)
@RWETHA oo it is woth d wait,kylangan tlgang paghirapan ang anumang bagay na gusto nating mkuha sa buhay,ibibigay yun sa tamang panahon, :)
@KOX pansin ko nga,pro sarap bsahin,hehe mainipin?haha preho tayo,dun tayo ngkaiba sa tampo,ikaw mdalas ako pminsan mnsan lng pg ngeemo,haha tama ders always rum 4 chnge.:)
@JOYO teka mkhang ur pertaining to sumting? o sumone ba?hehe ok lng yan,darating din yun...mnsan ako din ganun kala ko yun na hndi pala... ;)
salamat sa pagsshare... :)
@RICO uu ibig sabihin nun mahal niya tayo,dahil may pkealam siya sa buhay natin,at tinuturuan niya tayo kung panu phalagahan ang buhay,minsan din kasi ngiging rebelde tayo tulad ko dati,hehe yung tipong gusto ntin saktan ang diyos.
@YJ ngangey?hintay ba yun?hehe nasa sayo na siguro yun panu ka mghintay,di mo nlang mamamalayan nandyan na pala,mgndang gawin muna siguro kumilos,galaw-galaw,hehe
@RICH naks! pwedi ba malaman ano yung ibinigay niya?hehe ususero,hmmm mukhang alam ko na,naamoy ko mukhang pag-ibig yun ah,hehe mabuti nman hapi ako sayo, ;)
salamat sa pagsshare... :)
@ORACLE praise the lord ba?amen... :) prang nsa PICC lng tayo,el shaddai,hehe
@PETERPAN tama nsa tamang panahon yun,faith lang talaga ang kylangan,isa pa lagyan na rin ng konting sipa,di lang puro tayo asa sa kanya,dba? :)
@GORYO hndi lang halo pre,nkakapit nga ako bintana hbang sinusulat ito nililipad kasi ako ng pakpak ko,haha bc nga ah,mabuti yan,
salamat sa pagsshare... :)
nyaa tama tama!
may isang dangkal man tayong plano para sa sarili natin,
may isang dipang plano naman Sya para saten ^_^
nice one kuya miron!
*mc float! mcfloat! (auko na ng burger :p)*
haaaay
ganyang ang mga kailangan ko sa panahong ito...
salamat sa post na ito...
nainspire ako...
@CHENNN wow naman ganda naman nun,ano kasi dipa?foot ba yun?hehe diko lam eh,teka bkit may mcfloat?kaw nga dapat mgpaburger dyan kasi gragraduate kana,naks naman,
@CHORVA ako dn kylangan ko to kaya pinost ko,hehe ok lang yan gnyan tlga ang buhay,salamat naman at nainspire ka...:)
HAHAHAHA! XD parang ganun na nga... XD salamat sa pagiging happy for me... lol ^^
mukhang anghel nga nagsulat nito... sinapian ka? hehe! XD
parekoy NO dahil meron siyang ibibgay ng higit sa inaasahan mo
dahil siya lang ang nkakaalam ng lahat ng para sa atin
Love this post! =D
Faith in God, is the best thing for us to do. And we should know how to wait for what we are needing and asking to god. Dahil sya lang ang may alam kung kelan ang right time para ibgay satin ang ating hinihiling. =D
A Writers Den
The Brown Mestizo
@RICH sbi ko na nga ba,kaya pla lagi kang blooming,kunwari nkikita kita,haha sinapian?gnito lang talaga ako,ngttransform ako pag maliwanag ang buwan,lols
@JETTRO haha inulit mo lang ang sinulat ko,onga naman siya gumawa sa atin kaya alam niya buong pagkatao natin.
@SUMMER salamat at ngustuhan mo.oo tama,evrything will fall at the right time,mahal niya tayo at di naman niya tayo paasahin sa wala.
salamat sa pagsshare... :)
nice post... yes, sometimes, I blame God for the problems I encountered but I also thank him for the blessings I receive... thanks for commenting in my blog...
akala ko naligaw ako ng blog na pinuntahan...nabago ang tema ng topic ngayon ah...no comment ako si Jesus eh...dapat seryoso ^_^
tama wait lang tayo...darating din kung talagang laan para sa atin! ^_^
oi ganda ng music dito ha..napapaheadbang ako...yeah!
good day!!
hehe..
tama un..
dapat we must learn how to wait..
(^^,)
Like it too............... Halata ba?! hehehe
Oo nga nman, matuto tayong maghntay. Mahiya nman tayo kung tayo nalang ang humuhingi tayo ang magmamadali.hahaha Dahil lahat ng bagay sa mundo may nakaukol na tamang oras at panahon para mapasatin yun. Diva!? ;D
Travel and Living
Jobhuntpinoy
tama.. at ung iba naman, ask ng ask kay Lord pero hindi naman sila nag oobey..
tumpakto ka! may tama ka talaga!
kapit lang mga kapatid, darating din ang grasya. hindi man yang hinihingi mo, mas malaki at mas engrande pa.
akala ko naligaw ako sa pagpunta sa blog mo o namali ng pindot sa blogroll ko nang mabasa ang post mong ito, hehehe biro lang.
ang totoo nyan, pinahang mo ko, dahil sobrang lalim mo pala. naks! sa lahat ng nabasa kong entry mo dito, ito ang malayong sumablay.
the best ito. encouraging. inspiring.
i was really moved. walang bola. walang sablay.
salamat!
Isang malaking check! Bilu7gan at ihulog sa drop box! :)
God loves u... Hold on to His LOVE. Keep going. Thanks for ur visit on my site.
Gusto ko sanang mag-post dito nung una mong pinost kaso, kasali si God eh natakot ako.. eh di pa naman kami close.. :D
Go with the flow kasi ako minsan eh, basta alam ko gumagawa ako ng mabuti, nagsisikap ako, ginagawa ko kung anu yung tama, hindi ako nampeperwisyo ng tao, pati nga si God hindi ko na iniistorbo eh, hiya nalang ng isang tulad kong matagal ng di nagsisimba.. Kung nag-fail ako, so be it. hindi ko na kailangang manisi ng kung sino-sino.
Iinom at itutulog ko nalang yan. At kinabukasan kung magising ako kahit na may bakas man ng kabiguan ko, at least humihinga pa ko at may chance pa ma-achieve yung goal ko.
napakagandang post oonga marami ang d marunong makuntento ,inaamin ko naging ganun ako minsan mainipin d makapagantay pero natuto nko,hinihingi ko nalang sa kanya kung anung kelangan ko hindi kung anong gusto ko .. ☺☺☺
o sige wait lang ako ng wait ng wait ng wait ng wait ng wait ng wait.....
next time na nga lang ulit!
Wait... Ayoko nang mag-wait. Hahaha! Wala na akong iwe-wait, eh.. Iniwan n'ya na ako forever.
Muling nagbabalik ang echoserang si Rcyan.
Hindi pa po ako matanda. Hindi ko po masagutan 'yung iba sa mga tanong 'dun sa naunang entry ninyo.
@JAMESARNOLD salamat din sa pagcoment, :) onga ganun din ako minsan lagi sinisisi ang dyos sa mga kpalpakan ko,pro nagsisisi nako sa mga yun,
@MERYL haha hndi po kayo naliligaw,sinapian lang kasi ako,tama saka darating yun sa tamang panahon,ntawa namn ako sayo npheadbang kapa tlga,haha yeah rakenrol baby!haha
@LOVE good day din,pro kung tao paghihintayin ako tas wala man ako makukuha sa knya iiwan ko tlga,haha maikli kasi psensya ko pgdating sa ganun,haha
salamat sa pagsshare... :)
@SOLO onga tama kadyan tayo na nga tong may kylangan,tayo pa tong walang psensya saka dada ng dada,haha oo tama yang sinabi mo,sa tamang oras o panahon darating din yun,tyaga lang at konting ptience
@ELAY onga noh,tulad ko,haha biro lang.sabi nga nila nasa diyos ang awa nsa tao pa rin ang gawa... :)
@SUPERSAWSAW tumpakto?diba aswang yun?mtgal nkong may tama,haha ay oo naniniwala ako sayo,malulunod ka sigurado sa mga darating na biyaya.
salamat sa pagsshare... :)
@DOCGELO haha di po kayo naliligaw doc,sinapian lang ako kaya gnito tema ng post ko ngayon,hehe salamat naman sa mga papuri doc,flatering nkakataba ng puso,ginaganahan tuloy ako magsulat,hehe salamat... :)
@ACRYLIQUE haha dropbox?kelan ang raffle?see posters and print ads nlang ba.salamat sa malaking check, hehe
@LINGZ i know God loves us,di naman mawawala ang kapit ko sa knya minsan lumuluwag pro di yun mawawala, :) thanks din sa visit...
salamat sa pagsshare... :)
@HOMER haha mbuti nga yan may takot sa diyos.hindi pa naman huli ang lahat,ako din kasi minsan tinatamad or mdyo bc pro dumadalaw padin pra mgpasalamat kahit ilng mins lng..oo tama walang dpat sisihin,life must go on khit ano mgyari,drating ang araw mkakarating din tayo sa goal,
@KORKI tama nga naman,iba ang kylangan sa gusto,ganun ata tlga ang tao walang cntentment sa buhay.gusto laging may nkukuha o naachive.teka smilies ba yung maliliit na yun,hehe npansin lang
@STUPIDIENT haha cge next time nlang, bsta wait ka ng wait ng wait. wag msyado mainip gnyan tlga ang buhay,hehe
@RCYAN teka san ba sya ngpunta?malay mo bglang dumalaw sa inyo may dala flwers chocl8s tedibear, ano pa ba?hmm...may dalang...hehe wala... ok lang kahit di mo msagutan,cge na nga bata kapa haha
salamat sa pagsshare... :)
nakalimutan ko ang pangalan pero hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi
Ayos lang 'yan, ang mahalaga naman ung sinabi hindi ung nagsabi db? At ayos lang din, dahil at least, in the end, narealize mo na maling ibunton mo ang sisi sa Diyos.
gusto ko yung huling linya mo... totoo kasi yun... bigay siya ng bigay... masyado lang tayong nabubulag sa bagay na gusto natin kahit di natin kailangan...
nawala ako for few days namiss ko rin magbasa dito :) kung dati natatawa ako sa mga kwento mo ngayon natuwa ako :D
Aprub na Aprub hari ng sablay!
nyay dalawang sem (na lang sana) pa kuya.. painom ka paggrumaduate ako! ahaha! uu ikaw nga po, nararamdaman kong di ka na tambay nun.. nyahaha.. ^^
dipa po?? uhmm.. *shocks*
arms sideward, tas imeasure un, un po ang alam kong dipa ^______^
when it rains it really pours. Just be patient!
right? wag tayong atat hehe
nice post po! 22o nga God answers us by YES, NO or MAYBE..
Kaso nalilito ako, sabi ng iba, pag may nangyayaring masama like namatayan or anything na kakaiba.. "pagsubok lang yan ng Diyos" or "binibigyan lang nya tayo ng leksyon".
Di ba God is Pure? Kung Pure si Papa God dapat di mangyayari yun, kasi Pure nga. So death, disease etc, di un ininflict ni God.. Evil ang gumawa nun. Wala lang, so I think its not ok to say "pagsubok lang yan ng Diyos" or "binibigyan lang nya tayo ng leksyon" cause it is not God's will.
Hehehehe.. cge wag nyo na lang po ako pansinin... isa po akong Katolikong magulo.. nanggugulo lang :)
@MADZ tama mas mhalaga ang sinabi. minsan kasi hndi ko lam dahil pumapalpak ako dahil narin sa sarili ko,sa mga maling desisyon at hndi mgndang gawain kaya sinisisi ko Diyos.
@GILLBOARD onga saka minsan gusto natin visible ang biyayang binibigay satin ng Diyos,mnsan din kasi wala tayong kakunte-kuntento sa buhay.
@SHYKULASA salamat naman sa pagaprub,hehe mdyo sinapian lang kasi ako nung isinulat ito,teka san kaba galin?pasalubong naman dyan,haha
salamat sa pagsshare... :)
@CHENNN sana magdilang anghel ka,at pg ngkawork tlga ako papainumin ko kayo ni gello,haha armsideward?ah yard. yun pala dipa.hehe salamat dun may bago ako ntutunan,hehe
@MISSGUIDED right! ;) uu when it rains prang song ng paramore,hehe tama nga nman di nman tayo paasahin ng Diyos sa wala. ako hndi ako ata ah...Lord pkibilisan ang blesings,haha biro lang.
@PICKLEMINDED haha natawa naman ako sayo,pagsubok or leksyon parehas lang yun,hehe matututo ka sa mga pagsubok,pro may point ka,pro di pa ata nturo samin yan,hehe knya-knyang paniniwala lang naman yan eh.hehe
salamat sa pagsshare... :)
hahaha eh di parang gnun din un??
ndi rin nag wait..
hehehe kaw tlga..
@LOVE i min pag tao wala akong pasensya,di naman tao ang Diyos eh,hehe kaw tlga.gumaya lang.pro ngyon hinahabaan ko na ang aking pasensya.hehe :)
so pag nagkawork ka po, matututo pa 'kong uminom.. aba teka, hahaha!
maniwala ka kuya, me pagkamanghuhula ako minsan.. really.. ^^
Makasarili kasi tayong mga tao.Kapag nakuha na ang gusto
kay Lord, ni hindi manlang natin makuhang magpasalamat.
Minsan pa nga kahit hindi natin hilingin, binibigay Nya.
Yong iba naman, kapag hindi nakuha yong gusto, sumusuko agad.
Heloha, ang daming nakapila, sabi ni Lord.
@CHENNN weh?tlga?sana nga magkakatotoo hula mo,hehe ikaw dpat mgpainom diyan kasi ggrad kana,naks!hehe
@JKULISAP tama ka dyan pare,msyadong tayong mkasarili at laging humihiling sa Diyos,wala nga rin pasensya ang iba,di mkapaghintay,salamat sa pre.
Like This...
Hatur nuhun...
Post a Comment