Monday, June 22, 2009

Drakula

Nuong nakaraang taon, sa Baguio city ako namalagi sa loob ng limang buwan hanggang Disyembre. Training ang pakay ko dun sa isang kumpanya. Every 2 weeks or minsan higit pa kung umuwi ako dito sa amin. Hindi maikakaila, marami talagang kababalaghang istorya o mga pangyayaring nakakakilabot ang bumabalot sa syudad na ito. At aaminin ko marami akong naranasang makapanindig balahibo dito. Isa na itong drakula.

Heto ang istorya.
Aakyat ako ng Baguio nun. Madaling araw ako umalis dito sa Pampanga. Ang tantiya ko mahigit kumulang 5 oras ang biyahe. Umalis ako sa amin 12mn, so siguro mga 6am nandun na ako. Maliwanag na siguro ang kalsada nun sabi ko sa aking sarili. Pero hindi ko inaasahan, napakabilis ng biyahe. 4am pa lang nasa Baguio na ko. Madilim pa at mabibilang mo ang mga tao sa daan. Napakalamig. Kinakabahan ako.

Naglakad-lakad ako ng kaunti para maghanap ng taxi. Halos ganito ang sabi ng lahat ng taxi aking pinarahan.

Saan ka?
Sa KIAS po.
Ay sensya na hindi ako nagagawi dun. Sa iba na lang.

Naintindihan ko sila. Hindi ka talaga makakapagbiyahe papuntang KIAS ng ganuong oras. Dahil maraming milagro dito. Lalo na pagpasok mo ng daan ng Scout barrio, na puro matataas na puno, at paliko-likong makipot na daan. Walang mga bahay, walang ilaw tanging headlight lang ng sasakyan. Napakadilim, napakalamig, nakakatakot.

May isang taxi huminto at sakay ako kaagad sa likod. Nung papaandar na ito dun niya pa lang tinanong kung saan ako bababa. Pagkasabi ko ng Kias, bumagal ang takbo nito. Na para bang nag-iisip at gusto akong ibaba at pasakayin na lang sa iba. Pero wala na siyang nagawa.

Wala akong imik sa loob ng taxi, tanging radiophone ang maririnig mo na may nagsasalitang lalaki na nagsasabi kung saan lugar may mga pasaherong naghihintay din ng taxi. Tulad ng inaasahan ganuon ang itsura ng daan. At parang kami lang ang nagbibiyahe duon dahil walang kasalubong o kasunod na sasakyan.

Pagpasok namin ng Scout barrio. BIGLANG nag-iba ang tono ng boses ng lalaki sa radiophone. Magulo ito. Minsan malakas minsan mahina. Pero may maiintindihan kang salita tulad ng... Maaaayyy...Saaa... Raaakkkkk...Laaaa... Bbiiii... NAPAKALAKI at NAPAKALAMIG ng boses. Nakakatakot. Kinikilabutan na ko. Hindi ko magawang kausapin si manong. Pilit niyang pinapatay ang radiophone pero ayaw tumigil nito. Binuksan din niya ang mismong radyo ng taxi pero walang makuhang istasyon at kusang humihina ang volume nito. Mmaaayyyy... Rrraaaakkkk.... Laaaaa... Nagiging maliwanag ang naririnig namin ni manong sa radiophone. Papalakas ng papalakas. Maayyy... Drrraaaakkkllllaaaa... Saaaa bbbbiiii moooo. Maayyy Drrraaakkkuuulllaaa saaa taaaabbbiii mooooo!!!! Napapikit ako. Kinikilabutan. Nanginginig. Ayoko lumingon sa kung saan-saan. Napamura sa sarili ko. TangiNa! Mamatay ako sa nerbiyos nito. Lahat ng balahibo ko nagtaasan. Pabilis ng pabilis ang pagmamaneho ni manong. Walang pakelam sa mga amps, at minsa'y napupunta sa left lane ng daan. Buti wala kaming nakakasalubong na sasakyan. Paulit-ulit ang nagsasalita... hindi ako makahinga. Namumutla na ako. Kung biro lang ito, HINDI NAKAKATUWA. Hanggang sa bigla na lang ito huminto.

Malapit na akong bumaba at may mga ilaw na. Sa tabi lang po, sabi ko. Kumukuha ako ng pera sa wallet, nakatingin sa akin ng diretso si manong. Hindi ko alam anong ibig niyang sabihin. Baka iniisip niya ako yung drakula o siya ang drakula. Nanginginig pa rin ako sa takot kaya di ko na pinansin yun. Dali-dali akong pumasok ng apartment at ginising ang mga kasama ko para ikwento ang nangyari. Sabi nila natural daw lang yun, at maraming ganuon sa Baguio.

Marami pa kong naranasang nakakakilabot sa Baguio. Tulad nung nakausap ko sa cellphone. Yung di maipaliwanag na pagkatok sa pinto namin. Yung paglalakad ng isang tao sa likod ng kasama namin. At marami pang iba.

Teka, parang may nakikita akong sumisilip sa bintana mo. Pakitingin nga, parang batang duguan ang mukha.

69 Sumablay:

Reagan D said...

asteg! dahil dyan ay parang ayoko na magawi ulit ng baguio!hehe. pero may friend akong may 3rd eye, at talagang napatunayan nyang marami nga sa baguio ng ganun, siguro yung lugar na napuntahan nya ay yung natukoy mo rin.
awooooo!

ORACLE said...

Huwaw! Effective ha! Lupet. Kinalibutan ako dun ha. Ahihihi.... :)

maxivelasco said...

kakatakot naman yun! buti naman at di nabagga ang taxi ninyo dahil si manong eh litung-lito narin. grabe ha. ang aga naman ng dating mo sa baguio 4am. kakatakot nga.

minsan lang akong napuntang baguio... 4 days lang kami ng pamilya doon pero di napunta sa lugar ninyo. hehe.

galing mong magstory telling. saludo ako!

ui, may bagong blog nga pala ako.. baka pwedeng exchange links naman diyan.. http://www.hnhpages.com

Algene said...

baguio. baguio. i don't care about the katakot stuff. all i know is that i really want to have a vacation there. :)

EǝʞsuǝJ said...

lol...pwede ka nang writer ng komiks..
hehehe...
hindi ako natakot pare...
tanghaling tapat palang kase dito ehh...
tsktsk

hehehe..
pero totoo nga ba yang wentong yan?

Chronicler said...

Nakakatakot ang story mo pati na tong background music...hehheheheh

Anonymous said...

bahala na kahit ilang beses akong takutin sa baguio, basta gusto ko bumalik dun :) daming alaala.. haha.. drakulaaaaa... =))

haha.. buti na lang habang binabasa ko to, wala ako sa tabi ng bintana. lol

Anonymous said...

nice pOst tOl gusto ko ng mga kababalaghan...

isama mo aKo dOn..,paRA magamit kO Naman itoNg

4th eye kO..matagal ko na rin itong di nagagamit!!!

Joel said...

galing ng kwento uh, madalas din akong nasa baguio kasi may kamag anak kami dun, sa upper fairview.. meron din akong nararamdamang mga kababalaghan dun, pero hindi ko iniintindi.. ayokong takutin ang sarili ko.. haha

yung batang nakasilip sa bintana namin, talagang lagi lang syang andyan, bosero yan eh.. wag mo na syang pakelaman dyan..

akala mo matatakot mo ako sa post mo uh, pwes nagkakamali ka, hindi ako duwag.. adik! matutulog na naman akong bukas ang ilaw nito.. tsk!

Jepoy said...

excuse me Halloween na ba?! Wag kang manakot kasi tinatablan ako :-D baka pag sumilip ako sa rareview mirror ng kotse ko maisip kong merong drakula! waaaaaaaaaaaa

Rhodey said...

hahaha buti nalang hindi yan multo... aheheheks... alangya naman, parang gusto ko na talagang iwan itong lumang bahay namin ah? hehehehe...

icesee said...

Impernes nakakatakot! Haha! Sakto magtutwelve naaa. Waaah! HAHA!

HOMER said...

Wow Horror!! hehe!! Ayus! gusto ko tong mga ganito! kaso di ako natakot masyado eh, sanay na kasi akong tinatakot sarili ko haha!!

Anonymous said...

kakapraning naman un.. alala ko tuloy ung experience ni Bob Ong sa baguio din. hehe.

yikes!

chennn said...

waah bakit ganito.. itinadhana ba 'kong makabasa ng ganitong entry ng 12:42 am..
nakakatakot kuya!
geez-- makatulog na nga @__________@

*bago i-post comment*
nagbeep ang fone ko, may nagteks...waah ayoko lumingon-- T_T

poging (ilo)CANO said...

kinulabutan ako!

tumira din ako s baguio pero wala pa akong na exprerience na gnyan..


makapag ghost hunting nga!

shykulasa said...

san ba yang KIAS na yan? mapuntahan nga para maiba naman dadayuhin ko pagbalik ko ng baguio :)

pero sa totoo lang habang binabasa ko yung kwento mo,akala ko me punchline, hehe kaya imbes na matakot eh natawa talaga ako kasi naimagine ko yung takot na takot na itsura mo at nung mamang driver!

pero panalo ito, naaliw talaga ako :D

PABLONG PABLING said...

november 1 na pala

tara magtakutan tayo.

PABLONG PABLING said...

totoo po bang may drakula. :)

ps: may bata nga sa bintana namin duguan . . nauntog

ACRYLIQUE said...

Hala. Hinihintay ko yung climax. Nananakot ka pala talaga. :)

P.S.
Hindi lang bata sa bintana ang nasa kwarto ko. :)

crappy said...

trip ko din ang magbasa ng mga ganitong kwento. tsaka sa TV, inaabangan ko din yung mga 'halloween specials' ng ibat ibang programa.

yung kausap mo sa celpon, drakula din?

eMPi said...

kinikilabutan ako...

joyzkelmer said...

ugh, grabe kinilabutan din ako...
palibasa may ghost experience din kami ng pamilya ko jan sa Baguio....

ay, ayoko ng maalala baka di ako makatulog,
hehe :)

RED said...

nagta-taxi pala si drakula?

katakot naman pero medyo sanay na. kaso natatakot pa rin ako,,,(*kilabot)

Yj said...

weeeeeeeeeh..... katakot naman... hmmmmmp takot lang ako pag mag isa ako sa elevator..... katakot talaga...... ewan ko ba.....

Rico De Buco said...

katakot pre...nung ngboard din ako sa bguio nung review..mdmi din ako nrnasan dun..

A-Z-3-L said...

parang kelangan muna mag-eroll ng GHOSTBUSTERS101 bago tumira for good sa Baguio ah...

totoo nga?

The Pope said...

Madalas ako sa Baguio nuong late 80's, at marami akong naririnig na kwento ng kababalaghan pero sa mga pagtigil ko duon from Teacher's Camp at sa Baguio Country club ng nag-iisa, wala naman me na-encounter na nagpaparamdam. Kasi pag nagpakita sila, baka habulin ko pa sila, mahirap mag-isa, mainam na may kasana hahahaha.

A blessed Tuesday morning kaibigan.

Hari ng sablay said...

@MANIKREIGUN haha hndi lng naman sa bguio meron nun kahit saan may kbbalaghan. may mga kaibigan din akong my 3rd eye.cguro nga sa kias dn siya.

@ORACLE haha churi ah,uso kasi katatakutan ngyon eh, tenks tenks... :)

@MAXIVELASCO buti na lang nga,may mga bangin pa naman dun.dito lang ako mgaling pro sa personal,mapapa-huh ka dhil wala kang maiintindihan sa mga sinsabi ko,haha sige ililink kita,salamat... :)

Hari ng sablay said...

@ALGENE haha uu masarap dun lalo na pg gabi ang lamig lamig,ansarap matulog lalu na pg may kyakap,naks!

@JENSKEE ay uu wrong timing,hehe ayko writer ng nkakatakot pati kasi ako mismo ntatakot,lols totoo to pare.sariwang sariwa pa sa utak ko,haha

@CHRONICLER haha okatokat ng parokya ni edgar. pro nkakatawa ang lyrics.

Hari ng sablay said...

@ALGENE haha uu masarap dun lalo na pg gabi ang lamig lamig,ansarap matulog lalu na pg may kyakap,naks!

@JENSKEE ay uu wrong timing,hehe ayko writer ng nkakatakot pati kasi ako mismo ntatakot,lols totoo to pare.sariwang sariwa pa sa utak ko,haha

@CHRONICLER haha okatokat ng parokya ni edgar. pro nkakatawa ang lyrics.

Hari ng sablay said...

@KOX naks alaala tlga,mkhang interesting yun ah,chismoso,haha ay sayang di mo nakita yung bata sinisilipan ka diretso ang titig sayo,lols teka diba ikaw mhilig ka sa drakula? ;)

@JASONIZERS 4th eye?dami ah,,lols cge sasama kita bsta magdala ka ng krus na malaki yung parang sa mga pelikulang pinoy,haha

@KHEED haha natawa naman ako sayo hndi daw duwag pro bukas ang ilaw. uu fmiliar yung place,kami din dati sa taas, papuntang PMA yung kias. bosero?eh bakit duguan yung ulo at napalaki ng mata,wahaha

Hari ng sablay said...

@JEPOY haha naku pg mdilim na sa kalsada at malalim na gabi wag kang titingin sa rearview miror bka may bgla nlang bumulaga sayo.wahaha

@RHODEY nkakatawa nga eh,drakula pa ang langya, takot din ako sa multo,ngtatapang tapangan lang ako pg minsan.pg lumang bahay daw mrami ngpaparamdam,awooooh... peace!haha

@CAMILLE right timing ka sa pgbabasa,haha wala kabang nraramdaman na parang may sumisilip sa bintana mo,wahaha peace!

Hari ng sablay said...

@HOMER ako din gusto ko ng ganito dahil matapang ako,wahaha tara ghost hunting tayo ako bahala sayo basta wag moko iiwan at pabayaan mag-isa,haha

@CHIKLETZ ay talaga,nkalimutan ko na ata yun,anung buk yun?mhanap nga ulit,hehe

@CHENNN haha hindi mo nlng sana tinuloy ang pgbabasa ipinagpabukas mo nlang sana,haha bt di mo tnignan malay mo yung bata sa bintana mo yun,haha

Hari ng sablay said...

@POGING(ILO)CANO sama ako mtapang ako eh,bsta ba hawakan mo ng mhigpit ang kamay ko at wag moko tatakbuhan,haha

@SHYKULASA papuntang PMA yun,sa Loakan Rd. ata yun,tlgang hinihintay ang punchline,haha pra nga akong nasa loob ng ref nun eh,nanginginig nanlalamig,haha.yung mamang driver pinalipad ang taxi,haha

@PAPS haha sino yun bt nauntog,uu nov.1 na nauuso ang katatakutan ngayon lalo na sa mga pelikula ngayon.totoong meron nun,si edward cullen,haha

Hari ng sablay said...

@ACRYLIQUE haha sino pa?may mtndang babae din bang nakabelo ng itim?o babaeng dalagang puting puti ang suot at mukha,waaaaa....peace! haha

@CRAPPY ako din pro hndi ako nanunuod ng mag-isa,haha yung sa celfon,gf ko kausap ko nun hinang-up niya sglit tapos may ngsasalitang diko maintndhan,binaba ko bgla.gabi dn ngyari yun sa bguio, yayy...scary.

@MARCOPAOLO haha bkit naman,ok ang gnyan para mwala ang lamig sa ktawan,

Hari ng sablay said...

@JOYZKELMER anu yun?pkwento naman dali,hehe mukhang interesante eh kasi buong pamilya na kayo,kakatakot dun noh.

@STUPIDIENT nkakkakita kadin ba?may kilala akong drakulang hndi ngtataxi,si edward cullen,lols

@YJ hindi ka naman ngiisa sa elevator eh lalo na pag gabi,dahil may kasama ka hndi mo lang nkikita,haha peace!

Hari ng sablay said...

@RICODEBUCO ano naman yung sayo pre?pkwento naman,hehe mukhang interesante eh,dami daw tlga sa baguio.

@AZEL uu totoo yun. ghostbuster,haha natawa ako dun ah.mukhang kelangan nga ng ganun.

@THEPOPE ay uu dun din kami ngseminar dati sa teachers camp,marami nga din daw ngpaparamdam dun.dahil ayaw mgpakita baka may suot kang bawang sa leeg,haha

jei said...

Totoong kwento ba 'to? Halos malagutan ako ng hininga ah. Sige nga, kwento ka pa. May kaibigan ako na napunta sa Baguio matapos ito lindulin. Sabi niya amoy dugo daw ang lugar, grabe!

Sige na, kwento pa!

Hari ng sablay said...

@JEI opo totoo, :) teka kelang lindol?nandun din ako nung lumindol dun,amoy dugo?niyaayyysss. kakatakot naman,sige pag may time kkwento pa ko,hehe

miss Gee said...

hunyo pa lang! nananakot ka na!atat hehe
akala ko may punchline sa dulo...hinintay ko pero kwentong takutan pala talaga!
--
Napatingin ako sa bintana ko.tila ba may nagmamasid! Naramdaman ko pagtayo ng balahibo ko at kakaibang hangin na dumampi sa balat ko. Bahagya ko ibinaling ang aking paningin sa aking tagiliran...sa harap ng bintana ako ay nagimbal! Hindi ko ito inasahan...nakita ko...
DAMIT KO LANG PALA SA SAMPAYAN!awooh! :D

ROM CALPITO said...

parekoy kakatakot nman yan nalala ko tuloy si ngongo hayyyyy

Ruel said...

Bro, kasalanan mo ang lahat..imbes na magbakasyon ako sa Baguio pag-uwi ko hindi na lang..nakakatakot pala ang Baguio..hehe

Anonymous said...

HAHAHA. natawa naman ako dun. ako, ndi naman ako naniniwala sa drakula, na meron nga talagang drakula thing. :D hehehe. pero i love BAGUIOOO!!! anu konek? hahaha. :D wala lang! :D

napadaan lang po! :D ingat!

Rouselle said...

Siyet! Hindi ako natakot sa kuwento mo pero nagulat ako sa background music! Bigla ba namang may umalulong! ASAAAARRRR! Hahaha!

abe mulong caracas said...

hindi nasana ako magco-comment kasi puno na, pero di talaga ako makatiis...

iba talaga ang baguio, ibang elevl, high end talaga. biro mong dracula ang nakita sa tabi mo? as in dracula!

at hindi aswang o maligno na siyang karaniwang sa kwentong katatakutan dito sa pinas!

dracula ibang level!

Karen said...
This comment has been removed by the author.
Karen said...

matatakotin din ako but i've watched some old Dracula movies yung with Tom Cruise and Brad Pitt "Interview with the Vampire:The Vampire Chronicles" yung maliit pa si Kirsten Dunst ung sabi niya pagka tapos masipsip ang dugo ng tao "I want some more" ahahaha tsaka ung kay Keanu Reeves and Winona Ryder the Bram Stoker's Dracula...di ko alam kung totoo talaga ung ganun pero i've heard stories mula pa nung bata pa ako and sa mga movies...i got scared to read this post...i'm even having second thoughts to continue or stop reading hahahha...i got a little goosebumps while reading damn! kakatakot naman un! Totoo talaga yun? Bakit ang layo naman tsaka meron pa din mga tao dun nag stay...aw d pa ako naka experience ng ganyan talaga katakot pero ung sa Camiguin lang na umuwi kami sa bahay ng ni stayhan namin tapos ang taas ng daan ang dilim may ibang spot naman walang bahay or bakanteng luti puro puno ng saging and ibang puno lang tapos apat kami puro babae, we walked naka half hug lahat and nakapikit kami naglakad sa mataas na street na iyon and to think din sabi nila marami daw wak2x sa Camiguin..It was the most scarriest ever.


Good Scary Story you have here! tsaka kakagulat naman and kakatakot ng music mo dito aguy! hahahaha

Vivian said...

Yay! katakot naman..baka kung ako yun himatayin nako sa kaba...

Clarissa said...

WWWaaahhhh!!Natakot ang Lola mo!!Kakapanood pa naman namin ng horror movie kagabi!!

Anonymous said...

nakakakilabot. haha :) masaya mag bakasyon sa baguio lalo na sa mga panahong ito na tag-ulan. hehe :))

Jez said...

may na-experience na rin ako dyan sa baguio,..hayy sobrang nangatog binti ko..hay naku..ganun pa man masarap pumasyal sa bagyo...lalo na tuwing december and february

hhmmmnn...pero baka nga napaisip si mamang driver kung ikaw nga ang drakula..hehehe

Hari ng sablay said...

@MISSGUIDED haha uso ngayon ang nkakatakot lalo na sa mga movie ngayon,kala mo korning joke nnman,lols yan ang punchline yang sayo, damit lang pala,nyayss...

@JETTRO si ngongo?sino yun?kwento naman dyan,haha usyusero ako eh

@RUPHAEL ha?bkit ko ksalanan?haha kahit san naman nkakatakot,bsta pg pmunta ka ng baguio mgbaon kana lng ng bawang,lols

Hari ng sablay said...

@GLADYSPILLBOX ay oo sarap sa baguio lalo na pag gabi anlamig ng hangin ansarap,lalo na pg kasama mo mahal mo,naks! ako dn ayw ko mniwala na my drakula,hehe

@ANGEL wahaha natawa naman ako sayo,lols prang naimagine ko pano ka nbgla,haha

@ABEMULONGCARACAS haha pngintrnational ang level ng katatakutan sa baguio,actualy diko siya nkita at ayaw ko bka himatayin ako,lols pro kung si edward cullen yun,bka pautograph pako,lols

Hari ng sablay said...

@KAREN ay hndi ako msyado mkarelate diko pa kasi npanuod mga yan,twlight plang npanuod ko,hehe daan lng nkakatakot dun pro yung lugar hndi msyado,ppuntang PMA yun.wak2? anu yun?mnananggal?nyaysss.scary nga. nkakatawa naman kayo tlgang nkpikit pa kayo,haha prang ako,lols

@BINGKAY kala ko nga nun hihimatayin ako,ang bilis ng tibok ng puso ko nun,at filing ko putlang putla ang mukha ko,lols

@CLARISSA haha onga uso mga horror suspense movie ngayon,ayaw ko nga manuod ng ganun bka mapanaginipan ko,lols

Hari ng sablay said...

@IAMLOVED ay oo malamig lalo na pag ksama mo mahal mo,naks! yung tipong mglalakad kayo sa daan ng nkahug sa isat isa,sarap,haha

@JEZ oo dec and feb npakalamig,kulang ang 3 kumot pg matutulog sa gabi,ewan ko ba kay manong driver,cguro npgkamalan niyakong si edward cullen,naks!haha gawagawa ko lng yun.

Meryl (proud pinay) said...

wow galeng talaga ng post mo...grabe! clap clap!
pero di nga totoo nga ba itong experience mo?
ako naman ang experience ko dyan sa baguio noon eh yung shower sa itaas na tinutuluyan namin eh biglang tumunog na tila may nagsha-shower..maririnig mo yun tunog ng tubig sa shower malakas. pero wala naman! scarrrry talaga!

Hari ng sablay said...

@MERYL haha salamat natuwa naman ako sa sinabi mo, :) totoo ito,mdyo nkakatuwa dhil drakula pro totoo po,shower?nyayysss..scary din yung sayo,kung ako nsa psisyon mo diko mggawang tgnan yun,haha

keb said...

Ay sos, d pa ko nakaka tungo ng Baguio. Wag na nga! Ahg! haha Masarap pa naman an sundutkulangot.

Eymi said...

ako din meh que horrorez experience sa baguio. ang lamig lamig tapos meh gumapang na kamay sa paa ko, napatili ako! yun pala kamay pala ng ex ko na taga-Baguio. nyeeh. corny. joke.

but well, Baguio will always have a special place in my heart. kahit na na-poltergeist na kami ng mga kabarkada ko dyan dati. hehehe. o yan, hindi na joke yan.

dasal na lang tayo.

Anonymous said...

may balak pa naman ako mag-baguio sa susunod na buwan, parang ayoko na! hehehe..

ang nice naman ng blogsite mo!
tatambayan na kita lagi! hehehe,

add po kita sa blogrolls ko ahh.
tenkyu! :)

Arvin U. de la Peña said...

ako matatakutin din ako pero ang lubos kong ikinatatakot ay kung iiwan ako ng minamahal ko..

Hari ng sablay said...

@KEB haha uu msarap nga yun parang inuyat, pro nung nandun ako di man ako nkatikim ng ganun.

@EYMI haha ayos ah ex lng pala,pro msarap nga may kyakap dun pag natutulog,lols uu putragis nga ay este poltergeist pala sabi mo,haha ay oo dasal lang katapat nun saka isang kilong bawang,lols

@IPROVOKED haha di lang naman sa baguio may ganun,kahit san meron... ;) bsta mgbaon kna lang ng malaking krus saka bawang,lols add na kita salamat.

@ARVIN naks naman,pansin ko lang pre lagi kang inlove ah,mganda yan nkapagpapabata ng puso,salamat... :)

PinkNote said...

ay,gusto ko ng horror stories!hehe kwento ka pa po..^^hihi

Hari ng sablay said...

@PINKNOTE hehe cge cge pay may time ulit kkwento ko pa ibang nransan pati na din nranasan ng mga kaibigan ko na nakakakilabot talaga,nyaysss...

desza said...

wahaha! naalala ko tuloy last december nagghost hunting kami dun. sa may diplomat hotel? lahat ng kasama ko may naramdaman/nakita daw. ako lang wala! haha! kala ko ginugudtym lang ako..pagkatapos naming panoorin ung video, waaaah! meron nga! pramis!

pero love ko talaga sa baguio.. sarap buhay dun. kahit madaming creepy na experience. kakamiss sobra! hihihi

Hari ng sablay said...

@DESZA ay oo familiar yung place,tapang niyo ah,haha. nyays... ayaw na ayaw ko yung video na ganun di ako mkakatulog pag ganun,haha. oo nman msarap tlga dun lalo na pag ksama mo mahal mo,naks!hehe

Dave Lodi said...

Haha! parang ako yung nasa scene habang kinikwento mo yung detalye. Galing!

♕ reyna said...

awoooooooo!....

meron din akong nakakatakot na experience...

http://www.reyanehaven.blogspot.com/

Post a Comment