Tuesday, June 9, 2009

Lokgnut sa alaw

Sa bahay.
Bihis na bihis ako suot ang nilabhang t-shirt at baon na polo, na isinabit at pinatuyo sa likod ng pridjider. Hirap magpatuyo ng damit ngayong tag-ulan. Pupunta akong maynila. Kaarawan niya kasi. Bago lumuwas dumaan muna sa pinakamalapit na mall para bumili ng mumunting regalo. Ok. Ayos na lahat. Larga.

Sa bus.
Inilabas ang paborito kong libro. Sudoku. Nasosolve ko 'to less than 7mins. Naks nagyabang pa, EASY lang naman ang difficulty. Teka, di ba automatic ang pagkuha ng ticket sa nlex? Bakit may mamang pulis na nag-aassist sa driver para iabot ang ticket? Para san ang automation? Useless.

Kita tayo sa jollibee malapit sa inuupahan namin. Lam mo na yun di ba?
Ok sige sige.
Teka may payong ka ba? Lakas ng ulan dito.
Wala nga eh.


Sa jollibee.
Ah sir paki-iwan na lang po ang payong dito sa labas.
Ay ganon ba. Ok.

Napilitan kong iwan ang chuchal kong payong.

San mo nanaman napulot ang payong mo?
Sa monumento. 50 isa. Disposable. Hindi tatagal ng 5 araw at pang-3 gamitan lang. Pag nahanginan siguradong babaliktad ito at hindi na babalik sa dati. O diba chuchal.

Paglabas sa jollibee.
Teka may nawawala.

Anak ng tokwa kinuha pa ata yung bwiset na payong na yun.
Ah sir baka natabunan lang po.
Nadinig pala ako ni manong guard. Mabilis akong mag-isip ng masamang bagay sa mga pagkakataong tulad nito.
Ay ayun, natabunan nga lang pala kala ko ninakaw.

Sayang din ito pweding pamalo ng daga sa amin pagkatapos gamitin.

Arigunding-gunding-arigunding.
Sa bahay nila andun din ate niya. Nagkumustahan lang ng kaunti at panik agad ang ate niya sa taas. Naiwan kaming dalawa sa baba. Wala naman kaming ginawa. Lambingan lang. Pero marumi ang konsensya ko. ;)

Pupunta daw kaming Libis mamyang gabi para i-meet ang kanyang mga prens.

L-Series.
Sa LRT. As usual, siksikan. Tulakan. Tahimik ang mga tao. Pagod siguro. Malayo pa station namin para i-meet ang kanyang mga prens. Unti-unting nauubos ang tao.


Tiniw-tinininiw-tiw tiniw-tinininiw-tiw tiniw-tinininiw-tiw. Isang eskandalosong ringtone ang pumutol sa katahimikan sa loob ng LRT. May mga nangisi dahil sa nakakatuwang tunog ng cellphone. Naulit ito ng madaming beses. Hindi ko alam bakit ayaw sagutin ang tawag, na parang nagmumula sa loob ng bulsa o bag. Medyo maluwang na rin ang LRT wala ng maglalakas loob na mangholdap. At sa tingin ko wala ng magkakainteres sa tunog lumang unit na telepono.

Next station na at pumupwesto sa pinto ang estudyanteng babaeng bababa. Habang naglalakad ito, naglalakad din ang tunog ng telepono. BINGO! Ikaw ang salarin.

Teka. Tanong lang. Nakakawala ba ng poise ang ringtone ng cellphone? Hindi naman siguro tatawag yun ng pauli-ulit kung hindi mahalaga ang sasabihin. Nahihiya ka bang ilabas ang Lumang-Series mong fone? Ganun na ba kaimportante sa tao ang cellphone na mamahalin at bago?

Meet her prens.
Kumustahan. Batihan. Halikan. Yakapan. Piktyuran. Masaya silang nagkita-kita. Masaya din ako dahil masaya silang kasama. Kwela. Maingay. Makwento. Hindi ka magsasawa. May kanya kanya silang istorya. Ang iba nag-sisideline ng negosyo. Meron sa kanila nagpapa-aral ng kapatid. Di tulad kong sariling buntot lang ang hila-hila... nahihirapan pang idala.

Habang kumakain.
Napunta ang topic sa trabaho. Puro sila mga accountancy graduate. Kaya halos sa bangko sila nagta-trabaho.

Ikaw san ka nag-wowork? tanong ng isa niyang kaibigan sa akin. Hindi ako nabigla, ineexpect ko ang tanong na yun.
Ah... eh... wala,hehe sa bahay lang... Hindi na nasundan pa ang tanong. Bigla tuloy akong napaisip. Oo nga pala kalahating taon na pala akong tambay. Walang ginawa kundi magpalaki ng bayag. Asan na ba ko? Ano nga bang ginagawa ko dito? Ah basta. Ayokong sayangin ang gabi. Itinigil muna ang pagmumuni-muni. May oras para dito.

Pagkatapos kumain.
Kala ko magsho-shot na. Hindi pala. Coffee-coffee na lang daw. Alam ko naman na hindi sila matakaw sa alak tulad ko. Saka kung magsho-shot man sila, hindi ako iinom. Dahil hindi ako umiinom ng kaunti.

Hatid sundot.
Madaling araw na kaming naihatid sa bahay. Kami lang dalawa. Nagtext ate niya nasa gimikan daw. Dahil sa hapong-hapo na kami pareho, naghilamos lang saka na nagpahinga. Wala naman kaming ginawa. Pero marumi ulit ang konsensya ko. ;)

Kinabukasan.
Tinext ko si ermats at sinabing mamyang gabi na lang uuwi. Walang reply kahit K man lang. Pero feeling ko masayang-masaya si ermats dahil wala ako sa amin ng 2 araw. Haha.

Fakeful.
Nilubos na namin ang araw dahil kinabukasan balik ulit siya sa trabaho at weekends na naman ulit kami magkikita. Hirap ng sitwasyong ganito. Yung tipong pag namimiss mo siya gusto mong halikan o yakapin pero di mo magawa. Pero kunsabagay ok na rin ang ganito. Buong week, walang nagbabantay. Actually wala naman talaga akong ginagawang makakasakit sa kanya. Pero marumi na naman ang konsensya ko. ;)

Bye bye.
Papalubog na ang araw. Inihatid niya ko sa sakayan ng bus. Hirap magpaalam. Nasanay kasi akong kasama siya. Maghapon. Magdamag. Masaya.

Ngayon.
Balik na naman ako sa wala. Tungkol sa wala.

52 Sumablay:

Rouselle said...

Mahaba naman yung happy moments nyo ni sweetie mo eh. Til the next happy moment. :D

You'll be fine.

Gi-Ann said...

Anak ng Tokwa..natabunan lang pala yung payong. haha! tindi rin pala ng mga kaibigan mo..accountacy lahat? At dahil nga sa hindi ka umiinom (ng kaunti.)

*bow* what a day. Tapos balik sa wala. Pansamantalang kasiyahan ba yun?

chuchal. hehe.

Dhianz said...

awww... ang sweet naman... at least kahit papaano nakakasama moh ang labs moh... hayz... buti kah pah... sigh! *bungtong-hininga* parang pare pareho lang sinabi koh don ah... sige ingatz lagi johnlloydskee-kun.... ingatz kayo lagi nang mahal moh... Godbless! -di

Algene said...

ahw ang sweet. bakit? ldr ba to? :D okay lang yan. kaya mo yan! gow! :)

PABLONG PABLING said...

LDR ka pala tsong. Long Distance Relationship!. . .mabuhay ka!

taena dumaan ka sa monumento sana tinext mo ko taga diyan lang ako. ahahaha. daming payong diyang tsingkwenta

PABLONG PABLING said...

ang ang title lokgwo alaw ano yan

2ngaw said...

Hehehe :D Ayos ang weekend mo parekoy...sandali....nasan na ung payong mong chuchal? nadala mo ba pauwi?

HOMER said...

Ang saya ng mga frens? frens mo ba yun talaga?
"nag-ba-Batihan. at nagha-Halikan. " kayo! baka pwde sila mameet haha!! :P

EǝʞsuǝJ said...

wahaha...

LDR?
nagwowork ba yan?
haha..natanung lang..
ako kase eh mapaghanap ng bongga..
mapaghanap ng makakaaway at sisisihin sa mga bagay-bagay..
joke...

add mo ko sa plurk pare..
pakisearch mo si "apshie"...:D

SEAQUEST said...

Gets ko title mo "lungkot sa Wala" di namn masyadong bomalabs...nasa kwento hehehe...

SEAQUEST said...

Yung "shala" mong payong pala anong nangyari nagagamit mo na pamatay ng gada??

Cayy Cayy said...

Diba, tungkol sa wala un? [[:

Paano naman naging marumi ang kunsyensya mo?

Rhodey said...

wow okey ang araw ni tambay aheheheks... tungkol lang pala sa walang kwentang payong ito, pinahirapan mo pa akong pabasahin sa pabaligtad mong taytol.. aheheks....

gudlak sa pagkukula, at paglalaba sa madumi mong kunsensiya aheheheks...

atribidang mayora said...

naks naman si kuya... en labbb! hahaha... asan na pla yun chakaness mong payong? hehehe

Hari ng sablay said...

@ANGEL onga sulit naman. enjoy naman... :) salamat. sana nga puro hapi moments,hehe

@GI-ANN uu balik sa wala,walang magawa,haha hindi ko sila prens,prens sila ni labidabi,hehe pro dahil namit ko sila prens ko na din sila,hehe

@DHIANZ haha bkit kana man npabungtung hininga, ah alam ko na dahil sa taken mong crush noh?hehe ok lang yan,darating din ang araw para sa'yo.salamat ingatz din.Godbless!

Hari ng sablay said...

@ALGENE sweet?di naman,hehe uu ldr. weekly lang kami mgkita, minsan 2x a month lang.pinakamatagal ata 2months.

@PABLONGPABLING haha oo naman buhay na buhay ako. uu sa monumento ako baba tapos lrt papunta saknila, ah tlga lapit ka lang sayang noh hindi kita natext,sige sa susunod.
lokgwo? anu daw?haha mukhang mura yan ah,haha

@LORDCM ayos nga pre enjoy naman. yung payong minsan ko palang ginamit, may natitira pa siyang dalawang buhay,lols

Hermogenes said...

sori parekoy, 'kala ko kaya ka nawala ng medyo matagal e nambading ka... (sori ulit, pero marumi ang konsensya ko...) lolz!

Hari ng sablay said...

@HOMER actually prens niya pro prens ko na din,hehe nagbabatihan?parang ang sagwa basahin ah,haha pwding pwd alam ko yung iba sa kanila single,hehe

@JENSKEE uu pre ldr. hindi ko lam kung ngwowork to,subok lang,hehe kawawa namn labidabs mo kung aawayin mo lagi,hehe dpat bugbugin mo siya ng pagmamahal,naks. cge add kita pre,salmat.bago lng ako sa plurk eh,hehe

@SEAQUEST ennkkk! mali po.hehe tungkol sa wala! ting ting ting! tama.hehe yung shala kong payong ay may natitirang pang 3araw at 2 buhay,lols

Hari ng sablay said...

@CAYYCAYY uu tungkol sa wala yun, tumpak! dahil dyan nanalo ka ng trip to monumento,lols naging mrumi ito dahil hindi ito malinis,dahil may ginawa akong hindi maganda sa mata ng diyos,lols

@RHODEY haha medyo ok lang naman.onga tungkol sa payong na may taning ang buhay,lols masyadong mamantsa ang kunsensiya ko dahil sa mga ginawa ko lately.buti nlang umaaraw na di na kylangan isabit sa liko ng ref.

@ATRIBIDANGMAYORA haha di namn medyo lang,ahihihi yung chaka kong payong ay naghihingalo na may dextrose at ngpapahinga, 3 days nalang daw ang itatagal,lols

Hari ng sablay said...

@TONIO haha kylangan din ikusot ang konsensya pre,pero di na kylangan isabit sa likod ng ref may araw na kasi,lols ayoko sa bading matrona pwedi pa,haha bsta may asim pa,lols pwera lang si madam auring.

Liza C Abad said...

ngayon lang ako nagbasang mahabang blog post. :)

nakakaaliw naman. :)

cheers! more happy moments for both of you. :)

happy blogging

Hari ng sablay said...

@LIZA hehe mahaba ba?tagal kasi akong di nkapagkwento eh,salamat nama at naaliw ka,hehe happy blogging din,tnx2

ITSYABOYKORKI said...

nakaaaliw ang post nato at ang chucal mong payong heheh meron din kasi ako nun naloko ka 45p lang sa baclaran pang 3 gamitan din [tawa malakas] btw ako si korki ....

Chronicler said...

Kakatuwa naman ng hapi moments mo wid ur labidabi. Ano ba to tungkol ba sa adventure mo wid labidabi or ung chuchal mong payong...hahahah watever. Keep on blogging, bro.

eMPi said...

oyyy... namimiss niya... heheheh!

Hari ng sablay said...

@KORKI chuchal ka din pala,lols ah tlaga?hindi na kasi ako tumawad pa nun eh. hayaan na pwd na rin yung 50 na yun,namili namin ako ng medyo matibay,hehe nice to mit you,salamat... :)

@CHRONICLER salamat at naaliw ka sa mumunti kong adventure.,haha itoy tungkol sa wala, :) uu nga watever,hehe salamat sa iyo keep on blogging din.

@MARCOPAOLO haha d naman,medyo lang. nakakamiss nga pag ganito lalu na medyo umuulan ulan malamig ang panahon,lols

miss Gee said...

naaliw ako parang eksena'ng chickflicks lang!hahah

tcf said...

medyo ano, nakakawindang nga minsan yung tanong na "saan ka nagtatrabaho?" na normally ang kasunod "magkano sweldo?"

sana pwedeng i-warn ang ang friends na taboo ang ganung questions habang hindi pa big time. ahaha

RED said...

twing marumi ang konsensiya mo, dumudumi naman ang isip ko,, hehe

malayo man, malapit din (parang kanta lang) pero gud lak sa inyong dalawa, sanay humaba pa ang meron kayo ngayun. kelan kasal?

Deth said...

naku naku inlababu ka Sablay...(at marumi din ang kunsensya ko) ahahahaa, joke lang:P

Cayy Cayy said...

Ay, naglaro kayo ng bahay bahayan? LOLS

ACRYLIQUE said...

SHET! LAB STORI! Hay..

Sarap naman.. Sweet!

ikakasal na ba?

Hari ng sablay said...

@MISSGUIDED haha chickflicks?nu yon?parang tgis ganun?hehe salamat... ;)

@TCF onga eh noh, pro expect ko na yung tanong na yun at nkahanda naman ako sa sagot,mdyo sumablay pro ok lang gnun tlga eh,hehe

@STUPIDIENT bkit ano iniisip mo bt dumudumi yan?hehe kasal?wala pa sa plano ko,kylangan munang iwanan ang pgiging tambay bago pkasal,

Hari ng sablay said...

@DETH naku hindi naman onti lang,medyo lang.hehe bat marumi konsensya mo?may ginawa kang hindi dapat noh?tsk tsk,hehe

@CAYYCAYY medyo saka basketbol,lols wala nga akong mintis eh laging ringless,lols biro lang yun,haha

@ACRYLIQUE haha di naman sweet,ngpapakaromantiko lang,lols kasal?hindi pa mdami ngayong ikakasal yoko munang sumingit.

chennn said...

super nice! *two thumbs up*
more more! idol! hehehe :D

Novian said...

Blogwalking @ afternoon, happy blogging, visit me back ok.

Hari ng sablay said...

@CHENNN hehe salamat u apreciate it, :) yan ay mumunting karanasan ko lamang last weekend. wag moko i-idol nahihiya ako,haha

@NOVIAN ok ill visit u back and forth and front and side to the left and to d right,tnx...just kidding ang joking too, lols happy blogging, ;)

PABLONG PABLING said...

wala wala wala

mabuhay radyo sago proyekto!

keb said...

Buti di ka nabiktima ng mga kalahi ko sa Jolibee. Once nagawa ko ito. Nasa jolibi ako at bumabagyo, gusto ko nang umuweee! At iniintay na ni mamita ang fud kaya heto, kumuha ng "chuchal" na payong na hindi ko pag mamayari, sabay uwe. Cool!

Hari ng sablay said...

@PABLONGPABLING meron meron meron,hehe mabuhay!astig si lourd. kulang ng aktibo,hehe

@KEB aha!isa ka rin palang mangunguha ng payong, preho tayo nagawa ko na din yun dati,lols kaya ko nman ngawa yun eh gumanti lng ako kinuha payong ko.buti d tau nahuli kundi yari tayo,lols

Ruel said...

Marumi ba talaga ang konsiyensya mo? At wala ba talagang nangyari?hehe

Hayaan mo kung balik ka naman sa dati, ganun talaga 'yung pag-ibig..

Anonymous said...

marumi ang kunsensya. haha - laughtrip po :)

Hari ng sablay said...

@RUPHAEL haha medyo marumi at medyo may ngyari,ang gulo,uu nga ganito tlga ang pagibig. sabi nga ni ara mina ay ay ay pag-ibig nkakabaliw.lols

@IAMLOVED haha salamat sa pagtambay,mrami kasi akong ngawang hindi dapat sa mata ng diyos,hehe

Anufi, Patronesa-in-waiting ng mga Tunay na Veyklas said...

Vongga itey ha! :) haller from mga tunay na veyklas

Kat - Kat said...

awww. nakaksad naman yung last part T^T

hanap ka na ng trabaho kuya. hehe :D

about dun sa girl na ayaw ipakita ang kanyang celpon, anu ba nakakahiya dun? atleast meron sya dba? abah kahit computer agae na tyu, may mga teenagers pa din nga na walng celpon hanggang ngaun e. dba???

nagenjoy aku sa post mu kuya ^__^v weee ~

chennn said...

panu ka po ba mahiya kuya miron?? cge nga describe mo tas iimajinin ko (/namin)
hahaha
game! :)

Hari ng sablay said...

@ANUFI anu daw?haha haller din sayo, salamat sa pagtambay ng bongga,lols

@KAT-KAT uu nga kylangan ng maghanap ng pagkakakitaan,hehe ewan ko ba dun sa girl na yun,ganito ata talaga ang buhay ngayon,pg luma fone mo hindi ka in ika nga,haha salamat... :)

@CHENNN haha bsta dyahe ako,haha namumula na mga pisngi ko, pisngi ng puwit,lols

salamat sa pagtambay... ;)

Eymi said...

masaya ako na kahit ilang oras lang ay naging masaya ka sa piling ng iyong sinisinta. pero marumi pa din ang konsensya mo. =))

Anonymous said...

khit saglit lng na araw kau mag kasama, naging masaya pa din kau :) ang galing :))

Hari ng sablay said...

@EYMI haha darating ang araw malilinis din ito,kylngan lang ibabad saglit at ikula pagkatapos,lols salamat... :)

@KOX uu nga dapat lang dahil pg pinagsungitan niya ko magwawalkout ako,lols salamat... :)

ROM CALPITO said...

parekoy miss ko na yung himala hahaha

Hari ng sablay said...

@JETTRO himala? ah yung kay nora aunor?wahahaha

Post a Comment