Friday, July 3, 2009

Taning

"Tuloy lang ang buhay. Ganun talaga. Iniisip ko na lang wala akong sakit..." Yan ang sabi sakin kagabi ng aking barkadang si Bochok. Napakabilis ng nangyayari sa kanyang buhay. Napakalungkot.

Sabi nila dati, Diyos lang ang may alam kung kelan ka mawawala sa mundo. Pero dahil sa makabagong panahon ngayon, modernong mga kagamitan, mabibilang na ang nalalabi mong oras.

Mahigit walong taon na din kaming magkaibigan. Laging magka-grupo sa ano mang proyekto nung kolehiyo. Isang kalabit niya lang sakin nun, layas agad kami sa unibersidad namin at diretso sa inuman. Kahit may exam walang pakialam. Uso naman ang removal. At alam naman namin makakabawi kami kinabukasan. Magaling kasi siya. Kahit anong programming languages alam niya. Kaya ayun, may kopyahan ako.

Pagkagraduate namin, kanya-kanyang hawak na ng buhay. Di na uso ang removal. Wala na ring kopyahan. Hindi na professor magtuturo sa'yo kundi sarili na mismo.

Lumipas ang ilang taon, nagkaruon siya ng sariling pamilya. Magandang trabaho. Nagkasama din kami dati sa kanyang pinapasukang trabaho. Mataas ang kanyang posisyon sa isang kumpanya kaya ipinasok niya ko.

Base sa sinabi niya kagabi, matagal na ang limang taong ilalagi niya dito sa mundo. Wahahaha. Nakakatuwa naman ang joke na yun. Pero hindi pala biro. Seryoso. Tsk! Napailing ako.

Kidney failure. Nagresearch ako tungkol dito. Maraming paliwanag, yung iba di ko na maintindihan. Isa lang ang alam ko. Ang tangnang sakit na ito ang papatay sa kaibigan ko.

Gumagastos siya ngayon ng mahigit-kumulang sampung libong piso kada buwan, para lang i-maintain ang kanyang kalusugan. Maswerti siya dahil mataas ang kinikita niya. Kundi, di na siya aabot ng isang taon. Sabi daw ng kanyang doktor, 1M ang kidney transplant. Pero walang kasiguraduhan na gagaling siya dun. Dahil posibleng pagdating ng araw hindi rin tatanggapin ng kanyang katawan ang batong isinuksok sa kanya.

Limang taon? Maximum. Hindi natin alam ang pweding mangyari sa bawat isa sa atin. Maaaring mas maaga pa siya dun. O di kaya, maaaring mauna pa 'ko sa kanya. Hindi natin masasabi. Pero limang taon? Taning? Parang sa bawat titig niya sa kanyang tatlong taon na anak na walang kamuwang muwang, ay ang sabay na pagtitig din niya sa kanyang orasan.

Ang dating basagulero at lasenggero, ngayon mahal ng lahat. Ang kanyang mga kaibigan at kamag-anak naluluha pag nakikita siya. Naaawa sa kanyang kalagayan. Naging malapit din siya sa iba niyang pamilya. Naging mas malapit pa sa kanyang ina at ama. Naging malapit sa lahat... lalo na sa Diyos na dating tinalikuran niya.

Buhay nga naman. Minsan kailangan mong masugat para maghilom ang mas malalim na sugat.

74 Sumablay:

abe mulong caracas said...

haaay

natandaan ko, kumawala ako ng paniniwala. nagtanong ng sa mga pinaniniwalaang hindi nakikita.

pero sabi ng isang kaibigan, parang dalawang kamay mo lang iyan na gustong ibuka at lumaya.

pero darating ang panahon ibabalik mo din iyan sa posisyon ng pagdarasal. tama nga. dumating sa puntong ganuon.

dasal lang parekoy!

EyMi said...

my dad underwent kidney dialysis for almost 2 yrs until his body (and my pocket) gave way so i know how it feels to see someone go weak before ur very own eyes. as the cliche goes, things happen for a reason. dang those reasons. minsan ang hirap intindihin. but well the best thing that we can do for ur friend is to include him always in our prayers. death is inevitable, lahat tayo darating dun, una-unahan nga lang. pero the most important thing is that we get the most out of the life that He gave to us while we're still here.

i'll pray for ur friend. =) *hugs*

Hari ng sablay said...

@ABEMULONGCARACAS ganun nga siya dati walang seryosong relihiyon,tama nga naman darating sa puntong ganun,sa puntong kylangan mo tlga ng mkakapitang hinding hindi ka bibitawan.sabi ko din sakanya dasal lang,salamat pre.

@EYMI onga hirap ng unti-unti kang pinapatay,ngbibilang ng oras sa mundo.nalungkot naman ako sa dad mo,prang lam ko din ano pngdaanan niya,eh ganun nga siguro tlga ang buhay kylngan tlgang phalagahan ito hbng meron pa,salamat sa prayer... :)

PABLONG PABLING said...

walang imposible kay papa Jesus. . . manalig po tayo sa kanya.

renal failure - yan ang sakit na wala talagang kasiguraduhan, kahit mag pa kidney transplant - dinifend ko yan dati sa mga panel sa health ethics namin. hayysss

continue praying na lang po para sa ating kaibigan.

Anonymous said...

dasal lang talaga ang katapat nyan.
grabe. nakakatakot pang ganung alam mo na mamamatay ka na soon. napakalungkot.

dapat talagang ipagtiwala na lang lahat sa Panginoon.

JoiceyTwenty said...

aww ang lungkot naman. dahil sa medical field ako, may idea din ako kung pano namamatay ang mga tao. sa totoo lang, pinakamalungkot (at pinakaayaw ko) ang magkaron ng kidney failure. mababaw lang ang dahilan ko... yun eh pumapangit ka pag kidney ang problema. pasensya na.

well hindi pa din natin alam ang future. kaya habang may time, gamitin ito ng maayos. carpe diem, yan talaga ang motto ko sa buhay.

isasama ko sa dasal ko yung kaibigan mo.

Hari ng sablay said...

@PAPS sabi ko nga din sakanya wag siya mwalan ng pag-asa.renal failure?hndi ako fmiliar,sa puwit ba yun?prang may cnection sa kidney kasi prang sa dumi rin ng ktwan?tama ba nghuhula lng ako,hehe onga sana nga mlampasan niya to,salamat paps.

@CHIKLETZ nkakatakot nga saka nkakalungkot prang ang weird ng filing alam mong mamatay ka na,panu ka kya mghahanda?tsk! sabi nga niya hndi daw niya iniisip na may sakit siya,salamat chikz.

Hari ng sablay said...

@JOICE totoo ba yun?papangit ka pg kdney ang prblema?ayaw ko din yun pangit na nga ako papangit pako,lols onga hndi natin alam anu pa pwedi mngyari,teka ano ung carpe diem?msarap pknggan,hehe yan ndin motto ko,salamat joice. :)

Jepoy said...

Nakakalungkot naman ang sinapit nya. Sa panahon talaga ngayon mahirap mag kasakit!

Walang imposible k Papa Jesus. Pag pray nalang natin sya...

As for the morale of the story... Wag nating abusuhin ang ating body habang bata at malakas pa tayo kaya ako ayoko ng manigarilyo titigal na ko mamya, promise! (I wish)

eMPi said...

nakakalungkot naman to... pag-Pray na lang natin ang kalusugan niya...

2ngaw said...

Ang hirap no, lalo't may iiwan ka...Gusto mo man gawin lahat pero parang magkukulang ang panahong ibinigay sayo...

Magtiwala lang sya parekoy, malay mo bigyan pa sya ni Bro ng mas mahabang oras para sa kanyang mga anak..

Vhongzky said...

Just wanna share my FUCKING experience with SM Cinema Valenzuela.

Nanood kami ng LFS ng Transformer kahapon sa SM Cinema Valenzuela. Kadalasan ay dala ko ang camera ko so nung papasok kami ng cinema ay sibabi ng attendant na bawal ang camera sa loob ng sinehan, so tinanong ko kung papaano ko iiwan ang kamera. bibigyan na lang daw kami ng number at ipo-forward nalang nila sa admin office ang gamit namin. Dahil nga policy ng admin yun to prevent piracy, wala naman kaming magagawa kundi sumunod bilang respeto sa policy nila. pinakiusapan ko na lang ang attendant to take good care of the camera. Pero nung kinuha ko na ang kamera. napansin kong may maliit na gasgas ang LCD at naiba nag position ng camera. Galit na galit ako sa admin dahil walang pakundangang ginalanw nila ang kamera ng wala man lamang pasintabi. ang paliwanag lang sa akin ng admin ay kailangan lamang daw nilang i-logbook ang nasabing gamit. Kaya nga pinaiwan ang kamera ay dahil alam nilang kamera ang laman ng bag at sana kung kailangan pala nilang ilogbook ang n ilalaman ng bag ay ginawa nila iyon sa harap ng may ari. Kahit na sabihin nating iyon ang palicy nila, binigyan man lang sana nila ng respeto ang mga taong pumapasok at nagiiwang ng gamit sa mga Cinema nila o anumang baggage counter nila. Bilang " RESPETO" sa mga ipapatupad nilang polisiya ay bigyan din nila ng "RESPETO" ang mga costumers nila. ni wala man lang silang ginawang akson kundi magpaliwanag. Paliwanag na bulok!!!!! Against din tayo sa piracy pero di rin masososlove ito sa pamamagitan ng mga ganitong KABULUKANG SISTEMA ipinapatupad ninyo!!!!

Eli said...

wake up call na yan para sa knya.

Joel said...

mas kelangan nya pa sigurong mapalapit kay bro, yung limang taon na yun ay pwede pa namang dugtungan ni bro eh, basta kumapit lang sya ng mahigpit..

Anonymous said...

aw. nakakalungkot naman. :( magdasal lang xa at mag tiwala.. mag tiwala tau lahat kay lord :) walang imposible.

Deth said...

that was sad...we'll be praying for your friend.

SEAQUEST said...

LAhat ng nangyayari sa buhay may dahilan wag niang tingnan sa paraang ikaw ay masasaktan bagkus aitin nia ang nalalabi pang buhay sa paraang mayiiwan ng isang alaalang kailanman ay di makakalimutan, sabi nga walng nakakaalam sa hangganan ng buhay kaya importanteng gugulin ang bwat segundo ng ngayon, hindi ng kahapon hindi ng bukas, ng isang makabuluhan hindi lang para sa sarili bagkus para sa mga tao sa kapaligiran...May perseverance still with your friend, i know he can make it...God Bless Him..

mommy ek said...

Kaya ayoko n tlga ng alak e.at pati husband ko e pingbbawalan ko na! Katakot tlga yan e!

Ruel said...

it's a sad story..nothing is certain in this world..death is sure to come..this is a painful reality which we need to accept.

Joni Rei said...

waaa. grabe. pang MMK tong istorya nya kuya. pramis. tsk. Siguro trust God nlng. Baka sakaling mdugtungan p life span nia. Amen!

JoiceyTwenty said...

haha natawa naman ako sayo. carpe diem as in seize the day, kumbaga sulitin bawat oras, gawin na ngayon ang pwedeng gawin ngayon, wag na ipagpabukas.. oo totoo yun, pag kidney kase ang problem magdadry yung skin tapos maga buong katawan, lalo na ang fez. kaya yun..

an_indecent_mind said...

malungkot ito brod... nakakarelate ako...

HOMER said...

"Pagkagraduate namin, kanya-kanyang hawak na ng buhay. Di na uso ang removal. Wala na ring kopyahan. Hindi na professor magtuturo sa'yo kundi sarili na mismo. "-- Very True!!

Ipaalala mo nalang sa friend mo ang turo sa atin ni Jollibee.. "KAYA MO YAN KID".. :)

Jules said...

Minsan kailangan mong masugat para maghilom ang mas malalim na sugat. Love this last line of your post. Nkakalungkot pero masaya narin ako. Dahil nalaman kong tanggap nya, at may mas nadagdag pa sa knyang mga mahal s buhay.Ang mga dating di nya kalapit. Ngayon nahihinagpis para sa knya. Pero wag mag-alala may himala. Malay nati db..=D

http://www.soloden.com/
http://julesmariano.com/

Anonymous said...

yeah.. wala parin imposible sa Panginoon, kaya nyang gawin ang mga hindi na nating inaasahan na mangyayari pa, at dapat lang ay matibay na pananalig at pagbibigay ng sarili sa kanya, hindi nya tao bibiguin

madz said...

Naiiyak naman ako sa post mo na 'to :(
Programmer ka pala, hindi kaya dito kayo pumapasok sa kumpanya ko ngaun?

Pero, alam mo, mas maswerte nga siya eh, alam na nya, mapaghahandaan pa niya, hindi katulad natin, hindi natin lubusang maramdaman na papanaw tayo kahit anong oras. Hindi natin magagamit ang panahon upang iparamdam sa lahat na mahal natin sila, kasi, hindi pa natin alam kung malapit na tayo mamatay. Pero siya, mapalad siya at alam na niya. May pagkakataon siyang gawin ang mga bagay na gusto nyang gawin bago sya pumanaw.

Hari ng sablay said...

@JEPOY nkakalungkot nga pro ganun tlga buhay,salamat sa prayers pre.tama ka dpat phalagahan ang buhay, preho tayo antagal ko na din gustong tumigil manigarilyo pro hindi ko nagagawa,haha gustong-gusto kc natin ang linyang...bsta oras mo oras mo na,hehe khit di ka naninigarilyo.

@MARCOPAOLO salamat sa prayers pre.ganun talaga di natin alam ang mga plano ng Diyos satin,ganun tlga ang buhay mnsan tlaga nkakalungkot.

@LORDCM uu pre tama ka mahirap tlga,prang filing mo mabibitin ka sa msasayang araw na ginagawa mo,sana nga bgyan pa siya ng mhabang buhay,di natin alam pro malay nga natin diba,walang imposible sa Diyos. salamat pre.

Hari ng sablay said...

@VHONGZKY salamat sa pagsshare mo dito pre,ang malas mo naman ntikman mo ang bulok na sistema dito,ngandahan siguro sa camera mo kaya kinalikot, mga walang respeto nga mga yun,pkialamero na bastos pa.kung ako siguro yun ggntihan ko pa sila eh,haha biro lang.

@ELAY uu nga cguro nga,prang ngayon ang ng-iiba ang pananaw niya sa buhay,mas pinapahalagahan ang buhay,salamat, :)

@KHEED tama di natin alam,kaya nga may tinatawag na milagro.walang imposible sa Diyos,salamat pre. teka kala ko kagabi nwala ang site mo di kasi ako mkapasok,hehe

Hari ng sablay said...

@KOX uu tama walang imposible sakanya,nkakalungkot nga pro ganun tlga buhay. salamat kox. teka diba may sakit kadin,kmusta na h2n2 mo?haha tulad ng sabi mo dasal lang din... :)

@DETH salamat po.. :) sad nga tlga pro di naman namin msyado iniisip na may sakit siya tuloy lang ang buhay.

@SEAQUEST ang ganda naman ng sinabi,importante nga naman ang ngayon,kasi nga tomorow is a new day,one day at a time.mrami pa namang oras hndi pa huli ang lahat. ako din naniniwala akong kaya niya ang laban niyang ito,siya pa matibay yun eh, salamat po... ;)

Hari ng sablay said...

@MOMMYEK ako din ayoko na ng alak,ocasionaly nalang ako umiinom...pro every week may okasyon dito,haha kung wala man ggwan ng okasyon,haha hirap kasi iwasan pro hndi imposible,

@RUPHAEL onga eh mahirap man tnggapin pro kailangan,at wala tlgang permanente dito sa mundo,kakalungkot tlga pro ganun tlga tuloy lang ang buhay.

@JONIREI haha pedi ngang pngMMK noh,mkasulat nga kay mam charo,lols uu yun nga siguro mgndang gawin,kapit nalang sakanya,after all Diyos parin naman may alam kung kelan siya tatagal.salamat.. .:)

Hari ng sablay said...

@JOICE ah yun pala yun,reresearch ko sana kgabi kaso inantok nako,pro yun na nga ang motto ko carpe diem,haha maga?nyayss nkakatakot nga edi para ka ding ngparetoke ng mukha,haha

@INDECENTMIND malungkot nga pre,pro ganun man wala na tayong mgagawa,hndi ko lam kung san ka nkakarelate pero dasal nalang tayo. :)

@HOMER ayos yun ah,haha tama nga naman kaya yan kid.prang naalala ko mighty kid na sapatos,haha salamat pre..

Hari ng sablay said...

@SUMMER uu marami pang ngmahal sakanya,kaya lang may halong awa na din,oo nman may himala,hndi natin alam kung ano ngaabang satin kinabukasan,hndi natin alam minsan ang mga plano ng Diyos,hngat may buhay may pagasa, salamat... :)

@ANTHONY tama yang sinabi mo,ika nga ni santino may bukas pa,hehe may awa ang Diyos at naniniwala din ako na lam niya ang lahat ng mga pinagdadaanan natin,tama di niya tayo bibiguin,faith lang. salamat..

@MADZ aw...snsya na mdyo ume-emo akong bgla,haha teka ano ba cmpany niyo?dati ortigas kami likod ng megamall.mswerti?sguro sa ibang bagay,pro sa ibang bagay hndi rin dahil prang nakapila na ang kaso ng knyang buhay kay kamatayan,nghihintay nlng siya ng hearing sa korte,kaya sabi nga nila dapat gawin na ang dapat gawin sa araw-araw,salamat... :)

Unknown said...

Yan ang buhay, masaya, malungkot, at may hiwaga. Bigla nalang nangyayari ang mga bagay na di iaasahan. PWd itong malungkot o masayang bagay.
Ang tanging kaylangan lang ay ang matatag na kalooban at matibay na pananalig sa diyos. Di sya mangiiwan kahit na anong mangyari. Handa syang sumalo, kahit na sa anong paraan. May himala, kaya wag mawalan ng pag-asa.;D

http://www.solofoodtrip.com/
http://www.jobhuntpinoy.com/

Love said...

hayz.. kalungkot.. ayoko tlga ng death separation..

on the other hand, may maganda din naidulot yung alam mong may TANING na ang buhay mo, kasi maiaayos mo pa yung mali mo, mapapahalagahan ang bawat segundo, pero kailangan pa bang may taning para gawin un??

sabi nga ng iba we should live on earth as if it was our last day, .. (T.T)

Bi-Em Pascual said...

my prayers are with you and your friend.. pwamis pati canton boys ko magdarasal for your friend's recovery, or at least resistance and lakas ng loob. i also have a friend who has total kidney failure, twice a week sha dina dialysis.

God has a reason.

jei said...

Huwag nyo lang siyang kaawaan, mas lalo siyang made-depress ng ganoon. Mahirap itong gawin pero pilitin niyong maging normal lang. Gaya ng sabi niya, patuloy lang at isipin na walang sakit. Tell your friend, 'wag siyang bibitaw sa Panginoon. Nakakalungkot naman. Pero paano ba, that's life. Una-unahan lang tayo sa larong ito.

Take care and celebrate life always. I'm sorry about your friend.

Tsismis said...

sa isang iglap, ganun kadaling manguha ang Dyos ng mga hiram na buhay kaya dapat alagaan natin lahat ng bigay nya. 5 taon? mahaba pa yan. Marami pa syang mapapasaya sa loob ng mga taon na yon. At siguradong proud sa kanya ang anak nya, pag tungtong nya ng 8 taong gulang. Hindi dapat sya kaawaan, kasi mas depressing sa kanya yon. Mas lalo nya lang mararamdaman yung bilis ng oras.

naki-share lang po ako. I read some of your posts btw & I can relate.


-jheymie.

miss Gee said...

nakaka lumbay! hindi talaga natin masasabi ang panahon. Mahalin natin bawat oras na meron tayo.
(*sama ko sya sa prayers ko)

madz said...

ah, hindi, sa East Avenue ako :D

Anonymous said...

ganoon daw talaga ang buhay parang life (nyek!)
seriously, renal failure is such a life-threatening systemic disease. mahal at magastos pa ang dialysis, lalong problema ang donor at histocompatibility sa donation at transplant. maraming nakapila, mahaba, dito at sa abroad.
may mga pasyente kami at kamag-anak pa ng kaibigan ko at ng asawa ko, halos walang 2 taon ang tinatagal..

inom, sigarilyo, di balanseng pagkain at kawalan ng ehersisyo o ano pa mang bisyo ang laging sanhi ng sakit sa atay at bato. delikado. seryoso.

Macky said...

22o ba yun? pagpray koh cya paps..balitaan nmn ninyo ako..

J.D. Lim said...

Hmmmm.. Dapat din ipaabot sa lahat na hindi rin tayo dapat na umabot sa ganung kalagayan. Alagaan ang kalusugan at habang maaga, magbagong buhay na. :)

Sana'y malagpasan ng iyong kaibigan ang mabigat na pagsubok na ito.

Yj said...

"Buhay nga naman. Minsan kailangan mong masugat para maghilom ang mas malalim na sugat."

isang malungkot na katotohanan....

pero malay natin.... hindi naman naimbento ang salitang himala para sa wala......

")

Fex said...

I feel so sad about it,I will offer a prayer for your friend, sana makayanan niya kung anumang pagsubok na dumating sa kanyang buhay. Be strong and have faith to God.

puzzle said...

ang hirap na talaga ng buhay ngaun. :((

Arvin U. de la Peña said...

talagang mahirap maghilom ang sugat lalo pag malalim..pero ang pinakamahirap na sugat ay kung ang dulot ng pa-ibig..ewan ko lang kung naghilom na ang sugat doon kay katrina halili na kinalikot masyado ni hayden kho..

ACRYLIQUE said...

Asahan mo kasama yan sa dasal ko.

God Bless. :)

John Bueno said...

Yeap! Pinoy naman po ako.... mukha ba foreigner? heheh...

Prinsesa ng Drama said...

Napadaan lang po. hayz kakalungkot naman yung nangyari sa kaibigan mo. =(
My mom was diagnosed with congenital liver cysts kaya nakakapraning din talaga magisip.
Ingatz po.

Algene said...

naku, nakakalungkot naman. i will pray for him.. may he live the remaining days of his life fully and joyfully. :)

shykulasa said...

habang may buhay mag pagasa :) i dont believe in "taning" ... i have a cousin kidney failure na rin sya binigyan ng taning but that was 10 yrs ago pa, kidney transplant did her good, ngayon nandito sya balikbayan nagbabakasyon :) .... just keep on praying, God knows best!

ROM CALPITO said...

Akala ko ako unang mag comment dito
huli nnaman pala ako hehe

Alam mo parekoy nora aunor naniniwala pa ako
sa himala
walang imposible sa diyos.

Iriz said...

masaklap na katotohanan. grabe noh, parang di ko ma-imagine yung feeling na alam mong mate-tegi ka na. kamusta mo ko sa pare mo, kamo magpakatatag siya. doktor naman nagsabi nun e, indi Diyos, kaya pwede pang sumablay.

Rico said...

Pareng Jettro, tama ka. May mga himala nga. Araw araw, may himala. Hindi lang natin itinuturing na himala.

Hari ng Sablay, tingin tingin lang sa tabi-tabi. May himala na nangyari sa kaibigan mo. Hindi lang niya makita kasi iba ang pinagtutuunan niya ng pansin.

Para sa ating lahat, lingun-lingon lang sa tabi-tabi. Laging may mas magandang pwedeng tingnan kumpara sa takot at kamatayan!

KESO said...

kuya, nalungkot ako bgla.
kuya, bka mgkaron ng himala.
hndi ntin msasabi.
bka maextend pa buhay nya.

ill pray 4 him.

RaYe said...

awts... wawa aman...
it made me think of my vices...

yosi + inom = ???

makapagpatingin nga kung healthy pa si lungs at liver... yuku ata ng dialysis. takot ako sa ospital e.. :p

tomato cafe said...

nakakalungkot ang ganito. there are some things you'd rather not know.

Hari ng sablay said...

@SOLO tama ka may himala,ganda naman ng sinabi mo.xpect d unexpected sabi nga nila, basta lagi lang tayo handa sa anumang peding mngyari,wang mwawalan ng pag-asa. hngat may buhay may pag-asa,hehe idinagdag lang. salamat... :)

@LOVE ayoko dn ng ganito malungkot.onga dapat araw-araw gawin ang nrarapat may taning man o wala.sabi nga nila nasa huli lagi ang pagsisisi,bka mamatay tayong bgla magsisisi pa tayo dahil sa hndi natin ngawa ang mga nararapat.salamat...

@BAKLANGMATON canton boys?hahaha sino mga yun,nways maraming salamat,pagpalain kayo ng Diyos.my prayers also to ur fren.:) mhirap nga ang sakit nayun. Tama may plano ang Diyos sa atin.

Hari ng sablay said...

@JEI maraming salamat po,mkakarating sa knya..:) actualy binabasa niya to.hehe una-unahan nga lang di natin alam anong meron sa tin kinabukasan,tanging Diyos lng ang may alam.Take care din salamat :)

@TSISMIS onga dapat phalagahan ang buhay at wag abusuhin ang sarili. mhaba pa nga ang limang taon mrami pang pweding mngyari. im sure proud daughter yun pgdating ng araw dhil alam niyang hndi kailanman sumuko ang tatay niya.salamat...nkrelate?sablay karin cguro saka tamad,haha apir!

@MISSGUIDED naku maraming salamat sa prayers,nkakalungkot nga pro ganun nga ata tlga ang buhay,puno ng sorpresa.tama dapat icherish ang bawat araw.

Hari ng sablay said...

@MADZ oic... sa libis yun diba,medyo malayo nga.hehe

@DOCGELO onga doc prang life,haha ah renal failure ba twag dun,nyaysss nakot ako bgla dun ah,bisyo ko lhat yun saka wala ako msyadong exercise,kakatakot nga.delikado.naku hndi tumagal ng 2yirs?hirap pla nun prang cancer dn pala.mgastos nga daw, maintain lang yun hndi lunas.salamat dito sa info doc.kylngan ng mgbagong buhay,hehe

@MACKY haha ikaw lang ata ang hndi alam eh,eh papaano pati balita sayo ambagal mkarating,pongster ka tlga,haha uu kylnga niya ng prayers natin. salamat.hehe

Hari ng sablay said...

@JDLIM onga ntakot nga din ako kaya mgbabagong buhay nako,bbawasan ko na ang yosi at alak,bawas lang,haha maraming salamat pre,uu lam ko mlalampasan niya yun,yun pa.hehe

@YJ tama natututo kasi tayo sa ating mga kamalian,onga hndi pa huli ang lahat mrami pan pweding mngyari at Diyos lang ang may alam nun.salamat... :)

@FE maraming salamat po,nkakalungkot nga pro ganun ata tlga,sana nga mkyanan niya pro im sure kaya niya lmpasan at lbanan yun,yun pa,hehe

Hari ng sablay said...

@PUZZLE onga hirap tlga,hindi mo alam ano mngyayari knabukasan,hay hirap, ang buhay parang pangalan mo. puzzle.hehe

@ARVIN yown yun. pag-ibig,hahaha anong klasing sugat ba yun pre na kinalikot msyado ni hayden kho?pro kung ano man yun tingi ko hndi pa,magang-maga pa cguro,lols

@ACRYLIQUE naku maraming salamat,godbless din sayo... :)

Hari ng sablay said...

@KUMAGCOW hehe sori kala ko foreigner ka,mabuhay kaibigan. :)

@PRINSESANGDRAMA salamat sa pagdaan, pagppray ko din mommy mo,hirap nga ng ganito,kakalungkot nga pati yung kalagayan mo.ingat din.dont wori gagaling mommy mo,pray lang... :)

@ALGENE naku maraming salamat, kakalungkot tlga pro ganun tlga ang buhay,tuloy lang.uu dapat araw-araw niya gawin ang nrarapat,seize the day,ika nga

Hari ng sablay said...

@SHYKULASA marming salamat...:) swerti naman ng cousin mo,cguro knya knyang situation lng,pro tama ka God knows best may plano siya sa atin at siya lang ang nkakaalam.hndi pa nman huli ang lahat, tama hbng may buhay may pag-asa.

@JETTRO haha ok lang wala naman una-una dito,uu na parekoy matutina ako din naniniwala pa,hndi pa naman huli ang lahat at tama ka walang imposible sknya.salamat matutina,lols

@IRIZ maraming salamat,mkakarating sa knya,:) onga posible png sumbalay ang doktor na yun,hehe sana mgdilang anghel ka.pag lam kong mateteg nako mgpapasagasa nlang ako sa mayamang congresman,haha para may pera iiwanan ko,lols

Hari ng sablay said...

@RICO tama pre hndi lng natin npapansin ang mga himalang dumarating,d mere fact na gumgsing tayo araw-araw is cnsidered as himala na.cge pre tingin tingin lang ako dito.salamat... :)

@CHEEZY naku mraming salamat,sori ha kung mdyo emo ngayon yung post ko,hehe sana nga mgdilang anghel ka,sana maextend pa,ako dn naniniwalang mgkakaruon ng himala. :)

@RWETHA ako nga din eh inom yosi,kakatakot hay buhay.ako din takot sa ospital lalo na sa injection,yung tipong itaas pa ng doktor yung busit na injection,nyaysss.ntatakot nako nun.

@TOMATOCAFE nkakalungkot nga pro ganun tlga eh,nandyan na.hay buhay.onga mnsan mbuti png wala kang alam,sabi nga ni scofield,naks siningit hehe,'the less u know the better'.. .:)

Karen said...

Kakasad naman yan :(

I can just imagine how hard it could be para sa kanya and sa lahat ng taong mahal nya and mahal sya. I hope and pray madugtungan pa life nya.

J.Kulisap said...

Kung sa pagkain at inumin ay palagay na ang ating loob na ang ating katawan ay lalakas.
Marami kasing mga maling katwiran na pinipilit gawing tama dahil sa pagmamatigas ng ilan.
Kasalanan bang mahalin ang ating kalusugan?

Dalangin ko na lang na gumaling at habaan pa buhay ng iyong kaibigan

Hari ng sablay said...

@KAREN kakasad nga pro ganun tlga, naku maraming salamat sa prayers,hndi pa naman huli ang lahat naniniwala parin ako na may himala... :)

@JKULISAP naku maraming salamat pre,hahaba pa buhay nun naniniwala ako,mnsan nga ganun tayo msyadong ngpapaniwala sa kung anu-anong hndi naman tama,

ROM CALPITO said...

parekoy invite kita dito sa bagong tinatambayan ko kailangan ka dito hintayin kita parekoy eto ang link
http://s1.zetaboards.com/TahananNgMgaPinoy/site/

icesee said...

Nakakalungkot naman. Pray ka lagi para sa kaibigan mo. Sana humigit pa sa limang taon at sana makahanap ng kidney donor.

Hari ng sablay said...

@JETTRO haha ano yan pre?bt kailangan pako dyan,cge tgnan ko,salamat pre...

@CAMILLE onga eh pro ganun ata tlga ang buhay,sana nga,sana mgdilang anghel ka,hehe salamt... :)

Raul said...

ung isa kong kaibigan, elementary pa kami may taning un, pero hanggang ngaun, buhay pa...

sana magtagal din ang buhay ng tropa mo...

rich said...

oh my god... :( ang sad naman nito...

sana parang may miracle pa na pwede mangyari to save him... kawawa naman, lalo na yung anak nya... :(

Hari ng sablay said...

@RAUL sana nga,maraming salamat,npakaswerte ng kaibigan,kunsabagay Diyos parin naman ang may alam kung hngang kelan ka mabubuhay.

@RICH sad nga pati yung baby niya pro ganun tlga, sana nga meron pa,naniniwala parin naman ako sa himala,salamat... :)

Post a Comment