Tatlong batang nagcacaroling sa tapat ng aming bahay...
"Jing gambels jing gambels jing gam all the way...
O was pan diris toray ina wan orsopen sley...
HEY!!!"
Repeat chorus.
Wednesday, December 16, 2009
Monday, October 5, 2009
Run Samson run
Birthday ni ermats kahapon kaya medyo puyat ako ngayon. Hindi naman kami uminom, at hindi rin naman ako tumulong sa pagliligpit o ano pa man. Napuyat ako dahil sa run Samson run na kinakanta ng isa sa mga amigas niya. May videoke kasi kagabi kaya ayun nakulingling ang tenga ko sa mga birit nila. Bonggang-bonggang kantahan one to sawa. Sa dami ba naman ng kinanta nila, sa bwisit na run Samson run na yun pa ako na-LSS... hangga ngayon.
...Run Samson run
Delilah's on her way
Run Samson run
You ain't got time to stay...
...Run Samson run
Delilah's on her way
Run Samson run
You ain't got time to stay...
Monday, September 28, 2009
Offdoy
Taenang ondoy yan! Teka lang ha, yung bagyo tinutukoy ko baka kasi ka-pangalan mo murahin mo din ako. Mabuti na lang at lumayas na, pero hindi naging mabuti ang iniwan niyang bakas. Hindi naman ako masyadong naapektuhan ng bwisit na ondoy na yun. Salamat na lang kay Bro, maswerti pa rin kami, hindi pa naman ako marunong lumangoy. Pero marami sa ating mga kababayan ang nakaramdaman ng hagupit nito. Kalunos-lunos ang kanilang kalagayan, di ko tuloy maiwasan ang mapamura at manlumo habang pinapanuod sa balita ang mga nangyayari.
Gustuhin ko man i-donate ang ilang baryang naipon ko dun sa aking alkansya pero di ko lam papaano, kaya idadaan ko na lang kay Bro. Kahit papaano nakakatuwa pa ring panuorin ang pagkakaisa ng mga Pilipino. Sa ganitong mga sitwasyon maaasahan talaga ang kapwa pinoy. Hindi tulad ng ibang tao diyan, kung anu-ano pa pinagsasabi mali mali pa ang english ng mokong. Hindi ko alam kung tao nga yun o si ondoy na nagkatawang tao. Baon na baon na nga ang pako pilit mo pang pinupukpok. Mas maganda siguro kung sa'yo na lang dumapo ang mga nagliliparang bubong.
Nakakalungkot lang talagang isipin marami ang namatay at marami pa din ang nawawala. Alam ko namang ginagawa ng mga kinauukulan ang lahat, pero mas makakatulong ang panalangin ng bawat isa sa atin.
Hirap na hirap na nga ang ating bansa doble-dobleng pagsubok pa ang nararanasan natin. Pero matatag ang pinoy, babangon at babangon ito sigurado yun. Kahit ilang ondoy pa ang dumaan sa buhay niya hindi ito basta-basta susuko. Alam kong hindi ganuon kadali, pero sige lang, kaway lang sa camera, ingiti mo na lang. Mas mabagsik tayo kay ondoy.

Labels:
badtrip,
hoy pinoy ako,
problema na naman,
TV radyo dyaryo
Sunday, September 20, 2009
Wapoise
Madalas natin maranasan ito sa mga driver na mahigpit ang pangangailangan... yung naghihintay ng pasaherong sasakay kahit na ilang metro pa ang layo. Nakakabadtrip ang ganito lalo na pag nagmamadali ka, at lalung lalo na kung paimportante ang dating ng pasahero na kung maglakad eh parang nasa ilalim ng buwan tapos hindi man pala sasakay. Badtrip talaga. Ok lang sana kung bebot ang hinihintay ng ganito.
Napakainit. Galit na galit si haring araw, na-miss daw kasi ang mga tao sa Pinas. At na-miss ko din ang di-kaaya-ayang amoy ng ibang pasahero. Sa likod ni manong driver ako naka-upo, at ayun nga may hinihintay itong pasahero.
Pero jusko naman po ang layo layo pa at iisa lang naman ang aming hinihintay. At ito namang babaeng ito, na di namin alam kung sasakay o hindi, di man lang alintana ang tindi ng sikat ng araw. Patext-text at pakembot-kembot pa, walang pakialam sa mga pasaherong naghihintay, hindi man lang bilisan o lakihan ang hakbang. Keber kung keber. Nag-iinit ang ulo ko ng mga oras na yun gustong-gusto ko na kasi talagang makauwi at makaligo, isa na ako sa mga pasaherong may di-kaaya-ayang amoy. Habang papalapit itong babae ito medyo nakikinita ko na ang mukha at hubog ng katawan, at ibang ulo ko ngayon ang nararamdaman kong nag-iinit. Naka-corporate attire at ang lakas ng dating niya, wiwit ang katawan. Sexy. Chikababe. Ang sarap niyang panuorin maglakad, poise kung poise, chin-up, parang rumarampa lang sa entablado.
Umusog ako ng kaunti para kung sakali mang sumakay siya sisiguraduhin kong tatabi sa akin.
Kaso wala rin kwenta, trip niya umupo sa passenger seat kaya dun siya dumiretso. Tinititigan ko siya habang papaakyat ng dyip, pero nabigla ako. Kitang-kita ko ang nangyari. Langya ang lakas ng kalabog, ang lakas ng pagkakauntog niya. Alam kong narinig namin lahat yun.
Hinihintay kong kamutin o haplusin man lang ang ulo niya dahil siguradong bukol ang katapat nun. Pero wala eh, walang paki. Dedma. Parang walang nangyari. Pinanindigan niya ang pagrampa niya kanina. Poise pa rin siguro ang nasa isip niya.
Alam kong mali na pagtawanan siya, kaya nga pinigilan kong humagalpak eh. Ang hirap pala pigilan nun, di ko maiwasan lumolobo tuloy butas ng ilong ko. Wahahaha! Pinagmasdan ko mga nakasakay mukhang pinipigilan din ang pagtawa. Hindi na nga naman kailangan pang ipahiya ang taong napahiya na. Pero kung may isa lang na tatawa dun siguradong matatawa din ako.
Tsk! Tsk! Sayang tsong. Swabe na sana ang tirada kaso wala eh. Wapoise!

dyahe,
hoy pinoy ako,
kalokohan
Monday, September 14, 2009
Dirty tactics
Mainit ang pagbati natin pag dumarating ang araw ng mga nanay at tatay, pero patapos na lang ang araw ng malaman kong grandparent's day pala kahapon. Ganun naman ata talaga pag luma at lipas na, nakakalimutan na. Matanda na eh.
May kasabihan ang matatanda... Sa hinaba-haba man daw ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy. Madalas natin ihambing ang kasabihang ito sa magkasintahang matagal na nagliligawan at pakiputan pero nauuwi din sa kasalan. Pero kung literal na babasahin, ang prusisyon nagsimula sa simbahan, at magwawakas din sa simbahan. Ibig sabihin, nagsimula ka sa umpisa babalik at babalik ka rin sa umpisa. Magandang halimbawa ang tao mismo, nagsimula ka bilang isang sanggol na gumagapang at walang kamuwang-muwang sa mundo. Susubuan ka, paliliguan, dadamitan, lalagyan ng diaper. Darating ang araw, ikaw na sanggol ay lilipas din, lalamunin ng panahon ang oras mo. Tatanda, kukulubot, gagapang, at babalik at babalik ka rin na parang isang sanggol. Susubuan, paliliguan, dadamitan, lalagyan ng diaper.
Marahil isa ka rin sa mga nagtatanong kung bakit... Kung bakit may mga anak na ganuon na lamang ang trato sa kanilang walang silbi at pabigat na uugod-ugod na mga magulang? Binabalewala. Minamaltrato. Sinusupladuhan. Konting halinghing lang sa atin, sinasalubong agad natin sila ng kasungitan at kabwisitan. Di ko tuloy maiwasan na alalahanin at ulit-ulitin na basahin yung ginawang tula ni Fr. Ariel Robles.
Napakaikli ng pasensya natin pagdating sa matatanda. Hindi naman dapat ata ganuon ang diskarte. Madaya tayo maglaro. Hindi patas. Hindi ginawa sa atin yan nung sanggol tayo. Baka nakakalimutan mo darating ang araw tatanda ka rin. Kukulubot at uugud-ugod.
May maikling kwento akong gustong ibahagi. Malamang narinig mo na rin ito...
Isang araw nadatnan ng anak ang nanay nitong sinusubuan ang lola...
Nay bat mo naman po diyan pinapakain si Lola sa maliit na palanggana? Bakit hindi sa plato? Parang kainan naman po ng baboy yan. Ang dumi pa.
Eh itong lola mo ang kulit-kulit! Yung mga babasaging pinggan natin naubos dahil sakanya! Ang hirap pakainin laging hinahawi ang plato kaya nagka-basag-basag ang mga ito.
Kinagabihan...
Oh anak gabing-gabi na bat di ka pa natutulog? Ano ba yang ginagawa mo dyan?
Nililinis ko po tong maliit na palanggana nay... para pag kayo tumanda dito ko rin po kayo pakakainin.

ermats,
seryoso ah,
yosi break
Sunday, September 6, 2009
Curachi
May ikukwento akong pabulang nagpasalin-salin na sa iba't-ibang bibig at lengwahe. Pati nga hapon may version na nito eh (nanghuhula lang ako). Pabula ito kaya marami kang mapupulot na gintong-aral, maniwala ka.
Umpisahan na natin.
Isang bagong panganak na langgam ang isinilang sa mundo ng mga hayop. Lalaking langgam. Sa kasamaang palad, namatay ang ermats niya sa panganganak sa kanya. At ang erpats naman niya ay hindi na umuwi buhat ng umalis ito sa bahay para maghanap ng makakain. Sa madaling salita, naging ulila kaagad ang kaawa-awang langgam. Siya lang mag-isa at walang kasama. Naisip niyang magpatiwakal na lang at mangakat ng tao kaso nagbago isip niya.
Dahil nga sa ulila na siya kailangan niyang humanap ng makakain para buhayin ang sarili. Sa kanyang paglalakbay marami siyang nakilalang iba't-ibang klasi ng hayop na sa tanang buhay niya ay nuon pa lang niya nakita. Kaya sa bawat makasalubong ito ng hayop na bago sa kanyang paningin, tinatanong niya ito at inaalam kung anong klasi at san nabibilang na uri ng hayop.
Sa isang madamong paglalakad, may nakasalubong siyang ahas.
Tinanong niya ito: Sino ka? Ako ay isang ahas, sagot nito. Ahas?!? Ano yun? Gusto mong malaman?, tanong ng ahas. Oo! Sex muna tayo, sagot ni ahas. Ok sige.
At nagsex nga sila ni ahas. Pagkatapos nun ipinaliwanag ni ahas kung sino talaga siya. Isa daw siyang hayop na kinatatakutan ng mga tao, makamandag daw siya, nakamamatay ang kagat, blah blah blah...
Alam ko iniisip mo paano sila nagtalik ng ahas, kahit ako hangga ngayon iniisip ko papaano nga. Gamitin na lang natin ang ating imahinasyon. Basta nag-sex sila, yun na yon.
Nagpatuloy ang kanyang paglalakbay at napunta sa disyerto. Nakakita siya ng kurbadang may lampin at mga basket na likuran ng isang hayop. Tinanong niya ito: Sino ka? Ako ay isang camel. Ano naman yun?!? Gusto mong malaman?, tanong ni camel. Oo! Sex muna tayo sabi ng camel. Nag-isip muna ng bahagya si langgam pero pumayag din ito. At nagsex nga sila, pagkatapos nun ikinuwento na ni camel kung anong nga uri sila ng hayop.
Pagod na pagod at hapong-hapo na ang kawawang langgam ng makasalubong niya si elepante sa isang maburak na lugar. Ngayon lang siya nakakita ng elepante kaya tinanong niya rin ito. At para masagot ang tanong ni langgam, kailangan din muna daw nilang magsex sabi ni elepante. Oo nagtalik sila, elepante at langgam.
Kaawa-awa talaga itong langgam dahil sa mga nararanasan niya sa kanyang buhay. Marami-rami na din siyang nakikilalang mga hayop tulad ng unggoy, kalabaw, octopus, hipopotamus at iba pa.
Hangga ngayon patuloy ang pakikipagsapalaran niya sa buhay. Malayo-layo na rin ang narating ng kanyang nalakbay at nalaman na rin niya kung ano ang curachi, na nakilala niya sa mababatong lugar.
At dyan nagtatapos ang munting karanasan ni langgam.

aysus,
bedtime stories,
kalokohan
Tuesday, September 1, 2009
Bedridden
Emo 'to. EMO! Di mo maiintindihan.
Nagiging maliit na ang mundo para sa akin. Di katulad dati, ayos na araw ko makapaglaro lang ng langit-lupa-saksak-puso-tulo-ang-dugo, tagu-taguan-maliwanag-ang-buwan-pagbilang-ko-ng-sampu-nakatago-na-kayo, touch-the-color-red-blue-magenta-fushia. Pucha talaga, hindi na pala laro ito.
Hindi ko rin alam anong problema. Maraming bagay na ang hindi ko na maintindihan. Tulad ng ano? Ewan. Di ko talaga maintindihan. Pakiramdam ko pinagkakaitan ako ng masasayang bagay. Parang wala akong karapatang tumawa ng malakas, humalakhak at pumalakpak. Nawawalan na ako ng gana sa buhay. Ang gusto ko na lang maging bata ulit. Maglaro lang ng maglaro.
Sabi ng professor ko nun sa psychology, 1/3 of our entire life ay natutulog tayo. Nananaginip. Oo nga naman dahil humigit-kumulang 8 oras tayo kung matulog. Pero ako? Hindi lang 8-oras kung matulog dahil higit pa dun. Ang sarap kasing managinip. Lalo na kapag malulungkot, mga trahedya, mga masasaklap na pangyayari, mga sablay ang mapapanaginipan ko, dahil sa paggising ko makakaramdam ako ng relief. Salamat at panaginip lang pala. Pero kung katulad ng totoong buhay ang panaginip, na pwedi mong ituloy-tuloy kapag matutulog na, mas nanaisin kong managinip ng masasaya at gumising na lamang ng 8-oras. Matulog ng 16-oras. Sa panaginip ko na lang tutuparin ang aking mga pangarap. Yun nga lang di ako makakainom ng tunay na redhorse at makakapagbuga ng usok ng yosi, na sa panahon ngayon ay sila lang ang aking kinakapitan na alam kong hindi ako iiwan. Dahil ako ang may hawak sa kanila, iiwan lang nila ako pag binitawan ko na pagkakasakal sa bote at pagkakasipit sa filter. Unti-unti nila akong pinapatay at binubuhay.
Nasasabayan mo pa ba ang daloy ng utak ko ngayon? Wala na talaga akong naiintindihan. Lumulutang talaga ako. Ang sarap kasing pakawalan nito. Sabi ko na sa'yo 'di mo 'to maiintindihan.
May mga pagkakataong natutulog akong may katabing panyo, pampunas sana ng tamod pero nauuwi sa luha. Sa ganuong pagkakataon hindi na ako makakatulog, papaano ka pa ba naman makakatulog kung basang-basa na ng luha ang iyong unan? Makakatulog lang ako pag sobrang pagod na puso, isip at kaluluwa ko. Ang sakit. Ang saraaap.
Meron pang masarap gawin pag umuulan, ang sumigaw kasabay ng dumadagundong na kulog. Waaaaaahhhhhhhhhh!!! Ang hirap maging masaya, pero andaling maging malungkot. Ang sakit sa dibdib. Ang buhay ko ngayon ay walang pinagkaiba sa lola kong nakaratay na lang sa higaan. Sinusubuan, pinaiinom, binabantayan, pinapaliguan, pinapalitan ng diapers. Nakakulong lang sa apat na sulok ng kama.
Nasaan ang aking tapang? Ang aking lakas ng loob? Nasaan? Eh wala naman ako ng ganun eh. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nandito. Nawawala ako. Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng bumalik sa kung saan talaga ako nagmula. Di ko lam kung saan. Basta gusto ko ng umuwi. Bro gusto ko ng umuwi.
"I want always to be a boy, and have fun." -Peter Pan

"Dreams are my reality, a wonderous world where I like to be..." -Richard Sanderson
Sabi ng professor ko nun sa psychology, 1/3 of our entire life ay natutulog tayo. Nananaginip. Oo nga naman dahil humigit-kumulang 8 oras tayo kung matulog. Pero ako? Hindi lang 8-oras kung matulog dahil higit pa dun. Ang sarap kasing managinip. Lalo na kapag malulungkot, mga trahedya, mga masasaklap na pangyayari, mga sablay ang mapapanaginipan ko, dahil sa paggising ko makakaramdam ako ng relief. Salamat at panaginip lang pala. Pero kung katulad ng totoong buhay ang panaginip, na pwedi mong ituloy-tuloy kapag matutulog na, mas nanaisin kong managinip ng masasaya at gumising na lamang ng 8-oras. Matulog ng 16-oras. Sa panaginip ko na lang tutuparin ang aking mga pangarap. Yun nga lang di ako makakainom ng tunay na redhorse at makakapagbuga ng usok ng yosi, na sa panahon ngayon ay sila lang ang aking kinakapitan na alam kong hindi ako iiwan. Dahil ako ang may hawak sa kanila, iiwan lang nila ako pag binitawan ko na pagkakasakal sa bote at pagkakasipit sa filter. Unti-unti nila akong pinapatay at binubuhay.
Nasasabayan mo pa ba ang daloy ng utak ko ngayon? Wala na talaga akong naiintindihan. Lumulutang talaga ako. Ang sarap kasing pakawalan nito. Sabi ko na sa'yo 'di mo 'to maiintindihan.
“I love walking in the rain, ’cause then no-one knows I’m crying.” -Charlie Chaplin
May mga pagkakataong natutulog akong may katabing panyo, pampunas sana ng tamod pero nauuwi sa luha. Sa ganuong pagkakataon hindi na ako makakatulog, papaano ka pa ba naman makakatulog kung basang-basa na ng luha ang iyong unan? Makakatulog lang ako pag sobrang pagod na puso, isip at kaluluwa ko. Ang sakit. Ang saraaap.
Meron pang masarap gawin pag umuulan, ang sumigaw kasabay ng dumadagundong na kulog. Waaaaaahhhhhhhhhh!!! Ang hirap maging masaya, pero andaling maging malungkot. Ang sakit sa dibdib. Ang buhay ko ngayon ay walang pinagkaiba sa lola kong nakaratay na lang sa higaan. Sinusubuan, pinaiinom, binabantayan, pinapaliguan, pinapalitan ng diapers. Nakakulong lang sa apat na sulok ng kama.
"I think I need a new town, to leave this all behind, I think I need a sunrise, I'm tired of the sunset." -Augustana
Nasaan ang aking tapang? Ang aking lakas ng loob? Nasaan? Eh wala naman ako ng ganun eh. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nandito. Nawawala ako. Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng bumalik sa kung saan talaga ako nagmula. Di ko lam kung saan. Basta gusto ko ng umuwi. Bro gusto ko ng umuwi.
Labels:
emo
Friday, August 28, 2009
Ending
Hindi ko alam kung uso pa ito, wala na kasi akong nakikitang nagpapataya nito sa amin. Yung "ending". Yung sa basketbol. Yung kombinasyon nung dalawang huling numero ng final score ng dalawang team sa PBA. Oo, yun!
Nung ako'y gusgusing bata pa, na laging may tuyong sipon sa butas ng ilong at maitim na kwintas sa leeg, yung mga kalaro ko laging nagpapataya at lagi akong tumataya ng ganun. At ako din naman ay nasubukan ko ng magpataya ng "ending", pero madalas nag-aabono ako. Dependi sa nagpapataya kung magkano itataya. Kung natyambahan mo yun at tumaya ka ng piso mananalo ka ng 80 pesos. At kung ang tayaan naman ay...
2 piso = 160 pesos
3 piso = 240 pesos
5 piso = 400 pesos
and so on and so forth... Meron pa nga mga grocery items, appliances, o isang sakong bigas ang papremyo pag malakihan na ang taya.
Kung nagpapataya ka at natayaan lahat ng numero, automatic sayo yung beinti kung tig-pipiso taya. Pero kung hindi napuno yung lahat ng kombinasyong-numero ng mga pirma o initial (kadalasan ganyan ang inilalagay ng mga tumataya), naku isa ka sa mga walang ka-sales-talk sales-talk na katulad kong laging nalulugi. Mag-aabonu ka panigurado at hindi pera mo, kundi pera ng erpats mo na kinupit mo sa kanyang nakasabit na pantalon sa likod ng pintuan.
Panahon ng rivalry ng San Miguel-Alaska, championship nun, siyempre maraming tayaan ng ending. San Miguel paborito ni erpats, kaya ako din San Miguel na rin. Maaga akong naliligo nun sa poso ng kapit-bahay namin, tapos nun tututok na kami ni erpats sa dekwerdas namin telebisyon na nilagyan ng di-pangkaraniwang plastik para magkakulay naman ang black-en-white-TV namin kahit papaano. Sa tuwing namumuro ako sa ending, nagdadasal ako kay Bro na kahit matalo ang San Miguel basta manalo lang ako sa ending. Pag last two-minutes na, naku po dito na magsisimula ang pinaka-aabangan ko, dito nako mapapatayo mula sa pagkakakandung ko kay erpats, dito na rin ako bulong ng bulong na sana 5-6 5-6 5-6 5-6 5-6...
At yown! 5-6 nga ending! Natawa ako ng malakas at nagpagulong-gulong sa kawayan naming sahig habang nakatitig sa akin si erpats na tila ba nagtataka. Nanalo kasi ang Alaska, akala siguro niya iniinis ko siya. Hindi niya kasi alam na tumataya ako ng ganun. Binabawal niya.
Kinabukasan, langya lahat ng mga kalaro ko kasama yung nagpataya nung ending papunta sa bahay namin. Nasilip ko sila sa bakod namin, umaalikabok ang dinadaanan nila. Para silang maghahamon ng away. Tignan mo nga naman ang kahalagahan ng pera noon, halagang 80 pesos nakapagpapalusob ng isang batalyon.
Buti wala si erpats nang iabot sa akin ang 80 pesos na mababahong tig-lilimang pisong papel. Pagkakuha ko nun, nagpalakpakan ang mga kutong lupa. At ayaw umalis ng mga mokong halatang naghihintay ng balato. Pangingiti pa sa akin ang mga gago. Patapik-tapik pa sa balikat ko.

ang may pakana,
childhood kabaduyan,
dekada 80,
hoy pinoy ako,
sugarol
Tuesday, August 25, 2009
Biyaheng langit
Nauuso na naman ang mga nagsasalpukang bus. Hindi ko alam kung sino dapat sisihin sa mga aksidenteng yun. Aksidente nga kasi. Pero sa tingin ko, may mga pagkukulang din ang mga driver dun. Palibhasa yung ibang driver puro mga sarili lang iniisip. Ambilis magpaandar, nakikipag-unahan kasi kumuha ng pasahero.
Katulad na lamang pag sumasakay ako ng bus papuntang Cubao. Yung mga "killer bus" na kung tawagin. Mga bus na parang walang mga kambiyo kundi pindutan lang katulad sa mga jet. Pagsasakay ako ng ganun, tangina paakyat ka palang aapakan na silinyador maihahampas kana sa gitna ng bus. Pati makina ng mga to parang pang-jet, ang iingay. Kaya tuloy yung mga sumasakay na nangangaral (yung mga nanlilimos na nagbabasa ng bible) sila lang nakakarinig sa mga sinasabi nila. Gusto ko man makiusyoso sa mga pinagdadakdak nila pero di ko maintindihan. Isa pa kapag naupo ka sa tabi ng bintana, para kang nakasakay ng rollercoaster na kapag binuka mo bibig mo magmumukha kang katawa-tawa, sa bilis magpaandar ng mga barumbado. Pero ako gustong-gusto ko nakasakay sa mga ganun kahit nakaka-kaba. Gusto ko kasi sa mabilis na mablis na mabis.
Pero mas kinakabahan ako pag nakaangkas sa motor. Napakadelikado kasi, lalo na kapag walang helmet. Kapag may naaaksidenteng ganito na walang mga helmet, sinisisi agad ang driver. Sasabihin pa sa kanya... "Buti nga sayo ang tigas kasi ng ulo mo!" Anak ng tokwa eh hindi naman matitigas ang ulo ng mga yan eh. Isipin mo na lang kung matitigas nga ang bungo ng mga yan, hindi gagawing gel ang sariling dugo pag nahampas ang ulo. Heto ah payo lang, sa mga motoristang ayaw gumamit ng helmet na gustong-gusto patunayan ang tigas ng bumbunan... mabuti pa yung ibang ulo na lang ang ibunggo niyo. Buti pa yun hindi dugo ang lalabas. Kakaibang biyahe yun. Pero teka, paalala lang, wag niyo din kalimutang gamitan ng helmet. Mahirap na buhay ngayon. Global warming. Dumadami na tao sa mundo.

kalokohan,
problema na naman,
TV radyo dyaryo
Subscribe to:
Posts (Atom)