Taenang ondoy yan! Teka lang ha, yung bagyo tinutukoy ko baka kasi ka-pangalan mo murahin mo din ako. Mabuti na lang at lumayas na, pero hindi naging mabuti ang iniwan niyang bakas. Hindi naman ako masyadong naapektuhan ng bwisit na ondoy na yun. Salamat na lang kay Bro, maswerti pa rin kami, hindi pa naman ako marunong lumangoy. Pero marami sa ating mga kababayan ang nakaramdaman ng hagupit nito. Kalunos-lunos ang kanilang kalagayan, di ko tuloy maiwasan ang mapamura at manlumo habang pinapanuod sa balita ang mga nangyayari.
Gustuhin ko man i-donate ang ilang baryang naipon ko dun sa aking alkansya pero di ko lam papaano, kaya idadaan ko na lang kay Bro. Kahit papaano nakakatuwa pa ring panuorin ang pagkakaisa ng mga Pilipino. Sa ganitong mga sitwasyon maaasahan talaga ang kapwa pinoy. Hindi tulad ng ibang tao diyan, kung anu-ano pa pinagsasabi mali mali pa ang english ng mokong. Hindi ko alam kung tao nga yun o si ondoy na nagkatawang tao. Baon na baon na nga ang pako pilit mo pang pinupukpok. Mas maganda siguro kung sa'yo na lang dumapo ang mga nagliliparang bubong.
Nakakalungkot lang talagang isipin marami ang namatay at marami pa din ang nawawala. Alam ko namang ginagawa ng mga kinauukulan ang lahat, pero mas makakatulong ang panalangin ng bawat isa sa atin.
Hirap na hirap na nga ang ating bansa doble-dobleng pagsubok pa ang nararanasan natin. Pero matatag ang pinoy, babangon at babangon ito sigurado yun. Kahit ilang ondoy pa ang dumaan sa buhay niya hindi ito basta-basta susuko. Alam kong hindi ganuon kadali, pero sige lang, kaway lang sa camera, ingiti mo na lang. Mas mabagsik tayo kay ondoy.
Gustuhin ko man i-donate ang ilang baryang naipon ko dun sa aking alkansya pero di ko lam papaano, kaya idadaan ko na lang kay Bro. Kahit papaano nakakatuwa pa ring panuorin ang pagkakaisa ng mga Pilipino. Sa ganitong mga sitwasyon maaasahan talaga ang kapwa pinoy. Hindi tulad ng ibang tao diyan, kung anu-ano pa pinagsasabi mali mali pa ang english ng mokong. Hindi ko alam kung tao nga yun o si ondoy na nagkatawang tao. Baon na baon na nga ang pako pilit mo pang pinupukpok. Mas maganda siguro kung sa'yo na lang dumapo ang mga nagliliparang bubong.
Nakakalungkot lang talagang isipin marami ang namatay at marami pa din ang nawawala. Alam ko namang ginagawa ng mga kinauukulan ang lahat, pero mas makakatulong ang panalangin ng bawat isa sa atin.
Hirap na hirap na nga ang ating bansa doble-dobleng pagsubok pa ang nararanasan natin. Pero matatag ang pinoy, babangon at babangon ito sigurado yun. Kahit ilang ondoy pa ang dumaan sa buhay niya hindi ito basta-basta susuko. Alam kong hindi ganuon kadali, pero sige lang, kaway lang sa camera, ingiti mo na lang. Mas mabagsik tayo kay ondoy.
36 Sumablay:
inosente si ONDOY!!
basahin mo ito pre:
http://utaknidrake.blogspot.com/2009/09/inosente-si-ondoy.html
Tama yung sinabi ni Joey de Leon,
time na para sa ating mga KA-BAYAN.
Base! Ako'y nakikiisa sa Panalangin sa Bayan. Ang kaunting barya mo ay makakatulong, Promise! bigay mo sakin pang prench pries natin. :-D
Hari, kahit unting barya basta galing sa puso I'm sure God will appreciate that. :)
It's really sad what happened. maybe it's also mother nature's wake-up call to people. let's all pray for the victims and everyone could cope after all these. :(
taena, plage nalang sinasabi na "oras na", "ito na ang panahon para kumilos", wala namang kumikilos para sa pagbabago...
nakakadurog ng puso ang makita sa tv ang mga kababayan natin na hindi pa kumakain mula nun byernes pa, kaso wala rin akong maiambag, nun nangulekta samen ng mga lumang damit, ayun lang mga naibigay ko, tska prayers
parte na ang bagyo sa buhay ng tao lalo na dito sa pilipinas. may bagyo talaga na dumadating. nagkataon lang siguro na ang ipinangalan sa bagyo ngayon na sumira talaga sa maraming kababayan sa metro manila ay Ondoy. Tiyak kapag may tao na Ondoy ang pangalan ay pagsasabihan talaga ng "Ikaw Ondoy ang laki ng pinsala na naidulot mo", hehe..Sa ganun ang masasabi ko lang ay May Pag-asa Pa..
parang gusto kong magsulat ng tula na ang pamagat ay May Pag-asa Pa..
Kung nagkataon na nangyari ang bagyo na noong araw ding iyon ay naka jackpot ka ng pera sa nag withdraw sa ATM na hindi niya nakuha ang dalawang libo ay tiyak idodonate mo iyon, hehe..hanggang ngayon ay di ko pa rin nakakalimutan ang post mong iyon..sa halip na emperador ang iinumin niya ay redhorse ang ininom niyo dahil naka jackpot ka ng dalawang libo na hindi niyo pinaghirapan..
kaya natin toh! wooh! honga, may mga tao lang talagang sobrang confident and very selfish. hayy. ewan ko sa kanila.
nkakaiyak talaga panoorin ang mga taong nagtutulongan. sana ganito palagi ang mga pinoy, may bagyo man o wala, naghihirap man o wala, NAGKAKAISA.
tama ka dyan tambay, malaking tulong ang magagawa ng dasal mo kay bro..
tama yun Sablay, mas mabagsik pa rin ang mga Pinoy kay Ondoy...tuloy-tuloy lang ang bayanihan para sa bayan...
mabuti naman at ok ka...
tulong... tulong... kahit volunteer lang. madaming tao sa mga schools, simbahan at iba pang evacuation centers. pagtulung-tulungan natin.
wala kamo jan :( pero nagdadasal kami.
ERRATUM:
wala **kami** jan
sana makabawi agad lahat ng nasalanta...
Nagdadalamhati ang aking puso sa mga naging biktima ng baha.
Tungkol sa naipon mo na barya ipaubaya mo na sa akin yan ako na ang bahala. (harharhar!)
sana nga maayos din agad lahat.. :(
buti naman okay ka ... kahit wala ako nung nangyari ito, sobrang apektado ako... ung blog entry ko nga mejo ang drama pero un talaga na-feel ko.
basta i'm happy okay ka and for now, the best thing to do is to continue helping each other out and to keep on praying to BRO.
tc always
tanggapin na lang natin kesa magsisihan pa tayo, magtulungan, at magpasalmat dahil sa kabila ng unos may panibagong bahaghari pa rin...I donate mo na yang barya mo pambili din yan ng pamatid gutom...
Let's all MOVE. ACT. HELP. GIVE. DONATE. VOLUNTEER.
Do your share in your own little ways.
Buti naman di ka affected masyado nung baha. Nagtthank you din ako kasi di bumaha sa min, kung hindi, wala. Lagot. Malay-malay ko bang lumangoy. :(
Sana agad makabangon ung country natin after nito. BTW, let's also pray na yung bagong bagyo na nasa Pacific Ocean pa ngayon eh di na dumaan ng Pilipinas. Wag naman. Kawawa na masyado ng mga Pilipino. :(
mabuhay ang mga PILIPINO! babangon tayo!
-pablong pabling para sa eleksyong 2010
kahit man lang sa dasal eh makatulong ang mga kagaya naming nasa karatig-bansa....
hayys..
mabuti naman pare at seyf ka...
kering keri ng Pinoy yan...
Mag-isa lang si Ondoy..
madami ang pinoy...
tsktsk
sa kapangyarihan ng sumpa ni Zenki.... lalamunin ng sandstorm ang bwaka ng inang babaeng yan... nagmamaganda mali mali naman ang english... TSE!
THANK GOD everything is ok now. .
Kahit ilang bagyo pa ang dumating sa buhay ko. Kahit gaano kalalaim pa ang bahang lalanguyin ko.
KAKAYANIN KO! :)
padatingna si pepeng, mas strong daw kay ondoy
Korek. Sabi nga ni Binoe, wag kang aayaw, think positive! At sabi ni Nietzsche, what does not kill us makes us stronger. And hopefully, wiser.
hindi na sana maulit yang ganyan
kaawa-awa mga maapektuhan. god bless philippines
Si ondoy ang salarin dapat kuyugin!!*pano?haha*
pasubok to para sa mg pinoy...sana we learn from this na. wag na magtapon ng basura!ryt????
pero kuyugin pa rin si ondoy...dami homeless grr!!!
sige lang. everything will be fine again. pagsubok lang yan sa buhay. :)
totoo yan babangon ang Pinas! sabi nga bago pag papala pagsusubok muna...cgurado malaking blessings ang kpalit nyan...tc
walang lugar ngayon para magsisihan (puro putik kasi ang kalye ng naapektuhang lugar). marapat ay magtulungan sa anumang paraan. pinakamabisa DASAL! at sana naman, matuto na tayong lahat sa panahon... maghanda at kumilos ng MAAGAP para sa sarili at kapaligiran. remember it wasn't raining when Noah built his ark.
.. walang nagsisi sa una; laging sa huli.
i hate u ondoy!pati kami niletse.pweh! (walkout)
troubles measure our faith :)
ingat lagi kuya, wag ka na lumangoy sa baha, baka may wiwi ng bubwit yan. eeewww. hehe. keep safe :)
http://ondoy.tumblr.com...check this out!
God Bless Philippines! Bangon Pinoy!
no more rain please
Masaya na rin ang lahat at hindi Biyernes nangyari ang delubyo kasi maraming bata ang naglalakad sa kalsada pag pasukan. Mahal pa rin tayo ng Diyos. Kung Biyernes nangyari 'yun, puro bata ang makikita nating lumulutang sa baha, malamang ang iba ay lunod na. Salamat sa Panginoon.
Literal man o hindi ang bagyo.. bahagi ito ng buhay ng tao..
zencya na sobrang naging hectic ang schedule ng lolo Goryo.. tumakbo, lumangoy, nagpa-spah, nagtanggal ng tinga, etzetera etzetera.. salamat at di kayo nagsawang dumalaw at bumisita sa aking mumunting tambayan.
diko maipapangako na hindi ako magiging busy sa mga darating na araw subalit pipilitin kong bumisita sa mga tambayan once in a while.. mabuhay kayo!!! =)
Post a Comment