Nakakamanghang pagmasdan ang mga pumupundit-pundit na bombilya sa mga posteng aking nadadaanan. Mga bombilyang ayaw bumigay at hindi nawawalan ng pag-asa. Nagbabantay at nagbibigay pa rin ng serbisyo sa ilalim ng dilim.
Ang lamig ng singaw ng aircon ng bus. Di ko maiwasan na hindi yakapin ang sarili.
Ito ang isang bagay na gustong-gusto kong ginagawa pag bumibiyahe, kaysa manuod sa walang kakwenta kwentang barilan at patayan ng mga banyaga na nanggagaling sa piniratang dvd. Mas nanaisin kong ituon ang mata sa daan at pagmasdan ang ganda ng paligid. Nakakarelax. Ang sarap sa pakiramdam.
Ayaw ko man humarap sa telebisyon pero nakuha nito ang atensyon ko ng tumayo ang isang kanong pasahero sa harapan para kausapin ang kundoktor. Pinatay ng kundoktor ang dvd player, marahil alam ko na kung bakit.
Bago pa man ako bumiyahe pinagbigyan ko muna ang kumakalam kong tiyan sa isang fast food chain. Napatingin ako sa isang tatay at dalawang masasayang bata ang nagsasalo-salo sa kanilang inorder na pagkain. Mukhang may okasyon. Pagkatapos ng kanilang maliit na selebrasyon, napansin kong nagliligpit ng pinagkainan ang tatay na hindi naman dapat dahil may mga service crew na gagawa dun. Maswerte ang kanyang mga anak. Saludo ako sa tatay.
Naniniwala ako marami tayong natututunan matapos ang isang mahabang araw. Minsan hindi lang natin napapansin o ayaw nating pagtuon ng pansin. "Learning is a continuous process" ika nga nila. Sa pang-araw-araw nating buhay marami tayong nakakasalamuhang mga taong maaaring magpabago ng takbo ng ating kasalukuyan, at magbigay sa atin ng pag-asa kapag tayo‘y lugmok sa problema. Mga taong nagsisilbing inspirasyon sa atin at pinapakita ang kabutihan tulad ng mga taong nakakasabay natin sa paglalakbay, sa pagkain, at sa kahit ano pa mang bagay. Mga taong may respeto sa sarili at makatao. Mga taong disiplinado at nagpapakita ng magandang halimbawa.
Sa mga taong ito nakakakita ako ng pag-asa. Pag-asang mabago ang mundo, kahit pumupundit-pundit na lang sila tulad ng mga bumbilyang pinagmamasdan ko.

21 Sumablay:
dito sa america ikaw ang magliligpit ng pinagkainan mo, at kahit sa mga gasolinahan ikaw mismo ang mag lalagay ng gas sasa sariling mong sasakyan wala ditong gas boy. . iniisip ko kung bakit ganun - ang naisip ko lang na dahilan ay mas makaka tipid sila ng labor
parekoy nagbalik ka!!! yahoo!!! sana magtagal ka na !!!
tama ka parekoy... marami tayong matutunan sa paligid kung ito lamang ay ating papansinin. :)
nice!!!!
madalas ganyan din ako pag bumbyahe pauwe andami ko nakikita at naiisip
nice one!
Masarap pagmasdan ang mga tao s apaligid mo. Marami tayong matutunang aral sa pamamagitan lang ng piping panunuod sa kanila.
Matagal na rin akong hindi nakakabisita rito. Salamat sa pagpapaunlak mo.
korek!
nice.. patambay muna pre!!! :-0
sa ating mga nakikita sa paligid marami rin tayong natututunan..minsan nga lang nakakalungkot..
sooooooooo totoo. two thumbs up!
and i hope discipline shall prevail... :)
namiss kita tambay :) haha
ayos to. seryoso mode na naman yang post mo.
Wow, that's deep on so many levels. In a few short lines you've expressed the blocking of a bad memory, the slow unveiling of that memory and the anger and hurt of somebody abused. Again all I can say is wow. You have a talent for this.
nku tama!!! madami taung matututunan..
sa araw-araw..
nahihirapan lng tau i-appreciate un..
(I missed your blog!! =D nice to be back)
idol, parang nawawala ka na naman ulet. hehe
tao po!
tama! napa reflect lang naman ako sa lahat ng nangyari sakin kanina. naalala ko tuloy yung ale sa labas ng school pero di ko na es-s-share dito. hehehe.
Kakaiba tong post mo. Natuwa ako kasi sabi nga nila kung ano pa yung mga bagay na nakapagpapasaya sa mga bata eh yun pa yung di natin binibigyang halaga. Most of the time, we can learn important things, which we can never learn at work or in our busy lives, by just observing our surroundings and valuing the beauty of mother nature.
Have a great day ahead! :)
tama! nice one... :D
ako din maadalas nakatingin sa labas ng bintana ng bus,kahiot araw araw ko na dinadaanan un,people and what they're doin made me curious everyday..
sarap ng pakiramdam pag ganyan !
Post a Comment