Sunday, August 23, 2009

Superproxy

Umaatend ako kahapon ng children's party. Birthday ng 7-years old na kapatid ni labidabi. Bongga yung celebration niya. Andaming bisita, andami din pagkain. Habang hindi pa nag-iistart ang party tumulong ako sa pangangabit ng mga lobo sa mga upuan. Siyempre pakitang gilas sa future family. Ahihi.

Habang hawak-hawak ko ang lumilipad na lobo, lumilipad din ang aking isipan. Pucha nag-eemo ako. Sa tanang buhay ko kasi di pa ako nabigyan ng ganuong selebrasyon. Tuwing kaarawan ko kasi, masaya na pag may bitbit na isang plastik ng pancit si erpats. Hindi din mawawala ang isang galong ice cream bigay ng lolo ko na pinagsasaluhan naming magpipinsan. Alam ko naman na gusto nila akong bigyan ng masayang kaarawan. Sino ba naman magulang ang ayaw maging masaya ang anak tuwing mga ganuong okasyon. Pero walang-wala talaga kami nun. Minsan pa nga... BOOOONNNGGG!!! Nagising ako sa pag-eemo ng biglang pumutok ang isang lobo.

Nagumpisa na ang party. Yung mga clowns ang sisigla kuno, ang saya-saya ng make-up, ang galing din maghele inaantok ako sa dalawang mokong na yun. Pero bentang-benta sila sa mga matatandang tawa ng tawa. Halatang pilit ang pagpapatawa nila. Makikita't makikita talaga ang emosyon ng isang tao kahit anong bagay ang itapal sa mukha. Naawa tuloy ako sa kanila, kaya nakikipalakpak na rin ako. Mahirap talagang magpatawa lalo na alam mo sa sarili mong maraming bagay ang gustong pumigil sayo gawin iyon.

Palagi naman akong pumupunta sa kanila. Kilala na nga ako halos ng mga kamag-anak niya. Pero nung nagsimula na kaming mag-inuman iba ang naramdaman kong sigla. Habang nagtatagayan kami, nandun yung mga tita niyang hindi naman umiinom pero nakikisingit ng number sa videoke. Tahimik lang ako, at hindi ako yung tipo ng tao na galaw ng galaw para lang mapansin. At jusko po ayaw ko din naman na mapansin ako, baka magtanong pa sila ng kung anu-ano tungkol sa buhay ko. Hotseat ika nga nila. Lalo na't alam kong wala akong alam na ipagmamalaki.

Pero hindi maiiwasan, may mga tanong na naiibabato sa akin. Mababaw lang naman, tipong mga biruan lang. Kesyo kelan daw ang kasal? Mahal ko ba daw talaga ang pamangkin nila? Napapasilip ako sa erpats niya natutuwa din sa mga biruang ganun. Pero sabi nga ni labidabi, sa likod daw ng mga ngiting yun luha ang umaapaw. Kasi daw ang baby niya dalaga na. Ewan ko ba sa ibang magulang na ayaw ikasal ang kanilang mga anak. Iniisip kasi nila maaagawan sila ng isang anak, ang hindi nila alam, bagkus madagdagan pa ito ng isang gagong kagaya ko.

Heto pa ang nangyari, pinakanta pa ako at i-dedicate ko daw sa kanilang pamangkin. Pucha, hindi ko napaghandaan yun kaya sintonado aking boses. Lagi naman. Wahaha! Wag mo ng alamin ano kinanta ko. Naka-ilang shot na rin ako at medyo makapal na aking mukha. Kaya nung binigay sa akin ang mic, itinutok ko agad sa bunganga ko. Palakpakan. Tuksuhan na parang mga highschool na nasa loob ng classroom.

Masayahin yung angkan niya. Nararamdaman ko ang kanilang mainit na pagtanggap sa akin tuwing dadalaw ako sa bahay nila. Nakakatuwa lang isipin, na ang sarap sa pakiramdam kapag natatabunan ang mga bagay na ayaw mong nangyayari sa buhay mo sa kasalukuyan.

Hindi ko na tinapos ang kanilang masayang inuman. Nagpaalam na ako. Habang papauwi nandun ang ngiti sa aking mga mukha. Masaya. Lumilipad pa rin ang aking isipan, na parang lobong nahawakan ang kalangitan.

63 Sumablay:

Superjaid said...

so kelan ba talaga ang kasalan kuya?hehe Ü

Gi-Ann said...

pwede naman sa susunod mong birthday maghanda rin ng bongga diba? just not include the clowns ahaha.
oo nga eh.ganda din minsan alamin yung luha ng payaso diba?

I mean di naman pala maganda pero yung alamin if they do bleed at times..syempre namn db?ahihi.ako na yata sumasagot ng tanong ko ah.

Ba't naman di nalagay yung inawit mo? haha.

DRAKE said...

Naks pre pangmaalaala mo kaya ang kwento mo. alam mo kung ano ang nakakaiyak dun, ang nakakaiyak dun ay..... laging PANCIT ang handa sa bertdey!. Hindi ba pwedeng lomi?For a change lang ba!

Huhulaan ko ang kinanta mo sa videoke...... MY WAY ba ito? kung yan ang kinanta mo raratratin kita ng armalite,hehhehe.

Sayang lang ang pera mo pinambili mo lang ng lobo sa pagkain sana nabusog pa ako. (Uyyy kinanta)

mingkoy said...

Unang sablay! Yes! parang lobong nahawakan ang kalangitan... hmmmm. ayaw ka malasing ni labidabi mo kaya sumibata ka na no..? hehe.

Eli said...

waaaw, nglalakad habang nagmumuni muni. gawain ko rin un kasi dati nung kami pa ng "labidabi" ko masayahin din ang angkan nila, basta halos same story lang kaya nakakarelate ako. About sa birthday parties ko naman, di namn ako maxadong mapili although keri naman ang mejo bonggang celebration ayus na sakin kahit ano. naks kumanta pa hehe

an_indecent_mind said...

mixed emotions brod?

parang pag sadya mong binitiwan ang lobo mo habang lumilipad papunta sa langit.. sa paniniwalang pupunta ito kay papa jetut...

Anonymous said...

hahaha.. ang galing, buti kumanta ka kahit sintonado, hahah :) sampol naman kuya! lols =)) di din ako marunong kumanta :( huhuhu

patola said...

ayieeeee.. si kuya in lab... heehehehe... mabuti isa lang pumutok na lobo.. kung pumutok yun lahat, ewan ko lang po kung makapag videoke ka pa... hehehehe

Arvin U. de la Peña said...

galing naman..ano kaya ang iyong kinanta..naging palaisipan tuloy sa akin..siguro din di ka naglasing masyado dahil nandiyan ang parents ng labidabi mo..parang lobo nga talaga na pag napunta na sa itaas ay mawawala din sa paningin kasi mailalayo ng hangin..

Traveliztera said...

awww...sweet. daming emotions sa party a hehehe... pero aun, i'm happy na welcome na welcome ka sa kanila a. at uu, nung debut ko nga umiyak si daddy sa speech nia--pano pa sa kasal. hehehe... mahirap pag ung anak na babae eh... parang mas mahirap pakawalan. un ung kadalasan a

aun... bsta good luck sa inyo a! at happeee bday nga pala sa future pamangkin-in-law mo hehe :)

© Gello - kun` said...

ayos yan ah. tententenen.. tententenen.. kelan na nga ba ang kasal?

at ano ang kinanta mo sa bidyoke? hmm. imbitado ba kami? :)

Madame K said...

haaaaaaaaaaay..
kelan nga ba ang kasal? hahaha
closenez galore na talaga keu ng pamilya nya ahh.. ahihihi good start!

ACRYLIQUE said...

Naiiinggit ako. Di ko pa naranasang magkaroon ng bday party with cake, balloons and the works. :(

Hari ng sablay said...

@SUPERJAID hmmm... hindi naman namin pinagpaplanuhan yun eh,kapag may nabuo nalang siguro,haha

@GI-ANN haha sasagutin ko sana pero sinagot mo na,inawit?wag na yun,haha tama sa susunod kong kaarawan magpaparty ako,ipasasara ko daan dito samin

@DRAKE nakakaiyak nga yun laging pancit pampahaba daw ng buhay eh,haha naalala ko kinanta din yang my way kagabi pero paunang salita ng kakanta wala daw mamaril,haha wala akong pera kaya wala akong panghihinayangan,lols

Hari ng sablay said...

@MINGKOY haha pare pang-apat ka hindi ko lang naaprub agad yung mga comments,marahil tama ka,actually ganun nga.haha

@ELAY hindi kaya kayo dati ng labidabi ko ngayon?hindi naman siguro noh?ako din ok lang kahit anong celebration bsta masaya

@ANINDECENTMIND uu brod, tama lahat ata ng bata naniniwala sa ganun,pati ako napaniwala nun dati,hehe

Hari ng sablay said...

@KOX sampol kapa dyan,may bayad eh pag kumanta ako,haha sampung piso kada salita, sige anong gusto mong kantahin ko?

@PATOLA uu isa lang pumutok pampagising lang sa emoemohan kong utak,hehe, araw-araw naman akong inlab kahit nuon pang wala akong lovelife,

@ARVIN haha huwag mo ng isipin,actually hindi ako yung namili nung kanta binigay lang sa akin yung mic,siyempre pare pagoodshot pakitang tao sa kamaganak niya na mahina ako uminom,haha

Hari ng sablay said...

@TRAVELIZTERA dami ko ngang naramdaman na emotion at nakakatuwa nga welcome na welcome ako sa angkan nila,daddys girl ka siguro noh?mahirap ka ngang pakawalan niyan ng dad mo,salamat..teka hindi siya pamangkin-in-law,hehe kapatid siya ni labidabi,balae ba tawag dun?

@GELLO uu naman imbitado kayo,yung kinanta ko?basta,haha baduy lang,hehe yung kasal eh saka na muna,marami pang dapat pag ipunan,hehe

@MADAMEK uu nga nakakatuwa nga eh,mabait naman kasi ako eh,hehe yung kasal matagal pa, bata pa naman kami pareho,pag may nabuo nalang siguro,haha

@ACRYLIQUE wag ka mag-alala sa susunod na magbbday ka padadalhan kita ng mga clowns okya mascot,sino bang gusto mo mascot?gusto mo ba si dora o sailormoon?

Kablogie said...

Eh kelan nga ba sakal este kasal? Yan ang katanungan ng sambayanan laban sayo! ^_^

Pero magandang isulat nga yan kay MMK tapos ang taytol nyan ay "PANCIT!" lols!

Anonymous said...

anung kinanta mo? hehe. kulet ko noh.

Xprosaic said...

Kung sakali ba siya ang mauunang ikasal sa kanila magkakapatid? Ganyan kasi yan pag una... medyo di pa naiimagine ng parents na pwede nang ikasal ang anak nila... jejejejeje... pero siyempre pag videoke na ang usapan nagigng magaan na ang pakiramdam ng lahat... jijijijijiji... nakita na nila kahinaan mo eh... jowk lang jijijijijiji

Meryl (proud pinay) said...

wow ang sayasaya naman! ang nice naman ng family nya...ganyan ang gusto kong family masayahin, nakakaaliw at nakikipagbiruan tulad na lang ng family ng asawa ko...ang sayasaya ng feeling kapag tanggap ka ng pamilya at lalo na kapag nakikipagbiruan din sa iyo na nakikipag joke. at syempre masaya ako dahil may sense of humor sila...nako mahirap kapag walang sense of humor... kc mahirap tumawa ng parang lokaloka at di naman nakakatawa heheh.

so kelan ba ang kasal? hehhe.joke lang...
sa panahon ngayon dapat maging handa kahit papaano...wag pabiglabigla....

best wishes in advance nga pala ^_^

Traveliztera said...

ay onga noh! hahaha langya--sumabog utak ko kagabi a! hahahaha kapatid-in-law pala hahahahhahahahaha...ambata ng balae mo a haha

Traveliztera said...

ay onga pala--oo daddy's girl ako hehe

Anonymous said...

Hekhek...

nakaka-relate ako ah....
*cough*

WOOOOOOhoooOOOooooO!!!!

nakakaintrtiga lang kung ano nga yung idinedikeyt mong kanta sa labidabi mo....

Sana nung umuwi ka na eh, nagpaa-supot ka na rin ng mga foodz..... hekhek! tutal sabi mo naman na mejo kapal muks ka nung mga oras na yun.....

JOKE!!!!!

tama nga yung mga ibang nagkoment....
kelan ang kasal????

ipapaskil mo ba dito kung ano yung mga mangyayari sa kasal mo kung saka-sakali...???

woootWooot!!!!

yun lang....

GUD LUk repa!!!

Anonymous said...

anak ng teteng kaya nga gustong gusto ko e2ng bahay mo eh, sa tuwing nakakahawak din ako ng lobo eh kung anu2 na ang pmapasok sa isip ko, tapos paliliparin ko rin pagkatapos

anung kulay ng lobo mo? maganda yung yellow, matibay daw di nabubutas :D

2ngaw said...

Natigilan ako dun sa "Tumulong ako sa pangangabit" lolzz

Diretso sa kwento!!!Ayun,sarap talaga pre ng ganyan, yun bang lahat eh pabor sayo lalo't di pa kayo kasal... :D

Hari ng sablay said...

@KABLOGIE haha pancit,ayos yun ah,pero ayoko na ng madramang buhay eh,ang kasal mapapaunod sa lahat ng tv station pag nangyari,

@CHIKLETZ makulit na bata,hehe baduy lang yung kinanta ko,

@XPROSIAC uu kung sakali siya,yung ate niya wala ata bf,yung kuya niya gf palang din,onga natatakot pa silang maagawan anak nila,uu nga eh may pangtapat na sila sa akin,haha

Hari ng sablay said...

@MERYL best wishes,haha wala pa eh,tagal pa,hindi pa siya nagpopropose...wow nice din family mo,mahirap makahanap ng ganyang pangalawang pamilya,natawa naman ako sayo onga mahirap pag hindi nakakatawa tas tatawa na parang loka loka,haha

@TRAVELIZTERA hehe ok lang yun,sabog din minsan ang utak ko,onga ambata, daddy's girl ka pala tsk! mahihirapan bf o mga manliligaw mo niyan,hehe

@KIAN san ka nakakarelate dun repa?actually pinapabalot nga nila ako pero nahiya ako,wala man lang kasi ako regalo dala,haha uu naman ipapaskil ko dito kasal ko,salamat repa gudluck din!

Hari ng sablay said...

@ANTHONY yellow?lemon ba yun?teka yung lobo bang iniisip ko ngayon ay yung lobo ding ibig mong sabihin,mahirap nga lobo pag nabutas eh noh baka may biglang lumobo,haha

@LORDCM pangangabit ng lobo yun,balloon,hehe di ko pa lam kung lahat pabor sakin,pero halos naman ata,sana,haha

ROM CALPITO said...

parekoy pakasalan mo na bka mkawala
kaya pla lagi kang masaya
patingin ng pic niya parekoy

EǝʞsuǝJ said...

naks pare...
boto naman pala sayo lahat ng partidos ng iyong labidabi..
hehehe...

wag masyadong emo pare....
heheheh
bka neks taym kaka-emo mo maputukan ka ng lobo sa mismong muka mo...
tsktsk

=supergulaman= said...

parang gusto ko nga balloons at cakes... nyahhehehe...

ayyy...namis ko tuloy ang grasya...bday na nya bukas...waaaaaaaa...aheks....cheeezzzyyyy.. :D

tsenn` said...

buti na lang hindi ako clown :)
woot jamming naman tayo minsan kuya, ikaw sa vocals, instru lang ako nyahaha :D

PinkNote said...

kelan ang kasalanan?wuhoo!

kwentuhan mo rin kami ng "how did you get to know each other"!hehehe

icesee said...

Yikeeeee! Kelan kasal? Hahaha! Invited ba kami? HAHAHA!

SEAQUEST said...

Naks, skepeeet naman wala ka atang sablay nun ah sa kanta lang "baka",) pero teaka lang ano ba talaga kelan ang talian?

Klet Makulet said...

Swerte mo tanggap ka ng family ng labidabi mo. Madami dyan nagtyatyagang maging ilegal kasi ayaw sa kanila.

Yung sa mga clown, ganun tlaga pag kailangan ng pera. Parang mga nasa Wowowee nagpipilit gawin ang isang bagay para lang kumita.

Rico De Buco said...

pre iba ka tlgang mgsulat!!!!! bilib na bilib n ko hehehe...malayo pa kakainin ko para maabot kita idol hehehe

darkhorse said...

ang saya naman! natawa ako doon sa lobo na lumipad din ang isipan mo habang hawak mo...hahaha. Cgurado boto lahat sila sayu!...tc

Hari ng sablay said...

@JETTRO hindi makakawala sa mga palad ko yun pare,tsaka hindi pa siya nagpopropose sa akin,haha pic?sige minsan pakikita ko,hehe

@JENSKEE diko lang alam pare kung lahat,haha pero sana,mabait ksi ako eh,nyayss..onga nakakasawa na pag-eemo,naubos na aking dugo,hehe

@SUPERGULAMAN pareho tayo pare gusto ko din ng cake tsaka ice cream,hehe sinong grasya?yung jowa mo?naks hapi bday nalang sakanya,

Hari ng sablay said...

@TSENNN uu sige ba mag-ala mymp tayo,kaso pano yun wala sa tono boses ko,haha hindi ka clown dahil COE kana,naks!

@PINKNOTE kasalanan?haha hindi na uso ang kasal kasal,domestic partner na uso,haha sige pag naging hapi ang ending kkwentuhan ko kayo sa lovestory namin,hehe teka parang korni yata,

@CAMILLE uu naman invited ka basta may dalang regalo,haha yung kasal eh medyo matagal pa,wala pa kasi siyang planong magpropose sa akin,haha

Hari ng sablay said...

@SEAQUEST hindi baka yun,sablay talaga sa kanta,anong talian?wala pang panali tsaka hindi pa ako ready,haha

@KLETMAKULET oonga sabi nga nila para kana din daw tumama ng lotto pag mabait mga in-law mo,tama ka dun sa mga clown at sa mga ibang taong gagawin ang lahat para lang kumita,

@RICO bilib ka dyan,haha binobola mo naman ako,hehe salamat pare,anong malayo kakainin eh ang galing-galing mo nga magsulat isa ka sa mga inaabangan kong bagong post, :) salamat ulit pre

@DARKHORSE sana nga lahat sila,hehe nadadaan lang sa pagpapacute yun at pakitang gilas,haha

Jepoy said...

Sana nag Record ka ng iyong kanta tapos ilagay mo dito...

Kamontikan na kong naiyak sa pag eemo mo dahil sa engrandeng bday celeb na hindi mo na ranasan noon. Buti ka nga pansit at ice cream...

Ako ang handa namin ay Am. Kung di mo alam ang Am ay ewan ko nalang lolz

Rouselle said...

Sweet. Very nice and sincere post from you. : )

Dhianz said...

bakit parang huling huli na akoh ditoh? ba't nde koh napansin na may post kah... kelan pa bah tong post moh? ang dmeng epal nah.. san san bah akoh nagpupunta.. eniweiz.. saya naman nang pagkakuwento moh.. akoh ren habang nagbabasa nang entry moh eh san san lumipad ang yutakz... naks.. wala akong makomentz.. ingatz mare koh.. Godbless! -di

Pirate Keko said...

ahiii kelan ang kasal plower girls ako ha...
nyahaha..
ano nga ba yung kinanta mo?
my way?

Karen said...

Nung maliit pa ako natatandaan ko pa pag nag bibirthday ako natatyming walang panghanda or minsan cake lang ahahaha kinocompare ko ksi sa older bro ko madami handa pag bday nya kakainis ewan ko unlucky lang siguro talaga ako ahahaha pag sa older kapatid ko naman na tatyming meron sa kanila.ahahaha un feeling ko noon pero nasanay na din.

At magaan sa feeling pag accepted ka ng family ng minamahal mo. Chaka parang ang dami kong experience ahahah.Dagdag pogi points daw un sa mga lalaki ahahaha. Yun ang sabi nila.

God Bless you!

bea trisha said...

ay nice naman..
close ka sa family nya...
go lang..

i wish u more happiness in the near future...!

RaYe said...

awts.. di ako mahilig sa house party.
puro kasi ako bar pag bday ko weh.. ahaha

Anonymous said...

ang saya naman... ramdam ko masaya ka sa mga nangyayari sa buhay mo ngayon

Anonymous said...

ang ganda ng sound... kinilabutan ako... clap clap clap.... paborito ko na nga yan...

kuya subukan mo naman yung sarili mong kanta ang ilagay mo, for sure nakapaghanda ka na non, tapos ididikit mo saken...

patambay muna ha, nag eenjoy kasi ako sa kanta... sugar hicup.

lika sa bahay ko, ipapasyal kita ulit...

Yien Yanz said...

Waw naman, inlab na inlab! Stay that way! Hehe!

Yj said...

so superproxy ang kinanta mo?

hahahahaha

Reagan D said...

ayun yun eh!
iba talaga pag inlabs.

masarap talaga pansit, kahit kelan ihanda, parang party na rin hehe.

sana kinanta mo na ang lahat ng kanta, wag lang ang "my way".

or singe&dance ng careless whisper.

o kaya "please, release me let me go."

hahaha

apir sa bagong kasal!

Ruel said...

Ingles ba yong kinanta mo bro? Ano pang inaantay mo? Pakasal ka na at imbitahin mo kami lahat dito sa Kablogs..

Hari ng sablay said...

@JEPOY anong am naman na pinagsasabi mo?ham ba yun? gusto ko sana irecord kaso nainsecure ako sa boses mo,walang panama yung sakin,hehe

@ANGEL tnx2 :) sweet talaga ako tska nice tsaka sincere,hehe

@DHIANZ uu nga wala kapang masabi sa lagay na yan,mukhang alam ko kung san san ka nagpupunta,siguro pumupunta ka sa mga lugar na kaw lang mag-isa nagkukulong nageemo,haha tama na kasi pag-eemo,ingatz

Hari ng sablay said...

@KEKO pag gurang lang yung my way tsaka sa mga lasing na,mahirap din baka ratratin ako, sige plower girl ka,plower puff girls,hehe ang korni

@KAREN naku iba na ata yan, favoritism,haha jokelang,baka naman sinasabay na yung bday mo dun sa kuya mo kaya madaming handa,hehe ansarap nga sa pakiramdam,boto rin ba sayo mga manugang mo?hehe pogi pts ba?naku sana nga. Godbless din :)

@BEATRISHA salamat :) hindi naman close hindi rin open,hehe ang korni,basta ok lang, sakto lang,steadybird lang,hehe

Hari ng sablay said...

@RAYE wowo naman chuchal, pa-bar bar lang hehe,kelan ba bday mo?pweding bang umatend?hehe

@DHYOY may mga panahon lang na masaya pero hindi naman ganuon kasaya,ageemo parin ako minsan,hehe

@LIVINGSTAIN sige sama ako sa bahay mo,basta may merienda ah, uu sugarhiccup,ganda ng lyrics noh?haha teka sariling kanta ko?wala akong ganun,hehe

Hari ng sablay said...

@YANIE araw-araw naman inlab ako,hehe salamat :)

@YJ hindi ata bagay idedicate yun kay labidabi,hehe tsaka baka kumunot ang noo ng matatanda pag kinanta ko yun,

@MANIKREIGUN haha bagong kasal ka dyan,hindi pa siya nagpopropose pre kaya medyo matagal pa,ang ganda ng mga suggestion mong kanta,timing na timing sa mga ngyayari,hehe

Hari ng sablay said...

@RUEL hindi bre eh,hehe tagalog para mas feel na feel, uu imbitado kayo akong bahala,hehe

Rico De Buco said...

hayaan mo pre pagbubutihin ko pa lasing ako ngaun,,ndalw lng ako..

Madame K said...

May plano nba kayong bumuo?! wahahahaha

Hari ng sablay said...

@RICO di mo naman ako sinama pare naglasing ka pala,nextym ha :)

@MADAMEK wala pa,matagal pa, pag medyo ok na lahat :) kayo?hehe

Post a Comment