May napulot akong itim na notbuk. Notbuk hindi libro na paborito ni Hudas. Simula nung napulot ko ito naging miserable at nagkagulo-gulo ang buhay ko. Dahil mahiwaga at may kapangyarihang pumatay ang notbuk na ito. May nakapaloob dito na rules o guidelines kung papaaano gamitin to. Marami, yung iba mahirap ng intindihin. Pero dalawa ang maliwanag kung papaano gamitin ito. Ang isa, isulat ang tunay na pangalan ng gusto mong mamatay. Mamamatay ito sa loob ng 40 segundo. Ikalawa, kailangan alam mo ang mukha ng taong isinusulat mo ang pangalan, para hindi maapektuhan ang mga taong magkapareho ng pangalan.
Kalokohan naman ito sabi ko sa aking sarili. Pero nakakakiliti ng utak, kaya sinubukan kong gamitin. Habang binabalita sa telebisyon ang mga batang hinostage, nakuha ko ang pangalan at mukha ng hostage-taker. Sinulat ko ang pangalan nito sa notbuk. Pagkalipas ng ilang segundo nagkagulo sa hostage scene at binalitang namatay daw ang hostage-taker. Hindi pweding mangyari ito, baka nagkataon lang. Coincidence ika nga. Kailangan kong patunayan ang bisa ng notbuk sa pangalawang pagkakataon. Madilim na ang paligid may isang babaeng naglalakad, ng bigla itong harangin ng mga lalaking nakamotor. Nagpakilala ang isang lalaki, dinig na dinig ko ang pangalan. Mga kriminal pala ang mga walang hiya. Sinulat ko ang pangalan ng gagong rapist sa notbuk. Habang hinahabol ang babae, isang rumaragasang truck ang bumundol sa lalaking nakamotor. Wasak ang motor, wasak ang katawan ng kriminal.
Walang duda. May kapangyarihan akong pumatay ng mga taong masasama gamit ang notbuk na ito. Gagamitin ko ito para gawing malinis ang mundo. Buburahin ko ang mga kriminal. Ang mga taong matutulis ang sungay. Ang mga taong mahahaba ang buntot. Tatawagin ko itong BAGONG MUNDO. Kayang-kaya kitang patayin. Paslangin. Kitilin ang buhay. Ako ang Hari dito. Ako ang may kontrol dito. Ako ang magiging Diyos sa bagong mundong ito. -Light Yagami
Papaano kung nangyari ito sa akin sa totoong buhay? Hawak ko ang buhay ng ibang tao. Ang sarap siguro ng pakiramdam. Pero hindi ako nalalayo sa mga masasamang tao. Isa din akong taong kriminal na kumikitil ng buhay. Ang sarap kasi ng may kapangyarihan. Ang sarap siguro maging Diyos. Kapag nasa sa'yo ang kapangyarihan, gagawin mo ang lahat para hindi mawala o maagaw ang kapangyarihang inaasam ng karamihan.
Pero hindi ganuon kadali. Magiging miserable ang buhay ko. Marami akong makakalaban. Maraming mag-aasam ng buhay meron ako. Magiging akong baliw. Tatakutin ang ibang tao. At bandang huli, ako mismo ay matatakot sa sarili ko. Dahil baka dumating ang panahong hindi ko na makontrol ang mga nangyayari. At kahit sino na lang ay papatayin ko para lamang hindi maagaw ang kapangyarihang meron ako.
Friday, August 7, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
63 Sumablay:
WAHAHAHA!!!!!!!!!!!
Nabasa ko na yung manga niyan taz napanood ko na rin yung movie niya.........
yung tv series na lang ang hindi ko pa nasisilip.......
hekhek!....
bumalik ka ka-"repa".....mabuti naman.....
lets celebrate to dat!!!!....
painum naman oh,,,...
pero parang masaya magkaroon ng notbuk na ganun diba? kc mawawala mga criminal..death sentence agad..heheh..napanood ko yang kwento mo death note ska ung ke "L", galing noh? hehhe...ganda rin nun..
@KIAN ayoko yung movie,parang pangit, pangit kasi ni light dun,haha uu bumalik ako may gagawin lang akong eksperimento,nagmamatyag ako,haha saka diko kayo matiis.salamat repa :)
@KHULETZ uu mgaling talaga si L, sa isip palang nagtatalo na sila,kaso mas magaling ata si light sa kanya kasi namatay siya natalo siya ni light,hehe ang alam ko may tinitinda atang dati notbuk na ganun na ganun sa mga book stores.
Gusto ko yang notebook na yan. akin na lang!
Nice story, gusto ko tong mga ganitong istorya patayan ehehe! :D
Gusto ko rin ng ganyan... parang movie na WANTED wala nga lang notebook na ganyan pero kayo ang kikitil ng buhay ng iba para sa kapakanan ng mas nakararami... pero isa rin yun na magaagawan kayo sa kapangyarihan...
@HOMER gusto ko din yung notbuk na yun kaso nkakatakot,diba ikaw si atty. Ely? may kakayahan ka ring ilagay sa kamatayan ang isang tao,naks powerful.
@XPROSIAC ay oonga,gusto ko din ang movie yun astig si angelina jolie,kelan ko lang ulit npanuod sa hbo,hehe maraming maiinggit nun cgrado tulad ko naiinggit ako pano sila bumaril
dude, peace tayo uh.. mabuti na lang at hindi mo pa alama ang itsura ko bwahahahaha
Brod, Kahit nasa Diyos na ang lahat ng kapangyarihan para patayin o buhayin tayo, hindi nya ginagawa...Bakit?, ang lahat ng bagay pinag iisipan, hindi lang basta basta ginagawa kung gugustuhin mo...tulad ni Bro, bubuhayin nya tayo kasi may dahilan, kukunin nya ang hiniram natin buhay dahil may dahilan at di dahil gusto nya lang...
Sana brod, tuloy tuloy na tong pagbabalik mo..na miss kita pre :D kiss lolzz
Wow! You're back! Hehehe.
Gusto ko sana panurorin yan kaya lang scary e. Hahaha! Weee saya naman idol nagbalik ka! HAHA!
Atty. Ely talaga? ahaha!! :D
@JOCO alam ko ang itsura mo kaplurk kita eh,haha
@LORDCM uu tama ka dun pre,siya lang may alam ng lahat, kaya yung mga nagfifiling at gustong maging Diyos napapahamak sa sarili nilang kamay,ngbalik ako dahil nageeksperimento ako,haha pakiss na rin ako,lols salamat pre.
@CAMILLE haha salamat din sayo,hindi ko kayo matiis naluluha ako habang binabasa mga comments niyo,haha idol din kita salamat :)
@HOMER haha diba yun yung pangalan mo?
peborit ko ang death note 1-3. . bibigay ko ang full name ko pakisulat na lang
nakukyutan ako sa idea ng death note...friendster layout ko nga dati yun kase katunog ng pangalan ko eh...ahahaha...
wag ka na umalis ah...
yippie!Ü atlas your back kuya!Ü anyways, di ko pa napapanuod yung deathnote, pero mukhang interesting..Ü masarap naman kasing may kapangyarihan ka, pero mabigat na responsibilidad..
astig di ba? you can be a vigilante without making your hands dirty...
and owning a notebook like the one kira has, is like having an ultimate power over your foes.. ehehe...
gustong-gusto ko ang deathnote e... :D
busy pala sa ganyan, sa daydream ang hari ng sablay. hahaha.. pero mukang masarap nga yan. mejo. hahha
wui kuya, balik kn! ninakaw mu pa yung chatbox mo.
hi! sorry, i can't seem to find a place to leave this message..your blog is very interesting thus i'm inviting you to register for free at (,") BLOGS NG PINOY (",), the online directory of blogs made by pinoys worldwide :) registration is just an exchange links concept. click on the "MAGPALISTA NA!" link for instructions :) take care!!!
Hindi ako maka relate kaya eto lang ang comment ko.
Teka nasan ang CBOX mo?
Nakum marami akong mapapatay kung sakaling mapupulot ko yan. haha.
Astig pa rin si Light. :)
Honga, nasan na C-box mo?
lol XD Di ko pa nabasa yung manga though gusto ko download... XD
Anyway, kung meron ngang ganyan, mahirap yung power na yun. Di lang dahil madami maghahabol sayo para makuha yung notebook pero syempre conscience yung kalaban mo sa ganun... T.T
pag ako nakapulot ng ganyang libro, di ko gagamitin.
kasi maaaliw akong ka-kwentuhan si Ryuuk o si Rem. :)
at siguro, gagamitin ko na ring lang kung talagang kelangan kasi mapapaisip ako sa patakaran na hindi mapapapunta sa langit o impyerno ang gagamit ng death note.
mahiwaga . talagang nakakapagpaisip.
welcome back hari! siguro pag ako nakapulot ng ganun matatakot ako. di ko lam gagawin ko. baka sunugin ko. haha!
hindi ako makarelate hahaha.... pero hahanapin ko yan sa bawat sulok nang internet hehehe...
kung ayaw mo pre ibigay mo nalang sa akin, mas mabait ako kesa sa iyo kaya siguradong konti lang ang mapapahamak kapag nasa akin na yan hahahahaha...
anong book yan?
gusto ko sana yung ganyang notebook...
pero di ko din magagamit, kasi makonsensya lang ako... naisip ko lang, gaano man kasama ang isang tao may sarili syang dahilan kaya nangyari yun... at wala akong karapatan na basta na lang kitilin ang buhay ninuman...
"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko." -BO
minsan talaga nkakabulag ang kapangyarihan. wahhahaha
Sabi nila ang sinusulat mo ay repleksyon ng kasalukuyang emosyon mo ngayon. Alam kong medyo kinaiinisan kang tao ngayon na napatay mo nasa isip mo. Pero symempre frustrated ka kasi hanggang sa isip mo lang syang kayang patayin. Ganyan ganyan din yung naramdaman kong ng may isang taong naninira sa akin. Ang sarap bangasan ng mukha!!
Pre hinga lang, kukunin din sila ni Lord.hehehhe
gusto ko sana yung ganyang notebook...
pero di ko din magagamit, kasi makonsensya lang ako... naisip ko lang, gaano man kasama ang isang tao may sarili syang dahilan kaya nangyari yun... at wala akong karapatan na basta na lang kitilin ang buhay ninuman...
"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko." -BO
fan ako ng deathnote!
i love L, astig!
maganda naman sana hangarin ni Light,, ang mawalan na ng mga masasamang tao sa mundo. galing niya mag-isip! kaso nilamon na siya ng kapangyarihan niya...naging world donination na ung target niya...
kung ako siguro,, hmmm... mukhang marami rin akong mapapatay... unang una na ang mga buwaya dito satin,,tapos mga patiwakal na bandido. hehehe! biro lang, malamang sunugin ko nalang ren..:)
hohoho... Death Note ^^. ewan ko ba, parang hindi ako natuwa d2 sa death note anime/manga/movie -_-.... mas gusto ko p rin ang mga ninja heheh, Naruto!!! XD
hehehe..ganda ng story ng death note.. pinanood ko yung pagka haba habang anime na yan... wahahaha...
welcome back poh kuya.. :)
pare baka tumigil na ako sa pag blog...kasi ang babae na mahal na mahal ko na bloggers din na 3 tula ang sinulat ko para sa kanya ay parang sinaktan ang puso ko..alam ko nakita mo na ang hitsura niya..nais kong basahin mo ang comment ko sa post niyang I CAN SMILE WITHOUT YOU na tungkol sa mahal niyang lalaki..eh akala ko wala pa siyang naging bf..napakasakit pare..pag matapos ko ng ipost ang 3 naka schedule kong ipost ngayong buwan ay baka tumigil na ako pag post..wala ng gana pang magsulat..siya ang inspirasyon ko sa pagsulat sa kasalukuyan pero dahil sa ginawa niya ay wala na akong gana pa.. ang blog niya ay www.dollxhie09.blogspot.com at basahin mo ang mga comment doon..3 ang comment ko na sobrang napakasakit talaga..halos mapaluha ako.. blog niya www.dollxhie09.blogspot.com
kaibiganin mo siya hari ng sablay at sana mag message ka na talagang nasaktan ako..
hahaha paborito ko deathnote ako si kira!!!! ang killer!!! nabubuhay ung darkside ko pag naaalala ko ito...hehe
I'm a fanatic of Death Note-- sino sa tingin mo ang makatarungan?Si Light Yagami (Kira)o si L?
titigil na ako sa pag blog..ang dahilan ay nasa new post ko..maraming salamat sa iyo ha sablay na minsan napatawa mo ako sa mga sinulat mo..lalo na iyong naka tsamba ka ng 2,000 pesos na mula sa nag withdraw na kayo ang nakakuha..sa halip na gin ang inumin niyo ay nag beer na lang kayo..natawa talaga ako doon..basahin mo ang new post ko..salamat sa iyo..sana magsulat ka pa..
hanep, biktima ka rin pala ng L saga. tsktsk.
tingin ko malabong mangyari na gagwa ka ng ganun kuya miron. pero may sasabihin ako sa'yo,
..
..
ay nahihirapan ako iexplain, saka na lng, hahaha!
kuya miron! namiss kita! totoo ^___________^
Patambay na rin...
Pero diko sasabihin true name ko, yoko pang mamatay... although kahapon lang natapos ko nang i-organize ang funeral service ko hehehe...
Ironic ba? Ganda ng mga kwento, mapapadalas ako dito...
Thanks!
Good One ahahaha pero kakatakot naman yun. Ano ano nga ang nagagawa ng taong may malaking power.
Pero sa mundo ni Spiderman "Great power comes with great responsibility" heehee
interesting one.... and yes hindi magtatagal at ikaw din ang magiging masama....
sabi nga sa batman d ba.... you're lucky if you don't live long enough to see yourself become the villain.....
echoz
@PAPS at bakit naman? gusto mo nang mamatay?
@DETH onga noh katunog ng pangalan mo,hehe astig si Light saka L noh,cno bang maysabing umalis ako?hehe
@SUPERJAID tnx2 uu mgnda try mo panuorin yung unang episode tas hindi kana hihinto cgrdo,hehe kahit anong kpngyarihan gusto ko,hehe
parekoy huwag mo ako isama diyan sa notbuk ha
@RAYE onga astig si kira kaso matatalino din mga kalaban niya kaya minsan may mga pgkakataong naiipit din siya at natatalo,hehe ako dn gusto ko dn deathnote pinagpupuyatan ko tlga,haha
@KOX uu busy lang sa puyatang gaya nito,haha msarap tlga may kpngyarihang pumatay ng tao,bwahaha ewan ko ba san ko nailagay cbox ko,
@BLOGSNGPINOY ah...ok sige sige punta ako diyan, salamat :)
@JEPOY cbox?ewan ko nawawala eh, dinudungisan kasi ng mga walang magawa :)
@ACRYLIQUE kahit ako kay light pa rin ako pero astig dn si L,marami din akong mapapatay pag napulot ko yun,haha marumi yung cbox ko nilalabhan lang, :)
@RICH onga conscience na kalaban mo dun,pero yung ibng nkakapulot nun walang knsensiya sinasaniban ng kdemonyohan,download mo na, now na,haha
@GELLO haha pag una nkakatakot mga shinigami pero natatakot din pala sila sa mga human,saka nakakatawa din sila,ako din gagamitin ko dahil wala kana ring mgagawa mgiging miserable na tlga buhay mo
@CHIKLETZ tnx :) nkakatakot tlga mkapulot ng ganun,hindi mo pweding sunugin yun,dahil may rule dun kapag sinunog mo yung notbuk mamatay yung nkapulot o sino mang nkahawak nun,hala.
@RHODEY gustong gusto ko nga yung notebuk pre eh,haha teka sino bang papatayin mo?ako tama ka marami,haha
@REVIEWER death note,hndi ko lam yung book npanuod ko lng yung anime
@ANINDECENTMIND uu tama ka pare,kaya kung sino man ang nakapulot ng notbuk na yun mgiiba na takbo ng buhay at mgging miserable,magaasta siya parang Diyos
@GESMUND onga nung una mgnda pero maraming tao ang sumasalubong sa hangarin niya,hindi kasi siya maka-tao.si L astig din kaso natalo ni Light,hehe mga buwaya?may kinalaman ba ito sa palitiks?hehe
@RAUL haha naruto paborito ng kapatid ko yan,dati dn pinapanuod ko pero ngkanda ligaw-ligaw ako diko na nasubaybayan kaya ayun diko na tinuloy panunuod,hehe
@PATOLA haha ang haba nga yung ending medyo nlungkot ako di kasi nanalo si Light, ang sama eh noh... salamat :)
@ARVIN ha?nakita ko nga yung blog niya pre, pero dati naman niyang kasintahan yun wala na yun, IKAW NA NGAYON,naks! wag kang aalis malulungkot kami,ako nga napagisp-isisp ko npaka-unfair nga naman kung iiwan ko nlang kayo basta-bsta,marami pang pweding gawing inspirasyo yan diba muslim ka na man marami kapang mahahanap,hehe relax lang :)
@MADAMEK tama ka,totoo yun lalo na pag ayaw mong mawala ito sayo lahat gagawin mo kahit pumatay ng kahit sino
@DRAKE hehe bat mo nasabi yun pare?onga nkakabanas ang mga taong ganun,sarap hampasin at lamutakin ang mukha, uu kukunin sila ni Lord at ibabaon sa impyerno,bwahaha pero hayaan nalang natin sila lalo lang tayong magmumukhang gago pag pinatulan,
@RICODEBUCO haha ikaw ba si kira?delikado ka pala pare,buti nalang tinanggal ko na ang picture ko at hndi mo alam tunay ko pangalan,dahil mahirap na bka magkatalo tayo isulat moko sa notbuk mo,haha
@CLARISSA o pare kmusta?kung makatarungan kay Light siguro ako, pero kung maka-tao kay L ako,hehe
@ARVIN wag ka munang tumigil pare maraming ntutuwa sa mga gawa mo isa na ako,mamimiss ko yung mga banat mo sa cbox at lagi kong sinusubaybayan ang pagiging muslim mo,ishot mo na lang muna yan ng mahimasmasan ka,masyado ka pala seloso pare,haha
@TSENN namiss?hndi naman ako nawala eh,hehe ano yung sasabihin mo?ngayon na,iexplain mo na dali,atat,hehe mukhang alam ko na,
@YANIE uu tama yun,wag na wag mo bsta sasabihin totoo mong pngalan pg dimo kilala,teka iorganize?huh?diko maintndhan,mpapadalas din ako sa blog ayos mga sulat mo :) salamat!
@KAREN nkakatakot nga humahak ng power lalo na kung hndi ka deserving,ay oo tama uncle ni peter parker, bsta kpngyarihan may kaakibat na responsiblidad,
@YJ tama ikaw din mapapahamak sa sarili mong mga kamay,sabi ni karen spiderman,ngayon ikaw batman,hehe pero astig naman nung cnabi ni batman,kaya magpakasama tayo,bwahaha
@JETTRO parekoy matutina,nandito si nora aunor wala sa ibang blog,haha hindi kita isasama wag kang mag-alala,hehe
ako ay isang shinigami. at ako ay si ryuk. astig. hehe
@MANIKREIGUN haha kung gayon kaylangang lagi kang nakasunod sa akin, dahil ako si kira,haha mghahasik tayo ng lagim
huwelkam bak!=)
@PINKNOTE hehe salamat diko kayo matiis eh nkonsensya ako,lols
Bring it on! LOL :D
^baka naman di nako matulog pagdinownload ko now na yun... sa weekend na lang siguro... XD
niregaluhan ako nyan n'ung pasko. ay kay ganda ng bolpen.
@DN haha laban na laban,let's get it on!hehe
@RICH hehe uu ako nga din laging puyat nun gusto ko tapusin sa isang araw pero diko pala kaya,
@FUNNYPOLITICO sa bolpen ngandahan eh noh,may deathnote ka rin pala ikaw si 2nd kira noh?
kung driver ka ng jeep, hawak mo ang buhay ng iyong mga pasahero :D
wala lang.
@USAPANGLALAKI uu ako bahala sakanila kung saan ko sila gustong ibunggo,haha
It's my first time to visit your blog. And I find it interesting. By the way, Death Note is one of my fave animes. Can I reblogged this entry? I'll put a link back into your site. Thanks!
@PAOLO thanks sa visit :) sure u can reblog dis, astig si light tsaka L noh, salamat :)
ahh ayox tlga ang gmwa ng death note
bow !!!! aquo x kanya
npnoud auo n yung movie nea ang lupet tlga
death note hehehehe !!
sa meon pang krugtong yung death note
mas lalo tuloy akong naging interesado sa death note na yan.. gusto ko sanang panoorin o basahin ang manga nyan kaso masyadong busy di kaya ng oras ko.. anyways, thanks! :)
Post a Comment