Patay-sindi. Sindi-patay. Ganyan ang nangyari kanina sa mga ilaw namin dito sa bahay. Kala ko brownout na naman, pagtingin ko sa mga kapitbahay may mga ilaw naman sila. Nagbabayad naman kami ng kuryente. Pero bakit ganun? Chineck ko ang mainswitch, ok lahat. Lumabas ako tinignan ang poste. Ayun bingo! May kumikislap-kislap na parang bato ni Darna. Konklusyon ng pinsan ko baka lumuwag lang ang koneksiyon ng mga kable. Kaya tumawag kami sa power source (nice term) namin para ayusin nila.
Akala ko pa naman isa itong milagrong dala ng solar eclipse na nangyari kaninang umaga. Kala ko magiging superhero na ako.
Katatapos ko lang kumain bago pa kami tuluyang mawalan ng ilaw. Habang pinagmamasdan ko si manong na kinakalikot ang mga kable ng poste, ay meron din akong kinakalikot. Ang buset na tinik na tumusok malapit sa aking lalamunan. Dahil ito sa kakalamon ko ng galunggong namin. Medyo masakit dahil naiwang nakabaon ang ilang parte ng tinik. Kahit na dumugo pilit ko pa rin inalis kesa mamaga ang bunganga ko. Pero di pa rin ako sigurado kung natanggal nga dahil may nararamdaman parin ako. Hmp! Bahala na.
Teka, anong nangyari kay manong? Hindi naman siya nakuryente o nahulog. Mukha lang siyang napalaban sa mga kable. Ayun binigyan ni ermats na 100, pangyosi. Dapat 150 bibigay sabi ko 100 na lang sakin na yung 50 pangyosi ko. Inunahan ako ng karma ko. Dapat lang talagang natitinik sa lalamunan ang mga kagaya ko.
Thursday, July 23, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
54 Sumablay:
HAHAHAHA! XD ikaw kasi... kinuha mo pa yung 50 ni manong... ^^
sabi nila pag natinik ka daw ikuskos mo daw yung paa ng pusa sa may throat mo... sana tnry mo... XD
ang sakit matinik parang ka equal yan ng sakit ng ngipin...
Mapaparalyze ka the whole day. Dapat lumunok ka ng isang buong saging na saba..Ewan ko lang kung di pa matnggal yang tinik na yan. At isa pang point wag kukupitan si Manong ng 50! langya walang patawad pati si manong nikupitan mo :-D
TAMA! KUPITAN SI MANONG! HEHE
I GOT NEW PHOTOS FROM THIS WEEKEND! Please visit me @ http://www.kumagcow.com & http://techcow.blogspot.com :)
grabe di ka na naawa kay manong, kinuha mo pa ung 50 ang hirap kaya mangalikot hahaha. Pagkakaron ng tinik ang isa sa mga pinaka ayaw kong mangyari sakin kasi nung na experience ko un pinapalunok ako ng maraming maraming kanin kadiri.
tip para hindi ka muling matinik. "wag kumain ng isda"..lolz
hinay hinay lang sa pagkain at paglunok. ambilis tuloy ng karma mo. LOL!
haha. yun bang pagkatinik mo ee mapipigilan ka sa pag yosi mo? i think not. :D hehe. agawan pa kasi si manong ng 50 ee.
Hahahahhahahaha... sumablay ka na naman hari ng sablay... jijijijij... pero ang galing ng advise ni poging ilocano ah! jijijijijijiji...
Ang mahal ng yosi mo ah, 50? He he he.. Dapat pinahilot mo nalang sa suhi ung lalamunan mo para nawala 'yung tinik, hee hee.
(>^^o)> WOOoooHHhooooOOOO!!
Eklips-eklipsan kahapon....
kaya nakalunok ka ng tinik...
(>^.^)> hekhek!
(>X.x)> anong konek???
ayan kase...sa susunod hinay-hinay sa pagkain magtira ka naman para sa pusa, pati tinik tinitira moh! ahahha
wala kang awa! siya ang nagpakahirap umayos ng kuryente, hindi inalintana ang panganib ng kamatayan...nagawa mo pa siyang kupitan! lol! ayan tuloy nakarma kah!:P
masakit ngang matink.. naranasan ko na yan nung kumain ako ng dilis-- uhhhh....
okay lang matinik ako basta may 50pesos ako.
teka, i take that back haha
ayon nakarma... hehehehe!
@RICH ganun ba yun?naku diko ntry,sabi din nila ilagay mo daw sa ulo mo yung ulo ng isda na natinik ka,
@JEPOY sabi din nila yun yung saging,eh kaso bumaon nga yung ilang parte tas naputol pa,ansakit,hehe pakeswelo lang naman yung 100 dapat nga walang bayad yun eh,hehe
@KUMAGCOW tama ba yun tama?naku wag kang kakain ng isda pare bka matinik ka din,haha
@ELAY naawa ga pero nakarma pa din ako,nauna lang,haha maraming kanin?diko lam yun ah sabi din nila saging daw,
@POGING(ILO)CANO haha ayos yung tip,susundan ko yan pare, salamat.
@CHIKLETZ ambilis nga nauna pa ang karma,haha cge cge sa susunod magpapaka-finesse nako sa pagkain,
@MILES yun nga after kong mgkalikot ng tinik nagyosi pa ko, pero parang nag-iba yung lasa ng yosi,hehe
@XPROSIAC sumablay nga nnman,haha tama nga naman dapat wag ng kumain ng isda,
@MADZ sa suhi?ano yun?pero parang ayoko din kasi mukhang masakit... hihilutin?ouch,haha yung yosi may kasama ng candy yun,hehe
@KIAN uu nga repa teka nakita mo ba yung eclipse?may konek yung sinabi mo, dahil bka sa pagkakalunok ko ng tinik mging superhero ako,ang korni,lols
@DETH haha pati tinik hindi pinatawad eh noh,dapat nga walang bayad yun eh,pampakuswelo lang yun,hehe ok lang yun mabait naman si manong,nagpasalamat pa sa akin,haha
@USAPANGLALAKILANG dilis?ayos ah,haha finollow pala kita tsong,mukhang mahalay mga posts mo eh,haha
@STAINEDMEMORIES haha wala ng bawian,50pesos kapalit ng tinik,lols
@MARCOPAOLO ambilis nga eh,nauna pa ang karma,haha
oi...dapat nandyan ako hihilutin ko lalamunan mo kasi suwe ako...may kasabihan ang matatanda kapag suwe may kakayahan mag tanggal ng tinik sa lalamunan...este magpagaling pala!
kain ka ng saging..para sumunod sa galaw...
@MERYL ah tlga?teka ano ba yung suwe?anong gagawin mo nun?pero mkhng ayaw ko ata mukhang msakit yata gagawin mo,nttakot ako,hehe
Natinik ka dahil sa Solar eclipse. :)
Putik! May hangover ako, di ko nakita ang solar eclipse. tanghalian na ko nagising. haha
ay masakit ba?
sana natanggal mo successfully...
i hate when that happens...
hahaha... kaw kasi, inunahan mo pa si manong... :D
yung tinik na naiwan, kaya yan ng saging.. heheh
buti na lang galunggong yan, di bangus.. kung bangus yan, hmmnnn.. :D
Hindi ka pa nga superhero dahil natinik ka pa eh. Kawawa naman si Manong. Bad ka!
Hahaha! Nakarma agad. =))
Moral Lesson: Kumain ka muna bago ka mangupet!!! (hehehe dyok lang)
hehe ang bilis naman ng Karma ^^
^ ulo ng isda?? hahaha! ang labo naman nun... XD try mo next time nga kung alin yung effective dun... XD
grabe. buti ndi natinik si manong sa kable ng galunggong. tsktsk
@ACRYLIQUE ay sayang di mo nakita ang ganda daw, di ko rin kasi nakita,lols
@BEATRISHA uu nga eh medyo dumugo nga,filing ko naman ntanggal na kasi di naman sumasakit,hehe
@RWETHA bangus?mas maskit ba pag ganun,naku kung ganun buti na lang nga,hehe
@JEI uu nga nkakaawa din siya, kinuha ko pang merienda niya,hehe
@CAMILLE ambilis nga eh nauna pa ang karma,hehe
@GORYO haha yun nga ginawa ko pre kumain muna,kaya nga nauna ang karma eh,lols
@SHYKULASA nauna pa nga eh,lols
@RICH uu nga,lam mo naman mtatanda kahit ano nalang,haha nextime?parang may nxtime pa ata,haha
@MANIKREIGUN ok na ata pc mo tsong?si manong pala ang superhero kaya di siya natinik ng kable,lols
wahhah! kinuha pa ang 50
ok lang yun
wahhaahh!
@MARK eh ganun talaga recession ngayon eh,walang pangyosi,lols
Nyahahaha..Bagay sayo, tlgang kukupitin moh pa ang di para sayo.. hahaha Ayan natinik ka tuloy. =D
Summer
A Writers Den
The Brown Mestizo
ouch, sakit nun
nyhahahaha
ayos a
para na nga lang sa nag ayos ng kuryente nyo
tinaga mo pa
mahal namang yosi yan
@SOLO haha bagay nga sakin, kaya yung mga natitinik isipin kung anong nagawang mali,lols
@LADYINGREERUFFLES sakit nga pro ngyon mukhang nawala na,
@MARS kasama na candy dun,hehe dapat nga walang bayad si manong kasi trabaho nila yun,haha nagkwenta pa,lols biro lang
awts karma... kaya wag magsmoke para di matinik. labo hahaha. pero never pa ako nakaexperience non although disturbing pag nakakakita akong may natitinik. allergic kasi ako sa isda... epal nga e. gusto ko makatikim nung mga lagi niong binabanggit. haha
hahaha ang saya naman dito jijijiji...
Bahaha. inagaw mo na nga yung 50 ni manong, inagaw mo pa pati tinik para sa pusa =)) Karma! :P
basta ako, peborit ko ang gg! nyahaha!
teka, gg na nga natinik pa?
nyaa gara.. a baka kinalkal mo lahat ng pwedeng makain, hano kuya miron.. hehe
parekoy may pusang gala don kay arvin hulihin mo ipakamot mo yung paa niya sa lalamunan mo yan daw ang gamot sabi ng mttanda haha salamat sa dalaw parekoy
hahaha kinuha pa kasi yung singkwenta...=)
Ayun eh. kinurakot mo pa yung sinkwenta. Anong yosi yun? Masarap yung Marlboro Black. Marami nun sa Mini-stop o 7-eleven. Hahaha.
hahaha! XD malay mo matinik ka ulit diba? eh since sabi may cat naman kayo, itry mo na... XD
haha sana 100 sa iyo kwenta sa kanya. feeling ko lang sir may sumasabotahe ng kuryente niyo may kaaway ka ba sir
@TRAVELIZTERA allergic?aw. sayang naman edi puro ka vegies and meat,hehe badtrip tlga pag natinik kasi sa bunganga yun hirap kalikutin,hehe
@DONSTER masaya din sa site mo, :) salamat.
@HAPPII haha uu nga noh inagaw ko na lahat,ambilis nga ng karma eh nauna pa,hehe
@CHENNN uu nga diba malutong na yun, subo kasi ako ng subo eh, lamon ng lamon,haha
@JETTRO haha sabi nga din nila ganun daw ipakamot sa pusa pero parang delikado naman yun baka lalo ako mamoblema dun sa kamot ng pusa,
@PINKNOTE uu nga eh walang patawad eh noh,haha yan karma.
@SWEETHAM menthol lang din daw ata yung black na yun pero diko pa nttry,matry nga minsan,hehe kasama na yung candy saka pngmerienda dun sa 50,haha
@RICH cge pag natinik ulit ako or pag may natinik dito samin,haha
@PAPS haha paps natatawa ako sayo bt tinatawag mokong sir, diko lam bka may kaaway nga ako at sinasabotahe ako,mkapagmatyag nga,
hahaha.. kawawa nman si manong, nakupitan! hahaha.. dapat pinahawak mu sa pusa ung lalamunan mu. hahaha :))
aguy sakit naman un...i hope ok na lalamunan mo. heehee
Have a nice day and God Bless!
@KOX haha onga eh pinagpawisan pa naman siya at halatang npalaban sa mga kable, sabi nga daw nila ganun ang gawin,hehe
@KAREN sakit nga pero ok na naman hehe salamat... :) have a nice day din GodBless!
Post a Comment