Tuesday, July 28, 2009

SO ano NA?

Papahuli ba naman ako. Siyempre hindi. Sisingit lang ako. Kasaysayan to eh. Medyo babawan lang natin.

124 palakpak. Isang standing ovation. Sa loob ng 57 minuto. Mahusay. Magaling. Matapang. Kung ako nasa loob ng plenaryo papalakpak din ako. Kung kasinungalingan man daw ang pinagsasabi ni PGMA, wala na akong pakialam.

Kung ang karamihan hinihintay sabihin ng pangulo ang kanyang mga plano sa 2010. Iba naman ang sa akin. Hinihintay kong isingit niya ang boob job isyu. Oo nga walang kinalaman, gusto ko lang makiusyoso. Di ba ang saya nun, parang naging comedy bar ang plenaryo. Ay teka matagal na palang komedi ito. Dahil komedyante ang mga nandito. Kongreso.

Ilang beses ba pinasalamatan ni PGMA ang kongreso? Medyo marami din. Naks naman proud na proud ang mga mokong. Ang lalaki ng ngiti at tiyan, at hindi napapagod sa kakapalakpak.

Napansin niyo rin ba ang buntot ni Pacman? Bat laging nasa tabi yun ni Manny?
Isa kapa, o ano nasapol ka noh? Kala mo siguro astig ka ngayong nag-PUTANGINA ka sa rally.

Kung tatakbo mang congresswoman si PGMA dito sa Pampanga. Mag-dadalawang isip pa rin akong iboto siya. Buti na lang at hindi namin siya ka-distrito. Hindi ko na problema yun. Sang-ayon kasi ako sa pamumuhunan niya sa edukasyon. Naalala ko tuloy ang yumaong dating Sen. Raul Roco. Kung buhay lang siya at tatakbo ulit na pagka-presidente, di ako magdadalawang isip na iboto siya. Dahil sa kanyang plataporma tungkol sa edukasyon. Sayang lang kasi at hindi siya masyadong nakapangampanya nuong 2004 dahil sa kanyang sakit. Kaya ayun kay GMA tuloy ako kumapit.

Kung tama man o kasinungalingan ang mga datos ng pangulo sa loob ng 9 na taon, hindi ko na alam yun. Huwag na tayong magsisihan. Huwag na tayong magpasahan ng kasalanan. Nakakasawa na eh. Magtulungan na lang kaya tayo. SALAMAT na lang sa ating pangulo, yun na lang masasabi ko. Tama nga naman siya...

"A national problem cannot be knocked out with a single punch." -PGMA

50 Sumablay:

JoiceyTwenty said...

yesss.. ayos to ah. thanks sa pag update ng sona, di ko kase pinanood. hmm, wakoment ako kay GMA eh. pero oo ako din gusto ko si roco. pero nung time na yun di pa ko botante..

Deth said...

uu nga, salamat kay Gloria, papaimbestigahan din daw niya yung mga nawawalang load...nyahahaha

korek, wag nang magsisihan...kilos kilos kilos

Reagan D said...

ako mismo, magpapa boob job..ay, este di pala yun.

basta ako, di ako magpapapogi tapos magmumura in public.
baduy yun.

Superjaid said...

wahaha napanuod ko yung sona kahapon, lahat lahat..haha napabilib nya ako infairness, lalo na ung bout sa education at sa infrastructures kahit na for sure marami rami silang kupit dun,wahaha

RaYe said...

check his tweet (reply to what PGMA said in her SONA):

Gloria, I have to say bad words in public because of bad deeds done in secret

eMPi said...

sabi pa nga ni PGMA... bababa raw siya sa stage na kinatatayuan niya at hindi sa pagka-Presidente nya.

Sabagay, isang taon na rin lang naman... pagbigyan na lang!

ako, hindi ako makakaboto... kainis ang COMELEC...nawala raw ang name ko... tsk tsk tsk... ninakaw ang pangalan ko? ano ba naman yan!!!

Xprosaic said...

Naku sayang di ko napanood pero humabol naman ako sa news kinagabihan jijijijij... ay sayang walang boob job... jejejejeje...

Hari ng sablay said...

@JOICE uu sayang si roco siya sana iboboto ko nung 2004 kaso mhigpit ang laban ni FPJ at GMA kaya si GMA nlang binoto ko kesa manalo si da king,hehe

@DETH tama galaw galaw,hehe ay talaga paiimbestigahan,sana mamigay na rin ng free load,haha

@MANIKREIGUN uu nga baduy yun hndi naman nkakapagdagdag ng kaastigan yun,pero minsan nagagawa ko dn magmura tulad dito sa blog,hehe suri

Hari ng sablay said...

@SUPERJAID ako din npasmile ni PGMA sa mga infractrctures tulad ng mga expresway,pati yung RORO dahil dun bumilis ang kalakalan sa bansa,

@RAYE masyadong naman ata siyang defensive,nakakatuwa naman,haha kunsabagay siya naman tlga pinatatamaan dun,hehe

@MARCOPAOLO uu pagtiisan nalang muna si gloria hndi tlga siya bababa kahit anong gwin natin,hehe naku pare ireport mo yan sa boto mo ipatrol mo,hehe isa ka sa mga minumulto ng comelec,haha

@XPROSIAC uu nga sayang,bkit hndi niya siningit yun,palakpakan sana sa loob ng session, stnding ovation pa, haha

mark said...

aha!
Hindi ko ruin napaNood ang SONa..

aheheh!

EǝʞsuǝJ said...

di ako makarelate
pinanood ko sa tv yung SONA kahapon
pero naunahan lang ako ng inis..
puro pangako at kasinungalingan lang kase

nakakahi-blood lang...

pero natuwa ako sa costume nya
fuschia..girl na girl..haha

Hari ng sablay said...

@MARK sayang hndi mo nakita yung mga kongresista,lols

@JENSKEE haha girl na girl nga pero ngmukha na siyang mtanda,uu nga hndi natin alam kung totoo nga mga yun o kasinungalingan bsta bahala na sila,hehe

Bulaang Katotohanan said...

Yan din yung point ko sa blog ko,
kaso naging litanya siya hahahaha.

Apir!

hahaha yung unang captcha/
wordverification image,
ang nakasulat:
INGLOG
ano ito? ingles + tagalog
hahahahahaha.

shykulasa said...

sa totoo lang natuwa naman ako sa speech ni GMA ... lalo na nung pinatamaan nya si Mar at si Erap! sapul buti nga! hehe ...

a lot had been said about her pero she's really a hardworking president, sobrang napulitika lang!

patola said...

i agree.. lahat tayo may responsibilidad sa bansa natin... hindi lang pangulo...

pero anyways,.. ang cute ng mga damit niya pag SONA.. wahahaha.. may malaki kasing poster sa school eh.. yung mga past na sona niya.. napansin ko lang na cute mga damit... wahahahaha...

Ruel said...

THE SONA was brilliant, PGMA is indeed an intelligent President..

Pansin ko nga maraming pa-thank you si PGMA sa kongreso..

Hari ng sablay said...

@BULAANGKATOTOHANAN apir! nabasa ko nga yung mga sinulat,ayos astig! clap clap! uu ingles tagalog yan, minsan taglish,lols

@SHYKULASA onga pati si de venecia pinatamaan,hehe rumesbak siya sa mga kritiko niya,kaya ayun tuloy todo paliwanag sa balita ang mga pinatamaan niya,haha nakakatawa tlga.

@PATOLA haha cyempre kasama ang fashion dyan,mga kimona ba tawag sa mga yun?

@RUEL kaya nga tuwang tuwa ang kongreso hndi nagsasawang pumalakpak,hehe magaling nga si PGMA kaso sumasablay pgdating sa korupsyon obvious kasi siya msyado,hehe

DRAKE said...

Mekeni ka pala! Bulacan lang ako pre!
Basta isa lang ang tumatak sa akin nasinabi ni PGMA "Those who lives in glass houses should cast NO stone". Astig ...

Pero di mo ba napansin mukhang pastilyas si Gloria sa suot nya? Hehhe bigla tuloy akong nanakam sa pastilyas kahit mukhang biko si Gloria.

Ingat

Hari ng sablay said...

@DRAKE uu pre mekeni ku,hehe bulacan ka lang pala lapit lang,uu nga astig yun pinatamaan si erap,hehe kaw ha may tinatago kang pagnanasa kay gloria sbi mo nanakam ka,haha

Anonymous said...

ok tong post mo :) --- bakit ba kasi hindi na nya sabihin kung ano ang political plan nya? tatakbo ba sya sa congress o hindi? maganda siguro talaga ang view from the top no? -- SO ANO NA nga ba???

Goryo said...

Si gloria halos yearly may SONA... ganun pa rin naman ang Pinas, anong pinagkaiba? wala naman!!

lalo na sa mga maraming TONG-gresman.. kung si Gloria may SONA sila may SAUNA..

ache-che!!!

tomato cafe said...

when you hear a piece of material like the SONA, from a very crooked representative of the government...just being apathetic becomes a wee bit more comfortable.

havent read the whole sona. i dont think it's worthwhile...and i know most of you guys would frown over the apathy. hahaha

Choknat said...

kahit ako kung andun din, papalakpak din ako. haha

nakakahawa un eh.

Anonymous said...

actually, hindi ko na makita ang point ng SONA. Everyone expects the president to exaggerate her achievements and downplay the issues thrown at her. at the same time, hindi naman lahat ng sinasabi niya, nakataga sa bato. sabihin man niya ngayon na hindi siya bababa o kaya hindi siya tatakbo sa pampanga, parang wala ring bearing kasi pwede siyang 'magbago ng isip'. (yess, bitter)

tsaka ang isa ko pang di gusto, ginagawa nilang fashion show ang sona. tulad niyang si loren legarda. hindi na kaya appropriate yung suot niya.

sus. sayang lang sa airtime. :)

Anonymous said...

never mind PGMA issue & her sona; basta di ka sumablay sa pagsang-ayon sa edukasyon! mahusay!!!
sana wala ng balita na may nagkaklase sa ilalim ng puno o yung tipong 70 estudyante sa isang silid. tsk tsk tsk... sana wala sa defense ang pondo kundi sa health and education. tama na nga, next topic pls., lol.

Jepoy said...

Wow naman ang politikal mind ni Hari ng Sablay. Magka distrito kaya tayo?!

gillboard said...

nakakaantok yung sona ni gloria, pero natawa ako nung pinasaringan niya sina villar, roxas at estrada!!! lolz

Crappy ^_^ said...

tsk! sayang, di ko napanood yun.

agree ako sa punto mo, ang platapormang edukasyon di ang binabatayan ko sa pagpili ng magiging susunod na pangulo.

siguro, pag natuloy yung pagiging congresswoman nya, baka dun na nya discuss yung boob job?.hehe :D

ROM CALPITO said...

dito parekoy wala akong masabi dito pagdating sa pulitika at namumuno sa gobyerno ano man ang kahihinatnan.

sasakit lang ang ulo ntin diyan at sasama ang loob natin.

SEAQUEST said...

Ang masasabi ko lang gudluck na lang sa career nilang lahat...iboboto kokung sino ang gusto ko at sa tingin ko ay karapat dapat tutal di rin naman ako yayaman sa kanila eh, saka pag nakasalubong ko sila di rin naman nila ko kilala kaya....

Unknown said...

kaya pala favorite nia c pacman...kc ndi kaya ng single punch nya...nyahahahah!!!!

Madame K said...

oie, musta na yung breast implant ni PGMA? hahaha.. in fairness palaban talaga pangulo natin. hahaha mejo nagustohan ko yung speech niya.. wahahahaha.. mga tao nman kasi yung mga nasa taas hinihila nila pababa. hay naku. kelan pa kaya aasenso ang Pilipinas kong mahal.

madz said...

wow, hahaha, ako, hindi ako impressed sa SONA ni PGMA. wala lang, kasi ayaw ko sa kanya, ahihihi..

Well, una, ano ba ang purpose ng SONA? hindi ba ang iulat ang estado ng Pilipinas sa ilalim ng kanyang pamamahala? So, bakit kelangan pang magparinig? ahihih, sayang lang ang oras at boses nya dun, sa kanya rin babalik un eh..

Isa pa, naikumpara kasi ung last SONA ni Pres. Aquino sa SONA niya na kung 10pts kay Pres. Aquino, siguro nasa 4 or 5pts lang siya, ahihi, ang bias ko :P

Pero ako rin si ROCO talaga ang binoto ko noon.

Hari ng sablay said...

@ANNEVDNS uu nga eh pero filing ko naman hndi mtutuloy yung conass ngyon kundi magkakagulo tlga,ano na nga ba tlaga gloria to binibitin pa tayo,

@GORYO haha onga wala naman ngyayari hndi ko mafil dahil nahihrapan akong mkahanap ng trabaho,haha mga kongresman ewan ko ba skanila,mhilig nga sa tong,lols

@TOMATOCAFE dinugo ilong ko dun ah,hehe actually nkakatuwa nga eh di natin lam kung gaguhan na naman ba o ano na?mpapakamot kana lang tlga ng ulo,

Hari ng sablay said...

@CHOKNAT kmusta?tgal mo nwala ah,pasalubong,hehe onga kakahawa yun chain reaction,haha

@MOONSPARKS uu tama kahit ano pa ang sabihin niyang plan niya nextyir hndi parin guaranteed yun,eh kasi proven ng sinungaling si gloria kaya marami ng di naniniwala skanya,natuwa lang ako sa sona niya kasi mtapang ang pagkadeliver at matalino kasi talaga siya,yung nga lang sablay tlga sa korapsyon...mga ngpapansin lng yung mga fashion chorva na yun,hehe

@DOCGELO salamat doc,pag edukasyon kasi ang nauna susunod na ang lahat,bsta edukado ang tao hndi maghihirap at hindi malalamangan,tsk kakaawa nga yung mga estdyanteng ganun,

Hari ng sablay said...

@JEPOY hndi naman ayoko nga ng pulitika masyado marumi,nakikiuso lang,hehe di ko lam kung mgkdistrito tayo pag ngkasalubong tayo sa daan mlalaman natin,hehe

@GILLBOARD onga eh sapul silang lahat kaya todo explain sa balita,haha nkakatuwa.

@CRAPPY haha eh kasi diba presidente siya ang represntative ng bansa kaya dpat tinalakay niya yung boobjob,bka kasi mging joke na nanaman ito sa ibang lahi,pgtwanan na naman tyong mga pinoy

Hari ng sablay said...

@JETTRO hehe tama ka parekoy magulo kasi ang pulitika dito sa bansa natin,nakikisingit lang ako sa mga talakayan ngayon at nauuso,haha

@SEAQUEST kaya ang iboboto mo ay si?hehe ako dn diko msyado nafifil ang ginagawa ng gbyerno sa sarili ko,hndi ako yumayaman,lols

@KHULETZ uu si pacman ilang beses din pinalakpakan,mas mgnda ata si pacman nlang mging presidente para isang suntok lang,lols

Hari ng sablay said...

@MADAMEK aasenso pa ang pinas maniwala ka yun nga lang ang problema di natin alam kung kelan,yung breast implant?haha diko lam di niya tinalakay eh,

@MADZ onga daming ayaw sa knya eh, ako hndi ako pro- hndi din anti-gloria,nkikita ko lng sa knya yung efort niya,hrdwrking kasi siya at matalino kumpara sa ibng nging pres. yung nga lang kurakot at sinungaling,yung pgpaparinig nkakatuwa lang,hehe unga sayang si roco matalino din kasi yun,idol ko nga siya dati,hehe

puzzle said...

I don't want to applause her SONA. It don't struck my heart unlike Pres. Cory Aquino had.

Eli said...

mixed emotions.. natatawa na naiinis ewan kasi balita ko ung mga facts na sinabi ni gloria eh un din ung mga ginamit niya last sona niya. Tapos ayun.. Nakakahiya man sabihin pero hindi ko pinakinggan ang buong sona niya ewan hindi ako interisado kasi kahit anu pang sabihin niya matagal tagal parin bago maramdaman ng mga pinoy yung kaunlaran na sinasabi niya.

Hari ng sablay said...

@PUZZLE ako ngyon lang tlga ako naintriga sa sona si pgma kasi nga last na daw niya yun kaya ayun pinanuod ko,hehe

@ELAY uu nga yun at yun din naman,walang pinagbago,haha kung meron man hndi ko na alam kung totoo o ksinungalingan,bilib lng ako sa tapang niya at katalinuhan,aasenso pa tayo pag ako nging presidente,haha maniwala ka

Miles said...

di ko napanood yan ee. hindi na siguro ako interesado.
taga Pampanga ka pala kuya. :D
nokarin? ehe.

Unknown said...

Pare, taliwas man ang ating pananaw tungkol sa SONA pero wala ring akong hangad kundi maging maunlad ang ating bandsa. Dapat tayo magkaisa sa ikakaunlad nito.

Bilib ako sa blog mo, tunay na maka-Pilipino!

Maraming Salamat sa pagtangkilik at pagsuporta sa Pagdarasal para sa Dating Pangulo Corazon C. Aquino.

http://qlickblogs.blogspot.com/2009/07/touch-blogger-tie-yellow-ribbon-for.html

Saludo ako sayo, Pre!

Hari ng sablay said...

@MILES wa taga pampanga ku,hehe bsta dyan lang ako sa gilid gilid, sa mga kanto-kanto,haha ikaw ba nokrin ka?

@JHONGMEDINA salamat din pare,saludo din ako sayo,nilink ko din pala yung site mo,hehe bahagi na ng ksaysayan si Ginang Cory kaya nlulungkot ang buong bnsa ksama na ako sa knyang kalagayan,

Anonymous said...

waaaaahh.. napaka late ko na sa mga balita! ansarap kcng matulog at gumala n lng.. hahaha

rich said...

I have no idea dun sa SONA nya dahil this time, medyo di ako nagkainterest... yea I know bad ako. lol pero kasi parang same old story lang naman diba?

pero the best ang SONA na to... STATE OF THE NATION ADDRESS naging sagot lang nya sa mga issue against her administration. XD may nasapul pa! XD oh well, good for him! toink! XD

usapang lalaki lang said...

eversince, si roco ang binoboto ko sa pagkapresidente... nung nawala na sya, i voted for GMA instead of FPJ.

somehow, i regretted that decision for the simple fact na hini ma-unite ni GMA ang mga filipino.

Hari ng sablay said...

@KOX haha ansarap nga ng gnyan kain-tulog-gala,lalo na ngayong masarap ang panahon,hehe

@RICH uu every year ganun at ganun rin lang naman,wala naman nagbabago,hindi ko dn nararamdaman ang pag asenso dahil ang hirap humanap ng trabaho,haha

@USAPANGLALAKILANG pareho tayo pare ganun din ako kay roco,marami at malalim na ang galit ng mga pinoy kay GMA dahil sa mga eskandalo niya,

ohmygums said...

Medyo huli na ako sa mga balitang pulitika tungkol sa bayan natin (pero sa balitang showbiz, updated ako :) ) ,gusto ko lang iparating sa 'yo na ang mga sulatin tulad nito ay ang gaang basahin... agree ako sa punto mo, magtulungan nalang tayo at wag na magsisihan. easier said than done but there's always a way.

Hari ng sablay said...

@OHMYGUMS haha ano ba ang mga maiinit na intriga nayon?may bago bang buntis o scandal?lols tama kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan, maraming salamat :)

Post a Comment