Saturday, July 18, 2009

Perya

Banderitas. Majorette. Banner ng mga pulitiko. Inuman sa tapat ng bahay. Nagbebenta ng mga laruan. Mga nanlilimos. Sayawan sa basketball court. Pa-bingo. Singing contest. Mga palaro tulad ng palosebo, agawan ng buko, hulihan ng baboy o manok... marami pang iba. Ganyan na ganyan ang mga makikita tuwing kapiyestahan dito sa Pinas. Tradisyon nating mga pinoy na hindi nawawala tuwing sasapit ang pista ng ating Santo. Masaya. Masarap. At siyempre 'di mawawala ang perya.

Mahigit isang buwan pa ang pista dito sa amin. Agosto 28. Oo imbitado ka. Mahigit dalawang linggo na ring may perya dito sa baryo namin.

Sa tuwing dadaanan ko ang perya dito, halatang napakatumal. Dahil na rin siguro sa tag-ulan ngayon, kaya limitado ang galaw ng mga tao. Mas nanaisin pang manatili sa loob ng bahay kesa tumapak sa daang maburak.

Bilang bata nuon, nakagawian kong mangulit sa aking mga magulang para lang makapunta sa peryahan. Naranasan ko ring mangupit sa bulsa ng erpats ko at umaalis ng hindi nagpapaalam. Para pumunta sa mundong puno ng aliwan at walang hanggang kasiyahan.

Mga tipikal rides na hindi nawawala sa peryahan...
Ferris wheel - dito ko nadiskubre na may acrophobia pala ako.
Caterpillar - pagkatapos ng ilang ikot kasabay na iikot ang sikmura, sabay suka, sabay tawa.
Horror train - ang mga nanakot minsan kinakagat at sinasabunutan. Minsan din binabato ng lata o bote. Pero wag ka, gumaganti ang mga ito. Meron sa kanila mga manyak ang walang hiya.
Octopus - kailangan mahigpit ang hawak mo dito, kung hindi ibabalik ka sa pinanggalingan mo. Biro lang yun siyempre. Safe naman ang mga 'to.

Hindi rin mawawala ang sugal sa peryahan. Ilan sa mga ito...
Beto beto - depende sa inilabas ng dice kung ilang beses dodoblehin ang tinaya mo.
Color game - na kailangan dahan-dahan ang paghila sa tali. Para daw suspense.
Bingo - pwedi kang manalo dito ng mga kasangkapan sa bahay tulad ng timba, pinggan, arinola at iba pa.
May makikita din larong roleta, itsahan ng barya, hagisan ng bola, etc.

Hindi ko pa nasaksihan ang mga ito, pero sabi ng iba mayroon pa raw mga mapapanuod sa peryahan dati. Kagaya ng mga magikero, sirena, syokoy, babaeng ahas, taong leon, at kung anu-ano pang kalokohan. Nagising na siguro sa katotohanan ang mga tao kaya wala ng masyadong matutunghayan na ganitong uri ng palabas.

Parang bumaba ang langit kapag nakatapak ka na sa mundo ng perya. Nauudlot lang panandalian ang aliwan pag may mga gagong lasing ang nag-aaway at nagsasaksakan pa.

Kapag nakikita ko ang perya sa amin, napapangiti ako at inaalala ang nakaraan. Masaya na malungkot ang nararamdaman ko. Masaya dahil naranasan ko ang kakaibang ligayang idinulot nito sa aking kamusmusan. Malungkot dahil hindi na katulad ng dati... wala na pala ako sa loob ng peryahan.

Kaybilis kasi ng buhay. Taas-baba. Ikot ng ikot. Nakakahilo. Nakakatakot. Nakakalula.

58 Sumablay:

Eli said...

sa perya dito sa may amin ung kaibigan ko naagawan ng bag sa horror train. Parang mga ewan ung nananakot dun, mga nakahubad tas may mabahong body paint sa muka (as if naman makikita eh walang ilaw). hindi sila nakakatakot, nakakadiri sila. n_n

Anonymous said...

aw. namimis ko din tuloy yung perya sa bayan. (sa bundok xe kme) haha.. :)) mahilig di ako sumakay sa mga rides at mkipag away sa mga nananakot sa horror train, haha.. :) mas natatakot p cla sken. ang saya sa perya, lalo na yung barilan.. mahilig ako dun, laging panalo ko. haha. khit korni yung premyo, :) masaya.

Miles said...

I have my own share of memories sa peryahan. :D but that was ages agoooo. but i surely smiled while reading this post. nakakatuwa. i love your entries kuya. :) apir!

miss Gee said...

ansaya pala sa ganyan! pa experience naman?hahah

ang bilis talaga ng buhay di mo mapapansin pag ikot nito..(mamamalayan mo na lng matanda ka na di kapa nakakatuntong ng perya*haha)

RaYe said...

hmnn.. ang UP fair ba counted as perya??

kung hindi, last year pa yung huli ko.. naadek ako sa bingo e.. wuhahahah

HOMER said...

Mahilig ako magganyan dati sa province ng lola ko.. Naadik ako dun sa color game haha!!! Nanalo ako 500 dati haha!! Sugarol! :D

The Pope said...

Isang tradisyong Pilipino at bahagi ng anumang Pyesta ang Perya, paborito ko ay ang paglalaro ng Roleta at pagsakay ng Tsubibo.

Salamat sa pagpapalala ng aking kabataan kung saan ako ay nahumaling sa Perya sa aming bayan.

Purihin ka kaibigan.

Superjaid said...

wahaha ako paborito ko yung maghahagis ka ng bola na parang color game, tapos yung roleta na pwede kang manalo ng maraming maraming pagkain at kung anuano pang anik anik..hahaha pero bihira akong magrides kasi natatakot ako baka masira,wahaha Ü

PinkNote said...

d2 samin nilalangaw na ang perya, siguro kasi mas sosi na ang mga pinoy sa gitna ng recession and all..hehe

ACRYLIQUE said...

Naaliw ako dun sa beto-beto. haha. Saka yung ihahagis na bentisingko sa mga colored-square. :) Ang premyo, isang malalking supot ng PRITOS RING. :)

Hari ng sablay said...

@ELAY haha tama tama matatakot ka tlga sa mga nanakot dun dahil may mga nagnanakaw dn at mpanghipo ang langya,

@KOX hehe onga pala may mga barilan pa tas premyo chichirya,candy,baso, kahit ano nlang,haha isa ka rin cguro sa mga sumasabunot sa mga nanakot,lols

@MILES hehe samalat, apir! iba talaga ang buhay sa peryahan eh noh. puno ng tawanan. :)

Hari ng sablay said...

@MISSGUIDED haha di pa naman huli ang lahat, sabi nga nila lahat ng tao daw may pusong bata di lang natin maipakita dahil matnda na tayo at nahihiya,

@RWETHA ano bng meron sa UP fair?diko lam eh,hehe ako mdming taon ng hndi pumupunta sa perya nkikita ko lang,hehe

@HOMER 500?wow nilugi mo yung ngpapataya,haha kakaadik nga yun,mnsan number gamit dun

Hari ng sablay said...

@THEPOPE onga tsubibo pala yung tawag ng iba dun sa ferris wheel,hehe pareho tayo pope nahumaling dn kaming mgbabarkada dun dati,salamat din :)

@SUPERJAID nkakatakot nga mnsan sumakay dahil yung iba kalawangin na,hehe kahit ano na nga lng pinapapremyo, pati sipit ng buhok, kutsara, haha

@PINKNOTE dito dn npkatumal, prang ngang unti-unti ng nwawala ang sigla ng perya,

@ACRYLIQUE oo yung beinte singko na hndi dapat lumampas sa guhit,hehe pritos ring,haha saka ibat iba pang mga chichrya, rin-bee, snacku,lols

Kablogie said...

Oist lagi din ako nasa perya nun maliit pa ako. nataya nga ako sa beto beto eh hehehe

PABLONG PABLING said...

ganda ng post mo tsong. ang buhay ay parang perya.

PABLONG PABLING said...

kay tagal mong nawala. lols. welcome back sir

Hari ng sablay said...

@KABLOGIE hehe lagi ka rin cgrong tumatakas para magperya,lols nananalo kaba?hehe

@PAPS salamat paps,mdyo bcbchan kasi,saka nandyan lang ako sa tabi-tabi hndi lang msyadong ngpaparamdam,hehe

Anonymous said...

(>^^o)> hekhek...

Wag ding kalimutan yung mga rides na nakakatakot... hindi yun Horror train "repa"...

Yun bang mga rides na nakikita mo yung mga pakong nakausli, mga turnilyong ewan mo kung talagang lawlaw yung pagkakalagay o sinadyang ganun para may design at mag mukhang nakakatakot, at yung mga bakal na nagsilbing support sa mga rides na gumegewang-gewang pag umaandar na...

(>=.=)> Haaayyy....

I remember the days...
Umiiyak pa ko pag nagaabsent ako sa peryahan...

(>^^o)> WIIiiiIIItttWWWweeeeeW!!

(/^o^)/ hekhek!

Hari ng sablay said...

@KIAN haha mas nkakatakot nga yun sa horror train,ang iba kasing mga makina luma na kinakalawang pa,lols ako dn umiiyak pg hndi npgbigyan,hehe kaya tumatakas nlang.

Vivian said...

gustong gusto kong pumapasyal sa mga peryahan pero hindi ako sumasakay sa mga rides dahil may motion sickness ako. kontento na ako sa patingin tingin sa mga sumasakay na mukhang enjoy na enjoy. Nakiki tira din sa mga baril-barilan at iba pang laro, nag iingat di madukotan. Hahahaha.

Anonymous said...

P.S.

(>^o^)> Salamat pala sa pag-tuloy sa mundo ko...in short, salamat sa comment...

Tagal mo ring nawala...

(>^^o)> hekhek!

patola said...

bago ako mag comment eh maraming salamat kaibigan sa pag bisita kay Patola.. =)

nung nasa elementary ako, lagi kaming pumupunta sa perya tapos ang dami ring rides pero di ko rin alam about dun sa taong ahas o taong leon... di pa ako nakapanood nun..

malapit na pala ang fiesta dito saamin... ngayong september na... imbitado ka... xmpre naman... imbitado ka sa kapit bahay namin.. wehehehe..

kapag may fiesta eh may perya sugurado.. yun nga lang, ka edad ko pa yata ang mga rides dito saamin.. medyo kinakalawang na eh... 19 years narin yata... wahahahaha...

pero ang gandang tingnan yung mga bata noh? tuwang tuwa sila sa perya... ganun din ako nung bata pa ako eh...

madz said...

Wow, ang lalim ah..

Sige, punta ako sa fiesta sa inyo, may shuttle ba? ha ha ha..

Ako rin, masaya sa peryahan, pero ngayon hindi na ako nagpupunta... kasi maalikabok, saka marami na ring pick pockets, hindi kaya ikaw un? joke!

krykie said...

perya perya! :D
de ako maxado nag pupunta sa ganito.

wuahaha :D
natrauma kasi ako sa horror train one time!

goshness haha Ü

2ngaw said...

Na miss ko peryahan sa Pinas ah...lalo ung color game, bilis ng pera jan eh, bilis din mawala lolzz

Goryo said...

Nasubukan ko din magperya nung bata pa ako. May isang laro akong paboritong laruin sa perya noon.. Tinatawag sa amin yun nun na A-B-C-.. Laging may tumataya na bogos, yung tipong laging nananalo, pag ikaw na ang maglalaro at tataya, SABLAY na... =)

Ruel said...

Noong bata pa ako umeskapo din ako sa amin makarating lang ng perya..ang masaklap pa doon nauubos lang ang pera ko sa mga palaro..hay...kahit ganon masaya ako..bata kasi..ngayon, naiinggit ako sa mga bata..

ROM CALPITO said...

masarap tlaga may peryahan sa baryo kc may tambayan nanaman mapupula nnman mga mata parekoy

Hermogenes said...

tsubibo...

paborito ko yan

sarap sumakay dyan...

lalo na kapag nasa taas ka na,

para kang ibong malaya...

Joel said...

tok! galing din ako ng perya nung nakaraang linggo sa binangonan. Kulit lang ng peryang yun kasi walang rides, puro sugal lang..

Swerte ako dahil nanalo ako ng 230 sa color game. hehe

Anonymous said...

beto beto? para din ba yang abc? haha. yung naka-sulat yug letters sa maliliit na blocks of wood tapos depende kung ilang beses lumabas yung letter na tinayaan mo, ganon karaming beses din mado-doble yung taya mo?

hahaha. basta, ganon yung nilalaro namin noon. tapos kasama din sa perya experience namin yung pagbili ng sinegwelas tsaka mani. tsaka tumatambay kami noon sa kalsada para makita namin kung ano yung napanalunan ng mga tao: batsa, bareta ng sabong panlaba, mga chichirya at kung anu-ano pa. tsaka siyempre, yung pa-kontes ng miss barangay, santacruzan (kasi May ang piyesta sa amin) tsaka mga sayawan (tawag sa amin baile).

nakakatuwa naman tong post na to. memories.. hahahahaha :)

KESO said...

wah. color game.
adik ako sa color game.

yan lng inaabangan ko pag pyesta dito samen.

:)

Karen said...

Once lang ako nakapunta ng peryahan noon i think grade school pa ako nun para lang sumakay ng Caterpillar, ayaw na ayaw ko sa Ferris Wheel nakakatakot ahahaha. Pag fiesta nasa family relatives lang hindi lumalabas ng gaano kasi dami tao, dami lasing at dumadami din ang mga snatcher and robbers nakakatakot awts.

nakakatakot naman yung mag saksakan i would froze pag nangyari sakin yan ahuhuh wag naman sana. awts

Gusto ko makakita ng serena ahahahaa nung bata pa ako gustong gusto ko maging serena like Ariel sa Little Mermaid. ;))

eMPi said...

may manananggal pa nga e... :)

Rico De Buco said...

Kaybilis kasi ng buhay. Taas-baba. Ikot ng ikot. Nakakahilo. Nakakatakot. Nakakalula. - tama pre parang tsubibo ang buhay...

nice post tol..gling gling tlg ng utol ko ..hahaha nakikiutol eh

Anonymous said...

nakakamiss tuloy ang perya sa pilipinas. favorite ko ung color color. dun ako yumayaman nung bata ako eh. haha!

dito ang korni ng perya eh. walang kwenta tas may entrance fee pa.

A-Z-3-L said...

namiss ko ng sumakay sa nakakahilong byahe sa perya!!!

at ang color game.... tsk..tsk... kakamiss talaga putek!

Hari ng sablay said...

@BINGKAY onga msaya kasi sa perya,ay tlga sayang takot ka sa ganun,ako dn,hehe nkakainggit nga yung mga sumasakay ng ferris wheel buti pa sila hndi natatakot,haha

@KIAN walang anuman repa,finollow dn kita,hehe salamat dn sa comment mo,hndi ako nwala ngpapamiss lang,lols

@PATOLA walang anuman salamat dn sa pagbisita.ako dn diko na naabutan mga plabas na ganun, kala ko pa naman imbitado ako sainyo,ikaw dn imbitado ka sa kapitbahay dn namin,haha 19yrs?gumagana paba mga yan?lols

Hari ng sablay said...

@MADZ uu may shuttle dito sa kanto namin,hehe cge hhntayin ko kayo, uu ako yun mhilig mgnakaw,haha para may ipang-rides at ipantaya,haha

@KRYK bkit ano gnwa sayo ng mga nanakot?mdaming bastos na nanakot eh,

@LORDCM uu nga nkakaadik nga yung color game na yun,hndi ka pwedi dun kung color blind ka,lols

Hari ng sablay said...

@GORYO haha swertihan lang kasi,hndi rin makukuha sa paghila ng tali,hehe uu letters yun iba dun mnsan shapes,hehe

@RUPHAEL nakakainggit nga mga bata pero ngayon npakatumal na ng mga peryahan,wala ng msyadong ngpupunta,nakakaadik kasi mglaro tas kapalit chichirya,hehe

@JETTRO mapupula mata?mga adik ba tinutukoy mo pre?haha

Hari ng sablay said...

@TONIO o pre busyng-busy ah,hehe sarap nga sumakay dyan pero ntatakot ako,filing ko mahuhulog ako,

@KHEED 230?malaki na yun,hehe balato sakin na yung 30,lols balik ka ulit baka nasa kamay mo pa ang swerti,hehe

@MOONSPARKS uu ganun nga tama tama,hehe marami ngang mkakainan sa peryahan saka mabibili,haha oo nga ganun mga prize meron pa ngang timba etc. uu pag mayo tlaga buwan ng mga piyesta,sumasali kaba sa mga miss brgy?hehe

Hari ng sablay said...

@CHEEZY kakadik nga yan,teka nananalo kana man ba?dapat pag swerti ka sa gabing yun wag ka maligo para tuloy2 ang swerti,lols

@KAREN haha preho tayong ntatakot sa ferris wheel,kakatakot naman sa inyo daming magnanakaw,hehe uu may mga ngyayari dn barilan sa mga perya mrami kasing pasaway pag lasing,ako dn gusto ko mging syokoy,lols biro lng,haha

@MARCOPAOLO manananggal?haha prang gusto ko makakita ng ganun,tas iuuwi ko yung klhating ktawan,haha

Hari ng sablay said...

@RICO haha salamat tol,anung balita sa manila? uu prang chubibo nkakahilo ang buhay,paikot-ikot.

@CHIKLETZ haha sosyalan kasi ang perya diyan,hehe kakaadik kasi yung color game eh noh andaling laruin swertihan lng kasi,hehe

@AZEL haha kakahilo ka mga rides pero masaya naman talaga,color na dapat mtalas ang pningin mo, pra dika madaya,hehe

EǝʞsuǝJ said...

HAHAAH...

nakakainis,...
namiss ko na makiupo sa may bingguhan

upo lang pero di ako nataya
di kase ako marunong magbinggo..
:D

Madame K said...

Nakakamiss nga naman talaga ang perya.. Nung bata pa ako gs2 ko talaga sumakay sa mga rides nila lalong lalo na yung horror train na hindi naman nakakatakot.. hahaha

Hari ng sablay said...

@JENSKEE haha sumisingit ka lang pala sa mga bingohan, sa color game kana lang pare madali lang yun okaya sa mga roleta,hehe

Hari ng sablay said...

@MADAMEK haha hndi nga nkakatakot matatakot ka sa mga mismong tao na ambabastos tas ngssnatch pa ang mga walang hiya,haha

Meryl (proud pinay) said...

biglang namiss ko tuloy ang peryahan sa amin nun. nun highskul nako nung sumakay ako sa caterpillar ay nako napahigpit ang hawak ko sa pantalon ng classmate kong lalake hehe.nako ha nakakahiya ...baka sabihin nantsing pa ako ehehe..nun elementary naman ako may malapit din peryahan sa amin nako po takot ako sa chubibo. pero nun college ako...gustong gusto ko na ang mga rides na nakakatakot tulad na lang sa enchanted! un tipong bumabaligtad ang sikmura mo.gusto ko ngang pabalik balik pa ang sakay weeeeehhehe!

madz said...

ha ha, sige, anong oras ba?

hindi nalang ako magsusuot ng pants na may bulsa para hindi ako manakawan ng pick-pockets, ahahahaha

chennn said...

astig astig! one time nalibre pa kaming magpipinsan sa lahat ng rides xe tanod ung tito namin dun sa lugar ng perya. isang tango lang niya oks na. hehe. pero nung mas bata pa ko hindi ako nahilig jan, konserbatib kasi si pudrax, hahaha! pero ngayon, hindi pa rin masyado. takot ako sa tao. lol

icesee said...

Gusto ko pumunta sa perya! YUng Octopus, pag nakasakay ako dun, natatakot ako per after, gsuto ko uli! HAHA!

SEAQUEST said...

Actually ung ferris wheel sa tanang buhay ko isang beses pa lang ako nakasakay pero di nakoumulit grade 5 pa ata ako nun, ung color game po pinagbabawal na ngayon dahil gingawa na itong sugal....

rich said...

aww... I remembered the time when I was young din tapos bbring kami ni mummy sa perya... syempre masaya kami nun ng kapatid ko... kasi di kami pwede lumabas ng bahay nun... yun nga lang yung mga rides na sinasakyan namin yung child-friendly... haha! besides, takot mummy ko sa rides na nakakahilo masyado...

last ko punta ng perya kasama ko office mates ko... meron kasi malapit sa SM Clark last December lang... ayun, aliw naman dun sa mga rides na daig pa yung pinapatay ka... HAHA!!! nabukol pa ko nun kasi nagkauntugan kami ng boyfriend ko dun sa isang ride... XD

pero kung iccompare mo yung dami ng tao nun tsaka ngyon, ang laki ng difference... noon, super dami tao sa perya lagi... yung tipong may line pa just to get ticket for a ride... pero ngayon, minsan kayo lang ng mga kasama mo ang sasakay... :( siguro isang reason na dun yung crisis... syempre nga naman, instead na gumastos ka sa ride, sa iba mo na lang gagastusin money... isa rin siguro yung parang nagsawa na lang yung mga tao... :( sayang naman... kawawa din yung mga taong kinabubuhay nila yung perya... :(

Hari ng sablay said...

@MERYL haha tyansing nga yun tyansing,haha pareho tayo takot dn ako sa chubibo,yoko sa mataas na lugar,hehe antindi naman ng sikmura mo ako diko tlga kaya yun,hehe

@MADZ haha kahit wala kang bulsa walang pinipili ang mga pickpockets,lols matalas ang amoy nila sa pera, oras?kylngan maaga,haha

@CHENNN sarap naman nun, libre,konserbatib?bkit ano ba gagawin mo sa peryahan?hehe naku sa mga nanakot sa horror train ka lang takot niyan,haha

Hari ng sablay said...

@CAMILLE hanap ka ng perya malapit dyan sa inyo,hehe lakas ng loob mo ah, diko kaya yun iikot sikmura ko dun,haha

@SEAQUEST ay talaga sayang naman,andali pa namn ng larong yun nakakaadik,hehe dapat hndi na pera ang prize para mabalik hndi na maging sugal,hehe

@RICH ah yung mga carousel ganun,hehe alam ko din yung sa SM Clark hanga ngayon pa ata nandun pa yun eh,naks sweet kasama ang bf sa rides,hehe uu npansin ko dn yun hndi na ganun kadami ang tao sa mga peryahan,nkaka-awa nga ang mga taong nabubuhay sa perya.

rich said...

^wala na yung sa clark... ilang months din sya nandun. sweet ba? eh di naman ako papayagan sumakay magisa nun eh... XD teka, teka, buti alam mo yung sa clark? lol

kawawa nga... :( kaso wala tayong magagawa... marami na kasi taong nagtitipid ngayon...

Hari ng sablay said...

@RICH ah wala na ba yun?bakit ko alam yung sa clark?secret..hehe malapit lng kasi ako dun, actualy di malapit mga 40mins biyahe,pampanga din kasi ako,hehe

john pogi said...

hellooo........mtapos kong mabasa ung mga comment nyo regarding sa perya, natuwa ako dahil kahit papano ay hindi pa rin nawawala sating mag pinoy ang hilig s perya, kahit pa sabihin ng ibang sugal daw ang lahat ng laro dito....sa totoo lang, wala pa kon sa mundo ay ngtatarabaho na ang mga magulang sa perya, ang tatay ko ay announcer sa bingo at ang nanay ko naman ang kanang kammay ng boss nilang sina josie at eddie rustico na taga marikina.nanggalaing muna na ibang perya sina mama bago malipat kanila kuya eddie.......halos 18 years na rinb sila sa perya ng mag asawang rustico....malaki ang tiwala nila sa mga magulang ko,.....may poabaril at tangga ( hagisan ng piso) kaming pwesto...at may tindahan din kami......hindi laging malakas ang kita sa perya, minsan sagana, minsan naman tiba tiba, lalao na kung maganda ang lugar nyo....ulan ang pinakamalaking kalaban ng perya......pag may ulan, walang kita.........kadalasang alas kwtro ng hapon kami mgbukas ng perya, kaya ang hapunan ay maga, minsan alas tres pa lan=g ng hapon......merong naka tokang taga luto sa perya....tsaka, di uso ang almusal sa buhay naming mga peryante, palibhasay umaga na natatapos ang perya, minsan alas dos o kayay alas tres pag maraming tao........kay6a dapat sanay ka sa puyatan,,,,,,,,,,masarap na mahirap ang buhay peryante,,,,,,,,pero salamt at may mga tao pa rina tumatangkilik sa perya khit na kaunti na lanh nilang pera ay tinataya pa rin sa color game,,,,,,,,,,,, tapos mangngutang pag talo!!!!!!!!!!!! bhahahahahahahah!!!!!!!! salamat!!!! kung gusto nyo magperya<<<<<<<< punta kyo sa parang, marikina>>>>>>>>>>

Post a Comment