Thursday, April 30, 2009

Emily


Now I'm screaming, I'm shouting, I can't hear a thing...
.
My eyes burn and blister, I can't feel the pain...
.
I don't know why I'm here...
.
.
Madeline of Paraluman





Soundtrip. Walang Magawa.

Tuesday, April 28, 2009

Kandot

Tama ang nakikita mong title. Hindi ako nagkakamali sa spelling. At lalung hindi pa malabo ang mga mata mo. Tama. KANDOT.

Kandot is a kapampangan word. Sa tagalog kurot. Sa english pinch.

Madalas gawin pag may gustong tikman na pagkain.
Example
Pare: Mare mukhang masarap 'yang pinya mo ah. Pakandot naman.

Madalas din gawin pag na-cucute-tan sa isang tao.
Example
Pare: Mare dalaga na inaanak ko, ang cute naman. Pakandot nga.

Ginagawa din pag naghaharutan.
Example
Mare: Pare nakakatuwa yung mga anak natin, nagkakandutan.
Pare: Onga, naiinggit tuloy ako.

Ginagawa ding parusa sa laro.
Example
Juan: Pedro kandutin mo na sa puwit si Maria, talo siya.
Pedro: Maria ihanda mo na puwit mo kakandutin ko na yan.
Maria: 'Wag masyado masakit ha.

Ginagawa din ng guro bilang parusa sa estudyanteng parang sirena ng ambulansya ang bunganga.
Example
Teacher: Isa pa at makakandot kana sa singit sa 'kin.

Ilan lamang 'yan ang gamit ng salitang kandot sa kapampangan o kurot sa tagalog.

Alam ko ang mga konserbatibo nagtaasan ng kilay. At ang mga malilibog nagtaasan ng... alam mo na 'yun.

Kung sa karamihan mahalay ang salitang ito, sa aming mga kapampangan normal lang ito.

Nakagawa ako ng entry na ganito dahil sa pag-iiwan ko ng mensahe kagabi sa chatbox ni Crisiboy ng Jologs na Yuppie. Nakalimutan ko kapampangan nga pala ang kandot at hindi tagalog. Hahaha. Natawa ako sa aking sarili. It only means, I'm proud to be a Kapampangan. Dahil buhay na buhay ang lenggawahe namin sa isipan ko, at isinishare sa inyo.


PS. Wag sana bigyan ng malisya. Wag mag-isip ng kung anu-anong kamunduhan. Hahaha. Sensya na, natatawa lang ako.

Sunday, April 26, 2009

Eight chorva

Opo. Na-tag din ako. Hahaha. Natatawa ako. Ano ba 'tong ginagawa ko. Sige na nga. Wala ng paligoy-ligoy pa.

8 things i'm looking forward to:
1) allowance ng mama ko galing kay erpats
2) laban ni pacman
3) kapitan sino
4) bagong soap opera namin ni bea alonzo
5) bagong movie namin ni sarah geronimo
6) bagong commercial ko ng biogesic, ingat!
7) bagong billboard ko sa malls
8) bagong cover-boy ng magazine

8 things i did yesterday:
1) shot
2) yosi
3) magic sing >> mrpatok 'n frens,hehe
4) nagshooting ng bagong soap opera wid bea
5) isiningit ang shooting ng bago naming movie ni sarah
6) isiningit pa din ang commercial ng biogesic, ingat!
7) nagpapicture para sa billboard
8) nagpapicture pa din para sa bagong magazine

8 things i wish i could do:
1) magtrabaho
2) magbagong buhay >> iwas alak yosi tambay
3) play drums >> rakenrol
4) sexy roles
5) maraming project
6) maraming tv ads
7) maraming billboards
8) maraming movie

8 shows i watch:
1) Wowowee
2) Eat bulaga
3) MTB (magandang tanghali bayan)
4) 'Sang linggo na po sila
5) SST (salo salo together)
6) Kwarta o kahon
7) Lunch date
8) Student Canteen

Hahaha. May naka-relate. Tanda na natin.

PS. Hindi ko po idolo si JohnLloyd. Isa lang sa mga kacornihan ko yun.

Saturday, April 25, 2009

Isang bagsakan

Isang mabilis at matinding bagsakan lang po ito.

Unahin ko na ito...

Ang aking tambayan at naging tambayan na din ng iilan (3 ata noh). Ang aking simpleng buhay na naibahagi sa inyo ay nominado sa Filipino Blog of the Week (Week 158) ng The Composed Gentleman. Ang ma-nominate sa isang patimpalak, maliit man o malaki, ay isang karangalan para sa akin dahil akalain mo 'yun may nakaka-appreciate pala sa mga ginagawa mo. Hehe. Salamat Gentleman.

Hindi ko po kayo pinipilit bumoto, pero ang hindi bumoto magkaka-pimples sa puwit. Kayo din, hhhmm. Biro lang. :)

Nung una ginawa ko po tong blog na ito para lamang maisalaysay ang mga nangyaya... Tama na humahaba na. Basta vote wisely. Naks! Click here to vote. Maraming salamat. I owe you one. ;)

Pangalawa...

Isang award na naman ang naibahagi sa akin. Ito ang "The Vespa Friendship Award". Sigurado kayo? Wala ng bawian ha? Hehe. Binigay po ito ng aking kapwa sablay na sina: Pope ng Palipasan, Rhodey ng Kape at Yosi, at Pin(k)oy ng Pin(k)oy. Salamat kaibigan. Salamat Vespa. Mabuhay kayo!

Hindi ko po ito sinasarili at ibabahagi din sa inyo. Medyo nagmamadali lang tayo ngayon dahil isang bagsakan lang ito. Maraming salamat ulit. Sana marami pa. Hehe.

At pang-huli...

Binulabog po ako ni LordCM ng Dungeon LordCM para sa isang mahalagang bagay. Hehe biro lang. Salamat sa tiwala Lord.

Binibigay ko po ang aking suporta sa PEBA para sa isang event tungkol sa... sa... para san na kasi ito? wait titignan ko lang ulit... Ayun para sa Export. Ha?! Ano?! Ay sori sori Expat/OFW po pala, isang parangal ang ibibigay sa makakapagsulat ng napakaganda, inspirational, in someways touches one's life, na may temang Filipinos Abroad - Hope of the Nation, Gift to the World.

Naging interesado ako sa event na ito dahil ang aking erpats at iba pang mga kamag-anak ay nasa ibang bansa. Nagpapakahirap. Nagpapakasakit. Kaya gayun na lamang ang... Naku ayan nanaman. Tama na. Tama na.

Salamat po sa inyong lahat. Sa tiwala. Sa suporta. Mabuhay kayo kaibigan. Katok lang kayo. Welcome na welcome po kayo sa tambayan ko, sa buhay ko.

Thursday, April 23, 2009

Yosi break

Teka yosi muna. Tsiktsik. Iiissstt. Hooooh...

Maraming ideya. Maraming gustong sabihin. Mahirap magkwento. Mahirap simulan at tapusin. Type-delete. Type-delete. Ayoko namang pilitin at palipitin ang utak ko. Baka sumabog. Nakakahiya sa mga kapitbahay. Wala na ngang laman nageeskandalo pa. Itutulog ko na lang sana, kaso baka paggising ko wala na namang jollibee...

Nung bata pa ako. Bata pa rin naman hangga ngayon. Lagi sabi sa 'kin ng erpats ko tuwing hapon... Nak tulog ka muna ng lumaki ka. At paggising mo magmemerienda tayo ng... Siyempre sasagot ako... Jayibi! Kahit akong taya sa taguan. Hahayaan ko na lang mga kalaro kong nakatago at basta na lamang iiwanan. Magsawa kayo sa kakatago. Wala pang limang minuto malalim na pagtulog ko.

Jollibee. Jollibee. Jollibee. Dala-dala sa aking panaginip. Gigising akong nakanganga. At magtatanong... San na po 'yung jayibi?... Naku sayang anak hindi ka kasi agad gumising oras na sarado na. Bukas na lang ha? Sasagut ng pabalang... Hindi na ako matutulog. Stupid question comes with stupid answer. Nagtanong pa kasi ako.

Iiissstt. Hooooh...

Bata kasi kaya madaling maniwala. Mabilis kumapit sa pangako. Simula nun nagtutulog-tulugan na lang ang ginagawa ko. Pero madalas nakakatulog 'din ako ng tuluyan. Hehe.

Ngayon meron pa din talagang mga taong bibilog-bilugin ang ulo mo. Kikiskisin ng kikiskisin. Gagawin at gagawin ka nilang bata para lamang mapagbigyan ang kanilang kagustuhan. At heto ka namang tatanga-tanga para lang wala kang mapahiya, magpapauto ka. It's ok to return a favor. Pero sana nasa oras at katwiran. Kung malaki utang na loob mo, magbayad ka sa tamang panahon. Kadalasan ang inutangan nahihiyang maningil.

Iiissst. Hooooh...

Tulad ng sabi ko sa pambungad. Hirap simulan at tapusin. Kaya ngayon kumakapa ako ng salita. Heto na lang kaha at lighter. Yosi break muna tayo.

Iiissstt. Hooooh...

Wednesday, April 22, 2009

Frustation is starting to kill me

Walang magawa. Naiinip. Nababagot. Nakatingala. Nakasimangot. Nakatulala. Naghihintay. Nalulungkot. Nagmamaktol. Nayayamot. Naiinis. Naaasar. Nabibwisit. Tuliro. Desperado. Nahuhumaling. 'Di mapakali. Naguguluhan. Nagtataka. Nagtatanong. Nababanas. Nakakagigil. Lugmok.

Nararamdaman ko ngayon.


Frustration - Nakakabaliw - Nakamamatay

Tuesday, April 21, 2009

Adik sa blog award

Kasalukuyan po akong nagdodownload ng scandal nung binigay sa akin 'to ni Jenskee(baligtad ang pangalan, hirap itype). Blogger addict award. Tama po 'yun dahil wiwi lang ang pahinga ko pag nagb-blog. Minsan ako'y nauubusan ng ulam dahil dito. Maraming salamat Jen. Wala ng bawian. Hehehe.

Pagkareceive ko po nito na-cancel ko pagdodownload ko. Nataranta ako. First time ko kasi makareceive ng award sa blog. Salamat ulit. Apir!

Monday, April 20, 2009

Dota in life

Kung hindi niyo po natatanong... Sino kausap mo? Sila. Wala silang pakelam sa'yo. Alam ko iseshare ko lang 'to. Bahala ka gagu!

Huwag niyo po siyang pansinin. Isa din ako sa mga bumubuhay sa mga computer shop dati. Wala naman nakikinig. Nagbubukas at nagsasara sa mga ito. Dota magdamagan. Magdamagan mo mukha mo. Natuto ako nito 2006 pa. Pero ngayon tinigilan ko na. Sino niloloko mo? Teka lang po may sasakalin lang ako. yweehkh*&^%$#@!<>?!.

Marami ako natutunan sa larong ito. At nagagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kung marunong kang mag-dota maiintindihan mo sinasabi ko. Heto ang iilan...

Farming - farm lang ng farm. Pati barya ng mama ko finafarm ko.
Deny - pagtinanong ako ng mama ko sino kumuha ng barya niya. Magdedeny ako.
Gumamit ng Empty bottle - ngayon hindi na empty. Full bottle of redhorse.
Wind walk - pagtumatakas ako sa bahay papunta sa napakahabang tagayan.
Ninja moves - pag-umiiwas sa napakahabang tagayan.
Mag-back door - daan ako sa likod ng bahay pagkagaling sa napakahabang tagayan.
Magshare ng crow - paminsan-minsan sineshare ko bird ko. Paminsan-minsan lang naman.
Creeps pulling - magpapansin. Echepwera kasi ako.
Tango of Essifation - lumamon ng lumamon. Palamunin. Pabigat.

Sleep - matulog ng matulog. Tamad.
Stun - tumunganga. Tumambay maghapon.


At marami pang-iba.
Wala na kong maisip eh. Hehe. Tanga ka kaya! Buhay ka pa bwisit ka!




PS. Almost 2 months na kong 'di nakapaglalaro. Busy sa blog.

Friday, April 17, 2009

Bon voyage

Isa sa mga tinuturing kong matalik na kaibigan ay kaaalis lang nung wednesday patungong Singapore. 'Wag natin itago ang kanyang pangalan. Tawit ang tawag sa kanya. Umalis siya dito sa Pinas para makipagsapalaran sa ibang bansa. Bitbit ang pangarap, tapang at lakas ng loob para hanapin ang kapalaran at swerte sa ibang bayan.

Lagi niyang hinanakit... "walang asenso dito sa pinas paps". Mahirap man tanggapin pero sang ayon ako sa sabi niya. Yan ang realidad. Ang mayayaman lalong yumayaman, ang mahihirap lalong naghihirap.

Kaya 'di maiwasan marami sa ating mga kababayan, minabuti pang pagsilbihan ang ibang lahi kesa kapwa Pilipino. Katulad ng erpats ko. Saludo ako sa kanila. Four thumbs up! Ang pinoy walang kasing husay sa diskarte. Hindi marunong umaasa sa iba.

Kung ako po ang tatanungin mas gugustuhin ko magstay dito sa pinas. There's no place like home ika nga. Kahit magulo. Maingay. Makalat. Masaya naman. Pero kung may mga pagkakataong nagtutulak sa akin para mangibang bayan, kaya kong iwan ang Pilipinas. Mahirap pero kung kinakailangan.

Marami sa atin naiipit lang sa ganitong sitwasyon. Base na rin sa estado ng pamumuhay. Sino ba naman ang gustong mawalay sa kanyang mga mahal sa buhay.

Tawit ingat ka na lang diyan. Kaya mo yan paps. Ikaw pa. Pinoy ka.

Pulis Patola

Hay... Hirap magkomento. Nuod na lang kayo.


Failon Etong case.

Thursday, April 16, 2009

Eye-to-eye Contact

Kagabi. Papunta ako sa isang kaibigan para maglasheng. Nakasakay ako ng dyip. Pagod ang mga itsura ng mga pasahero, katatapos lang sigurong maghanap-buhay. Hapong-hapo. Pinoy nga naman, masisipag talaga.

Sa kaka-observe ko 'di ko agad napansin 'tong nasa harapan ko. Nursing student. Mestisa. Maliit ang mukha. May laman ang katawan. Bebot paps. Hindi bagay sa kanya ang magcomute. Galing siguro ng duty.

Hindi na ako nagpacute pa. O nagtangkang makipagkilala. Alam kong ang isang hamak na katulad ko ay walang namang mapapala sa mala-dyosang kagandahang katulad niya. Totoo 'yun. Self-pity?! Ewan ko sa'yo. Anong pinagsasabi ko. Pero totoo nga 'yon.

Tutal mahaba pa naman ang biyahe. Naisipan ko na lang umidlip kahit ilang minutes lang. Para na rin makondisyon sarili ko sa mahaba-habang lashengan nag-aabang sa akin.

Umidlip ako. -.- ZZzzZZ....

Nagising na lang ako dahil sa barumbadong pagmamaneho ni Manong driver.

Barumbadong manong driver: TangNamo! Ayusin mo magmaneho!
TangNgdriver: Gagu!
Only in da Pilifins.

Balik tayo.
Saktong pagmulat ko. Nakatitig sa akin ang katapat kong estudyante. Oo paps. Pinagmamasdan niya ako matulog. Kaagad siyang lumihis ng tingin, na tila ba nahiya bigla. Umikot-ikot ang mata. Minsan napapatingin ulit sa akin. Ako naman ay naconscious 'din. Nag-isip. Bakit kaya ako tinititigan nito? Agad kong inayos ang aking sarili. Nagpunas ng mukha baka merong tumutulo o lumalabas na 'di kanais-nais. Dyahe. Yuck.

Pag may sumasakay na pasahero, sabay daan mata niya sa akin. Maraming beses naulit 'yon. Naisipan kong makipag eye-to-eye contact once na tumingin siya uli. Marami ng nangungulit sa aking isipan. Jackpot 'to, jackpot 'to.

Magaling kaya ito mag-alaga? Nars eh.
Gagamutin niya kaya ang puso kong sablay? Sana.
Marunong 'din kaya siya magpaligo? Haha. Ginawang caregiver.

Malambot siguro kamay nito. Sarap.

Hindi ko na makayanan. Sayang ito. Kumikilig-kilig pa nga ako.

"Bro ito lang. Bigay mo lang sa akin ito hindi na 'ko maglalasheng at mangungupit sa mama ko."

Pero parang ayaw ako pagbigyan ng pagkakataon. Pumupuno ang sasakyan at nauusog siya papalayo sa harap ko. Maingay ang dyip. Nakakahiya naman sumigaw, baka mapagkamalan pa akong holdaper. Bumibilis ang takbo. Kasabay na pagbilis ng tibok ng aking puso. Malapit na rin ako bumaba...

"Manong sa tabi lang..." sigaw ko.

Napalingon siya sa akin. Nakakatitig hanggang sa pagbaba ko. Naghintay ako baka bigla siyang bumaba.

Walang bumaba.


Tuesday, April 14, 2009

Youngstar

Nagsulputan ngayon na parang kabute ang mga bagong aktor at aktres sa mundo ng showbiz. Mga youngstar ika nga. Dahil na rin sa tulong ng ibat-ibang reality show sa kabi-kabilang istasyon. Mga bagong kakikiligan ng bayan, mga bagong heartthrobs at patweetums, mga bagong love teams. At ang mga bagong ito? Maluluma din. Malalaos din. 'Yun ang totoo.

Nuong dekada-90, kabataan ko. Ilan sa mga youngstar na natatandaan ko noon na hangga ngayon ay nasa showbiz pa ay sina Claudine, Jolina, Paolo Contis blah blah blah...

Naalala ko bigla 'yung Ang TV. Owws? Naalala mo rin.

"4:30 na! Ang TV na!
doowadee beedeedeedumbeedeedoo..."


Esmyusskee...
-Your esmyuss.

Ah lola san ho ba papunta itong daan na 'to?
- Eh hindi ko alam apo sa tagal ko na dito di ko pa nakitang umandar yan.
Ngek!!!


Goin' bulilit ngayon. Ang TV noon. Swerti tayo naabutan natin 'yun. Isa sa mga pinagkaka-abalahan at inaabangan natin dati. Hindi tulad ng mga kabataan ngayon (hindi ko naman po nilalahat) dota ang inaatupag. Laging lagpak ang grado sa eskwelahan. Alak. Gimik. Magti-teenager pa nga lang marunong ng manigarilyo. Minsan tirador ng de-lata sa may tindahan. Ang iba naman may hawak hawak...

Teka. Teka lang. Nalilihis ata ako...

Saan na ba kasi tayo? Ay ayun. Onga pla... ang gusto lang sana malaman, saan na yung mga dating youngstar na naging part din ng Ang TV? Ilan kasi sa kanila 'di ko na nakikita.
Tulad nila...

Marc Solis - 'yung kulot na lubog ang mata.
Kristopher Peralta - may langaw sa pisngi. Sidekick ni Patrick Garcia.
Luigi Alvarez - parang labanos. Utol ni Gio Alvarez.
Alfred - matabang batang malaki ang tiyan.
Stefano Morri - may maliit siyang dimple na medyo mahaba ang baba.

Tsaka ibang mga bebot tulad nina Paula Peralejo, Anna Larucea, Erika Fife at marami pang iba. Ilan lang sila sa mga hindi na nagpatuloy sa career.

Maaring isa ka pala sa mga fans nila. Malay natin bumalik sila bigla. Ang saya mo di ba?!


Comments/Testimonials

Malalim na gabi. Tutok pa rin ako sa monitor. Walang magawa. Nagpapaantok lang.

Nagfocus ako sa pagffriendster. Nagbasa-basa ng mga comments/testi. Siyempre testimonial ng mga bebot sa mundo ng friendster. May napansin lang ako, madalas pa lang magcomment sa mga chx na 'to mga lalaki. Ilan sa mga nakita ko...

Elow po, ur so0o pretty my i hav ur no. pls.....muwah...

Nice pix... ur gorjus...do u hav a bf?mwaaah...

Hi tnx 4 d add...tke cre olweiz... mwhaaaa...


Aaminin ko ginawa ko din mga 'to dati, pati nga pag-memessage. Pero walang mwhaaa sa dulo. Ano ba naman 'yun. Bat may kiss pa kasi? Para ba malaman nilang sweet kayo? Hahaha! Sensya na. Nakakatawa lang talaga mga pre. Keep it up!

PS. Walang nagbigay ng no. sa mga hiningan ko. Keber.

Monday, April 13, 2009

Dugo

Ayon sa mga babae, nakairita daw pag dinaratnan sila ng kanilang buwanang dalaw. Laging mainit ang ulo, masungit, may tantrums. Nakakainis ang ganitong sitwasyon. Pero para sa aming mga lalaki (hindi pa handa sa biglaang malakin responsibilidad) naku, isang napakagandang balita na meron mens ang iyong kasintahan.

Kung silang mga babae ay inis na inis dahil hindi sila kumportable, na para bang naalibadbaran ang pakiramdam. Kami naman ay abot tenga ang ngiti.

Delayed nga lang ng 2 days ay parang guguho na ang mundo mo. Balisa ka. Hindi mo alam kung anong gagawin mo. Kung anong sasabihin mo... sa mga magulang mo, sa magulang ng pwedi mong mabuntis, o maging sa totoo mong asawa.

Para maiwasan ang ganitong pagkabahala. Practice safe sex. Use condom. Or mas maganda magsarili ka na lang.

Saturday, April 11, 2009

Ampon

Paano kung natuklasan mong hindi ka pala tunay na anak? Anong gagawin mo? Sasama ba loob mo? Siguro. Magwawala ka ba? Manununtok. Magiging adik-adik. Keber lang. Suicide? Grabe naman 'yun.

Unang tanong na papasaok sa'yo.
"Saan ang tunay kong mga magulang?"
Pangalawang tanong.
"Bakit nila ako pina-ampon?"
Pangatlong tanong.
"Bakit nila ako pina-ampon?"
Pang-apat na tanong.
"Bakit nila ako pina-ampon?"
Panglimang tanong.
"Bakit nga ba?"

Pangunahing depensa ng totoo mong mga magulang...
"Gusto lang kitang magkaroon ng magandang kinabukasan anak..."
At ang isasagot mo...
"'Wag mo ako tawaging anak. Hindi kita ina. Iniluwal mo lang ako! Hmmp!"
Naks! Pangdramarama sa hapon. Pang-AM radio.

Marahil may malalim na dahilan ang isang tao kung bakit nagawa niya ang ganun.
Hindi ko din masisisi ang isang anak sa kanyang naging emosyon.
Hindi ako si Bro para husgahan kung sino tama o mali.

Ang 'di ko lang maintindihan. Bakit ang regalong ipinagkaloob sa'yo ng Diyos ay nakuha mong ipamigay? Iba pa rin kasi magmahal ang tunay na ina't ama.

Naniniwala din ako. Kahit gaano kahirap ang buhay, mabubuhay at mabubuhay pa rin naman tayo kahit papaano.

Tanong mo...
"What if sina Angelina Jolie at Brad Pitt, okaya si Madonna, ang aampon sa anak mo. Papayag ka ba?"
Sagot ko...
"Pag-iisipan ko."

Hahaha! Langya. Lokohan na 'to.

Friday, April 10, 2009

Tinatamad ako

Magbubuhat sana ako ng krus kaso tinatamad ako. Magpipenitensiya sana ako kaso tinatamad ako. Magsisimba sana ako kaso tinatamad ako. Magdadasal sana ako kaso tinatamad ako. Magvivicita iglesia sana ako kagabi kaso tinamad na ako.

Lord tulungan niyo naman po ako...

Anak tinatamad ata ako...

...Sige ibaba mo bubuhatin ko.

Thursday, April 9, 2009

Peace be with you

Bakit sa misa, pag part na ng peace be with you, may naghahalikan. Maliwanag naman pagkakarinig ko PEACE at hindi KISS. Ano kaya yon.

Oo nga inggit lang ako. Eh ano ngayon.

Wednesday, April 8, 2009

Computer Shop

Pinadalhan ako ng laptop ng Tita Lai ko galing Tate. Bitbit ng Lola Au ko paguwi niya dito pinas. Nice nice. Thanks thanks. Binili daw niya dun naka-sale $700. Ayos. Ito gamit ko ngayon. Simula nung dumating 'to. May ugali akong natututunan...

May desktop din ako. Matagal na. Matanda na specs. Bigay naman ng tatay ko nung magcocollege pa lang ako. Ayon echepwera na lang.

Gusto ko makiuso kaya pinalagyan ko 'to ng internet.

Heto ang kwento...

Madalas tumambay dito sa bahay mga kaibigan ng kapatid ko. Ayos ako sa kanila. Ayos din sila sa 'kin. Nakakalaro ko sila ng dota dati kaya naging kuya kuya na din nila ako.

Hindi kumpleto ang paglalaro ng dota pag walang kwentuhan pagkatapos ng maghapong laro. Kaya may mga pagkakataong dito na din sila sa bahay natutulog. Anong oras na pero masigla pa kwentuhan nila. Ok lang sana ang ganun.

Ang ayoko ko lang, katukin ba naman nila akong madaling araw para lang makahiram ng laptop. Pambihira naman oh. Nung una pinagbigyan ko sila. Ayoko naman mapahiya kapatid ko. Pero nung pangalawa, pangatlong beses. Tama na. Ok lang na magbiro ka na sa 'kin pag bagong gising. 'Wag mo lang akong bibitinin sa aking malalim na panaginip.

Dahil nga sa madalas sila dito sa bahay. Madalas din nila ako maabutan naka online. Kahit may ginagawa ako, simpleng pakiusap lang nila na maki-log in sa mga fuck*n friendster nila, hihinto ako sa ginagawa ko. Makikilog-in na nga, magsosounds pa. Hindi kaya nila napag-aralan ang salitang istorbo?! Sa kakabasa ata nila ng kanilang mga comments nakalimutan na nila ang kanilang pakiusap. Ngayon ako itong tangang nakikiusap. Ok lang sana kung paminsan-minsan lang. Pero hindi eh. Araw-araw na nga silang andun sa suki nilang computer shop. Nagdodota at nagdodota lang. Sa maghapon nilang paglalaro, bakit hindi nila doon isingit ang pagffriendster at pakikinig ng mga emo emo tugtog.

Hindi ako maramot. Pero kung may mga taong ganito na nagpupumilit magturo sa akin paano maging maramot, madali akong matututo. Ang sa akin lamang konting respeto. HINDI COMPUTER SHOP ITONG AKING KWARTO!

Tuesday, April 7, 2009

Sakit ngayong tag-init

Hay... Bigat ng aking pakiramdam. Sinisipon. Masakit ang ulo. Nanlalambot. 'Wag naman sanang mauwi sa anumang sikat na sakit ngayong tag-init. Sana simpleng sipon lang. Sana bukas wala na. Naka tatlong inum na nga ako ng gamot.

Siguro nga. Tama ka. Saan kaya makakabili nung Kisspirin tsaka Yakapsule na 'yon?
Nawawala 'yung reseta ko eh.


Monday, April 6, 2009

Pabasa

Nabalitaan ko minsan sa telebisyon. Ang nakalakihan nating pagbabasa ng pasyon, ngayon ay may rap version na din. Anong malaking kalokohan ito?! Pasyon may version. Hahaha! Nakakatuwa lang talagang isipin. Malaki talaga naging impluwensya ni Francis M. sa ating mga Pilipino. Lalo na sa mga kabataan.

Sa aking opinyon, kung nasa puso naman ng mambabasa ang kanyang mga binibigkas, ayos lang siguro kahit anong tono pa nito.

"Yow... Ng mapako sa krus si Kristo, yes yes yo!
Malaki ang kanyang sakripisyo, yow...
Break it down!..."



Happy Holy Week!

Saturday, April 4, 2009

Birthday/Deathday

"Three in one plus one, hapi kaarawan
three in one plus one, hapi hapi hapi kaarawan"

Ay ang corny!! Amp!!

Bertday ng Lola Au ko ngayon. Di ko alam kung ilan taon na siya, late 50's na ata or 60+. Di ako sure, wala akongkwentang apo eh. Pero ang sigurado ko malakas pa siya.

This exact date 7 years ago. Araw ng kapanganakan ng lola ko, ay siya rin araw ng kamatayan ng Ingkong Greg ko. Napakaraming date para malagutan ng hininga, ba't nataon pa sa kaarawan ng asawa niya.

Kung ikaw nasa katayuan ko, paano mo babatiin ang lola mo sa napaka-halagang araw niya?

"Malungkot na kaarawan? Maligayang burol? Condolence sa iyong bertday?"

Hirap di ba? Mahirap magdiwang kapag nagdadalamhati. Minsan hindi maiwasang maglaro sa isipan ko...

"Tinadhana nga bang isilang ang lola ko para mamatay ang lolo ko?"

Look at my lola, very pretty.


PS. Love you both!
PS. Ulit. Bukas erpats ko naman may kaarawan.

Friday, April 3, 2009

Gising Ka Pa?

Madalas kong maranasan 'to, hindi makatulog. Oops! teka muna teka lang... araw-araw naman akong in-love eh. Buset! Ba't pa kasi nauso ang matulog, sayang ang oras. Pagod na katawan ko, gusto ko ng managinip at iwanan ang totoong mundo. Pero gising na gising pa rin ang utak ko. Maliwanag pa din ang monitor sa harap ko. Malikot pa din ang himahinasyon ko. Sige nga try mong ulit-ulitin ang salitang "Himahinasyon"...Ano!?!Huh?! himahiminasyon? himamasyon?! Gulo mo ah...

"Natatandaan mo ba kagabi? Apat na oras tayong nagbabad sa telepono, O inabutan na tayo ng umaga nun. Ngunit bakit ngayon, malamig ka bigla. Magdamag na sa tabi mo, wala man lang Hello! Hello! Hello!" -Telepono by Sugarfree

Pinakawalan ko lang, ang kulit sa isip ko eh. Last song syndrome. Madalas ko kasi mapakinggan.
Swimming daw kami bukas, overnight! Ang lapit-lapit lang overnight pa?! I believe 10-15 kms. lang ang layo. Wala naman ako mareklamo eh trip ng matatanda. Oo matatanda, mga Tita, lola ko mga kasama ko. Mag-eenjoy lang ako dun kung may alak, yosi, videoke, at siyempre mas ok kung may makikilalang bebot. Pwede na saken kamukha ni Roxanne Guinoo. Pwede na rin yung kanyang katawan.

Wait lang, papakawalan ko ulit...

"Natatandaan mo ba kagabi? Apat na oras tayong nagbabad sa telepono, O inabutan na tayo ng umaga nun. Ngunit bakit ngayon, malamig ka bigla. Magdamag na sa tabi mo, wala man lang Hello! Hello! Hello!" -Telepono by Sugarfree

Buset na kantang 'to ah. Iniistorbo ginagawa ko.
Sige na. Nawalan na 'ko ng gana. Ihahanda ko na lang swiming trunks ko.


"Hello! Hello! Hello! Whoohuhu..."

Pinagbiyak na bunga

Isinama ako dati ng boss ko sa La Union. Maganda pala dun. Bibisitahin daw namin gf niya, kaarawan kasi ng pinsan. Pagkakita sa akin ng mga Tita at pinsan ng gf niya. Nagulat sila. Nagulat din ako. May pinakita silang picture. Hindi ko maikakaila. Kamukha ko nasa larawan. Pinsan din pala nila.

Sinasabi ko na nga ba may ginawang kalokohan tatay ko.

Welcome sign ng La Union (Hindi kami mga yan)

PS. Akala ko pa naman kaya nila ako tinitignan dahil... WALA!

Mga Nagbabagang Problema

"Dahil hindi natutulog ang balita, nakatutok kami 24 Oras!"
Kung kapuso ka heto maririnig mong slogan ng GMA News.
"Sa ulo ng mga nagbabagang balita!"
Kung kapamilya ka naman.


Mga balitang mainit-init pa. Balitang nahagip sa iba't-ibang panig ng Pilipinas maging sa buong mundo. At pustahan man tayo laman ng balitang ito ay tungkol sa pulitika, aksidente, kidnaping at showbiz.

Madalas na inaabangan kong segment ay yung Showbiz news. Dahil karaniwang pinapakita dito ay mga sexy pictorial ng iba't-ibang personalidad (pasimple kapa dyan kahit naman ikaw eh!). Mga hiwalayan ng mga loveteams (Viki Belo at Hayden Kho; Kimerald). Mga buntisan sa mga youngstar(dahil sa napakaagang pangangati). Mga demandahan (dahil sa kayabangan at popularidad). Ilan lang ang mga ito sa magulong buhay ng showbiz. Alam ko ang mga ito dahil may dugo akong artista, ka look-alike ko daw si John Lloyd Cruz. DAW ha! Ahihi!

Pero merong magulong buhay ang hihigit pa sa mga artista; mga Politiko. Dahil sa sobrang gulo ng mga buhay nila ayoko ng makigulo pa at talakayin ang mga bagay na ito.

Isa lang naman ang napuna ko sa mga balitang ine-ere gabi-gabi. Malaking porsyento laman ng balita ay problema. Maraming away, di-pagkakaintindihan, problema sa salapi at kapangyarihan. Marami ang gustong maging headline ng balita, madaming pumapapel at gumagawa ng issue. Sandamukal na nga ang pasanin ng ating bayan, pero marami pa din sumisingit at gustong masama sa picture taking, na mababasa mo sa mga dyaryo kinabukasan.

Bunggo dito, bunggo doon. Lipad dito, landing doon. Mga walang disiplina, katigasan ng ulo, at minsa'y katangahan na rin kung bakit maraming taong binabali sariling buto.

BRroom brooom.... Ppitttt...pippiiittttt.... BLLaaaaggaag!!!!

Minsan mapapa-iling ka na lang sa mga nababalitaan mo, Mga Nagbabagang Problema.
Naniniwala ako darating ang araw (sana) puro gudnews naman lumabas sa TV, radyo at dyaryo. Oo sige na nga agree ako, mukhang malabo noh?!


Pero kung mapapansin mo, sa kasalukuyang estado ng bansa, sa mga krisis na dumadaan; nakukuha pang mabuhay ng tao. Ang tao ngang nabangga ang kanyang motorsiklo, una ang labi niya, e nakuha pang ngumiti. Kung sa bagay, magiging malaking problema lang ang problema kung pro-problemahin mo. Hindi ka normal kung wala kang problema. Basta enjoy life paps.

Thursday, April 2, 2009

Calendar method

Tinanong ako minsan nung kumpare ko. Paano daw ba talaga 'yung calendar method. Honestly, hindi ko rin alam. Ang alam ko lang dati, safe magsex 7 days before and 7 days after ng menstrual period. May iba naman nagsasabi 10 days after but not before. May iba din nagsasabi nasa menstrual cycle ng babae 'yon. Magulo. It's a girl thing siguro kaya ganun.

Kanina naisipan kong iresearch ang bagay na 'to. Dagdag kaalaman na din. Marami ako nabuksang site. Hindi ko lang makakalimutan ito. Naghahanap din kasi ng kasagutan...

Riza: Calendar Method: Is it reliable or safe to prevent unwanted pregnancy?

Madami sumagot.

Clarisse: The flaw in the method you are doing is that not every woman ovulates...blah blah blah...

Jenny: I never got pregnant using this method. I have been married...blah blah blah....

Abigael: It is not 100% effective, this is a safer way to reduce the likelihood of...blah blah blah...

Maria: You need to keep a record of the length of each menstrual cycle in order...blah blah blah...

David: YES!!!! Everyday is safe! Promise!

Kung malibog ka nga naman talaga oh.

Ang may pakana

Ginawa ko po 'tong blog na 'to, hindi para magpatawa o baguhin ang pananaw niyo. Gusto ko lang ishare ang aking mga naiisip, nararamdaman at nararanasan. Kung nacornihan ka, salamat. Pareho tayo walang halong biro. Pero kung nakaapreciate ka, maraming salamat.

Tatanggapin ko po ng maluwag sa puso ano man maging puna mo. Pero kung makikipag-away ka lang. 'Wag mo ito gawing kanto o likod ng eskwelahan. Kahit grade 4 lang natapos mo, may pinag-aralan ka na man siguro kahit papano. Humanap ka ng papatol sa'yo, kapareho mong bobo.

Hindi ako mahilig magbasa. Kung tsumismis siguro o makialam sa buhay ng ibang tao, pwedi pa. Sa ganitong paraan kasi, nalalaman ko maigi kung sino talaga ako. Sinong kasing bait at kasing sama ko. Kaparehong daloy ng utak. Tamad pero puno ng pangarap.

Kung experience lang ang pag-uusapan hindi ko masasabing lamang ako sa iyo. Maaring nagbibinata ka pa lang pero kung gagawing aklat ang buhay mo daig pa encyclopedia sa dami ng chapter at revision. Pero kung tatagan ng loob, magkakaroon ka ng magandang laban.

Mababaw ang aking kaligayahan, simpleng joke kahit wala sa tyempo papalakpakan ko. Maluluha lang ako kung sobrang bigat na nararamdaman ko. Mabilis at masakit ako umiyak.

Kung sa pag-ibig... gagawan ko na lang ng sariling topic pag naisipan may time.

Tipikal lang akong tao. Marami kang makikitang katulad ko.
Alam ko ikaw na nagbabasa nito, magkakasundo tayo.

Test blog one 2, one 2

Hello! Hello! Tao po. Hoy!!! Recorded na ba 'to?! Ok good! good! Be ready in... three... two... one...

Magandang araw po. Hayaan niyo akong ilathala dito lahat ng nangyayari sa buhay kong tambay. Maniwala man kayo o hindi pero ako 'to. Totoo. Walang biro o gawa gawa lang. Maaring ang buhay ko ay buhay mo.
Salamat po.

Ok ba 'yun?! Nakuha ba? Ok good! Pack-up na. Its a wrap.

Site under construction


Pasensya na po sa abala. This site will rise soon. Sa katangahan ko kasi na-delete ko mga na-post ko dati. Okie?! Thanks. See you later, aligator.